Ficool

Chapter 160 - Chapter 158: Fuck! Nasa overnight ako yayayain niyo ako ng practice match?!

Hindi man nanalo ang CP, kasama parin naman sila sa global competition dahil may 2 slot ang KPL. Kung titingnan ang list ng mga domestic champion sa iba ibang region, nakikita na kaagad ng FTT na hindi magiging smooth ang laban nila sa global dahil kung goal nilang makuha ang World championship trophy kailangan nilang talunin ang mga teams galing sa ibang region at ang team ng Chinese division. Sa CP palang halatang mahihirapan na sila dahil kung titingnan ang gameplay nila laban sa MPG, sobrang lalakas na nila ngunit sa huli natalo parin sila. Ano pa kaya kung makalaban nila ang MPG? Kaya ba nilang makuha ang victory? Kung ang Chongqing Prince na apat na beses nang naging World champion ay natalo parin sa MPG, paano pa kaya sila na bago lang naging domestic champion at halos mawalan pa ng isang point.

Samantalang, hindi naman na-pressure silang apat at sinabihan ang isa't isa na hayaan nalang kung ano ang magiging result. Gagawin nalang nila kung hanggang saan ang abot ng kanilang lakas.

Ngunit kinagabihan, hindi sila natahimik at pare-parehong pumunta sa training room para mag-training na kaagad. Nag-training sila gamit ang mga hero na ginamit ng MPG nung grand finals. Hindi p'wedeng hindi sila makatungtong sa stage ng champions arena dahil goal nilang maging World champion. Wala sa base ang second string kaya hindi nila ito mayaya ng practice match, ngunit sinabi naman ni Jacian na may alam siyang team na p'wede nilang yayain kaya nilabas niya ang kanyang cellphone at kaagad hinanap ang contact ni Ziling. Ang mid laner ng WH sa KPL teams.

Tiningnan siya ni Blue. "Kilala mo si Ziling?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Normal lang naman sa e-sports circle na magkakaclose ang mga players pero kakapasok palang ni Jacian sa e-sports circle at hindi pa nakakasabak sa global kaya nagtataka si Blue kung bakit kilala nito si Ziling.

Saglit lang na nagtipa si Jacian bago sinagot si Blue. "Mga client ko sila nung streamer pa ako."

"Mga client?"

"Mm, kasama yung jungler nila na si Reyi."

"Pero diba ML steamer ka, paano ka nila nakilala kung magkaibang MOBA games ang nilalaro niyo?"

"Naglalaro sila ng ML bago mag-start yung match. Pang pakalma 'raw sabi nila." Sagot niya sa tanong ni Blue. Ilang sandali ang makalipas nang makatanggap ng reply si Jacian, pumayag si Ziling sa practice match kaya siya na ang nag-invite sa kanila.

Tinawagan naman ni Gem si Lucky at sinabing buksan nito ang kanyang HoK para i-accept ang invitation, nagtanong pa si Lucky ngunit hindi na nag-reply si Gem at pinabayaan ang chat nito. Alam naman ni Lucky na walang balak mag-reply si Gem dahil kabisado niya ang ugali nito kaya kaagad din naman siyang nag-online at in-accept ang invitation.

[Fuck! Nasa overnight ako yayayain niyo ako ng practice match?!]

Chat ni Lucky sa lobby.

[Lakas din ng loob mong mag-overnight.] Reply ni Blue.

[???] [Nand'yan na kayo lahat sa base?]

[NAKARAAN PA!] Sagot ni Blue.

[!!!] Tanging sagot lang ni Lucky.

Hindi rin nagtagal nang magsimula na ang kanilang training, hindi narin nagreklamo si Lucky kahit na basa ang buong katawan niya dahil kakaahon niya lang sa swimming pool. Habang pinipili nila yung mga hero na ginamit ng MPG sa grand finals sinabihan sila ni Jacian na susubukan nilang maglaro nang walang command. Kasing lakas ng WH ang CP kaya kung matalo man nila ang WH may pag-asang matatalo din nila ang CP.

Nagsimula na ang practice match at naglaro sila gamit lamang ang tacit understanding, nag-uusap sila ngunit hindi nagcommand si Jacian, susunod sila sa plano nilang lima. Maayos naman ang kanilang laro at nagawa nilang matalo ang WH, nakakuha sila ng 3 points at 2 points naman sa WH. Pagkatapos ng kanilang practice match umilaw ang cellphone ni Jacian at makikita ang chat ni Ziling, sinabi nitong humina ang team nila at lumakas ang FTT. Binigyan din sila ng WH ng goodluck at sinabing iganti nalang sila sa MPG dahil dinurog sila ng team na yun ngayong season.

[Just Call Me Boss: Mm, noted.] Sagot lang ni Jacian at pinatay na ang kanyang cellphone.

