Kabanata 37: Ang Labanan sa Plaridel
Ang gabi sa Plaridel ay nabalot ng matinding kaguluhan, kasalukuyang inaatake ng mga rebelde na tinatawag na Anak ng Bulakan o kilala bilang Bagwis.
Matapang silang lumalaban at sumisigaw upang magsimula ng rebolusyon laban sa mga kastila sa pamumuno ni Heneral Vicente Salazar.
Maririnig sa paligid ang tunog ng putukan, sigaw, at yabag habang ang apoy at usok mula sa mga nawasak na sasakyan ng pulis ay nagdulot ng makapal na usok sa paligid.
Sa sentro ng labanan, matapang na nakatayo ang sugo ng Malolos na si Gilo sa harap ng limang dambuhalang halimaw na binuo mula sa pulang kristal. Ang mga ito ay nagliliyab sa pulang kuryente, nag-aapoy ang kanilang mga pulang mata,
Bawat isa sa mg halimaw ay parang isang buhay na estatwa ng kristal, hindi natitinag sa walang humpay na pag-atake ng mga rebelde.
"Gilo, umatras ka!" sigaw ni Diego, isa sa mga pinuno ng Bagwis, habang hinihiwa niya ng machete ang isang kristal na halimaw. Ngunit ang talim ng kanilang mga sandata ay hlos hindi gumagalos sa mala-diamanteng tigas ng katawan nito, na parang tumatama sa isang matigas na pader.
"Hindi natin kayang patumbahin ang mga bagay na ito!"
"Hindi tayo susuko!" sigaw ni Gilo, nag uumapaw ang galit nito. Ang kanyang katawan ay sumabog sa puting apoy, bumuo ng mga pakpak at buntot na parang dragon na nagliliyab sa paligid niya.
Ang puting apoy na ito ay hindi ordinaryong siga—hindi ito nakakapaso tulad ng natural na apoy, ngunit ang mga nababalutan nito ay unti-unting magiging bato sa loob ng ilang oras, depende sa pagkalantad nila sa pagtupok ng apoy.
Pinatitibay din ng apoy ang proteksyon ni Gilo at ang kanyang mga kasama, binibigyan sila ng resilience, ngunit may kapalit: inaubos nito ang enerhiya ng taong sinisilaban ng apoy kaya naman pinapahina sila habang tumatagal sa kanila ang puting apoy ng kanilang pinuno.
" limang minuto lang pwedeng manatili sainyo ang white flame, kailangan natin agad silang magapi!" utos ni Gilo sa kanyang mga tauhan.
Sa isang kumpas ng kamay, nagpakawala siya ng malakas na bugso ng puting apoy, tumama sa unang kristal na halimaw.
"Tanggapin mo 'yan!" sigaw niya.
Tumigil saglit ang halimaw ng mabalot ang katawan nito sa puting apoy, ngunit sa halip na mawasak o maging bato, naglabas lang ang kristal nitong katawan ng mas maliwanag na kuryente, Hindi ito naging bato dahil narin sa mas malakas ang kapangyarihan ng heneral kay gilo.
Sa loob ng ilang segundo, nawala ang apoy, at ang halimaw ay nakatayo lang nang walang kahit anong galos.
"Imposible!" bulong ni Gilo, nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Nangamba sya na hindi kayang wasakin ito.
Muli nyang Sinubukan na umatake. Nag ipon sya nang kanyang enerhiya at nagpakawala ng mas malakas pang alon ng puting apoy.
"Tingnan natin kung paano ninyo haharapin ito, mga halimaw!"
Binalot ng apoy ang dalawa sa mga nilalang, at sandali silang tila nanghina, nagkakaroon ng mga lamat sa kanilang mga katawan.
"Ngayon, tapos na kayo!" sigaw ni Gilo, sumugod at sinuntok ang isa sa mga halimaw. Tumama ang kanyang suntok at nadurog, ngunit ilang saglit lang ay nag- buo ulit ang katawan ng halimaw na kristal, na parang isang buhay na nilalang na hindi namamatay.
Ilang metro lang mula sa labanan, nakatayo si Heneral Salazar na napapalibutan ng kanyang mga armadong tauhan, may hawak na mga baril at espada.
