Ficool

Chapter 123 - chapter 62 (TAGALOG)

Kabanata 62: ang pagdududa at pangarap

 Andoy's Point of View 

 Tatlong araw na ang lumipas mula noong nagkasama kami ni flora sa feeding program sa Tondo, Manila, at ang mga alaala ng mga ngiti ng mga bata at pasasalamat ng mga matatanda ay nananatiling buhay sa isip ko.

 Ang mga sandaling iyon ang nagbibigay ng lakas sa akin upang magpatuloy, kahit na ang bawat araw ay isang pakikibaka sa pagitan ng aking tungkulin at ng aking mga hinahangad na pangarap.

 Tuwing hapon, sinisikap kong sunduin si Flora sa kanyang paaralan patungo sa kanyang dorm. Sa ngayon, ito lamang ang kaya kong gawin para sa kanya, isang simpleng gawain na nagpapakita ng aking mabuting intensyon, kahit na alam ko sa kaibuturan ng aking puso na maaaring nagtatampo na siya sa hindi ko pagsama sa kanya libreng oras nya.

Ilang linggo na rin kaming hindi lumalabas para mag date tulad ng dati, at ayokong isipin niya na nawawalan na ako ng interes o pagmamahal sa kanya.

 Seryoso ako sa layunin kong mapasagot si Flora, mali, hindi lang iyon ang hangad ko. Gusto ko siyang makasama habang buhay, bumuo ng sariling pamilya, at magkaroon ng tahanan na puno ng pagmamahal at katahimikan.

 Ngunit, sa kabila ng mga pangarap na gusto kong makamit, ramdam ko ang bigat ng aking responsibilidad na pinapasan na nagiging dahilan ng matinding kalungkutan at pag kabahala sa hinaharap, gayunman naiibsan lahat ng ito sa tuwing kasama ko si flora. 

 Nahihirapan ako sa kasalukuyan kong sitwasyon. Isang sekreto na inililihim ko sa lahat, maging kay flora. sapagkat sa ngayon naipit ako sa isang bagay na hindi ko kayang talikuran—isang tungkulin na mas malaki kaysa sa aking sariling kaligayahan. 

 Habang nasa loob ng isang lumang van, kasama ang mga kalalakihang may pulang bandana sa kanilang mga braso, tahimik akong nakaupo, ang isip ko ay puno ng magkakahalong emosyon. 

Tama, mga rebelde sila—mga miyembro ng Katipunan. Ang mga pulang bandanang iyon ay hindi lamang palamuti; sila ang sagisag ng aming pinaglalaban, ng aming pag-asa para sa kalayaan ng bayan.

 Pero habang tinititigan ko ang mga bandanang iyon, may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko—isang pagpaalala na ang landas na dinadaanan ko ngayon ay puno ng panganib at sakripisyo. 

 Limang taon na ang nakalipas mula nang matuklasan ko na hindi ako ordinaryong tao. Isang trahedya ang nagbago sa buhay ko—isang madilim na gabi sa isang eskinita sa Maynila, kung saan kasama ko ang mga kaibigan ko, hinabol kami ng mga kastilang pulis.

 Sa gitna ng kaguluhan, isang putok ng baril ang umalingawngas at ilan sa mga bala ang tumama sa akin, at inasahan ko na iyon na ang wakas ko, ngunit isang diwata ang nagligtas sa akin. 

si Ada Ason, ang diwata ng Maynila. Iniligtas nya ako at binigyan ng pagkakataon mabuhay bilang tagapagmana ng kanyang kapangyarihan, dahil doon naging sugo ako.

 Mula sa kalupitan ng mga Kastilang pulis, nabuhay ang sugo ng Maynila na kilala bilang Crimson Cloud Von. Hindi ordinaryong ang tinanggao kong kapangyarihan.

Kaya kong kontrioin ang pulang usok na nilalabas ng katawan ko at gamitin bilang sandata. Kamangha-mangha ito sa una, parang isang panaginip na hindi ko maunawaan.

 Noong una, naguluhan ako. Ang tanging bilin sa akin ni Ada Ason ay gamitin ang kapangyarihang ito upang mapangalagaan ang teritoryo nya, ngunit pagkatapos noon, hindi na siya muling nagpakita o nagsalita mula sa panaginip ko.

 Sa mga unang linggo, natakot ako—hindi ko alam kung bakit ako ang napili, bakit ako ang nagtaglay ng ganitong kapangyarihan. Hindi ako matapang na tao. Hindi rin ako mahilig makipag-away. 

Sa totoo lang, ang plano ko lang sa buhay ay magtrabaho nang maayos, makapagbigay ng magandang buhay sa aking mga magulang, at makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. 

Sapat na iyon para sa akin—isang simpleng buhay na ligtas at payapa. Ngunit ang realidad ng Maynila ay sadyang napakalupit. Araw-araw, nakikita ko ang mga krimen at pang-aabuso na hindi kayang pigilan ng gobyerno. 

Paano nila pipigilan ang kaguluhan kung sila mismo ang ugat ng kahirapan at pagdurusa? Isang gabi, naisip kong gamitin ang kapangyarihan ko.

