Ficool

Chapter 73 - chapter 36 (TAGALOG)

Kabanata 36: Ang Krus ng Parusa at ang Bukang-Liwayway ng Labanan

​Naging nakakakilabot na katahimikan ang umaga sa Plaridel na parang kalmadong sandali bago dumating ang bagyo, ang plasa ay isang mapait na tanawin ng naganap na kalupitan. Kasunod ng brutal na pagpapahiya at paghataw ng latigo sa mga Pilipino, nagpataw pa si Heneral Vicente Salazar ng mas malupit na parusa sa kanila.

​Sa gitna ng plasa, itinayo ang mga kahoy na krus, ito ang madalas gamitin ng espanya ang para parusahan ang mga kriminal. Isa-isang itinali ng mga kastila ang mga bihag—bata, matanda, babae, at lalaki, anuman ang kanilang edad o kalagayan. 

Humigpit ang mga lubid sa kanilang pulso at bukong-bukong, habang nakatutok ang sikat ng araw na pumapaso sa kanilang balat na parang nagngangalit na apoy.

​Napununo naman ng mga manonood ang paligid ng plaza, maraming mga Pilipinong sapilitang dinala sa plaza para lang maging saksi sa nagaganap na pagpaparusa habang nakatutok ang mga baril ng mga sundalo sa mga ito—nakatayo nang matayog si Salazar sa isang plataporma, malinis ang kanyang uniporme habang mbabakas sa kanyang mukha ang galit at pagiging mapagmataas.

 "Ang nakikita ninyo sa harap nyo ay mga rebelde!" sigaw niya, ang kanyang boses ay kumukulog sa plasa na parang bagyo. 

"Sila ang dahilan ng pagkamatay ng inyong alkalde, ang pinagmulan ng kaguluhan sa Plaridel! Bilang parusa, sila ay itatali sa mga krus na ito hanggang sa mamatay sila sa gutom, uhaw, at sakit! Ito ang magiging kapalaran ng mga lumalaban sa batas ng Espanya!"

​Napuno ang paligid ng mga naghihingalong sigaw ng mga bihag—pagmamakaawa para sa kanilang buhay, ang iyak ng mga naghihirap na mga bata na tumatawag sa kanilang mga magulang, at ang paghihingalo ng mga matatanda na halos hindi na kinakaya ang kanilang mga sugat.

Ngunit nanatiling walang awa ang mga pulis habang hinahamak pa ang ilan sa mga ito, nakatutok ang kanilang mga riple, makikita ang kanilang mga ngiti na tila natutuwa habang nakikita ang pagdurusa ng mga Pilipinong binihag nila. 

​Isang batang lalaki, hindi hihigit sa sampung taong gulang, ang sumigaw, "Maawa po kayo! Wala kaming kasalanan!" Ngunit pinalo lang sya ng baton ng isang pulis para patahimikin siya. 

"Tumahimik ka, Indio!" galit na singhal ng opisyal.

​Ang balita ng kalupitang ito ay mabilis na kumalat sa buong Bulacan, nabalot ng takot at poot ang mga tao. Nanginig ang mga Pilipino sa karatig-bayan, mabigat ang kanilang mga puso sa galit ngunit wala silang kayang gawin. 

Ang ilan ay naglakas-loob na magsalita laban sa utos ni Salazar, ngunit ang puso niya ay parang bato—walang makakapagpabago sa kanyang desisyon. Sa isang pahayag na ipinadala sa mga lokal na pahayagan, idineklara niya, 

"Walang puwang ang mga kriminal sa aking nasasakupan, at titiyakin ko na kamatayan ang naghihintay para sa mga rebelde na nagdadala ng takot at panganib sa Bulacan!"

​Samantala, sa Bodega sa labas ng Plaridel

​Makalipas ang ilang oras, nakarating kay Señor Apyong ang balita tungkol sa mga bihag na nakatali sa mga krus sa pamamagitan ng kanyang mga espiya. 

Sa loob ng lumang bodega, may anino ng lungkot at pag-aalala sa kanyang mukha habang nakikinig siya sa ulat. Mahigpit ang hawak niya sa mga gulong ng kanyang wheelchair, at dala ng kanyang mga mata ang bigat ng responsibilidad. 

Sa kabila ng kanyang ranggo bilang heneral, alam niyang limitado ang kanyang awtoridad sa Bulacan, at ang mga pangyayari sa Plaridel ay wala na sa kanyang kontrol. "Nangyayari na—ang pinakakinatatakutan natin," bulong niya.

