Ficool

Chapter 159 - Chapter 157: Ako? Matatakot? Hindi mo ata kilala kung sinong tinatanong mo.

Maingay nanaman ang gc ng kanilang team at gc ng mga pro players, hindi na binuksan ni Jacian ang gc ngunit alam niyang nagmukha nanamang broucher ang kanilang gc dahil sa dami ng mga pictures na sinisend. Ilang araw ng maingay ang kanilang gc at kanya-kanya sila ng send ng picture para magpataasan ng kanilang mga pinupuntahan. Puro 'ting!' nalang ang naririnig niya sa loob ng kanyang dorm kaya tinanggal niya na ang data at nilapag sa mesa.

Nakaharap siya sa computer habang abala ang kanyang kamay sa pag-click ng mouse, naka-upo siya sa gaming chair habang ang itim na noise-cancelling headphones ay nakalagay sa kanyang leeg. Nakalapag sa mesa ang cup noodles na wala ng laman at ilang saglit lang dinampot iyon ni Jacian at hinulog sa trash can na nasa baba ng mesa, ginawa niya iyon nang hindi inaalis ang paningin sa screen ng computer. Mayroon siyang nireresearch ngunit hindi niya iyon mahanap kaya kinailangan niya pang gumamit ng VPN para ma-access iyon.

Habang seryuso siya sa kanyang ginagawa nakarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Sabay na bumalik sina Gem at Blue sa base nakaraang araw dahil wala rin naman daw silang gagawin at tinatamad silang gumala, pasalamat narin si Jacian dahil bumalik kaagad si Gem at nakakain siya ng masarap. Sa kanilang team, si Just at Gem lang ang marunong magluto ang iba tamang kain lang at kasama na siya 'dun, marunong din naman si Lucky pero mas naghahari sa kanya ang katamaran.

Pinindot ni Jacian ang kaliwang part ng mouse para i-'OK' bago siya sumagot. "Pasok." Saad niya habang nakatuon parin sa screen ang kanyang mga mata. Bumukas ang pinto pero bahagyang natigilan si Jacian at suminghot habang nakakunot ang kanyang noo, pamilyar sa kanya ang ganung pabango kaya nilihis niya ang kanyang ulo para tingnan kung sino yun.

Jacian: "?"

Pumasok si Just habang may bitbit na paper bag atsaka nito sinara ang pinto.

"Akala ko ba sa third week ka pa babalik?" Tanong niya at binalik ang kanyang atensyon sa computer.

"Parang ayaw mo pa ata akong makita." Ani Just at lumapit sa kanya. Niyakap ni Just ang kanyang leeg mula sa likod at hinalikan ang kanyang pisngi, nag-angat ito ng mukha para tingnan ang kanyang ginagawa kaya nagdikitan ang kanilang pisngi. "Anong ginagawa mo? Mas busy ka pa sa Coach."

"Nagreresearch ako tungkol sa MPG." Sagot ni Jacian.

Tumayo naman si Just para ilapag ang paper bag sa mesa ngunit nanatiling nasa balikat ni Jacian ang kaliwa niyang kamay, hinawakan niya ang baba ni Jacian gamit ang kanyang palad at kasya lang ang mukha nito sa kanyang kamay.

"MPG?" Tanong ni Just.

Tumango si Jacian. "Most Powerful Gamers, yung sinasabi ko sa'yong malakas na Team sa KPL."

"Yeah. Nakita ko rin 'to sa Weibo." Sagot ni Just at naglakad palapit sa mesa para sumandal doon, ngunit ilang sandali ang makalipas nang titigan niya si Jacian. "Bakit? Natatakot ka?" Seryusong tanong ni Just ngunit nababahiran ng pang-aasar ang kanyang tono.

"Ako? Matatakot? Hindi mo ata kilala kung sinong tinatanong mo." Sagot ni Jacian at tinuro pa ang kanyang sarili.

Natawa si Just dahil sa reaksyon ni Jacian. Nilapag niya ang kanyang palad sa mesa para suportahan ang kanyang sarili. "Anong tungkol sa kanila?"

"Sila ang domestic champion ng KPL, si LittlePrince yung MVP nila na nakapenta." Sagot ni Jacian, nag-scroll siya sa playlist ng HoK CN at hinanap doon yung highlights ng grand finals ng KPL. Napanood niya narin iyon kanina kaya mabilis niyang nahanap.