Isang krimen ang nasaksihan ko— sinubukan kong habulin ang mga magnanakaw sa isang madilim na eskinita. Kahit wala akong alam sa pakikipaglaban, nagawa kong mapatulog ang mga kriminal gamit ang pulang usok ko.

 Ang gabing iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Simula noon, tuwing gabi, lumalabas ako bilang isang vigilante. Mga snatcher, corrupt na pulis, at sindikato ang mga tinatarget ko. Hindi ako pumap0p0atay kahit na mga masasamang tao sila kaya naman binibigyan ko na lng sila ng leksyon na magpapatino sa kanila habang buhay.

Habang dumaraan ang mga araw, naging bahagi na ito ng aking pang araw araw na buhay. Kinilala ako ng mga tao bilang Crimson Cloud Von—isang pangalang nagbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan at nagbigay rin ng takot sa mga kriminal. 

 Subalit, anim na buwan lamang ang nakalipas nang makaharap ko ang ibang sugo ng diwata. Doon ko naranasan ang tunay na laban. Nakaharap ko ang sugo ng Laguna, kasama ang kanyang mga tauhan sa isang labanan. 

Hinuli nila ako at ikinulong sa isang kakaibang bahay na may libu-libong kwarto. Walang paraan para makatakas, wala akong kayang gawin laban sa kanya

at sa huli, sumuko na lang ako.

Hindi naman nila ako gustong patayin; gusto lang nilang malaman ang aking motibo sa pang gugulo sa maynila. Ayon sa sugo ng Laguna, walang saysay ang pagiging vigilante ko kung ito lamang ang gagawin ko sa kapangyarihan ko. 

Ipinaliwanag niya na hindi ko kayang iligtas ang lahat ng tao sa Maynila mula sa mga kriminal at pulis, at lalo lamang mapapahamak ang bayan ko kung itutuloy ko ang paglaban ko gamit ang dahas.

Nilinaw ko naman sa kanya ang kalagayan ng Maynila—ang mga pang-aabuso, ang mga pagdurusa ng mga Pilipino—ngunit sinabihan nya akong mag isip para mabuti na para bang gusto niya akong magbulag-bulagan para sa kapakanan ng katahimikan.

 Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong itigil ang pagtulong sa mga biktima ng mga krimen, lalo na't kaya ko namang magligtas ng buhay. 

 Hindi ko pinakinggan ang sugo ng Laguna. Ipinagpatuloy ko ang paglaban ko laban sa mga Kastila. Hanggang isang araw, nakaharap ko ang pinuno ng mga Kastila sa Maynila—ang demonyong Viceroy na si Magellan.

 Isa siyang walang-awang opisyal na itinuring na rebelde ang lahat ng Pilipino, wala syang pakialam kung may madamay na inosente. Nakita ko mismo ang kanyang kalupitan—kung paano niya pinatay ang mga lalaking napagbintangang rebelde nang walang pag-aalinlangan.

 Hindi ko kayang magbulag-bulagan sa kanyang kasamaan. Makapangyarihan ang aking Crimson Cloud, ngunit nang harapin ko si Magellan, para akong bata na walang laban.

Kaya kong durugin ang buto ng tao sa isang suntok, pero dahil sa mala-bakal na katawan ni magellan ay parang hindi sya naapektuhan ng aking mga atake.

 Nakakahiya man aminin, wala akong laban sa kanya. Hindi ko kayang bigyan ng hustisya ang mga pilipinong pinatay niya. Nang gabing iyon, natalo ako at handa ng patayin, ngunit iniligtas ako ng iba pang mga sugo ng diwata.

 Sila ang dahilan kung bakit malaya pa rin ako at hindi nabitay sa plaza kasama ang iba pang mga napagbintangan bilang rebelde. 

Subalit, dahil sa aking paglaban sa gobyerno, nadamay ang mga inosenteng Pilipino. Kahit hindi nila ginusto mamatay o pinili na lumaban, nagdusa sila dahil sa aking mga aksyon. 

Ang katotohanang ako ang may kasalanan ng kanilang pag kamatay ay parang punyal sa dibdib ko na nakatarak parin hanggang sa ngayon. 

 Nagpagaling ako ng ilang araw sa isang lihim na base ng mga rebelde. Doon ko nakilala si Emil, ang sugo ng Pasay. Isang masayahin at daldal na tao, si Emil ang unang nagpaliwanag sa akin ng layunin ng Katipunan.

Alam ko na noon na ang grupo ay madalas na nanggugulo at nagdudulot ng perwisyo, ngunit ayon kay Emil, ang tunay na hangad nila ay pagbabago—isang bayan na malaya mula sa pang-aabuso ng mga Kastila. 

 Noong una, ayoko sanang sumali sa Katipunan. Alam ko na maaaring madamay ako sa kanilang mga kasalanan, malinis ang konsensya ko dahil kahit isa akong vigilante, hindi ko kailanman pinatay ang sinuman, kahit gaano kasama ang kanilang ginawa. 

Sa halip, pinaparusahan ko sila—para sa akin, mas mabigat na parusa ang maging baldado habang buhay kaysa mamatay na lang agad. Ngunit siniguro ng Katipunan na hindi ko kailangang pumatay o sundin ang mga utos na labag sa aking kalooban. 