Ang kanyang pag-uyam ay umaapaw sa panunuya habang pinagtatawanan si Gilo. "Iyan lang ba ang kaya mo, sugo ng Malolos?" sambit niya, ang kanyang boses ay lalong nagbibigay ng takot na tumatagos sa puso ng mga rebelde. "Hindi mo man lang ako maabot! Wala kang kwentang kalaro, Indio!"
Nag-apoy ang galit ni Gilo sa pang iinis ni salazar. "Huwag mo kaming tawaging Indio, demonyo!" sigaw niya at sumugod patungo kay Salazar.
Ngunit bago pa siya makalapit, hinarangan ng limang kristal na halimaw ang kanyang daanan. Ang isa ay nagpakawala ng kidlat ng kuryente, tumama ito sa grupo ng mga rebelde sa likod ni Gilo.
Bumagsak ang mga mandirigma ng bagwis, nanginginig ang kanilang mga katawan sa sakit, habang ang iba ay nawalan ng malay dahil sa bugso ng kuryente.
"Gilo, mag-ingat!" sigaw ni Diego habang nagpupumilit na tumayo sa kabila ng kanyang mga sugat.
Hindi natakot si Gilo na makipaglaban sa mga ito, mag-isa nyang nilabanan ang limang halimaw.
"Hindi ako matatalo sa mga demonyong tulad nyo!" Muling nagliyab ang kanyang puting apoy, binalot ang unang halimaw upang mapahinto ito sa pag galaw at pinabagsak niya ito gamit ang pag sipa
Nagkalat ang kristal sa lupa, ngunit sa loob ng ilang segundo, nag sama sama ulit ang mga piraso ng kawatan nito at nabuo na parang isang walang katapusang bangungot.
"Hindi ito matatapos!" bulong ni Gilo, mabigat ang boses sa pagkadismaya. Sinubukan niya ulit, nagpakawala ng agos ng puting apoy na bumalot sa tatlong halimaw nang sabay-sabay.
"Maglaho kayo!" Nanigas ang mga nilalang at sandaling huminto sa pag galaw, kumalat ang mga lamat sa kanilang katawan, ngunit silang sandali lang ay muli silang kumilos, ang kanilang mga mata ay nagliliyab sa mas matinding kuryente.
Isa sa mga halimaw ay agad na sumugod kay Gilo, gamit ang mala-kristal na braso nito ay nagawa nitong mahahip ang sugo at mapatalsik nang ilang metro.
Naramdaman ang sakit at pagod ang katawan nya. Habang tumatayo ay hinawakan ni Gilo ang dugo na tumutulo mula sa kanyang ulo.
Napagtanto nya na dahil sa higit na malakas ang kapangyarihan ng heneral ay madaling nababasag ng mga halimaw ang knyang proteksyon sa katawan.
"Diego, ilikas mo na ang mga tauhan natin!" utos niya, nagpupumilit na tumayo sa kabila ng sakit na dumadaloy sa kanyang katawan.
Nakita nya ang pakikipaglaban ng mga kasamahan nya sa bagwis at napagtanto ni Gilo na hindi sila mananalo dahil hindi madali kalaban ang gobernador-heneral ng bulakan.
"Hindi natin ito kayang tapusin ngayon, mauubos lang ang ating tauhan kaya mas mabuting umalis na kayo habang pinipigilan ko sila!" Alam niyang pinoprotektahan ng kanyang puting apoy ang kanyang mga kasama, ngunit hindi ito magtatagal—mabilis na naubos ang enerhiya ng mga ordinaryong tao sa ilalim ng kapangyarihan nito.
"Gilo, hindi kita iiwan dito!" sagot ni Diego, mahina ang boses habang humihina ang kanyang katawan mula sa tama ng kuryente. Patuloy na lumaban ang ibang mga rebelde, ngunit tila walang kamatayan ang mga kristal na halimaw, ang kanilang mga atake ay naghahasik ng mas malaking kaguluhan.
Sa gitna ng labanan, umalingawngaw ang tawa ni Salazar. " Hahaha, Nasaan ang inyong tapang? wala na kayong pag-asang manalo laban sa pwersa ng espanya! Tanggapin ninyo na lang na hindi ninyo kaya ang kapangyarihan ko, mga Indio!" panunuya niya.
"Akin ang boung bulakan, ako ang naghahari sa lugar na ito at wala kayong magagawa para baguhin iyon!"