"Kaya naman pala natin kahit hindi ka na magcommand, Boss. Mahirap magcommand kapag ganito kalalakas na teams ang makakalaban natin." Lintaya ni Blue na siyang nakasandal sa gaming chair habang pinapanood ang replay ng practice match nila kanina.

Tumango si Jacian. "Naisip ko rin. Tsaka nakakapagod. Mag-rerequest ako kay Coach Dang na ayoko na maging commander." Sabi niya at kinuha ang noise-cancelling headphones sa kanyang leeg at nilapag sa mesa.

"Mas lumalim ang tacit understanding natin ngayon." Ani Gem habang nakatingin sa KDA. "Lumakas narin naman si Lucky, mas nag-improve siya ngayon." Seryusong sabi ni Gem ngunit hindi niya inaasahang makakarinig siya ng kantyaw mula kay Jacian at Blue. Sabay na nag 'Wooo...' ang dalawa.

Gem: "?"

Just: "."

Nagtatakang tiningnan ni Gem ang dalawa. "Bakit?"

Ngunit hindi sumagot ang dalawa at nanatili lang na nakangiti.

"Ako nanaman." Reklamo ni Gem.

Halos madaling araw na nang matapos ang kanilang practice match kaya hindi narin sila nagtagal sa loob ng training room at nagdesisyong bumalik sa kanilang dorm. Ilang araw nalang din naman ay babalik narin si Coach Dang sa base at magsisimula na ang kanilang training, kailangan nila ng mahabang pahinga at peace of mind.

Pagkagising ni Jacian, bumaba siya para pumunta sa kusina at nakita niyang nasa living room si Blue habang nagkakape. Tinawag siya ni Blue at sinabing nag-iwan si Just ng pagkain sa kusina para sa kanya, tumango lang si Jacian at dumeritso na doon.

Habang nagtitimpla siya ng kape, narinig niyang bumukas ang pinto ng base at pumasok ang malakas na boses ni Lucky.

"Nasan si Gemrick?!"

Dinig ni Jacian mula sa living room, hindi sumagot si Blue kaya dumeritso si Lucky sa kusina. Tinaktak ni Jacian ang kutsara sa baso at humigop doon.

"Nasan si Gem?" Tanong sa kanya ni Lucky habang nakasandal ito sa pinto. Halatang kagagaling lang ni Lucky sa bakasyonan dahil nakahawaiian pa ito na kulay black at may suot na maraming kwentas, naka-bucket hat ito ng kulay blue green habang hawak ang bagong cellphone na puti. Hindi rin nawawala ang malalaki niyang singsing sa mga daliri.

Tiningnan niya si Lucky at binitbit ang baso patungo sa mesa. "Baka nasa dorm niya." Saad niya at umupo.

"Tsk! Bwesit na Gem! Pinakabwesit na tao sa buhay ko!" Asar na saad ni Lucky at pumasok.

"'Yan na pala siya." Ani Jacian habang nakatingin sa likuran ni Lucky.

Gem: "?" Nagtatakang pumasok si Gem at maglalakad na sana siya patungo sa mesa nang hilahin ni Lucky ang kanyang braso. Hindi naman nayanig ang katawan ni Gem at bahagya lang hulimis ang kanyang balikat nang hilahin ni Lucky.

"Anong sinasabi mong may utang ako sa'yo?!" Angil kaagad ni Lucky.

Nilihis ni Gem ang kanyang ulo para tingnan si Lucky, binigyan niya lang si Lucky ng malamig na tingin at hindi na ito binigyan ng atensyon ngunit inikot ni Lucky ang kanyang braso sa leeg ni Gem at patalikod itong hinila palabas ng kusina.

Si Jacian na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone ay bahagyang natawa sa dalawa, nilapag niya sa mesa ang kanyang cellphone at nagsimulang kumain. Buti nalang at nagising siya ng maaga ngayon, dahil kung hindi siguradong si Lucky nanaman ang kakain sa niluto ni Just para kanya.

Tahimik ang e-sports circle dahil hindi pa nagsisimula ang tournament, humupa narin yung post ng mga fans tungkol sa pagiging domestic champion ng FTT at pagkatalo ng GOT-G. Ngunit nag-trending ang interview nila at naka-ilang cut ng mga fans ang video lalo na sa part na naka-focus ang camera kay Jacian at Just. Sila ang laman ng hot search nitong mga nakaraang araw hanggang ngayon ngunit nang buksan ni Lucky ang kanyang Melon account, hindi siya makapaniwala sa nakita niyang laman ng hot search at top 1 trending, nagulat siya dahilan para magtaka sila.

"Bakit?" Tanong ni Blue habang kumakain ng pizza.

Nasa living room sila ngayon para kumain ng late night snacks na in-order ni Just kanina.

Tiningnan sila ni Lucky at iniharap sa kanila ang kanyang cellphone. "Si Water mag-reretired." Saad ni Lucky.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Blue. "Ha?" Hindi makapaniwalang tanong niya at kinuha ang cellphone ni Lucky.