Ang nais lang nila ay tumulong ako sa abot ng aking makakaya. Hindi naging problema sa akin ang kanilang gusto. Sa umaga, nagagawa ko pa ring magtrabaho bilang ordinaryong tao na si Andoy, ipinagpatuloy ang aking normal na buhay sa maynila. 

Ngunit pagkalipas ng ilang taon, nagpasya ang Katipunan na magkaroon ng isang pinuno—isang lider na may kakayahang pangunahan ang rebolusyon laban sa mga Kastila.

Tama, simula noon marami ng nagbago sa Katipunan. 

 Sa pamumuno ni Martin, ang sugo ng Quezon City, nagbago ang misyon ng grupo. Hindi na lamang kami tumutulong sa mga tao at pumipigil sa krimen; naging tunay na mga rebelde kami, direktang inaatake ang mga Kastila. Planado at may misyon. 

 Sa ilalim ng pamumuno ni Martin, naging mas organisado ang Katipunan. Ang bawat kilos at galaw ng mga miyembro ay pinag isipan at may pagpayag niya. Gayunpaman, nitong mga nakalipas na buwan, napansin ko ang pagbabago sa kanyang paraan.

 Alam ko na desperado siyang tapusin ang laban, ngunit hindi na niya inaalala ang buhay ng mga inosenteng maaaring madamay. 

 Saksi ako sa kanyang mga aksyon—ang pagsira sa mga ari-arian, ang pagbibihag sa mga tao. Alam ko na para ito sa kalayaan ng bayan, ngunit nag-aalinlangan ako kung tama pa ba ang kanyang pamamaraan. 

Bilang miyembro ng Katipunan, malaki ang naitulong ng grupo sa akin upang masiguro ang kaligtasan ng Maynila, ngunit hindi ko kayang kalimutan ang mga inosenteng nadadamay. 

Hindi rin ako pwedeng kumalas, lalo na't alam ko na hindi ko kayang labanan mag-isa si Magellan.

 Sa kasalukuyan, nagpunta ang grupo sa isang lihim na base militar ng Katipunan sa Cavite upang pagplanuhan ang susunod naming pag-atake. Habang nasa loob ng isang madilim na silid, napapalibutan ng mga miyembro na puno ng determinasyon, nagsalita si Martin bilang pinuno.

 "Hindi kailanman matatalo ng mga Pilipino ang mga Kastila sa isang simpleng digmaan," aniya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. "Kailangan natin ng estratehiya. Ang plano ko ay wasakin ang bawat base militar ng mga Kastila sa buong Luzon. Kapag napahina natin ang kanilang pwersa, wala nang makakasuporta sa kabisera, at madali na nating mapapabagsak si Viceroy Magellan."

Habang nagsasalita si Martin, napansin ko ang mga mata ng mga kasama ko—nagniningning sa pag-asa, ngunit may bakas pa rin ng takot. Alam ko ang panganib ng plano at marami saamin ang posibleng mamatay.

 Isang sugo, si Pio mula sa Valenzuela, ang nagtaas ng kamay. Bagamat hindi siya mahusay sa pakikipaglaban, siya ang tumutulong sa mga nasugatang miyembro pagkatapos ng laban.

"Supremo," sabi ni Pio, ang kanyang boses ay mahinahon ngunit puno ng pag-aalala, "tatlong daan lamang ang ating pwersa sa cavite. Sa tingin ko, mahihirapan tayong wasakin ang base militar sa Cavite." 

 Ngunit para kay Martin, hindi ito magiging hadlang.

 "Hindi natin kailangang mag-alala sa bilang," sagot niya, ang kanyang tono ay puno ng tiwala. "Ang kailangan lang natin ay pigilan ang governador-heneral ng Cavite na makatulong sa ibang sundalo. Kapag nagawa natin iyon, madali na nating makokontrol ang sitwasyon."

Agad na sumabat si Hulyo, ang sugo ng pasig, na kilala sa kanyang maingat na pag-iisip. "Supremo, paano natin masisigurong makakatakas ang ating mga tauhan gamit ang portal?" tanong niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagkabahala. 

"Noong huling operasyon, halos isang daang miyembro ang nahuli dahil hindi agad nabuksan ang portal. Alam ko na mahalaga ang misyon, pero ayoko nang mawalan pa ng mga kasama. Bawat isa sa atin ay mahalaga."

 Sumang-ayon ako sa sinabi ni Hulyo, ngunit hindi ko ito binigkas. Oo, gusto kong lumaban kasama nila pero hangat maaari ay ayokong mamatay ang mga kasamahan ko. 

Alam ko na ang bawat laban ay may panganib at natatakot akong mamatay na lang kami bigla sa laban. Tumango naman si metin bilang pagsang ayon, ngunit ang kanyang sagot ay nagbigay ng kakaibang pangamba sa akin.

 "Alam ko kung gaano kahalaga ang mga nawala saatin, Hulyo. Aakuin ko ang pagkakamaling iyon," aniya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may diin. "Marahil hindi ko lang inaasahan na masasagupa natin ang bwisit na Indang na iyon sa Kawit." 

 Ang pangalang Indang ay nagdulot ng kaba sa akin. ang makapangyarihang sugo ng Kawit. Tama, Nakilala ko n noon sya sa mismong tahanan ni Laguna.

