Kabanata 61: Pag-asa sa hinaharap.
Romeo's Point of View
Kinabukasan, nagising ako sa madilim kong kwarto, na napupuno ng katahimikan na parang sumasalamin sa bigat ng aking damdamin.
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, ang katawan ko'y nakakaramdam ng mabigat kahit na sapat ang tulog ko. Pumikit ako at nagdasal sandali, isang ritwal na ginagawa ko araw-araw para magpasalamat sa kalangitan ngunit ngayon ay parang walang laman ang mga salita ko.
Hindi ko maipaliwanag, pero kahit sa pagmulat ng bagong umaga na dapat kung ipagpasalamat ay hindi ko maramdaman ang saya na nararapat sa isang bagong araw.
Maraming tao ang nagpapasalamat sa bawat bukang-liwayway, sa muling pagkakataon na huminga at mabuhay sa mundo pero para sa akin, parang isang dagdag na araw lang ito ng pag-aalala.
Ang tanging dasal ko na lang sa Diyos ay isang simple bagay na lang, sana matapos na ang mga labanang pinagdudusahan naming lahat, sana magkaroon ng kapayapaan kung saan hindi ko na kailangang mag-alala sa kaligtasan ng mga tao sa paligid ko.
Siguro, napapagod na ako sa paulit-ulit na gulo—ang laban sa Katipunan, ang tensyon sa mga Kastila, at ang mga Pilipino na kailangan ng tulong. Ang tanging magagawa ko na lang ay kumilos araw-araw, umaasa na kahit paano, maawa sa amin ang kalangitan.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili, nagmadali akong umalis mula sa aking condo sa Kawit patungo sa kampo militar sa Batangas. Kahit na may mga tauhan akong nag aasikaso sa aking mga tungkulin, kailangan ko pa ring tiyakin na nasusunod ang mga utos ko, lalo na't tungkol ito sa pagpapanatili ng kaayusan.
Bilang gobernador-heneral ng probinsya, hindi ko maikakailang mahirap kontrolin ang lahat ayon sa mga gusto ko, lalo na ang mga Kastilang pulis.
Alam ko na marami sa kanila ang bayaran, nakikipagsabwatan sa mga mayayamang Kastila upang ipagpatuloy ang kanilang masasamang gawain.
Ako amg gobernador-heneral pero hindi kailanman sila naging tapat sa mga utos ko. Mas matibang parin sa kanila ang pera at katayuan.
Sa bawat pagpupulong, pinapaalalahanan ko sila ng kanilang tungkulin, ngunit sa likod ng aking mga iniisip, alam ko na hindi lahat ay makinig o susunod sa gusto kong mangyaring kapayapaan sa probinsya.
Alam ko na tuwing inuutos ko ang pangangalaga sa mga pilipino at pagbibigay sa mga ito ng pantay na pagtrato ay pinagtatawanan lang nila ako. Nalalaman ko na wala saakin ang kanilang katapatan pero kahit ganun kailangan kong gawin ito.
Matapos ang pagpupulong sa mga sundalo, nagmadali akong umalis patungo sa aking doktor. Regular ang pagpunta ko rito upang subaybayan ang aking kalusugan.
Kahit isa akong sugo na may kapangyarihan, madalas akong nakakaranas ng karamdaman dahil sa sobrang pagod at stress. Bilang heneral, hindi ako pwedeng magkasakit, kaya't hindi ko kailanman hinihintay pa na lumala ang kalagayan ko bago magpacheck-up.
Sa klinika, binilinan ako ng aking doktor na magpahinga at uminom ng mga gamot. Inamin ko sa kanya na gumagamit ako ng sleeping pills para makatulog nang maaga at makumpleto ang tulog ko, pero mariin niya akong pinagbawalan na abusuhin ito.
"Romeo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala, "hindi maganda para sa kalusugan mo ang sobrang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Bilang doktor, payo ko, magbakasyon ka muna kahit saglit. Kailangan mong baguhin ang iyong kaisipan para mawala ang depresyon na nararamdaman mo."
Habang palabas ng gusali ng klinika, napaisip ako sa sinabi ng doktor. Posible nga kaya na magbakasyon ako para maayos ang kalagayan ng isip ko? Pero sa totoo lang, alam ko na wala akong oras para diyan. Ang mga responsibilidad ko bilang heneral ay hindi nagbibigay ng puwang para sa ganoong luho.