​Pinanood niya si Ifugao, na nagsasanay sa ilalim ng patnubay ni Jana. Nakatayo si Erik nang nakapikit ang mga mata, nababalot sa sarili niyang asul na enerhiya, kumikislap na parang masiklab na apoy sa paligid niya.

 Ngunit ang enerhiya ay magulo, nagliliyab nang walang kontrol, at ang pawis na tumutulo mula sa noo ni Erik ay nagpapakita ng kanyang paghihirap na kontrolin ito. 

Alam ni Apyong na hindi pa handa para sa labanan na nalalapit ang batang sugo, ngunit batid nya rin na ang oras ay lumilipas at natatakot syang wala ng mailigtas na mga pilipino kung hindi pa sila kikilos. 

​"Nauubusan tayo ng oras," bulong niya sa sarili, may bahid ng pangamba ang boses.

​Sa gitna ng kanyang pag-aalala, naroon din sa lugar ang diwata na si Hiyas, nakaupo sa isang kahoy na kahon sa tabi niya at nagsalita habang may hawak na lumang libro. 

Kalmado ang kanyang boses, halos kaswal, ngunit may bigat na nagpapahiwatig ng mas malalim na kaalaman. "Nababagabag ba kayo sa mga tao sa plasa, Heneral?" tanong niya, nakatitig pa rin ang kanyang mga mata sa libro.

​Sinulyapan ni Apyong si Hiyas, nakakunot ang noo. "Ang mga bagay sa Plaridel ay lumalala nang mas mabilis kaysa sa inaasahan," sagot niya, mabigat ang boses sa pag-aalala. "Maaaring mamatay ang mga bihag at hindi natin pwedeng balewalain ang nangyayari."

​Ngumiti si Hiyas, may misteryosong kislap sa kanyang ekspresyon. "Hindi magiging madali ang susunod na yugto, Heneral," sabi niya, isinara ang libro at tiningnan si Apyong. "Maaaring mamatay ang mga bihag, ngunit may mas malaking bagay pa na dapat nyo pang alalahanin."

​"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Apyong, may bahid ng kuryosidad at tensyon ang boses.

​Tinitigan ni Hiyas ang malayo, na parang may nakikita mula sa malayo. "Nararamdaman ko ang presensya ng isang sugo na papalapit sa Plaridel," sabi niya, ang boses niya ay parang bulong ng hangin.

 " base sa presensya nila may dala syang daan-daang tao, at naniniwala akong mga rebelde sila na papunta ngayon sa plaridel para simulan ang himagsikan."

​Nanlaki ang mga mata ni Apyong sa gulat. "Mga rebelde?" ulit niya, mabigat ang boses sa alarma. "Hindi, hindi iyon pwedeng mangyari! Kung makikialam ang mga rebelde, mas magdudulot lang iyon ng kaguluhan! Mamamatay lang sila sa laban. "

​Pinilit niyang malaman kay Hiyas ang kanilang lokasyon, desperado na malaman ang plano ng mga ito. Sumagot naman siya, "Ang mga taong iyon ay nagbabalak na iligtas ang mga Pilipino sa Plaridel. Sigurado ba kayo na gusto ninyo silang pigilan, Heneral?"

​Nagpumilit si Apyong, "Ayaw kong may mamatay pa, ngunit hindi natin pwedeng hayaang dumanak ang dugo sa Plaridel dahil sa kanila. Kailangan nating panatilihin ang pagka balanse ng lahat!"

​Ngunit umiling si Hiyas, seryoso ang kanyang ekspresyon. "Hindi mapipigilan ang pagdanak ng dugo, Heneral," sabi niya. "Kahit harapin mo ang mga rebelde, walang magbabago—hindi mo sila mapipigilan nang hindi sila nilalabanan." Mahigpit niyang isinara ang libro at diretsong tumingin kay Apyong. 

"Nararamdaman ko na marami ang mamamatay sa nalalapit na labanan. Hindi mapipigilan ng mga kastila ang mga rebelde na pumatay ng mga tao sa bayan—lalo na ang sugo ng Plaridel na kilala bilang si Hustisya."

​Natigilan si Apyong. "Bakit mo nasabing hindi nila mapipigilan si Hustisya?" tanong niya, may bahid ng pagdududa ang boses.