 "Napakalakas niya," dagdag ni Martin, ang kanyang tono ay may bahid ng paghanga. "Sa taglay niyang kapangyarihan, malaki ang maitutulong niya sa Katipunan. Alam ko rin na siya ay dating estudyante ni Laguna, kaya't may kaalaman siya sa chakra, tulad ng mga Kastila."

 Ang usapan tungkol sa chakra ay nagpagulo sa aking isipan. Alam ko na ang kapangyarihan ng mga sugo ay hindi lamang simpleng mahika—may mas malalim na pag aaral na inaaral ng maraming bansa tungkoo sa pag gamit nito.

 Ngunit, ayon kay Martin, wala na kaming oras para magsanay o maghanap ng karagdagang impormasyon para mapag aralan namin ang paraan na ginagamit ng ibang sugo mula sa ibat ibang bansa.

 "Araw-araw, maraming Pilipino ang namamatay at inaabuso," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng galit at determinasyon. "Hindi na natin kayang hintayin pa ang tamang panahon. Kailangan nating kumilos ngayon para sa kanila." 

 Isang sugo ang sumagot, nglkas loob na sumabat si Jana. "Supremo, bakit hindi natin subukang kumbinsihin muli si Heneral Apyong?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa

. "Minsan siyang naging miyembro ng Katipunan, noong isa pa lang itong alyansa at sa tingin ko, hindi siya kagaya ng ibang Kastila na malupit sa mga Pilipino."

 " Alam ko ang sinasabi mo, Jana," sagot ni Martin, ngunit may pait sa kanyang tono. "May malasakit si Apyong sa mga Pilipino, at ginagawa niya ang makakaya niya para sa Cavite. Pero magkaiba ang mga pananaw natin. Tinalikuran niya ang Katipunan para maging heneral, isang desisyon na ginawa niya para sa sariling interes. "

" Tandaan nyo ito, Sa labas ng Cavite, libu-libong Pilipino ang umiiyak at nagdurusa. Tayo lang sa Katipunan ang may kakayahang tumulong sa buong bansa, at tayo lang ang may lakas ng loob na kalabanin ang mga Kastila at ibagsak ang pamahalaan nila dito sa Pilipinas!"

Habang nagsasalita si Martin, nagsisigawan ang mga kasama ko, nagkakaisa sa iisang layunin. Ang kanilang mga tinig ay puno ng sigasig, ngunit sa aking puso, may bahagi na nahati sa pag-aalinlangan.

 Kaisa ako sa kanilang hangarin ng kalayaan at kapayapaan, ngunit may bumabagabag sa aking isipan—isang tanong na hindi ko maalis sa aking dibdib. 

 Tama pa ba ang landas na nilalakaran ko? Ang Katipunan ay nagbigay sa akin ng layunin at pag asa bilang pilipino, ngunit alam ko sa sarili ko na ang mga aksyon ni Martin ay hindi isang mabuting gawain. Isa na syang kriminal at dahil kaisa nya ako sa kanyang layunin ay wala na akong pinagkaiba sa kanya. 

Gusto ko ng kalayaan para sa bayan, ngunit paano kung ang kalayaang ito ay may kasamang sakripisyo ng mga inosenteng buhay?

 Sa kabilang banda, nais ko rin ng isang payapang buhay kasama si Flora—isang buhay na malayo sa digmaan, kung saan maaari kaming maging masaya at bumuo ng pamilya. 

 Kung tutuusin, kaya ko namang tumakas, iwanan ang mapanganib na buhay na ito, at magsimula muli kasama si Flora. Maaari akong magtrabaho tulad ng dati, mamuhay nang simple at masaya.

 Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ideyang ito, nararamdaman ko ang bigat ng aking tungkulin. Tama bang iwan ko ang Katipunan para lamang sa aking sariling kaligayahan? 

Tama bang talikuran ko ang mga Pilipinong nagdurusa dahil lang sa gusto ko ng katahimikan? Nahihirapan ako.

 Sino ang mas mahalaga sa akin? ang babaeng iniibig ko ng buong puso, o ang laban ng Katipunan para sa kalayaan ng mga Pilipino? Hindi ko alam ang pipiliin ko o baka wala talaga akong pwedeng gawin. Ang bawat hakbang sa tinatahak kong landas bilang myembro ng Katipunan ay parang lumang tulay na ano mang iras pwedeng masira. ramdam ko ang bigat at panganib ng sitwasyon ko.

 Habang nagpapatuloy ang pagpupulong, nanatili akong tahimik habang ang aking isipan ay puno ng kalituhan Ang mga salita ni Martin ay nagbibigay inspirasyon saamin lahat ngunit ang mga tanong sa aking puso ay patuloy na hindi nawawala. Sa gitna ng sigasig ng aking mga kasama, naroon ang aking pag-aalinlangan—isang laban sa pagitan ng tungkulin at ng pangarap, ng bayan at ng pag-ibig.

 END OF POV.

Sa isang tahimik na gabi sa Maynila, nakaupo si Flora sa sala ng kanyang dorm, ang kanyang mga daliri ay mahinang humihimas sa screen ng cellphone. Ang liwanag mula sa aparato ay nagbibigay ng banayad na ilaw sa kanyang mukha, ngunit hindi nito maalis ang bigat ng kalungkutan na nakapinta sa kanyang mga mata.