Sa loob ng sasakyan, tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone. Mahigit tatlong oras ang byahe pabalik sa Kawit, at mukhang aabutin ako ng trapik.
Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone ko at nag-text sa babaeng nakausap ko kahapon—ang babaeng nagtrabaho sa karinderya.
Sumasagot naman siya, pero kahit sa text, ramdam ko ang kanyang pagkasungit.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro, natutuwa lang talaga ako sa kanya. Bilang heneral, hindi ko madalas maipahayag ang aking tunay na sarili o makipaglaro nang simple sa ibang kabataan.
Pero dahil sa pagkakataong ito, nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng kasama sa paglalaro, kahit na kailangan ko pang magbayad para rito.
Kinatanghalian, pareho kaming nakarating sa isang mall sa Kawit. Nakita ko siya sa tapat ng isang tindahan, nag-aantay. Nakasuot siya ng asul na jacket at puting t-shirt, at tulad ng dati, parang lalaki ang kanyang porma—baggy ang damit at may suot siyang cap na baliktad.
Hindi naman iyon malaking bagay sa akin at ang totoo natutuwa lang ako na makita sa babae ang ganung mga kasuotan.
Agad ko siyang binati. "Kanina ka pa ba?" tanong ko, sinusubukang maging magaan ang usapan.
Kagaya ng inaasahan, masungit agad ang sagot niya. "Kung sinabi mo lang na malalate ka, hindi sana ako dumating nang maaga!" aniya, ang kanyang boses ay puno ng inis.
"Pasensya na talaga," sagot ko, sinusubukang pakalmahin ito. "Galing pa ako ng Batangas, at isa pa, ang hirap maghanap ng parking dito."
Napakunot siya ng noo, halatang hindi kumbinsido. "Totoo bang galing ka pa ng Batangas?" tanong niya, ang tono'y puno ng pagdududa. "Parang nagdadahilan ka lang."
Hindi ko siya masisi kung hindi siya naniniwala—hindi niya naman talaga ako kilala. Kahit sabihin ko pang kailangan kong i-check ang trabaho ko, alam ko na iisipin niya lang na nagpapalusot ako.
Alam ko rin na hindi ito magandang simula para sa isang masayang araw, kaya inaya ko na lang siyang kumain muna bago maglaro.
"Wag kang mag-alala, libre ko ang pagkain natin ngayon," sabi ko, sinusubukang maging magiliw. "Ako naman ang nag-aya, kaya sagot ko na."
Pumayag naman siya, pero agad nyang sinabi na mas gusto niyang kumain sa food court kaysa sa restaurant. "Masyadong matagal mag-serve sa mga restaurant," aniya, "at hindi rin ako komportable na dalawa lang tayong kakain na parang nagde-date."
Napangiti ako sa sinabi niya, pero tinanong ko, "Ganoon ba kasama ang makasama akong kumain?"
Kagaya ng inaasahan, hindi niya itinanggi ang nararamdaman. "Hindi ko gusto ang mga katulad mo," sabi niya nang matapang. "Kahit wala kang ginagawa sa akin, hindi ko maiwasang mainis. Hindi ko alam kung bakit, pero ganun talaga."
Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Wala akong ideya sa mga pinagdaanan niya, kaya hinayaan ko na lang. Sa halip, pinaalalahanan ko siya na wala akong ibang layunin kundi ang magkaroon ng kasama sa paglalaro.
"Wag kang mag-alala, wala akong masamang balak sa'yo," sabi ko, sinusubukang maging magaan ang tono ko. "Gusto ko lang magkaroon ng makakalaro at makakasama."
"Talaga?" sagot niya, ang boses ay puno pa rin ng pagdududa. "Hindi ko alam kung anong trip mo, pero tatanggapin ko 'tong trabahong ito dahil kailangan ko ng pera."
Napangiti ako sa sagot niya. "Tama, siguro nga trabaho lang 'to para sa'yo," sabi ko. "Pero okay lang sa akin kung ituring mo 'tong trabaho. Sinabi ng doktor ko na kailangan ko ng pagkakalibangan at kasama para mawala ang negatibong kaisipan ko. Okay lang sa akin na magbayad, pero siguraduhin mong mananalo ka sa mga laro, ha, kundi hindi kita babayaran!"