Pinanood nila iyon ni Just at itinuon ang atensyon sa marksman na si LittlePrince. Gamit nito si Shouyue, isang marksman hero na sobrang layo ng range at kilala ng mga gamers sa linyang 'One shot, one kill nang malayuan' lalo na 'pag late game. Ayun kay Lucky, itong marksman hero ang pinakamahirap gamitin dahil hindi continues ang kanyang attack at sobrang hirap barilin yung mga enemies. Hindi rin ito ginagamit ni Lucky kahit laging sinasabi ni Coach Dang na aralin niya si Shouyue, ngunit si Lucky na mismo yung tumanggi at sinabing aralin niya nalang lahat ng marksman hero h'wag lang si Shouyue dahil nakikita niya na kaagad ang kanyang KDA na 0-0-0. Natakot narin si Coach Dang kaya hindi niya na pinilit si Lucky na aralin si Shouyue.

Samantala, kung titingnan ang gameplay ni LittlePrince gamit si Shouyue para bang gusto mo na 'ring gamitin yung hero na 'to dahil napakadali lang pala i-handle, sobrang smooth ng skills at timing ni Shouyue sa kamay ni LittlePrince at literal na siya ang boss ng late game. Sa galaw ni LittlePrince, natakot narin yung Chongqing Prince na lumabas sa sarili nilang jungle at maging si Rachel na jungler ng Chongqing Prince ay hindi makagawa ng play para hulihin itong si Shouyue, hindi nila ma-gank dahil malakas ang game awareness ng humahawak dahilan para hindi sila makahanap ng upportunity at mahawakan ang kontrol sa mapa.

Natalo ang Chongqing Prince at ang mas nakakagulat pa ay nakakuha lang sila ng 1 point, best-of-seven ang series at 4-1 ang naging score, idagdag pa na nakapenta si LittlePrince. Siguradong maraming nagulat na fans dahil sa naging result ng grand finals, ang KPL ang pinakamalakas sa HoK at bihira lang makakuha ng 4-2 na score dahil laging 4-3. Walang gustong umuwi na walang bitbit kaya ganun kahirap makakuha ng sunod-sunod na wins.

Maging sila ay nagulat din dahil sa 4-1 na score dahil anong team ba ang nakakuha ng 1 point sa grand finals? Ang Chongqing Prince na apat na beses nang naging World champion. Paano nangyaring 1 point lang ang nakuha ng Chongqing Prince at kahit kitang kita na ang result hindi pa iyon sapat para makumbinsi ang kanilang sarili, hindi talaga maiwasan ang hindi lamunin ng kuryusidad at panoorin ang iba pang match ng MPG.

Sinubukan nilang panoorin ni Just ang Pov ni LittlePrince para makita nila ng maayos kung paano ito mag-handle ng marksman hero. Ngunit lumampas sa expectation nila yung inaasahan nilang gameplay ni LittlePrince dahil sobrang perfect nito maglaro, perfect strategy, walang error, sobrang accurate ng timing at posisyon. Iyon lang ang masasabi nila sa gameplay ni LittlePrince, perfect. Iyon yung marksman user na hihilingin ng mga junglers pagdating ng late game dahil hindi nasayang yung pagpapayaman nila sa ekonomiya at paghawak ng kontrol sa early.

Pinindot ni Jacian ang mouse para ihinto yung video, matapos niyang mapanood ang gameplay ni LittlePrince parang gusto niya nang tawagan ni Coach Dang at sabihing mag-training na kaagad sila. Pero relax lang muna, wala pa dito ang kanilang marksman dahil nasa bakasyon pa ito para mag-send ng pictures sa gc at may maipagmalaki.

Sumandal siya sa gaming chair habang seryusong nakatingin sa screen. Nasa likuran niya naman si Just habang nakapatong ang kamay nito sa sinasandalan niya.

"Kung makakalaban natin ang MPG, imposibleng manalo tayo kahit isang game." Saad ni Jacian habang nakayuko.

Hindi naman sumagot si Just at ginulo lang ang buhok ni Jacian. Alam ni Just ang iniisip ni Jacian, sa sobrang lakas ng MPG sobrang hirap na para sa kanya ang mag-command, at kung hindi siya mag-cocommand hindi alam ni Lucky kung ano ang gagawin niya.

"H'wag mong i-pressure ang sarili mo. Hindi lang naman MPG ang makakalaban natin."

"Mm, pero goal kong manalo ng World champion."

"Kakapasok mo pa lang sa e-sports, sobra na ang domestic champion na nakuha mo ngayong season." Sagot ni Just at hinawakan ang tenga ni Jacian para pisilin iyon.

Nagsimulang mamula ang tenga ni Jacian kasabay ng pag-iling. "5.5 million ang signing fee ko, hindi sapat ang prize pool ng domestic para ibalik yun."

"Binayaran ka ni mama para magkaroon ng mid laner ang team, hindi para ibalik lahat ng gastos." Ani Just. Niyakap niya ang leeg ni Jacian at siniksik ang kanyang ulo sa leeg nito, hinawakan niya ang pisngi ni Jacian at nilihis ang kanyang ulo para hinalikan ito sa labi. "Babalik muna ako sa dorm, may dala akong hamburger at fries. Kainin mo habang mainit pa."