"Ingatan mo, bagong bili ko 'yan."

"Anong nangyari?" Kalmadong tanong ni Just habang kumakain ng fries.

Maging sila ay nagulat din sa sinabi ni Lucky at hinihintay na marinig ang sasabihin ni Blue, binuksan ni Blue ang official page ng Red Giants para alamin kung totoo ba ang trending sa hot search. Ngunit, isang malungkot na balita sa e-sports circle at ilang segundong binasa ni Blue ang post ng RG para sa retirement ng kanilang captain na si Water. Ang dahilan ng retirement ni Water ay injured ang kanyang bewang at hindi na siya makatayo, pinost din ng RG ang picture ni Water na naka-wheelchair nalang ito paglabas sa hospital. Sinabi ng club na hindi na ito makatayo matapos ang training nila kagabi at kinailangang dalhin sa hospital, malungkot man ngunit kinailangang mag-retired ng kanilang player para sa mahabang recovery.

Isang nakakabiglang balita sa e-sports circle ang retirement ni Water dahil siya ang pinakamagaling na marksman sa puso ng mga fans, ang Filipino shooter ay hindi na nila makikita ulit sa tournament. Sobrang daming nalungkot at halos lahat ng teams ay nag-post dahil sa nakakalungkot na retirement ni Water. Sa puso ng mga e-sports players, isa lang ang goal nila, ang maging World champion at maiangat ang World championship trophy sa harap ng crowd. Ngunit hindi sapat ang lakas ni Water para matupad ang nag-iisang goal at namaalam na kaagad sa e-sports circle. Isa ito sa pinakamalungkot na sandali sa e-sports, ang hindi pa naaabot yung goal pero kailangan nang mag-retired.

Binalik ni Blue kay Lucky ang cellphone matapos basahin ang post ng RG. "Halatang malala na yung injury ni Water, kailangan niya pang pumunta sa Europe para doon magpagamot."

"Sobrang training 'yan, naalala niyo nung bago ang knockout stage, sabi ni Crowd sa gc halos tumira na raw si Water sa training room. Tatlong araw straight siyang nagtraining." Napapailing na sabi Lucky.

"Inabuso niya kasi yung sarili niya. Puspusan kasi talaga si Water mag-training, parang hinihigpitan niya ba yung sarili niya. Kahit pagod na yung katawan niya kung hindi pa siya tapos mag-training, hindi niya papansinin yung katawan niya." Ani Blue.

Tahimik naman si Jacian sa tabi ni Just habang kumakain ng hamburger, bago lang siya sa e-sports circle at hindi pa siya pamilyar sa mga players, nakikinig lang siya sa sinasabi ng mga katabi niya.

"Nagsimula nang abusuhin ni Water yung sarili niya simula nung umalis si Ning sa RG." Saad ni Just. Inikot niya ang spaghetti sa tinidor atsaka iyon nilapag sa plato na hawak ni Jacian.

"Kaya pala ang laki ng improvement ng RG ngayong season, puspusan pala yung training nila. Kumpara last year sobrang lakas ng RG ngayon, biruin mo natalo nila yung HUV." Hindi makapaniwalang lintaya ni Lucky.

"Parang wala ngang match yung HUV sa kanila eh, akala ko nga rin matatalo tayo sa semi-finals. Ang hirap makakuha ng isang game sa kanila." Ani Blue.

"Pero napansin niyo nung last game, ang dali nalang natin na-punish yung RG." Seryusong ani Gem habang binabalatan yung mansanas. Natatandaan niyang snowball lang yung ginawa nila pero nagawa nilang mapunish ng maaga yung RG, akala nga nila hindi gagana yung snowball, dahil hindi naman papayag si Water na hindi ma-drag sa late game ang match. Ngunit hindi nila in-expect na ganun lang nila kabilis natalo yung RG.

Dahil sa sinabi ni Gem, bahagyang nagulat si Lucky.

"Holy shit! Ibigsabihin may injury na si Water nung semi-finals?!"

Tumango si Gem. "Hindi malabo, kung hindi malala bakit kailangan pang pumunta ni Water sa Europe para doon magpagamot kung p'wede namang dito nalang sa Pilipinas?"

Tumango si Lucky bilang pagsang-ayon.

"Antagal na sigurong iniinda ni Water yung injury niya, ayaw niya lang mag-retired dahil may gusto siyang patunayan kay Ning."

Napaismid si Lucky dahil sa sinabi ni Blue. "Hindi ko alam kung bakit obsessed si Water na makakuha ng maraming achievements para may mapatunayan lang kay Ning. Kilala naman natin si Ning, kahit ano, kahit sino, wala siyang binibigyan ng atensyon maliban sa mga desisyon niya sa buhay. Baka nga kahit i-angat niya pa yung trophy sa harapan ni Ning hindi pa ma-realize ni Ning na ginagawa yun ni Water para ma-guilty siya."

More Chapters