Bigla siyang umalma. "Hoy, wala 'yan sa usapan natin!" aniya, halatang nainis. Para mas asarin pa siya, tinanong ko, "Natatakot ka bang matalo sa akin?"
Agad siyang kumontra. "Hindi ako natatakot!" sabi niya, ang boses ay puno ng kumpiyansa. "Basta gamitin natin ang mga paborito kong laro, siguradong mananalo ako!" Pero pagkatapos, inulit niya,
"Kahit na, hindi ko tatanggapin ang hamon mo nang basta-basta. Kailangan ko ng pera, kaya hindi ko pwedeng ipagsapalaran 'yan."
Napangiti na lang ako habang sinasabing nagbibiro lang ako. "Tara na, kumain na tayo sa food court para makapagsimula na tayong maglaro," sabi ko, at agad kaming naglakad patungo roon.
Habang kumakain kami, napansin ko ang kanyang mga sulyap. Paminsan-minsan, tinitingnan niya ako, pero kapag nahuhuli ko ang mga mata niya, agad siyang umiiwas.
Hindi ko maiwasang mapangiti—kahit masungit siya, may isang bahagi sa kanya na nakakatuwa, parang batang nagtatampo pero gustong-gusto rin makipag-usap sa katulad nya.
"Bakit ba ang sungit mo lagi?" tanong ko, sinusubukang maging magaan ang usapan. "Parang bang kasalanan ko lahat ng problema mo sa mundo."
"Hmp, hindi naman sa ganun," sagot niya, ang boses ay medyo mahina na. "Pero alam mo, hindi madali para sa akin na magtiwala sa katulad mo, masyado kang mabait at nakakapagduda iyon. "
Ang mga salita niya ay tumama sa akin, pero hindi ko hinayaang makita ang epekto nito. "Alam ko naman 'yan," sabi ko, sinusubukang panatilihin ang kalmado ko. "Pero hindi madaling patunayan ang sarili ko kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon. "
Tumango siya, pero halata pa rin ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Kung sa bagay," aniya, bago muling tumingin sa pagkain niya.
Hindi ko na pinilit ang usapan, alam ko na hindi rin naman siya makikinig kung magpapaliwanag ako. Sa halip, hinayaan ko na lang ang katahimikan, at pagkatapos kumain, nagpunta na kami sa arcade sa loob ng mall.
Habang naglalaro kami, unti-unting nawala ang kanyang pagkasungit. Kapag natatalo ko siya sa laro, naiinis siya, pero kapag siya naman ang nananalo, hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Sa bawat tawa niya, parang nawawala ang bigat ng araw ko. Sa pagkakataon na iyon, naramdaman ko na parang normal lang akong tao, hindi isang heneral na may dala-dalang responsibilidad ng isang probinsya.
"Ang daya mo!" sigaw niya nang matalo ko siya sa isang racing game. "Sigurado akong nag-cheat ka!"
"Hoy, hindi ako nandadaya!" sagot ko, natatawa. "Mas magaling lang talaga ako sa'yo!"
"Hmp, ulitin natin 'yan!" hamon niya, at kahit masungit ang tono, kita ko ang kislap ng saya sa kanyang mga mata.
Sa mga oras na iyon, napagtanto ko na ito ang nagagawa ko ang mga gusto ko sa mga sandaling iyon—isang simpleng sandali ng kasiyahan, walang laban, walang digmaan, walang Katipunan.
Pero sa likod ng pag iisip ko ng mga masasayang bagay, alam ko na pansamantala lang ito. Alam ko na babalik din ako sa realidad ng aking tungkulin, sa mga laban na hindi ko kayang iwasan.
End of Romeo's POV
---
Samantala, sa Maynila, abala si Flora sa kanyang pag-aaral at sa mga proyektong pangkomunidad na kanyang sinuportahan. Isa sa mga ginagawa niya tuwing lingo ay ang feeding program para sa mga batang kalye, isang proyekto na pinangungunahan ng ampunan na tinutulungan niya.
Habang naghahanda ng mga pagkain at inilalagay ang mga ito sa mga lalagyan, nilapitan siya ng isang babaeng kasama sa proyekto.