​Ipinaliwanag ni Hiyas, "Ang isa sa mga kapangyarihan ng diwata ng Plaridel ay ang kakayahang kumuha ng enerhiya mula sa mga katawan ng mga namatay at gamitin ito bilang sandata. Kung magagawa ni hustisya na magamit ang tunay na potensyal ng kapangyarihan, magiging malaking problema ito—hindi lang para sa mga kastila, kundi para sa lahat."

​Si Apyong, halos desperado ang boses, ay nagtanong, "May magagawa ba tayo para maiwasan ito? Kahit bawasan lang ang pinsala?"

​Sinulyapan ni Hiyas si Erik, na patuloy pa ring nagsasanay sa ibaba. "Walang makakapigil sa trahedya na darating," sabi niya na may kalmado ang boses. " Tanging ang sugo lang ng Ifugao ang may kapangyarihan para wakasan ang gulong ito."

​Samantala, sa ibaba, patuloy na ginagabayan ni Jana si Erik sa kanyang pagsasanay. Nakatayo si Ifugao sa gitna ng bodega, nakapikit ang mga mata, naghihirap na kontrolin ang asul na enerhiya na nagliliyab sa paligid niya. 

Ang enerhiya ay nagliliyab na parang mababangis na apoy, kumikislap at magulo, bumuhos ang pawis sa kanya katawan habang tinitiis ng kanyang katawan ang sakit na epekto nito.

​"Ifugao, tandaan mo na ang enerhiya mo ay hindi lang basta sandata na gagamitin laban sa mga kalaban," paliwanag ni Jana, matatag ngunit diin ang boses. "Bahagi ito ng iyong sarili. Dapat mong maunawaan kung paano maging ka isa dito. 

Kapag na-master mo ang daloy nito, maaari mong ilabas ang mas malalakas na atake at mas matibay na depensa. Kapag malaya mo itong ginagamit mailalabas mo ang tunay mong kapangyarihan bilang sugo."

​Ngunit sa gitna ng kanyang pagsasalita, nanghina ang katawan ni Ifugao. Lumuhod siya, humihingal at basang-basa ng pawis. Nanginginig ang kanyang mga kamay, at ipinakita ng kanyang mukha ang paghihirap na dinaranas niya. "Parang sinusunog ako ng sarili kong enerhiya!" sigaw niya, putol-putol ang boses. "Hindi ko ito mautusan at makontrol na parang lumalaban ito sa akin!"

​Lumapit si Jana, kalmado ang ekspresyon. "Normal lang na mahirapan ka, lalo na't nagsisimula ka pa lang," sabi niya. "Hindi mo agad mapapaamo ang enerhiya mo kapag lumabas na ito sa katawan mo. Nangangailangan ito ng disiplina at pag-unawa. Pero huwag kang susuko, Ifugao. Alam kong kaya mo ito."

Ipinaliwanag ni jana sa kanya na kagaya lang ito ng pag gamit ng tao sa apoy. Sumisiklab at maaaring gamitin sa maraming bagay pero walang kontrol ang tao sa apoy, iba sa normal na nilalang ay kaya ng mga sugo na kontrolin ito, maging kaisa ng kapangyarihan ng mga diwata. 

​Huminga nang malalim si Ifugao, pilit syang tumayo para muling sumubok, sa kabila ng nanginginig niyang mga tuhod. Alam niyang kailangan niyang lumakas—para sa mga tao ng Plaridel, para kay Hustisya, at para sa sarili niyang layunin.

 Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay, at sinunod ang bawat utos ni Jana, kahit pa ang hindi ito nagiging madali na parang tumutupok sa sarili niyang katawan.

​Nang Gabing Iyon, sa Gubat sa labas ng Plaridel

​Nang lumubog ang araw, nagtitipon ang mga rebelde sa masukal na gubat. Sa gitna ng kumpulan ng mga tao, isang lalaki ang nakatayo at nagsisilbing pinuno nila— si Gilo, ang sugo ng diwata ng Marilao. Ang kanyang presensya ay tulad ng isang mandirigma mula sa alamat—matangkad, may mga peklat mula sa nakaraang mga labanan, na may mga mata na nag-aapoy sa poot at paninindigan. 

Kilala bilang isa sa mga kinatatakutang rebelde ng mga kastila sa Bulacan, pinamumunuan niya ang isang grupo ng mga Pilipinong lumalaban sa gobyerno. Tinawag nila ang kanilang kilusan na Anak ng Bulakan, na mas kilala bilang Bagwis.