Lalong nagalit ni Gilo ng marinig ang panunuga nito. "Hindi mo kami mapapatay dito, Salazar!" sigaw niya habang nagpakawala ng mas malakas pang bugso ng puting apoy na bumalot sa lahat ng limang halimaw. Sandali silang nanigas at nagsimulang maging bato ang kanilang mga katawan sa ilalim ng kapangyarihan ng apoy.
Ngunit bago pa sila tuluyang maging bato, nagliyab ang kanilang kuryente na tila sinasagupa ang epekto. Isang halimaw ang agad na umatake at humampas kay Gilo ng malakas na electric blast dahilan para mapatumba siya sa lupa.
Napatigil ang kanyang mga tauhan sa gulat nang bumagsak ang kanilang pinuno. Bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagdududa na parang nawawalan na ng pag asa sa laban.
"Gilo!" sigaw ng kanyang mga kasama,
Nagpumilit naman si Gilo na gumalaw, hindi makapaniwala sa pinsalang tinamo ng kanyang katawan. Hindi nya inaasahan na ibang iba ang kapangyarihan ng heneral kesa sa inaasahan nya.
Napagtanto nya na hindi talaga biro ang kapangyarihan ng mga bihasang mandirigma ng espanya kumpara sa kagaya nyang walang kaalaman sa pakikipaglaban.
Kahit na nagagalit ay tinanggap nya sa sarili na ang kapangyarihan nya at kaalaman ay hindi sapat para mapalaya ang bayan plaridel.
Napanghinaan ng loob ang mga myembro ng Bagwis habang nakikita ang kanilang pinuno na nakaluhod at nanghihina ang katawan.
Gayunman, alam ni gilo na walang puwang ang takot sa gitna ng laban. "Hindi pa tapos ang laban na ito," bulong niya, pilit na tumayo. Alam niyang kailangan niyang talunin ang mga halimaw dahil mawawalan ng lahat ng pag-asa ang Anak ng Bulakan kung pati sya ay susuko sa laban.
Samantala, sa bahay ni Georgia sa squatter area ng Plaridel
Sa kanyang silid, nagpapahinga si Georgia, pagod ang kanyang katawan mula sa mga maghapon na trabaho. Mabigat ang kanyang puso at nakokonsensya para sa pagdurusa ng mga pilipino sa plasa na dulot ng kanyang mga aksyon bilang si Hustisya.
Habang nakahiga siya roon, narinig niya ang lolo niya na kausap ang isang bisita sa sala, mabigat ang kanilang boses sa takot habang tinatalakay nila ang balita mula sa city hall.
"Narinig mo na ba, pare? Inatake ng mga rebelde ang city hall!" sabi ng bisita, may bahid ng sindak ang boses. "Sabi nila, lumulusob ngayon ang mga Anak ng Bulakan. Nagkakagulo na sa city hall, at natatakot ang mga tao na baka lumala pa at muling pag initan ang mga pilipino!"
Bumuntong-hininga nang malalim ang lolo ni Georgia. "Nagdurusa ang mga tao ng Plaridel," sabi niya, mabigat ang boses sa kalungkutan. "Kung magpapatuloy ang labanang ito gagantihan lang ng mga kastila ang mga ordinaryong pilipino at mas marami ang madadamay. Hindi na ligtas ang bayan natin para saatin."
Umupo si Georgia sa kanyang kama, naguguluhan ang isip sa narinig niya. Naalala niya ang isang sandali nang hilingin sa kanya ni Gilo, ang pinuno ng Anak ng Bulakan, na sumali sa kanilang layunin. Tumanggi siya noon dahil hindi nya kayang labanan ang mga kastila o sumali sa mga rebelde, lalo na't nakatira ang pamilya niya sa Plaridel.
Ang gusto lang niya talaga ay protektahan ang kanyang mga mahal sa buhay, ngunit ngayon, nang marinig niya ang kaguluhan, isang bagong kislap ng pag-asa ang nag-apoy sa kanyang puso.
"Kung lumalaban ang mga bagwis, baka may pagkakataon akong iligtas ang mga bihag sa plasa," bulong niya sa sarili. Nagningning ang kanyang mga mata sa determinasyon, kahit pa nakikipagbuno pa rin ang kanyang puso sa pagdududa.
Alam niyang bawat hakbang na ginagawa niya bilang si Hustisya ay may mabigat na kapalit, ngunit hindi siya pwedeng manatiling nakatayo lang habang nagdurusa ang kanyang mga tao.
