kabanata 35: Angq Dilim ng Pagdududa
POV ni Erik
Isang tahimik na umaga sa lumang bodega na naging kulungan ko, maliban sa mahinang kalansing ng metal na umaalingawngaw mula sa malayo. Pumapasok sa loob ang sikat ng araw sa mga sira ng bubong, ngunit hindi iyon sapat para alisin ang lamig na kumakapit sa balat ko.
Nakaupo ako sa isang sirang silya, kumakain ng isang simpleng almusal— isang tasa ng kape at isang mangkok ng mainit na kanin na may ulam na ibinigay ng mga tauhan ni sir Apyong. Masarap ang lasa ng pagkain para sa dila ko dahil narin sa pagod na nararamdaman ng katawan ko.
Sa tapat ko, nakaupo si Señor Apyong sa kanyang wheelchair, matalim ang kanyang mga mata ngunit may bahid ng pag-aalala. Sa tabi niya ay si Miss Jana, tahimik ngunit may presensya ng isang disiplinado at matapang na tao.
Ang kanilang mga tingin ay parang mga punyal na tumatagos sa dibdib ko, ngunit tumanggi akong hayaang maka ramdam ng alinlangan sa misyon ko
Alam kong ang mga sandaling ito ay ang magpapatunay kung makakaya ko bang magpatuloy sa landas na pinili ko bilang si Ifugao.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Ifugao?" tanong ni Apyong, kalmado ang boses ngunit may bigat na nagpapahiwatig ng mas malalim na layunin. "Gusto mo pa bang ituloy ito? Ang pagiging bayani?"
Pinuri nya ang napakabilis na regeneration ng katawan ko at ang mabilis na pagbabalik ng enerhiya ng katawan ko na hindi raw pangkaraniwan gayumpaman inamin nya na hindi ko pa kayang makipaglaban kagaya ng isang tunay na mandirigma.
Hindi kaagad ako nakasagot at naisip na marahil may kinalaman ang mabilis na pagbabalik ng enerhiya ko sa pagtanggap ko ng kapangyarihan sa aking diwata sa ibang paraan. Naalala ko ang mga sinabi saakin ni hiyas na mapalad ako kesa sa ibang sugo ng pilipinas dahil labis ako nitong pinagkatiwalaan at pinangangalagaan.
Hindi naman ako mapanatag, bawat kagat ng tinapay ay tila nawawalan ako ng tiwala sa kakayahan ko sa pakikipaglaban. Dahil na rin sa mahigit sampung laban namin ni Jana, wala akong naipanalo kahit ni isa.
Ang kanyang mga sandata na tila buhay na galamay ng pugita, ay masyadong mabilis, masyadong malakas. Gayunpaman, sa kabila ng sakit sa katawan ko—na parang may isang libong karayom ang tumutusok sa akin laman ay nanatiling matatag ang paniniwala ko na dapat kong ituloy ito.
"Hindi ako susuko, Señor Apyong," sabi ko, mahina ang boses ngunit puno ng determinasyon. "Alam kong hindi pa sapat ang nalalaman ko para talunin si Miss Jana, pero gusto ko pa ring subukan maging bayani. Gusto kong protektahan ang mga tao."
Ngumiti si Apyong dahil sa mga narinig, ngunit ang ngiti niya ay may halong kalungkutan. "Kahanga-hanga ang tapang mo, Ifugao. Ngunit hindi sapat ang tapang lang para iligtas ang mga tao," sabi niya, ang kanyang mga salita ay lumubog sa dibdib ko na parang mabigat na bato.
"Marami na ang nagtangkang maging bayani, mga sugo na tulad mo, puno ng pangarap at layunin. Ngunit karamihan sa kanila ay nabigo. Ang iba sa kanila ay namatay bago pa nila matupad ang kanilang mga misyon."
Ang kanyang mga salita ay nagbigay sa akin ng kalungkutan. Nakaramdam ako ng lungkot, at sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok ang takot sa isip ko sa ideya na maaaring matulad ako sa mga dating sugo na ninais maging bayani.
"Imposible ba talaga ang bagay na iyon, sir Apyong?" tanong ko, halos maputol ang boses ko. "Talaga bang imposibleng maging bayani ako?"