"Flora, salamat talaga sa dedikasyon mo rito," sabi ng babae, ang boses ay puno ng pasasalamat. "Malaking tulong ang ginagawa mo para sa mga bata."
Ngumiti si Flora, bahagyang nahihiya. "Wala lang 'to," sagot niya. "Gusto ko lang makatulong sa abot ng makakaya ko."
Bago umalis ang babae, binilinan niya si Flora na sumama sa kanila sa pagkain bago simulan ang programa, para magkaroon sila ng lakas.
Tumango si Flora, ngunit bago pa siya makabalik sa paghahanda, biglang may tumakip na mga kamay sa kanyang mga mata mula sa likuran.
"Hulaan mo kung sino 'to!" isang pamilyar na boses ang narinig niya, at agad niyang napagtanto na si Andoy iyon.
Hinawakan ni Flora ang kamay ng binata at humarap, nakasimangot. "Buti naman at pumunta ka pa!" sabi niya, ang tono'y may bahid ng inis. "Akala ko tatakasan mo na naman kami sa proyekto!"
Napangiti si Andoy, bahagyang napakamot sa ulo. "Pasensya na, Flora," sabi niya, ang boses ay puno ng sinseridad. "Hindi ko naman gustong hindi sumipot, pero abala talaga ako sa trabaho."
Napabuntong-hininga si Flora. Alam niya na wala siyang magagawa tungkol dito, pero nakakaramdam parin sya ng pag-aalala. Inabot niya ang mga lalagyan kay Andoy at sinabihan siyang tumulong sa pagbabalot.
Nakangiti naman itong sumunod sa utos ng dalaga, at habang naghahanda sila, napansin ni Flora ang sariling pag-aalinlangan. Gusto niyang magtanong ng mga bagay bagay, pero parang may tumutulak sa kanyang loob para mag alinlangan.
Pasulyap-sulyap siya kay Andoy, at sa bawat tingin, natitigilan siya, mahahalata sa kanyang kilos na may gustong sabihin pero hindi alam kung paano magtatanong sa binata.
Napansin naman ito ni Andoy, kaya siya na ang unang nagsalita.
"Ah… eh… may problema ba?" tanong niya, bahagyang nag-aalala. "Pakiramdam ko may nagawa na naman akong mali."
Umiling si Flora, pero hindi niya napigilan ang sarili hindi sumagot. "Nauunawaan ko naman na abala ka sa trabaho," sabi niya, ang boses ay mahina. "Pero nag-aalala lang ako. Ang totoo, wala naman akong karapatan na magtanong ng mga bagay tungkol sa'yo, pero sobra na rin nag-aalala ang mga magulang mo."
"Huh? Mga magulang ko?" tanong ni Andoy, halatang nagulat.
Doon naikuwento ni Flora na nagpunta siya sa bahay nila Andoy para sorpresahin siya, pero nasabi ng mga magulang nito na mahigit isang buwan nang hindi umuuwi ang binata.
Naguguluhan si Flora kung bakit parang iniiwasan ni Andoy ang kanyang pamilya. Napansin niya rin na nagpalit ng numero si Andoy, na para bang sinadya nitong putulin ang ugnayan sa kanila.
"Nakita ko kung gaano mo kamahal ang mga magulang mo," sabi ni Flora, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Wala naman akong nakikitang dahilan para itago mo ang sarili mo sa kanila."
Habang nagsasalita siya, biglang hinawakan ni Andoy ang ulo ni flora, na ikinagulat niya at napatahimik na lamang.
Pagharap niya, nakita niya ang matamis na ngiti ng binata. "Salamat, Flora," sabi ni Andoy, ang boses ay puno ng init. "Alam ko na nag-aalala ka lang sa akin, at labis kong pinapahalagahan 'yon."
Pagkatapos magpasalamat, hindi na siya nagsalita ulit at bumalik sa paghahanda ng pagkain.
Napapout na lang si Flora, parang nagtatampo. "Sana naman, kahit hindi ko itanong, magbigay ka man lang ng paliwanag," sabi niya habang ang boses ay may bahid ng hinanakit.
Napakamot ulo si Andoy at muling ngumiti. "Alam mo kasi, tutol ang pamilya ko sa pagtatrabaho ko sa ibang lugar," paliwanag niya. "Palagi kaming nagtatalo tungkol diyan pero hindi ko pwedeng ihinto iyon dahil doon ako kumikita."