 Sinusubukang magpadala ng isa pang mensahe kay Andoy, ngunit tulad ng mga nakaraang araw, wala syang tugon na natatanggap. 

Hindi niya maipaliwanag ang sakit na dulot ng pag iwas ng binata. Hindi ito nagpaparamdam o nagbibigay man lang ng balita tungkol sa kalagayan nya. 

Alam ng dalaga sa kanyang sarili na may itinatago ang binata, ngunit wala siyang lakas ng loob na tanungin ito ng deretso. 

Ang kanyang isip ay masyado nang abala sa mga aralin at responsibilidad bilang estudyante at lalo syang nahihirapan mag focus sa pag aaral dahil sa mga pangamba at pag aalala sa binatang minamahal nya. 

Sa bawat minutong lumilipas, nararamdaman niya ang takot sa kanyang damdamin—kombinasyon ng pagkabigo, pag-aalala, at isang hindi maipaliwanag na pangungulila.

Habang nakatingin sa cellphone, biglang tumunog ang doorbell, isang matinis na tunog na pumutol sa katahimikan ng gabi.

 Natigilan si Flora, bahagyang nataranta. "Sino kaya 'yon?" bulong niya sa sarili, inaakalang isang delivery lang ng pagkain. 

Dahan-dahan siyang tumayo, hinila ang kanyang maluwag na t-shirt pababa, at naglakad patungo sa pinto. Nang buksan niya ito, halos mapaatras siya sa gulat nang makita ang lalaking nakatayo sa harap niya.

"Heneral Romeo?" halos pasigaw niyang sambit, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka at hindi makapaniwala sa nakikita.

Nakatayo sa pintuan ang kanyang tagapag-alaga sing romeo na nakasuot ng simpleng itim na jacket at maong,

 Hindi naman na nag-aksaya ng oras si romeo sa pagpapaliwanag. Sa halip, diretsong pumasok siya sa loob ng unit ni Flora, na para bang sariling bahay niya rin ito.

 Ang kanyang mga mata ay agad na tumingin-tingin sa paligid, sinusuri ang bawat sulok ng sala—mula sa mga nagkalat na libro sa mesa hanggang sa mga nakasabit na damit sa upuan.

"Teka, Heneral, anong ginagawa mo?" tanong ni Flora, ang kanyang boses ay may halong pagkabahala habang sumusunod kay Romeo. 

Hindi siya sumagot at patuloy na naglakad patungo sa kuwarto ni Flora, binuksan ang pinto, at sinilip ang loob na parang may hinintay na makita.

"Heneral!" sigaw ni Flora, ang kanyang boses ay tumaas na sa inis. "Hindi ka pwedeng basta-basta pumasok sa kuwarto ko! Ano bang problema?"

Binuksan nya rin ang kabinet ni flora na tila may hinahanao. 

" Te-teka bakit mo ba ginagawa yan? Ano bang problema mo? " 

Lumabas si Romeo mula sa kwarto, naging kalmado sya ngunit may bahid ng seryosong ekspresyon. Hl ikang saglit pa ay humarap siya kay Flora at tinitigan siya mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri ang bawat detalye ng kanyang itsura. 

Dahil dito, napaatras si Flora at biglang nahiya ng pagmasdan sya ni romeo. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harap ng dibdib, sinusubukang takpan ang kanyang sarili. 

"Ba-bakit ganyan ka makatingin? Heneral, wag mo akong tignan ng ganyan! Bigyan mo naman ako ng privacy!"

Ngumiti si Romeo, isang ngiting may halong pag-aalala at pagpapatawa. "Wala akong masamang intensyon sa ginawa ko, Flora," sabi niya, ang kanyang boses ay mahinahon ngunit may bigat. "Gusto ko lang siguraduhing walang kakaibang ginagawa ang bunso kong kapatid."

"Ginagawang kakaiba?" sagot ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng hindi makapaniwala. "Ano naman ang gagawin ko? At isa pa, hindi mo ako bunsong kapatid!"

Napangiti si romeo habang pinupuri si flora dahil sa pagiging disenteng babae. Hindi naman nakasagot si flora sa mga sinasabi nito dahil narin hindi nya kayang maunawaan ang iniisip ni romeo. 

 Lumakad si romeo patungo sa sala at umupo sa sofa, na para bang nasa sarili niyang bahay. "Masyado nang mapusok ang mga kabataan ngayon," sabi niya, habang inayos ang kanyang posisyon sa upuan. 

"Hindi ako sigurado kung pinapayagan mo bang pumasok ang kaibigan mong lalaki rito sa unit mo. Papayagan kita sa mga gusto mong gawin, Flora, pero hindi ko papayagan na magkaroon ka ng live-in partner habang nag-aaral ka."

Ang mga pisngi ni Flora ay agad na namula sa kahihiyan. "Heneral!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng galit at pagkapahiya. "Te-teka kaya mo ba pinasok ang kwarto ko dahil iniisip mo may kasama akong lalaki dito? 