Bago makasagot si Apyong, biglang sumingit si Jana. "Kahit sino ay pwedeng maging bayani, Ifugao," sabi niya, matalas ang tono ngunit may bahid ng katotohanan.
"Pero ang totoo, karamihan sa kanila ay namamatay lang. Ang tanong ko sa iyo ay ito: Ano ba talaga ang gusto mong gawin? Nauunawaan mo ba ang kahihinatnan ng mga ginagawa mo?"
" Kung haharapin mo ang ibang mga heneral, hindi sila magdadalawang-isip na patayin ka sa laban, handa ka bang mamatay sa laban?."
Napayuko ako, humihigpit ang mga kamay ko sa mangkok ng sabaw na hawak ko. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
"Hindi ko alam kung ano talaga ang dapat kong gawin, Jana," pag-amin ko, krudo ang boses sa pagiging tapat. " Syempre natatakot akong mamatay sa laban. "
""Basta ang alam ko lang, kailangang matigil ang karahasan. Gusto ko lang magdala ng kapayapaan sa bansang ito at iyon ang dahilan kaya ko ito ginagawa."
Hindi nagustuhan ni Jana ang sagot ko. Umiling siya, puno ng pagkadismaya ang mga mata. "Para kang bata na naglalaro lang sa isang digmaan Erik," sabi niya, ang boses niya ay parang latigo na humahagupit sa puso ko.
"Hindi mo nauunawaan ang bigat ng responsibilidad na gusto mong akuin. Kung susubukan mong tulungan ang mga Pilipino, magiging kalaban mo ang mga kastila. Pero kung panig ka sa mga kastila, magiging traydor ka sa mata ng ibang Pilipino. Alam ko ito dahil pinagdaanan ko na ito at minsan ng nagdesisyon."
Tinitigan ko siya, nagulat sa kanyang mga salita. "maaari bang matanong kung bakit ka sumali sa militar, miss Jana?" tanong ko, nakuha ang aking kuryosidad. "Bakit mo nilabanan ang kapwa mo Pilipino at sumusunod sa mga kastila?"
Huminga siya nang malalim si miss jana, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita ako ng kalungkutan sa kanyang mga mata. "Sumali ako sa militar dahil gusto ko ng kayamanan, impluwensiya at kapangyarihan," pag-amin niya, mahina ang boses ngunit mabigat sa pagsisisi.
"Hindi ko itatanggi na may bahagi sa akin na gustong protektahan ang mga Pilipino, pero hindi ko rin itatanggi na tinalikuran ko ang ilan sa kanila."
' Noon, ginamit ko ang kapangyarihan ko bilang sugo laban sa mapang-abusong mga kastila. Sa loob ng limang taon, naging sumam ako sa mga rebelde, lumalaban kung saan-saan. Pero isang araw, napagtanto ko na wala akong napapala. Lumaban ako at napapagod, pero hindi naman nahihinto ang pang-aabuso kahit na subukan ko itong pigilan. Sa huli, napagod lang ako at nabigo akong makamit ang tunay na kapayapaan."
Sinulyapan ko si Apyong, na tahimik na nakikinig. "Pero nang makilala ko si Heneral Apyong," patuloy ni Jana, "binigyan niya ako ng bagong pag-asa. Ipinakita niya sa akin na pwede akong tumulong sa aking mga kababayan sa ibang paraan at magagawa ko lang iyon gamit ang pagsali sa militar. '
" Sa ganoong paraan, mapoprotektahan ko ang teritoryong ipinagkatiwala sa akin ng aking diwata, at ang mga tao doon ay maaaring mamuhay nang payapa sa pangangalaga ko."
Tiningnan ko si sir Apyong, lumalalim ang aking kuryosidad kung ano ba talaga ang plano ng isang heneral na kagaya nya. "Kung ganoon, Señor Apyong, bakit mo ako binibigyan ng pagkakataon kagaya nito?" tanong ko, may bahid ng pagtataka ang boses.
"Kahit ngayon, hinahanap parin ako ng gobyerno dahil sa nangyari sa urdaneta kaya bilang heneral ng gobyerno, hindi ba dapat inaaresto mo ako? "
Ngumiti si Apyong, ang ngiti niya ay may bahid ng pagka misteryo. "May mga bagay akong kailangang gawin para mapanatili ang balanse, Erik," sabi niya. Huminga siya nang malalim, na parang naghihintay ng tamang sandali para magpaliwanag.