​Sa ilalim ng mga puno, na nakatayo na parang tahimik na mga tagapagbantay, tinipon ni Gilo ang kanyang mga kasama—limang daang mandirigma na armado ng mga bolo, at ninakaw na mga baril mula sa mga kastila. 

Sa harap ng mga ito ay nagsalita siyang buong tapang, ang kanyang boses ay tila isang maapoy na tawag na nagpaalab sa puso ng bawat mandirigma.

 "Ngayong gabi, wawakasan na natin ang pang-aapi ng mga kastila sa bayan ng plaridel!" sigaw niya, ang kanyang mga salita ay umeeko sa gubat na parang sigaw ng higante. 

"Hindi na tayo pwedeng manatiling tahimik habang ang ating mga tao ay pinarurusahan, itinatali sa mga krus, at hinahayaang mamatay sa Plaridel! Ngayong gabi, ililigtas natin sila!"

​Sumigaw ang mga rebelde bilang tugon, nakataas ang kanilang mga kamao, bakas sa kanilang mga mukha ang tapang ng loob. Inihanda nila ang kanilang mga sandata habang inilatag ni Gilo ang plano. 

"mahahati tayo sa apat na grupo," sabi niya, gumuhit ng mapa sa lupa gamit ang isang patpat. "Ang una ay aatake sa istasyon ng pulis sa hilaga, ang pangalawa sa timog, ang pangatlo sa silangan, at ang pang-apat ay maghihintay malapit sa city hall. Ang misyon natin ay sirain ang mga sasakyan ng pulis para maantala ang kanilang pagtugon sa city hall. Kung magtagumpay tayo, mapapalaya natin ang mga anak ng Bulacan!"

​Naghiyawan ang mga rebelde, umalingawngaw ang kanilang mga boses sa gubat, puno ng determinasyon at pag-asa. Nanumpa si Gilo sa kanyang mga kasama, "Magtatagumpay tayo sa labanang ito! Babawiin natin ang Plaridel mula sa mga demonyong kastila!" Ang kanyang mga salita ay parang siklab na nagpaapoy sa bawat puso ng mga mandirigma, at sa ilalim ng nagdidilim na kalangitan, nagsimula silang magmartsa patungo sa Plaridel.

​Sa ilalim ng tahimik na gabi, mabilis na gumalaw ang mga myembro ng Bagwis, ang kanilang mga yabag ay parang mga anino sa ilalim ng mga puno. Sa bawat istasyon ng pulis, maingat na nagtanim ng mga bomba ang mga grupo sa mga sasakyan ng kastila—mga trak at motorsiklo na nakahanay sa labas ng mga gusali. 

Sa isang matapang na utos, sumabog ang mga bomba ng sabay sabay, binabalot sa apoy ang mga sasakyan, nagkakalat ang mga bahagi nito habang nagkakagulo ang mga pulis sa loob ng mga istasyon.

​"Umalis na tayo!" sigaw ng mga pinuno ng grupo habang mabilis na umaatras ang mga rebelde, patungo sa city hall para sa mas malaking labanan. 

Naghasik ng kaguluhan ang mga pagsabog sa buong Plaridel, at nagtago ang mga taga-bayan sa kanilang mga bahay, natataranta at mabilis ang tibok ng puso dahil sa takot.

​Ang mga pulis naman na ngayon ay naka high alert, ay dumagsa sa mga kalye, agad na naka handa ang mga baril para lumaban. "Bilisan at pigilan ang mga rebelde!" utos nila.

​Sa labas ng city hall, nagsimula ang sagupaan. Ang mga rebelde na armado ng baril at machete ay sumugod sa mga pulis na nagbabantay sa tarangkahan. Nagulat ang mga kastila sa bilis ng pag-atake ng Bagwis, ilng saglit lang ay mabilis na napasok ng mga rebelde ang tarangkahan.

 "Huwag ninyo silang hayaang makapasok sa gusali!" sigaw ng isang pulis.

​Pumasok ang mga rebelde sa tarangkahan, mabilis na tumakbo patungo sa sentro ng city hall, ang kanilang mga sigaw sa labanan ay umalingawngaw sa paligid. 

"Para sa Bulakan!" sigaw ng isa, hiniwa ang isang sumusugod na pulis gamit ang machete. Nagpaputok ng baril ang iba, humalo ang tunog ng putukan sa mga sigaw ng sakit at galit.