Ipinaliwanag niya na gusto ng kanyang pamilya na manatili siya sa Maynila, pero hindi iyon ganoon kadali. Maliit ang sahod niya sa maynila, at hindi sapat iyon para suportahan ang pamilya.
Sinubukan na niya ang lahat ng trabahong kaya niyang pasukin, pero napakakaunti ng oportunidad para sa mga Pilipino dahil inuuna ang mga Kastila.
"Humihingi ako ng pang-unawa, Flora," sabi niya, ang boses ay puno ng sinseridad. "Hindi ko gusto na malayo sa pamilya ko, pero kailangan ko itong gawin. Siguro mga tatlo o limang taon, makakaipon na ako para makabili ng bahay para sa kanila."
Nalungkot si Flora sa narinig mula sa binata. "Napakasama kong anak," dugtong ni Andoy, "pero alam ko na mauunawaan din nila balang raw ang gusto kong gawin."
Humingi naman ng tawad si Flora dahil sa naitanong nya sa binata, pero agad na pinaliwanagan ni andoy ang dalaga. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad," sabi niya, ngumiti. "Napakalaking bagay na may sumusuporta at naniniwala sa akin na katulad mo,"
Inilapag ni Andoy ang hawak niyang lalagyan at hinawakan ang kamay ni Flora. "Bigyan mo ako ng ilang taon," sabi niya habang ang boses ay puno ng determinasyon. "Ipinapangako ko, bibigyan kita ng magandang buhay."
Halos manigas si Flora dahil sa mga narinig sa binata, ang mga pisngi nya, y namula sa hiya. Hindi siya makatingin kay Andoy, at ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Alam ko na hindi ko kayang pantayan ang ibinigay ng guardian mo," patuloy ni Andoy, "o ibigay ang lahat ng gusto mo. Isa lang akong mahirap na tao, pero kaya kong patunayan na kaya kitang bigyan ng maayos na buhay."
Sa sobrang hiya, napahawak si Flora sa pisngi niya, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Bigla siyang tumalikod, naguguluhan sa nararamdaman at nagtatanong sa sarili kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso niya.
Napansin ni Andoy ang reaksyon niya at agad na nag-alala. "Pasensya na, Flora," sabi niya. "Hindi ko sinasadya na ipressure ka. Gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa pagsisikap ko. Kung hindi ako sapat para sa'yo, tatanggapin ko 'yon. Ang mahalaga, binigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko."
Pinatigil siya ni Flora sa pagsasalita, tinakpan nito bibig ng binata habang nakayuko ito. "Tama na," sabi niya, ang boses ay halos pabulong. "Wag ka nang magsalita ng mga nakakahiyang bagay, paki usap!"
Nagtaka si Andoy sa ikinilos ng dalaga, pero napangiti nang makita ang mga tao sa labas ng pinto at bintana, nakatingin sa kanila at nakikinig sa pinag uusapan nila.
Humihingi siya ng tawad, alam niyang hindi sanay si Flora sa ganoong sitwasyon. "Alam mo kasi," sabi niya, "natatakot ako na mawala ka nang hindi mo nalalaman ang nararamdaman ko. Una beses kong naramdaman na mag mahal, kaya hindi ko mapigilan."
Ngumiti si Flora, bahagyang natatawa. "Hindi naman ako nagagalit sa pagiging agresibo mo," sabi niya. "Natutuwa nga ako na sa dinami-dami ng babae, ako ang napili mong pag aksayahan ng oras."
"Teka, kung ganun, ako pala ang first love mo?" pabiring tanong ng dalaga.
Hindi naman ito itinanggi ni Andoy. "Mula pagkabata, nagtatrabaho na ako," sabi niya. "Wala akong oras para manligaw, at masyado rin akong mahiyain, lalo na't wala naman akong maipagmamalaki."
" Sa totoo lang ikaw lang naman ang kaisa isang babaeng tumanggap at itinuring akong kaibigan " Dagdag ni Andoy.
Para mabago ang usapan, tinanong niya si Flora, "Ikaw, nagkaroon ka na ba ng first love?"