" Hindi ko pinapapasok si Andoy dito, at wala akong balak magkaroon ng live-in partner! Ano bang iniisip mo? Napakasama mong mag-isip tungkol sa akin!"

Nakita ni Romeo ang galit sa mga mata ni Flora at napabuntong-hininga. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa dalaga, ang kanyang ekspresyon ay nagbabago mula sa pagbibiro tungo sa seryosong pag-aalala. 

"Pasensya na, Flora," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad. "Hindi ko sinasadyang maki elam sayo o magmalabis sa pag-aalaga sa'yo. Alam ko, masyado akong naging mahigpit. Pero hindi lang ako kasi sanay na ganito ang sitwasyon natin."

Tinitigan niya si Flora, at sa unang pagkakataon, napansin ni Flora ang pagod sa mga mata ng binata.

 "Alam ko naman na nasa tamang edad ka na," patuloy ni Romeo. "Normal lang na magkagusto ka sa ibang lalaki, pero hindi ko maiwasang matakot na baka mapahamak ka. Hindi ko kaya ang isiping may magsasamantala sa'yo o masasaktan ka."

Namula ang kanyang mga pisngi, pero hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa halo-halong damdamin—galit, kahihiyan, at isang hindi maipaliwanag na sakit. "Heneral, kahit marami akong pagkakamali noon, kaya ko namang magbago!" sagot niya, ang kanyang boses ay matapang ngunit may bahid ng pagsusumamo. 

"Hindi ako mapapahamak, lalo na't may kapangyarihan akong taglay. Kung may mananakit sa akin, hinding-hindi ko siya patatawarin. Babaliin ko ang bawat buto niya!"

Nagbiro siya kasabay ang pag suntok sa hangin, sinusubukan nyang gawing magaan ang tensyon dahil alam nya na labis lang na nag aalala si romeo sa kanya. 

 Gayunpaman, habang nagbibiro siya, biglang hinawakan ni Romeo ang kanyang kamay, ang kanyang mga daliri ay mainit laban sa malamig nitong palad. Tinitigan niya si Flora nang maigi na para bang sinusuri ang bawat detalye ng kanyang mukha.

Halos mapalakad oaatras si Flora sa pagkabigla, ang kanyang puso ay biglang tumibok nang mabilis. "A-anong ginagawa mo, Heneral?" tanong niya, ang kanyang boses ay aligaga at puno ng hiya.

Ngumiti si Romeo, isang ngiting may halong lambing at lungkot. "Napakaliit ng kamao mo para maprotektahan ang sarili mo," sabi niya, ang kanyang boses ay mahinahon ngunit puno ng emosyon.

Bago pa makasagot si Flora, hinila siya ni Romeo patungo sa sofa. Napilitan siyang maupo, at sa isang iglap, humiga si Romeo, ginamit nito ang hita ni Flora bilang unan. 

"T-te-teka heneral? " 

Halos manigas si Flora sa gulat, hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. "Heneral, ano bang ginagawa nyo? " sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala. "B-ba-bakit nyo ba ito ginagawa?

"Pwede ba, kahit saglit lang, hayaan mo akong humiga rito?" sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay malambot, halos parang humihingi ng pabor. 

"Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing kakaiba. Gusto ko lang maranasan ulit ito, tulad noong mga bata pa tayo."

"Heneral naman," sagot ni Flora, ang kanyang mukha ay pulang-pula na sa kahihiyan. "Alam mo namang hindi na natin pwedeng gawin ang mga bagay na ginagawa natin noon. Nakakahiya na!"

Ngumiti si Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng init habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Flora. "Kung makapagsalita ka, para bang may ginawa tayong masama noon," sabi niya, ang kanyang tono ay may bahid ng pagbibiro. "Normal lang sa magkakapatid na matulog, maglaro, at maligo nang sabay."

Biglang tinakpan ni Flora ang bibig ni Romeo, ang kanyang mga daliri ay nanginginig sa kahihiyan. "Huwag mo nang banggitin ang mga nakakahiyang bagay mula sa nakaraan!" sigaw niya, halos nagmamakaawa. 

"Heneral, paki usap naman!"

Tumawa si Romeo, isang mahinang tawa na puno ng lambing, at ilang saglit pa ay napapikit, na para bang dinadamdam niyang ang katahimikan ng paligid. 

Hindi na rin umalma si Flora. Sa kabila ng kanyang kahihiyan, nararamdaman niya ang pangungulila sa mga araw na magkasama pa sila pa rin ni Romeo sa iisang bahay at nag tratraining sa kampo, noong mga panahong simple lang ang buhay nila sa mga unang buwan nila sa kampo.

"Wala namang problema sa akin kung gusto mong makasama ako tulad noon," sabi ni Flora, ang kanyang boses ay mahina na, halos pabulong.

 "Pero, Heneral, hindi tama na bigla ka na lang darating dito, papasok sa unit ko, at hihiga sa hita ko. Hindi normal 'yon para sa lalaki at babae, lalo na't hindi naman talaga tayo magkapatid."

Ngumiti si Romeo, ngunit hindi siya sumagot agad. Sa halip, hinintay niya ang katahimikan bago magsalita ulit. "Para sa akin, magkapatid tayo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad.