​Ngunit sa gitna ng kaguluhan, isang nakakabinging dagundong ang umalingawngaw mula sa kalangitan, pinahinto nito ang pag-usad ng mga rebelde.

" Ano ang tunog na yun? "

Nung tumingala sila halos manlaki ang kanilang mga mata habang nakikita ang limang malalaking pulang kristal na bumulusok mula sa langit, nagliliyab ito ng pulang enerhiya.

 "Ano ang bagay na yan?!" tanong ng isang rebelde.

​Tumama ang mga kristal sa lupa na parang mga meteor, ang impact nito ay nagpatumba sa mga rebelde at pulis na nasa paligid. Nayanig ang lupa at napuno ng alikabok ang hangin, na parang nagbabadya ng mas matinding panganib.

 "Ano ang nangyayari?!" sigaw ng isang pulis.

​Napahinto ang mga rebelde bakas ang pangamba, hawak ang kanilang mga sandata habang nakatitig sa mga kristal. Bawat isang kristal ay may sampung talampakan ang taas, my kumakalat na kuryente sa paligid nito na parang buhay na nilalang..

"Ano ang mga bagay na ito?" bulong ng isa, nanginginig ang boses sa takot.

​Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang magbago ang hugis ng limang kristal. Nagbago ang mga anyo nito. tumubo ang mga braso, binti, at ulo, naging mga mala-demonyong pigura na gawa sa pulang kristal. 

Ang kanilang mga mata ay nagliliyab sa crimson, at ang kanilang mga galaw ay mabilis at nakakatakot. Sa takot sa nasaksihan ay napaatras ang mga rebelde, nabalot sila ng takot habang sumusugod ang mga pulang nilalang patungo sa kanila. 

"Ano ba talaga ang mga ito?!" sigaw ng isa.

​Sa gitna ng kaguluhan, isang pigura ang lumabas mula sa pasukan ng city hall. Si Heneral Vicente Salazar, kagalang galang ang kanyang uniporme habang nakangiti bakas ang panghahamak.. Nakatayo sya sa harap ng mga rebelde. 

"Mga basurang Indio!" pang-iinsulto niya, ang kanyang boses ay umaapaw sa panghahamak. "Kayong mga hangal na naglakas-loob na magpakita at lusubin ang aking teritoryo! Ipapaunawa ko sainyo ngayong gabi na ang Plaridel ay para lamang sa mga kastila at ang mga basura na tulad ninyo ay dapat ng maglaho upang maging tunay na payapa ang Bulacan!"

​Ilang saglit pa ay lumapag si Gilo mula sa kalangitan, ang pinuno ng Bagwis, nakakuyom ang kanyang mga kamao sa galit. 

"Kami ang mga anak ng Bulacan!" sigaw niya, ang kanyang boses ay isang mapaghamong sagot sa mga pang iinsulto ni Salazar. "Ang mga kastila ang tunay na basura na dapat paalisin sa aming lupain!"

​Biglang, sumabog ang kanyang katawan sa puting apoy, at nag bago ang anyo ng kanyang enerhiya— lumikha ito ng mga pakpak ng dragon at buntot na nagliliyab sa paligid niya. 

Ang kanyang presensya ay nakakatakot, na parang mismong lupa ay nanginginig sa kanyang galit. Umurong ang mga pulis, nanginginig ang mga kamay nila hawak ang mga baril habang nagbabanta si Gilo sa harap nila. 

 "Hindi matatapos ang gabing ito hangga't hindi nawawala ang bawat kastila sa Plaridel!"

​Tumawa lang si Salazar, malamig at mapagmataas ang tono niya. " Ang hangal na pinuno ng bagwis, kung sa tingin mo ay kaya mo akong talunin, bakit hindi mo subukan !" pang-iinis niya, kumikinang ang kanyang mga mata na tila may masamang balak.

 "Patunayan mo, sugo ng Marilao, kung ano ang magagawa ng katulad nyong mga daga sa bahay ng isang leon!"

​Ang gabi ay napuno ng tensyon, nakahanda ang mga rebelde at kastila para sa isang labanan na magdedesisyon sa kapalaran ng Plaridel. Sa ilalim ng bilog na buwan, nagsimula na ang digmaan na dudumi sa lupa ng Bulacan dahil sa mga dugo ng mga tao.

​wakas ng Kabanata. 

More Chapters