"Mm." Sagot ni Jacian at kinuha ang paper bag. Wala naman siyang gagawin kaya nagdesisyon siyang manood nalang ng iba pang match ng MPG sa mga games na talo sila, kung perfect ang gameplay ng kanilang marksman imposible namang wala itong error sa mga games na natalo sila. Kinuha niya ang noise-cancelling headphones na nilapag ni Just kanina sa mesa at sinuot iyon, kumain siya habang nanonood. Hindi siya titigil hangga't hindi nakikita ang breakthrough point ng MPG, lalo yung marksman.

Hindi parin bumabalik si Lucky sa base at mukhang hihintayin pa talaga nito ang third week 'pag start ng kanilang training bago ito babalik. Nasa living room silang apat habang nag-uusap dahil alam narin nina Blue at Gem ang tungkol sa pagiging domestic champion ng MPG at maging sila ay nagtaka. Hindi rin sila makapaniwalang natalo lang ng isang bagong team ang Chongqing Prince na ilang beses nang naging World champion. Maging ang mga Chinese netizens sa e-sports circle ay hindi makapaniwala at nag-rerequest sila ng rematch sa mismong KPL.

Ngunit naglabas ng video yung jungler ng Chongqing Prince na si Rachel at sinabi nitong walang daya sa match at kitang-kita naman na detalyadong gameplay yung ginawa ng MPG para matalo sila. Sinabi rin ni Rachel na mas malakas lang talaga yung MPG sa kanila ngayong season kaya hindi nila nagawang manalo. Bahagyang nanginginig narin yung boses ni Rachel at halatang sobrang nalungkot ito dahil sa result, umiyak din ang mga fans dahil sa malungkot na katotohanan ngunit marami din namang nagalit sa Chongqing Prince at lumipat sa MPG.

Pinapanood iyon sa kanila ni Blue na nai-translate na ng mga fans. "Napanood niyo ba yung interview ng MPG?" Tanong ni Blue habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Lumapit sa kanya si Gem para tumingin din sa screen ng kanyang cellphone.

"Nan-tatrash talk sila?" Tanong ni Gem na inilingan ni Blue.

"Tahimik lang sila sa interview, halatang mababait din tsaka hindi sila nagyayabang na natalo nila yung Chongqing Prince." Lintaya ni Blue.

Tumango naman si Jacian. "Napanood ko yung interview ng captain nila na si LittlePrince, nakangiti lang siya habang tinatanong ng host, halatang mabait."

"Lagi ring si LittlePrince yung MVP nila, malalakas silang lahat pero agaw pansin talaga yung gameplay ni LittlePrince." Saad ni Blue.

Dahil sa paglabas ng MPG ngayong season, ang WH na isa rin sa pinakamalakas sa KPL ay natambakan na ng kanilang topic, hindi na namemention ang WH dahil sa mga nagdaan nilang games laban sa MPG, hindi man lang sila nakakuha ng points at kitang kita kung gaano sila nadurog. Grabe kung mandurog ang MPG sa puntong iisipin ng makakapanood na nagyayabang sila pero hindi naman sila nagyayabang pagdating sa interview, sobrang humble nila. Maging sa mga fans ay nakikipag-interact sila.

Bagaman, hindi iyon binigyan ng atensyon ni Jacian. Ang kailangan niyang hanapin ay ang breakthrough point ng MPG. Isang beses lang natalo ng Chongqing Prince ang MPG at iyon ay ang game 3 na umabot ng 26 minutes sa loob ng match, hindi kasama ang ban/pick phase. Di-nrag ng Chongqing Prince ang match hanggang sa pinaka-late game at nagawa nilang ma-ACED ang MPG at pinasabog ang crystal.

Isa lang ang napansin ni Jacian, biglang humina ang MPG sa late game at mabilis na nasira ng CP ang kanilang rythm. Mahina sila pagdating sa pagkuha ng tempest dragon at nang makuha iyon ng CP hindi na nakapag-react ang MPG at tuloy-tuloy sila sa pagkuha ng kill hanggang sa maitulak nila ang teamfight patungong high ground. Isa lang ang alam ni Jacian na kahinaan ng MPG, ang late game. Hindi iyon late game na pang 10 minute mark kundi 25 minute mark. Napanood niya rin ang ibang games ng MPG na talo sila at isa lang ang dahilan ng pagkatalo nila, kapag umabot ng 25 minutes ang game.

Hindi alam ni Jacian kung anong dahilan ng pagkatalo ng MPG dahil napansin niyang may advantage naman sila sa late game pero kung titingnan para bang yung mga players na ang nag-collapse. Magaling sila sa early, mid, at late game pero kapag umabot na iyon ng 25 minutes napakalambot nalang nila i-target.

More Chapters