"Pero bigyan mo naman ako ng pabor kahit minsan, Flora, masyado akong naging abala sa trabaho at gusto ko lang maramdaman ulit na may pamilya ako."

Napabuntong-hininga si Flora, ang kanyang puso ay nahati sa pagitan ng pag-aalala at pag-unawa. Hinayaan niya si Romeo na magpahinga, ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang humihimas sa balikat ng binata bilang pag-aalo.

"Nung sinabi ko na natatakot akong masaktan ka ng ibang lalaki," patuloy ni Romeo, ang kanyang boses ay mabigat na, "ang tinutukoy ko ay ang nararamdaman mo. Ayoko na umuwi ka sa akin at sabihing broken-hearted ka ulit. Alam mo, Flora, masyado kang mabait para saktan lang ng mga lalaki."

Hindi nagustuhan ni Flora ang sinabi ni Romeo. "Heneral, hindi ako uuwi para umiyak lang dahil sa mga lalaki!" sagot niya, ang kanyang tono ay may bahid ng pagmamalaki.

 "Alam ko ang ginagawa ko, at ikaw ang nagsabi na nasa tamang edad na ako para magdesisyon para sa sarili ko!"

Ngumiti si Romeo, ngunit ang kanyang ngiti ay may bahid ng lungkot. "Tama ka, nasa tamang edad ka na nga," sabi niya. "Kaya nga mas natatakot ako. Hindi tulad noon, hindi ko na kayang sundan ka sa lahat ng ginagawa mo. Hindi ko na rin kayang pagalitan ka sa mga maling desisyon mo. Balang araw, Flora, hindi na rin kita makakasama."

Ang mga salita ni Romeo ay parang biglang humila sa puso ni Flora. biglang nabalot ng katahimikan ang paligid, at nakaramdam sya ng matinding kalungkutan. 

Alam niya ang katotohanan sa likod ng mga salita ng binata—hindi habambuhay na mananatili sya sa pangangalaga ni Romeo. Nababatid nya na ang buhay ni romeo bilang sugo at bilang heneral, ay puno ng panganib, at anumang oras, maaaring itong mawala sa kanya. 

Napayuko si flora, mababakas ang malungot na reaksyon sa kanyang mukha. 

"Bakit ba parang nagpapaalam ka na?" tanong ni Flora, ang kanyang boses ay halos basag sa emosyon. "Heneral, huwag kang magsalita nang ganyan. Hindi bagay sa'yo! Ayokong marinig 'yan mula sa'yo. At isa pa, natatakot ka na masaktan ang damdamin ko, pero ikaw pa ang unang nanakit sa puso ko bilang babae!"

Napangiti si Romeo, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng pagsisisi. "Pasensya na, Flora," sabi niya. "Hindi ko sinasadyang saktan ka, at ayokong ako ang magiging sanhi ng kalungkutan mo. Pero maraming bagay ang kailangan nating gawin alang-alang sa kapakanan ng iba. Kailangan nating tanggapin na hindi natin hawak ang mangyayari sa hinaharap."

Tumigil siya saglit, at pagkatapos, tinitigan niya si Flora nang maigi. "Gusto ko lang malaman mo, Flora, na mahal kita higit pa sa buhay ko."

Ang mga salita ni Romeo ay parang kidlat na tumama sa puso ni Flora. Halos manigas siya sa sobrang kaba, ang kanyang mga pisngi ay namula, at ang kanyang puso ay tumibok nang mabilis na para bang sasabog.

 Sinusubukan niyang magpa-kalma ang sarili at pinilit niyang sagutin si Romeo nang may pagbibiro. "Heneral, alam mo talaga kung paano ako pakiligin, ano? Alam mo na may gusto ako sa'yo, kaya ginagamit mo 'yan laban sa akin!"

" Sinabi mo na maghanap ako ng sarili kong kaligayahan pero sa sinasabi mong yan parang ayaw mo naman kalimutan ko ang feelings ko sayo, paano pa ako makakahanap ng boyfriend nyan? " Pabirong sambit ni flora. 

" Kung ako lang ang masusunod ayokong magka boyfriend ka. Gusto kong nasa tabi lang kita palagi. Wala akong tiwala sa ibang lalaki . Ayoko ang ideya na makalimutan mo ako para makasama ang ibang lalaki pero masyado akong makasarili para hilingin ang mga bagay na iyon. " Seryosong sambit ni romeo. 

" Noon pa man makasarili ka na, ikaw lang ang pwedeng magdesisyon kung ano tayo sa isat isa. " Sagot ni flora. 

" Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko. "

Ngunit sa likod ng kanyang pagbibiro, nararamdaman niya ang bigat ng mga salita ni Romeo. Hindi sumagot na si romeo at patuloy lang sa pagtitig sa kanya. 

"Hindi patas na sinasabi mo na mahal mo ako, pero gusto mo lang na maging kapatid ako," dagdag niya, ang kanyang boses ay may halong pait. "Napakasama mo, Heneral. Pero hindi ko alam kung magagalit ba ako sa'yo o hindi, ewan pero siguro dahil ok lang saakin maging ano man ang turing mo saakin. "

Napapikit si romeo habang humihingi ng tawad. 

" Patawad kung iba iyon sa inaasahan mo pero gusto ko lang sabihin ang mga bagay na ito hanggat may pagkakataon pa ako. " Sambit ni romeo. 