Napaisip si Flora. "Ayokong magsinungaling," sabi niya. "Oo, nagkaroon na ako ng first love, at katulad mo, naramdaman ko rin ang pakiramdam ng umiibig sa isang tao."
" Alam ko ang pakiramdam kung paano mapuyat sa pag iisip sa kanya at manabik sa bawat pagkikita nyo " Dagdag ni flora
Ngumiti si Andoy at nagbiro sa dalaga, "Ang unfair naman! Hindi ako ang first love mo!"
"Pero anong klaseng lalaki ang naging first love mo?" tanong niya, curious.
Napaisip agad si Flora. "Hindi ko masasabing perpekto siyang lalaki lalo na may pagka istrikto sya," sabi niya. "Minsan, naiinis ako sa kanya kasi parang bale-wala lang ang ginagawa kong pagpapapansin. Parang isang istriktong kuya siya, laging pumupuna sa mga mali ko. Kahit madalas akong tama, marami pa rin siyang sinasabi."
" Hindi ko naman sinasabi na tama ako palagi pero kailangan nya prin dapat ikonsidera ang mga nararamdaman ko bago nya ako pagalitan. " Pagmamaktol ng dalaga.
Napangiti naman si Andoy habang nakikinig sa dalaga. "Kaya naman pala na-turn off ka agad sa kanya dahil sa pagiging strikto niya."
"Hindi naman sa nagagalit ako," sagot ni Flora. "Siguro, mas madalas na nadidismaya lang ako sa sarili ko na hindi ko magawa ang gusto niyang ipagawa. Alam ko na para sa akin ang ginagawa niya, pero nakakainis din minsan na sundin siya. Pero kahit ganun, naging mabuti siya sa akin, parang tunay na pamilya. Lahat ng meron ako ngayon, utang ko sa kanya."
Napabuntong-hininga si Andoy. "Mukhang wala akong laban sa lalaking 'yan," sabi niya, pabiro. "Paano ko matatalo ang isang mayaman, gwapo, at mabait na katulad ng guardian mo?"
Namula si Flora at agad na itinanggi, "Hindi ko sinabing si Romeo ang first love ko!"
Ngumiti si Andoy. "Hindi mo na kailangang sabihin, halata naman kung sino ang tinutukoy mo, hindi na ako bata para hindi malaman iyon."
Napapout si Flora, namumula ang mukha. "Wag mo na wag sasabihin 'to kahit kanino, lalo na kay Romeo!" sabi niya, halos nagmamakaawa.
"Huh? Bakit parang nahihiya ka na malaman niya?" tanong ni Andoy. "Ibig sabihin, hindi niya talaga alam na gusto mo siya?"
Napailing si flora ng marinig ang tanong nito. " Syempre, alam nya ang nararamdaman ko para sa kanya. "
Napabuntong-hininga si Flora. "Komplikado ang relasyon namin ni Romeo at hindi iyon pabor saakin," sabi niya. "Sinubukan ko nang iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko, pero palagi niyang sinasabi na magkapatid kami. Tinuturing niya lang akong nakababatang kapatid, kahit mas matanda ako sa kanya."
Napangisi si Flora, pero walang buhay ang kanyang mga mata. "Nakakapanlumo isipin na hindi kami pwede dahil lang sa inampon nya ako bilang kapatid," sabi niya. "Iniisip ko tuloy, hindi ba ako maganda para magustuhan nya o may iba lang talaga siyang gusto pagdating sa pagpili sa mga babae?"
Napayuko sya habang ngumigiti habang naiisip si romeo.
" Mahalaga sya saakin at kahit na ipagtabuyan nya ako ay handa akong sumunod parin sa kanya hanggang sa huli. "
Napansin niya na masyado siyang nagkukuwento tungkol kay Romeo, kaya humingi siya ng tawad kay Andoy.
"Naku, pasensya na," sabi niya. "Hindi ko sinasadyang magkuwento tungkol kay Romeo. Wag mo rin isiping masyado akong mapili, kasi kahit binibigay ni Romeo ang mga kailangan ko, hindi ako naghahangad ng karangyaan."
Napatawa si Andoy. "Walang problema sa akin," sabi niya. "Ang totoo, masaya akong nalaman ko na kapatid lang ang turing niya sa'yo, ."