Tumayo siya at naghanda, ngunit bago siya makaalis sa kanyang silid, pinigilan siya ng boses ng kanyang lola. "Georgia, saan ka pupunta?" tanong niya, puno ng pag-aalala ang boses.
Humarap si Georgia sa kanyang lola, pilit na ngumiti. "Sa tindahan lang po, Lola," pagsisinungaling niya habang itinatago ang tunay niyang plano.
"Babalik po agad ako."
Nagtitiwala ang kanyang lola sa kanya, kahit pa may pag-aalala na nananatili sa kanyang mga mata. Pumikit siya sandali at tahimik na bumuntong hininga.
Alam niyang may pinaplano si Georgia ngunit nauunawaan din niya na hindi niya pwedeng kontrolin ang mga desisyon ng kanyang apo. "Mag-ingat ka, apo," sabi niya.
"Bumalik ka agad. Maghihintay kami sayong pagbabalik. "
"Opo, Lola," sagot ni Georgia, nagmamadaling lumabas ng bahay. Habang tumatakbo siya, sinabi niya sa sarili,
"Hindi ako magtatagal, Lola. Palalayain ko lang ang mga bihag at babalik agad. Pangako..... babalik ako."
Mabilis na tinawid ng kanyang mga paa ang madilim na eskinita ng Plaridel habang unti unting nagpapalit ng anyo bikang hustisya at tumalon ng mataas.
Napakabilis ang tibok ng puso niya habang natatanaw sa malayo ang usok mula sa city hall. Alam niyang magdadala ng panganib ang kanyang desisyon, ngunit mas malakas ang galit at pag-asa sa kanyang dibdib kaysa sa kanyang takot.
Samantala, sa bodega kung saan nagsanay si Ifugao
Sa labas ng lumang bodega, nag-uusap sina Jana at Apyong habang nakatayo si Ifugao sa harap nila, yumuyuko ito habang nagpapasalamat. Pagod ang kanyang katawan mula sa matinding pagsasanay, ngunit ang kanyang mga mata ay nagniningning sa determinasyon.
"Salamat po sa lahat ng itinuro ninyo sa akin," sabi ni Ifugao,
. "Nangangako ako na gagawin ko ang lahat para magtagumpay."
Ngumiti si Apyong bakas ang matinding pagtitiwala. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa amin, Ifugao," sabi niya.
"Ang ginawa namin ay para sa sarili naming kapakinabangan din. Huwag kang magpaka-utang na loob, lalo na't gagamitin mo ang natutunan mo para labanan ang mga rebeldeng Pilipino."
Ngumiti si Ifugao, hindi natinag sa mga salita ni Apyong. "Anuman ang dahilan ninyo sa pagtulong sa akin, naniniwala ako na dapat akong magpasalamat sa mga tumulong sa akin," sagot niya, puno ng taos-puso ang boses. Muli siyang yumuko bilang paggalang at sinabi,
"Aalis na po ako."
Sa isang iglap, tumalon siya nang mataas, ang kanyang katawan ay lumipad na parang ibon sa ibabaw ng mga bubong ng Plaridel..
Habang umaalis siya, ngumiti si Apyong, nagniningning ang kanyang mga mata sa pag-asa. "Napakabata pa ni Ifugao, napaka-inosente," sabi niya, may bahid ng paghanga ang boses
. "Sabik akong makita ang kabayanihan na ipapakita niya sa hinaharap. Sigurado ako na babaguhin ng batang bayaning ito ang maraming buhay."
Sumagot si Jana, may pagdududa ang boses. "Ayaw kong sirain ang pananampalataya mo sa kanya, Heneral," sabi niya.
"Pero para sa akin, marami pa ring dapat matutunan si Ifugao, lalo na sa labanan. Hindi pa siya handang manalo, lalo na laban sa isang heneral na nagmula sa Espanya."
Ngumiti si Apyong, hindi natinag. "Tama ka, Jana. Ang mga kasanayan ng mga heneral ay mas nakahihigit kaysa sa batang sugo na ito," sabi niya.
"Pero pagdating sa potensyal ng kanyang kapangyarihan, naniniwala ako na kaya niya." Tumingin siya, tinitigan ang gibang bodega—halos gumuho ang bubong at mga pader mula sa lakas ng pagsasanay ni Ifugao.