"Gusto kong makita ka bilang isang tunay na mandirigma—isang mandirigma na kayang lumaban kahit sa mga heneral na tulad ko."
Natigilan ako sa mga sinbi nya, at maging si Jana ay tumingin kay Apyong, puno ng pagdududa ang mga mata. "Ano ang ibig mong sabihin, Heneral?" tanong niya, may pag-aalala ang boses.
Ngumiti si Apyong, hindi natinag sa reaksyon nito. "Kaming mga heneral ay nakatali sa mga batas at patakaran ng mga kastila. May kapangyarihan kami sa bansang ito, pero hindi namin kayang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng Pilipino. "
" Ihalimbawa natin ang Bulacan, laganap ang pang-aabuso sa Plaridel dahil sa mga opisyal sa Lungsod. Ngunit dahil hindi ito sakop ng aking awtoridad, wala akong magagawa roon. Hindi kami pwedeng lumaban sa kapwa namin heneral, kahit mali ang kanilang mga ginagawa. "
Tiningnan ko si Apyong, naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita. "Kailangan magkaroon ng balanse ang lahat, Erik," patuloy niya. "At gusto kong makita na magawa mo ang hindi ko magawang gawin. Gusto kong labanan mo ang mga katulad kong heneral kapag hindi na makatwiran ang kanilang mga ginagawa. Pigilan mo sila sa pagpatay sa mga Pilipino."
Nagulat ako sa narinig ko at naguguluhan ang isip ko. "P-pe-pero bakit ako, Señor Apyong?" tanong ko, mabigat ang boses sa pagdududa. "Bakit gusto mong ako ang gumawa nito?"
Inamin naman ni Apyong, "Hindi ka pa mahusay sa pakikipaglaban, Ifugao. Marahil dahil bata ka pa. Pero inirekomenda ka ng sugo na si Laguna." Ngumiti siya, na parang may hawak siyang sikreto na hindi ko pa naiintindihan.
"Nakausap ko si Laguna, at sinabi niya na malaking ang potensyal mo na matalo ang mga heneral. "
Nalito ako. "Laguna?" tanong ko, lumipad ang isip ko sa mga alaala. "Hindi ko pa siya nakikilala. Minsan ng sinabi ng kasama kong diwata na iniligtas ako ni Laguna nang mawalan ako ng malay sa laban ko sa urdaneta."
Tumawa si Apyong ng magaan ngunit makabuluhan ang tono niya. "Hinding-hindi nagpapakita si Laguna sa iba. Gumagalaw siya nang palihim, parang isang anino na hinding-hindi mo mahuhuli. "
" Isa siya sa limang pinakamalakas na sugo sa Pilipinas. Kung tatanungin mo ako, kaya ni Laguna na labanan maging ang mga Espada ng Espanya—ang pinakamakapangyarihang mandirigma ng bansa nila."
Natigilan ako sa nalaman ko tungkol kay Laguna. "Kung ganoon kalakas si Laguna, bakit ako ang inirekomenda niya para pigilan ang mga heneral? Bakit hindi siya mismo ang lumaban para sa mga Pilipino?" tanong ko, puno ng kuryosidad ang boses.
"Nakatali rin ang kamay ni Laguna," sagot ni Apyong. "Kilala siya ng mga kastila at kinikilala ang kapangyarihan niya. Kapag nalaman nilang lumalaban siya sa gobyerno, ipapadala ng Espanya ang iba pang mga Espada ng espada dito."
"Espada ng espanya?" tanong ko.
"Ang mga Espada ng espanya—ang mga mandirigma na may ranggo na King-class sa Espanya—na ipinapadala sa mga giyera. Kapag dumating sila sa Pilipinas, siguradong dadanak ang dugo, at magaganap ang isang trahedya na mas malala pa kaysa sa pwede nating maisip."
Tumango ako, kahit gulong-gulo pa rin ang isip ko. "Pero paano siya nakakasiguro na kaya kong lumaban?" tanong ko, mahina ang boses. "Kahit ako, nagdududa na kaya kong talunin ang mga heneral."