Napapout si Flora. "Hindi ko gusto ang sinabi mo, nabigo ako sa first love ko. " masungit niyang sambit, pero agad na ngumiti.
Agad naman nagpaliwanag si Andoy. "Hindi ko sinasadyang masaktan ka, pero dahil kasi doon, malaki ang pag-asa ko sa'yo. "
" Malaki ang pag asa mo? Aba, wag kang magpakampante. Wag mong isipin na madali mo akong mapapasagot dahil isang pagkakamali mo lang ay kakalimutan ko ang lahat ng kasunduan natin. " Biro ng dalaga.
" Walang problema, hindi ko hahayaan na masayang ang pagtitiwala mo saakin. " Seryosong sambit ni andoy.
Pumamewang sya at nagbiro kay Andoy, ipinaalala nya na kung nais nya pantayan ang mga ginawa ni romeo sa kanya ay dapat itong maging matyaga dahil isa syang komplikadong babae...
Napangisi naman si andoy at humanga na sa bibig na mismo ni flora magmumula na isa syang komplikadong babae.
Natahimik sandali si flora at ngumiti.
" Maging tapat ka, iyon lang ang hihilingin ko. Tama, malaking bagay na nagustuhan ko kay romeo ay dahil kahit minsan hindi sya nagsinungaling saakin. Nirerespeto nya ako at inaalagaan. "
" Kaya mo bang maging tapat saakin sa lahat ng bagay? " Tanong ng dalaga.
Sandaling nanahimik ang lugar sa hindi pagsagot ng binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay ngumiti ito.
Muli nyang hinawakan ang kamay ni flora at sandaling napapikit na tila nag iisip ng sasabihin.
" Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap flora, natatakot ako sa maraming bagay pero gayunpaman handa akong sumugal para sa nararamdaman kong ito, patutunayan kong totoo ang pagmamahal ko sayo, flora. "
Namula ang pingi ni flora ng biglang halikan ni andoy ang kanyang mga kamay bilang pagrespeto.
Hindi malaman ng dalaga kung ano ang kanyang magiging tugon dahil narin sa sobrang kaba at kilig, kaya naman bahagya na lang syang tumawa sa sagot ng binata dahil masyado itong seryoso. Bakas sa mukha nya ang matinding hiya.
Ilang sandali pa ay tinawag na sila ng mga kasamahan nila para maghatid na sa truck ng mga kahon at habang dala-dala ang mga pagkain, umalis sila ng kusina patungo sa event area kung saan gaganapin ang feeding program.
Kinatanghalian, nagtungo ang grupo sa isang bukas na lugar sa Maynila, kung saan inayos ang mga lamesa at upuan para sa mga batang kalye at mahihirap.
Magkasama sina Flora at Andoy sa pagtulong, at kita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa bawat sandaling ginagawa nila ito.
Hindi nila alintana ang init ng araw o ang dami ng taong bibigyan ng pagkain. Sa bawat ngiti ng mga bata at pasasalamat ng mga matatanda, ramdam nila ang halaga ng kanilang ginagawa.
Daan-daang bata at mahigit isang libong tao ang kanilang napakain sa hinanda nilang feeding program, at sa bawat pagpapasa ng pagkain, mababakas ang pag-asa na kahit sa maliit na paraan, nabigyan ng saya ang araw ng mga kapwa pilipino.
Habang naglilinis pagkatapos ng programa, napansin ni Flora ang tahimik na ngiti ni Andoy. "Alam mo," sabi niya, "kung ang lahat ay handang tumulong sa kapwa nila araw-araw, siguro mas magiging masaya ang mundo."
Ngumiti si Andoy, hinawakan ang kamay ni flora. "Hindi ko alam kong posible ba iyon pero isa lang ang sigurado, kapag alam ko na nandito ka sa tabi ko sa bawat araw, sigurado akong mas magiging masaya ang mundo ko," sabi niya, ang boses ay puno ng sinseridad.
Namula si Flora, pero sa pagkakataong ito, hindi siya umiwas ng tingin at ngumiti lang sa binata. Naramdaman niya ang isang kakaibang init sa kanyang puso, isang pag-asa na kahit sa gitna ng magulong mundo, may mga sandaling nagdudulot sa kanya ng kaligayahan inaasam.
End of Chapter.