"Naniniwala ako na malalampasan ni Ifugao ang bawat heneral, kapag nailabas niya ang tunay niyang kapangyarihan."
Ilang Minuto Pagkatapos, Habang Tinatahak ni Ifugao ang kalye ng Plaridel
Mabilis na gumalaw si Ifugao sa ibabaw ng mga bubong at poste ng Plaridel, gamit ang kanyang malalakas na pagtalon para marating ang plasa sa loob lamang ng kalahating oras.
Mula sa itaas, nakita niya ang kaguluhan sa ibaba—nagpapanik na mga taga-bayan, tumatakbong pulis, at usok na umaakyat mula sa mga pagsabog. Alam niyang marami nang nangyari sa bayan, ngunit malinaw ang kanyang misyon: iligtas ang mga bihag sa plaza.
Nang lumapag siya sa gitna ng plasa, natigilan siya sa nakakatakot na tanawin. Daan-daang krus ang nakatayo at bawat isa sa mga ito ay may Pilipinong nakatali—mga bata, matatanda, babae, at lalaki.
"Ano ang nangyari rito?" bulong niya habang nanginginig sa pagkabigla, nagkukuyom ang kanyang mga kamao sa galit.
Ang ilan ay halos buhay pa, duguan ang kanilang mga katawan at halos kamay na lang ang gumagalaw para humingi ng tulong. Ang iba ay wala nang buhay, malamig ang kanilang mga mata, habang ang mga nakaligtas na matanda ay umiiyak at nagmamakaawa.
"Anong klaseng parusa ang ginawa nila sa mga Pilipinong ito?!" bulong ni Ifugao, nababasag ang kanyang puso sa kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang mga kababayan.
"Hindi ko ito makatao, hindi ito dapat nangyari." sambit nya habang nanginginig na hinahawakan ang kanyang ulo
Habang naglalakad siya, napansin niya ang isang babae na nakatayo sa gitna ng plasa, sa harap ng isang krus kung saan nakatali ang isang batang babae, hindi hihigit sa pitong taong gulang, duguan at walang buhay.
"Georgia?!" bulong ni Ifugao, nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Agad niya itong nakilala ngunit hindi niya maunawaan kung bakit siya ang kaibigang babae.
Sinubukan niyang lumapit habang putuloy itong tinatawag dahil sa takot na makita ito ng mga kastila doon at maparusahan, ngunit natigilan siya ng nagsimulang lumabas ang isang madilim na aura mula sa katawan ni Georgia.
"Anong klaseng presensya ito?"
Ang aura ay parang itim na usok, dahan-dahang bumabalot sa paligid niya. Kinilabutan si ifugao at naisip na pamilyar ang kanyang nararamdaman—tulad ng madilim na presensya na minsan niyang naramdaman kay Alfredo, isang sugo na puno ng galit at masamang intensyon.
"Nakakatakot ang presensiya nya. Ramdam ko ang matinding galit sa aurang lumalabas sa kanya, katulad ito kay Alfredo," naisip niya bigla ang imahe ng kaibigan sa katauhan ni Georgia.
Habang lumilipas ang oras, lalong lumakas ang itim na aura, nagliliyab na parang apoy na bumabalot sa plasa. Bumigat ang hangin, at tila nanginginig ang lupa sa bigat ng kanyang presensya.
"Georgia, ano ang nangyayari sa iyo?!" sigaw ni Ifugao, ngunit nalunod ang kanyang boses sa umuugong na hangin.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin, naguguluhan ang kanyang isip sa nakikita. "Georgia! Naririnig mo ba ako?!"
Napahinto siya sa paghakbang habang sumisigaw si Georgia,
"mga halimaw kayo! Magbabayad kayo mga demonyo!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa pula at itim na aura.
"Pinarurusahan ninyo ang mga inosente! Dinudungisan ninyo kaming mga Pilipino sa sarili naming lupain! "
" Tama na! Ipapakita ko sa inyo ang tunay na hustisya!" Nanumpa siya, ang kanyang boses ay kumulog sa plasa,
"Ipaghihiganti ko ang bawat biktima ng inyong kalupitan hanggang sa huling kong hininga!"
Sa kanyang pagsigaw ay unti unting nagbago ang kanyang katawan. Nababalot sya ng makapal na itim na aura na umiikot sa paligid niya na parang isang madilim na bagyo. Ang kanyang mga mata ay nag-apoy sa enerhiya, ang kanyang buhok ay humampas sa hangin na parang mga apoy.