Ngumiti si Apyong, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita ako ng pag-asa sa kanyang mga mata. "Sa ngayon, tuturuan ka ni Jana kung paano mo mapapalabas ang tunay na potensyal ng kapangyarihan mo bilang sugo. "
" Tinatawag namin itong 'Hyper Mode.' Ayon sa kaalaman ng mga kastila tungkol sa kapangyarihan ng diwata, ito ang paraan para makontrol mo ang enerhiya mo at manikulahin ang shakra mo sa katawan."
"Gayunpaman, kailangan ng oras para i-master ito, pero kung maiintindihan mo ang konsepto at pamamaraan, hindi imposibleng matutunan ito nang mabilis."
Biglang sumingit si Jana na may pagdududa ang boses. "Heneral, sigurado ba kayo na dapat natin itong ituro sa kanya? Maaari siyang maging kalaban ng gobyerno sa hinaharap."
Ngumiti si Apyong na tila hindi natitinag. "Natatakot ka ba, Jana, na baka isang araw ay matalo ka ni Ifugao sa laban?" tanong niya na may panunukso ang tono.
Itinanggi iyon ni Jana habang namumula ang mukha sa inis. "Hindi ito tungkol sa akin, Heneral! Ito ay tungkol sa pamumuno ng gobyerno. Nag-aalala ako na baka malaman ito ng ibang mga heneral at tiyak na malalagot kayo."
"Hindi nila malalaman maliban kung may magsasalita," sagot ni Apyong, kalmado ngunit kumpiyansa ang boses. "Walang makakapagsabi kung ano ba talaga ang tama o mali sa mundong ito, Jana. Kung ang desisyon nating pumanig sa gobyerno ng Espanya ay maging mali, kailangan may pumigil sa atin. At naniniwala ako na si Erik ang makakagawa niyan."
Hindi ako nakapagsalita ng marinig ko ang pagtitiwala saakin ni sir Apyong. Napayuko ako, mabigat ang puso bakas ang pagdududa. Hindi ko alam kung kaya ko bang talunin ang mga heneral, ngunit handa akong subukan. Handa akong pigilan ang mali, kahit ilang beses pa akong mabigo—babangon ako at lalaban muli.
Samantala, sa Plaridel, umaga palang ay napupuno na ng gulo ang paligid. Ang bayan ay parang nababalot sa isang madilim na ulap, mabigat ang hangin dahil sa takot at galit ng mga kastila. Maaga pa lang, ginising na ang mga Pilipino sa kanilang mga bahay. Dahil sa mga pangyayari kagabi—ang pagkamatay ng alkalde sa kamay ni Hustisya—lalo pang naging brutal ang mga pulis sa pag aresto sa mga Pilipino.
Sapilitan nilang inaresto ang bawat Pilipino na nakita nila sa bayan. Bata, matanda, babae, lalaki—walang pinatawad, lahat ay isinakay sa mga sasakyan at dinala sa isang hindi malamang lokasyon. Ang mga iyak ng mga bihag ay umalingawngaw sa mga kalye, ngunit walang nakinig, walang tumutulong.
Dahil sa pagkamatay ng alkalde, mismong si Heneral Vicente Salazar, ang tumatayong pinuno ng pwersa ng kapulisan sa plaridel, na nag utos sa mga pulis na hulihin ang lahat ng pilipino sa bayan.
Sa gitna ng plasa ng Plaridel, lahat ng mga bihag ay sapilitang pinaupo habang nakatali ang kanilang mga kamay ng lubid na humihigpit sa bawat pag galaw.
Mahigit isang daang tao ang naroon, nakaukit sa kanilang mukha ang takot, ang kanilang mga boses ay puno ng pagmamakaawa at pag-iyak. Ngunit sipa at suntok lang ang natanggap nila mula sa mga pulis.
"Tumahimik kayo!" sigaw ng isang pulis, hinampas niya sa likod ng isang umiiyak na matanda. "Kapag umingay pa kayo, sasaktan namin kayo nang mas matindi!" Ang mga Pilipino ay nakakapit lang sa kanilang mga pamilya, puno ng pangamba at kawalan ng pag-asa ang kanilang mga mata.