Dumilat si Romeo at tinitigan si Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng lambing. " Para saakin normal lang sa pamilya ang magmahalan," sabi niya, ang kanyang tono ay kalmado at puno ng sinseridad.

 "Kaya walang masama kung sasabihin ko na mahal kita. Pero kung tutuusin, ako pa nga ang dapat magtampo, kasi kahit minsan, hindi mo kayang sabihin sa harap ko mismo na mahal mo rin ako."

Napa iling si Flora, nakaramdam sya ng matinding bugso ng damdamin na tila gusto nyan ilabas gamit ang pag iyak. Tinitigan niya ang mga mata ng binata, at sa pagkakataon na iyon napansin niya ang lalim ng kalungkutan na itinatago ng binata—isang kalungkutan na dulot ng mga sakripisyo, ng mga laban na kanyang kinakaharap, at ng mga kasalanan ng nakaraan na patuloy na bumabalot sa kanya.

Alam nyang sobra ng napapagod si romeo sa kanyang laban at naghahanap ng kalinga ng isang pamilya. Na iisip nya sa sarili na dapat may gawin sya para makabawi kay romeo pero wala syang kayang gawin para tulungan ito sa misyon nya bilang heneral maliban sa pagpaparamdam ng kanyang suporta at pag mamahal dito. 

Hindi niya napigilan ang sariling hindi makaramdam ng awa sa binata. Dahan-dahang tinakpan ni Flora ang mga mata ni Romeo gamit ang kanyang mga kamay, sinusubukang itago ang lungkot na nakikita niya.

 "Syempre naman, mahal kita," sabi niya, ang kanyang boses ay halos pabulong, puno ng emosyon. "Ikaw ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Mahal na mahal kita, Heneral, at handa akong gawin ang lahat para sa'yo."

Hindi sumagot si Romeo, at ang katahimikan ay muling bumalot sa kanilang paligid. Pagkatapos ng ilang sandali, humiling siya ng isang bagay na nagpagulat kay Flora.

 "Pwede mo bang haplusin ng kamay mo ang ulo ko habang nagpapahinga ako?" sabi niya, ang kanyang boses ay mahina, 

Nagulat si Flora, ang kanyang mga pisngi ay muling namula. "A-anong gusto mong mangyari?" tanong niya, aligaga. "Heneral, hindi naman 'to gawain ng magkapatid! Lalo na't kasasabi lang natin na mahal natin ang isa't isa… Sa tingin ko, tanging magkasintahan lang ang gumagawa nito!"

Tumawa si Romeo, isang mahinang tawa na puno ng lambing. "Ganun ba?" sabi niya. "Alam ko, nakakahiya, pero tiisin mo na lang. Tumatanda na tayo, Flora, at may kanya-kanya na tayong buhay. Gusto ko lang maranasan ulit ito, kahit sa huling pagkakataon."

Ang mga salita ni Romeo ay parang biglang nagpatigil sa mundo ni flora. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya. Alam niya na si Romeo ay isang istriktong tao, isang heneral na hindi kailanman gagawa ng mga bagay na magpapahiya sa kanya. 

Ngunit nang banggitin nito ang salitang "huling pagkakataon," biglang nagdilim ang kanyang mundo. Pakiramdam niya ay nagpapaalam si Romeo sa kanya at ang kaisipang iyon ay nagdulot ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso.

"Huwag kang magsalita nang ganyan, paki usap." sigaw ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng galit at takot. "Ayokong marinig 'yan, Heneral! Hindi ko gusto marinig yan sayo na parang nagpapaalam ka na."

"Wala akong pakialam kung tumatanda na tayo. Kung iuutos mo, pwede natin itong gawin habang-buhay, alam kong nakakahiya pero handa kong tiisin iyon para lang sayo. "

Napangiti lang si Romeo isang ngiting magtatago sa kanyang nararamdamang lungkot. Hindi siya sumagot, at sa halip, Pinakiramdaman niya ang katahimikan. Nanatili siyang nakahiga habang ang kanyang ulo ay nasa hita ni Flora at dahan-dahang hinahaplos ng dalaga ang kanyang buhok na tila bata. 

Sa bawat haplos, nararamdaman ni Flora halaga ng bawat sandali ng kanilang pinagsamahan—ang mga araw na magkasama sila, ang mga tawa, ang mga simpleng sandali na ngayon ay parang malayong pangarap.

Sa katahimikan ng gabi, habang ang mundo sa labas ay patuloy na umiikot, tahimik na magkasama sina flora at romeo upang iparamdam ang kanilang pagmamahal at pag aalaga sa isat isa. Alam nila na kinakailangan nila ang isat isa bilang pamilya para malampasan ang kalungkutan dulot ng kanilang mga hinaharap na problema. 

Alam ni flora na ang kanilang relasyon ni romeo ay hindi kailanman magiging simple katulad ng iba, ngunit sa mga sandaling ito, habang kasama si Romeo , ang tanging mahalaga sa kanya ay ang matulungan ang isat isa at maiparamdam na kasama nila ang isat isa sa bawat laban bilang pamilya hanggang sa dulo. 

End of chapter

More Chapters