Sa isang iglap, nagbago ang kanyang kasuotan bilang si hustisya, ang kanyang balat ay nagliliwanag sa madilim na enerhiya, at ang kanyang presensya ay bumalot sa boung paligid.
Nayanig ang lupa na tinatapakan niya, at mula sa kanyang anino, lumitaw ang isang napakalaking magic circle at lumabas doon ang isang dambuhalang kalansay, mahigit labinlimang metro ang taas, nagliliyab ang mga buto nito ng pulang apoy.
Ito ay parang isang diyos ng kamatayan, ang mga mata nito ay nagliliwanag sa pulang enerhiya na kaparehong ni Hustisya.
Habang nakatayo siya sa ibabaw ng ulo nito, umaalpas ang kanyang kapa sa hangin na dulot ng nagngangalit awra na parang bagyo sa plasa.
"Imposible, Hustisya?!" bulong ni Ifugao, nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat, hindi nya inaasahan na masasaksihan nya ito.
Napansin niya rin ang mga enerhiya mula sa mga bihag na nakatali sa mga krus na hinihila patungo sa katawan ni Hustisya.
"Ano ang nangyayari sa mga tao?"
Ang enerhiya ng kanilang kaluluwa ay parang mahihinang usok na dumadaloy papasok sa katawan ng dalaga, pinalalakas ang kanyang itim at pulang aura.
Ang kanyang kapangyarihan na nagmula sa mga bihag ay lalong nagpalakas sa taglay nyang enerhiya at pagkaraan ng ilang sandali, tumubo ang mga nag aalab na pulang pakpak sa likod ng higanteng kalansay,
Hindi ito nag aksaya ng oras at lumipad sa kalangitan at dumeretso sa kanluran patungo sa cityhall.
"Georgia… paano… ikaw si Hustisya?" bulong ni Ifugao, gulong-gulo ang kanyang isip.
Hindi nya kailan man nisip na si Georgia at si Hustisya ay iisa. Ang babaeng pinipilit nyang kumbinsihin at tulungan ay kasa kasama nya pala araw araw.
"Bakit hindi ko iyon napansin agad?" tanong niya sa sarili, mabigat ang boses sa pagsisisi. "Araw araw kaming magkasama kaya paano ko ito hindi man lang nalaman?"
Ang dambuhalang kalansay ay patuloy na lumilipad patungo sa city hall, kung saan nagbabanggaan ang mga rebelde at ang pwersa ng mga kastila.
Habang si Hustisya na nakatayo sa ulo nito, ay parang isang anghel ng kamatayan, nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit. Naghasik ang kanyang presensya ng takot sa paligid, maging sa mga nakakakita lang sa lumilipad na kalansay ay nakakaramdam ng pangamba dahil sa itim na awra na taglay nya.
Habang naiwan naman si Ifugao sa plasa, naguguluhan pa rin sa natuklasan. Napupuno ang kanyang puso sa pagdududa, ngunit alam niyang kailangan niyang sundan si Hustisya.
"Kailangan kong malaman kung ano ang plano ni hustisya," bulong niya, at sa isang malakas na pagtalon, hinabol niya ang lumilipad na kalansay patungo sa city hall.
"Ililigtas kita georgia."
Ang gabi sa Plaridel ay naging saksi sa isang digmaan na magdedesisyon sa kapalaran ng bayan. Sa isang panig, si Gilo at ang Anak ng Bulakan ay lumaban sa mga kristal na halimaw at mga pwersa ni Salazar.
Alam nya na nakahanda na si Hustisya lumaban habang tintahak ang parehok madilim na landas na tinahak noon ni Alfredo.
Ngayon na mas pinalakas si hustisya ng galit ay hindi na ito magpipigil pa para makuha sa sarili niyang pamamaraan ang hustisya.
Malinaw sa kanya ang kanyang misyon, ang pigilan si hustisya ngunit alam nya rin na hindi nya rin pwedeng hayaan na lang ang kasamaan ng mga kastila sa mga pilipino.
Nagsimula na ang digmaan na iniiwasan nya at kahit na anong mangyari ay kailangan syang kumilos at may gawin para pigilan ang paglala ng sitwasyon.
wakas ng Kabanata