Makalipas ang ilang sandali, umakyat si Heneral Vicente Salazar sa isang plataporma sa gitna ng plasa. Ang kanyang hitsura ay parang isang buwitre na handang kumain sa kanyang biktima— napaka elegante ng uniporme niya puno ng medalya at badge, habang ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit at kayabangan.
"Ako si Heneral Vicente Salazar, ang gobernador heneral ng bulacan, " anunsyo niya, umalingawngaw ang boses niya sa plasa. "Nandito ako para wakasan ang kaguluhan na nagaganap sa bayan ng Plaridel!"
Ipinaalam niya sa lahat ng naroon ang nangyaring pagpatay ni Hustisya sa alkade at kung gaano kalaking kasalanan pagpatay sa isang mataas na opisyal ng gobyerno "Dahil sa krimen na ginawa ni Hustisya, siya at ang kanyang mga kasabwat ay paparusahan ng kamatayan!" sigaw niya, nakataas ang kanyang kamao sa hangin. "Walang makakatakas na mga kriminal sa batas ng espanya!"
Mula sa mga sasakyan, kinuha ng mga pulis ang napakaraming latigo at ipinamahagi ang mga ito sa bawat sundalo. Ipinahayag ni Salazar na lahat ng tao sa plasa ay itinuturing na rebelde, kasabwat ng isang vigilante, at ang parusa sa kanila ay isang libong latigo bawat isa.
Natakot ang mga tao sa narinig na pagpaparusa sa kanila at mabilis na napuno ng pagmamakaawa ang lugar .
"Pakiusap, maawa kayo!" sigaw ng isang ina, nakayakap sa kanyang anak. Ngunit sa utos ni Salazar, nagsimula nang ihataw ng latigo ng mga pulis sa mga Pilipino.
Napuno ng sigaw at iyakan ang plasa. Kahit mga bata at matatanda ay walang awang hinahagupit, duguan ang kanilang mga katawan sa bawat hampas. Mula sa plataporma, matapang na nagsalita si Salazar.
"Walang makakakontra sa gobyerno ng Espanya! Ito ang parusa para sa mga rebelde!" sigaw niya, parang kulog ang boses na tumatama sa puso ng bawat Pilipino.
Lumipas ang mga oras, at mabilis na kumalat ang balita ng mga kahindik-hindik na pangyayari sa plasa sa buong Plaridel. Nagtago ang mga Pilipino sa kanilang mga bahay, natatakot na baka sila na ang susunod na dakpin.
Ang bayan ay parang nakulong sa isang madilim na bangungot, at bawat tunog ng yabag ng mga pulis na umiikot sa plaridel ay parang katok ng kamatayan.
~Pov ni georgia.
Sa bahay namin, habang kumakain kami ng tanghalian, hindi ko maitago ang pag-aalala na mababakas sa mukha ko. Bawat kagat ng kanin ay parang nginunguya ko ang konsensiya ko.
Alam ko na ang ang kaguluhan ngayon sa bayan ng plaridel ay epekto ng ginawa ko kagabi bilang si Hustisya. Ang pagkamatay ng alkalde ay nagpaapoy ng mas matinding galit ng mga Kastila laban sa ang mga Pilipino at malinaw na kaya sila nagdurusa ay dahil sa akin.
Kinain ako ng pagkakonsensya. Bawat sigaw na naririnig ko mula sa labas ay nagpapakirot sa loob ng puso ko. Naguguluhan ako, tinatanong kung tama ba ang ginawa ko. Ang mga taong iniligtas ko kagabi ay mas nagdurusa pa ngayon, at ako pa rin ang dahilan.
Ibinaba ko ang kutsara at tinidor ko, nanginginig ang mga kamay ko sa bigat ng aking mga iniisip. Nakokonsensya ako.
"Apo, may problema ba?" tanong ng lolo ko, puno ng pag-aalala ang boses habang nakatingin sa akin.
Bigla akong nagsalita, puno ng determinasyon ang boses ko. "Kailangan ko na pong umalis, Lolo."
Nagulat ang lolo at lola ko sa narinig nila saakin at sabay silang nagsalita. "Saan ka naman pupunta, Georgia?" tanong ng lola ko, nanlalaki ang mga mata nya sa takot. "Huwag kang lalabas! Masyadong mapanganib ngayon na lumabas ng bahay!"
Sinubukan nila akong pigilan puno ng pag-aalala. "Georgia, anak, baka madamay ka sa gulong sa labas," sabi ng lolo ko, nakapatong ang kamay niya sa balikat ko. "Manatili ka rito sa bahay, kung saan ligtas ka."
Ngunit mas malakas ang galit sa puso ko kaysa sa kanilang mga salita. Tumayo ako, nakakuyom ang mga kamao ko. "Kung walang pipigil sa mga kastila ay tuloy-tuloy lang ang pang-aabuso nila!" sigaw ko, mabigat ang boses sa sama ng loob.
"Hindi ko hahayaang magdusa ang mga Pilipino sa plasa nang dahil sa akin!"
"Dahil sa iyo? Ano ang sinasabi mo, apo?" tanong ng lolo ko.
Dahil ang lola ko lang ang may alam na ako si Hustisya, natatakot siya na baka pumunta ako sa plasa para tulungan ang mga bihag. Sa sandaling iyon, marahan niyang hinawakan ang kamay ko, kalmado ang hawak niya ngunit puno ng pagmamahal. "Georgia, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo," sabi niya, malambing ang boses na parang sinusubukan na pakalmahin ako.
"Pero hindi mo kailangang magmadali sa pagdedesisyon. Ang pagpunta roon para makipaglaban sa mga kastila ay magdadala lang ng mas maraming problema sayo. Magdaragdag lang iyon ng matinding galit saiyong sarili dahil sa mga pagkakamali mo. Hindi mo makakamit ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng karahasan."
Pumikit ako, habang sumasabog ang galit na nasa loob ng dibdib ko. Napagtanto ko na kahit labanan ko ang mga kastila ay hindi matatapos ang pagdurusa ng aking mga kababayan.
Kahit patayin ko ang mga opisyal, papalitan lang sila ng mga bago, at magpapatuloy ang pang-aabuso. Bigla akong nakaramdam ng takot —takot para sa sarili ko, at takot na baka nga mali ang mga desisyon ko.
Naiiyak ako dahil sa mga pagkakamali ko, umiyak na parang bata, at kumapit ng mahigpit sa lola ko. "Nagkamali po ako, Lola," sambit ko na puno ng pagsisisi.
"Nagsisisi na ako sa ginawa ko. Dahil sa akin, mas nagdurusa ang mga tao. Ano ang dapat kong gawin? Natatakot ako na hulihin nila kayo, ayaw kong madamay ang pamilya natin sa gulo na ginawa ko."
hinimas ng lola ko ang ulo ko oara pakalmahin ako, niyakap nya ang ulo ko habang binalot ako ng kanyang mga salita na parang isang mainit na yakap.
"Wala kang kailangang gawin, apo," sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. "Matanda na kami ng lolo mo. Nasa huling kabanata na kami ng buhay namin. Handa na kaming umalis kung iyon ang kapalaran namin. Pero ikaw, Georgia, nagsisimula pa lang ang buhay mo."
" Mahaba pa ang tatahakin mo. Marami ka pang dapat gawin, marami pang dapat maranasan—maglakbay, umibig, bumuo ng pamilya. Gusto namin ng lolo mo na mabuhay ka nang matagal at maranasan ang magagandang bagay sa mundong ito."
Idinagdag pa niya, "Hindi lahat ay kayang gawin ng isang tao, apo. Ginawa mo na ang kaya mo para sa mga Pilipino, at sapat na iyon. Manatili ka nalang rito saamin."
Patuloy akong umiyak, kumakapit sa lola ko na parang bata. Hindi pinatatahimik ng konsensya ang isip ko, hindi ako sigurado kung ano ang pwede kong gawin. Alam kong kailangan kong kumilos para tulungan ang mga Pilipino, ngunit hindi ako sigurado kung magtatagumpay ako—o kung ano ang magiging kapalit ng mga susunod na aksyon ko.
"Lola, mahal na mahal ko po kayo ni Lolo. Ayaw ko kayong mawala saakin," sabi ko.
Takot na takot ako na baka magdulot ang mga ginawa ko ng isa pang trahedya. Sa sandaling iyon, ang gusto ko lang ay makita ang pamilya ko na ligtas, hindi ko na kayang mg isip at magdesisyon pa.
wakas ng POV ni Georgia
