Ficool

Chapter 119 - Chapter 117: Shout out kay...?

Hindi pa tapos ang laban nila sa third round ng regular season dahil Team GOT-G pa ang susunod nilang makakalaban. Panalo ang FTT sa RG at HUV kaya manalo o matalo man sila sa GOT-G ngayong round pasok na sila sa top 3 na may pinakamataas na points.

Gusto ni Mrs. Sojurn na paghandaan ang last round ng regular season dahil alam niyang makakalaban pa nila ang GOT-G sa last round. Hindi muna siya nagpa-schedule ng practice match dahil kakatapos lang ng match kahapon at kasalukuyan pang naghahabol ng tulog ang FTT.

Nang magising si Just at buksan ang kanyang cellphone, bumungad kaagad sa kanya ang chat ni Kai.

[Kai: Lala ng mid laner niyo, boi.]

Just: "."

Sa mga players ng HUV si Kai ang pinakamaraming deaths dahil halos lahat ng kill nila ni Jacian ay si Kai. Sinandya talaga nilang i-target lock ito dahil masyadong malakas ang damage ni Feyd kapag full na ang core items nito, malakas na ang damage niya at may mobility pa siya kaya kung hahayaan nilang tumaas ang gold nito hindi na nila mapapatay si Kai at baka matalo pa sila sa huling match.

Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ni Just at makikita ang chats sa kanilang gc'ng magkakaibigan. Winawarningan sila ni Kai na mag-ingat sa mid laner ng FTT.

[Kai: @Lessen Goodluck nalang next match. Mainit si Boss.]

Ito ang unang beses na may naka-pentakill sa HUV dahil kahit ang GOT-G ay hindi nakakakuha ng pentakill. Anong mayroon sa FTT ngayon? Bakit dalawang players na nila ang naka-pentakill ngayong season?

Bago sila natulog kagabi, sinabi ni Mrs. Sojurn sa kanilang gc na sa susunod na araw pa ang kanilang practice match at gamitin nila ang araw bukas para mag-live at ma-full ang quota.

Maagang nagising si Jacian dahil maaga rin naman siyang natulog kagabi kaya 7 a.m palang ay nasa training room na siya para mag-livestream. Abala siya sa pag-claim ng mga rewards nang makita niya sa live chat ang napakaraming shout out.

"Shout out kay Jaja Colin." Seryusong saad niya habang umiinom ng kape ngunit nagulat siya nang biglang tumawa si White na nasa gilid niya. Laging maagang pumupunta si White sa training room para mag-live at maaga nanaman ito ngayon dahil balak nitong makipag-Q kay Jacian ngunit ngayon hindi na ito makatigil ng tawa na kanina ay tahimik at seryuso. Hindi tuloy mapigilan ni Jacian ang hindi magtaka.

Jacian: "..."

Tumigil na kakatawa si White para tingnan si Jacian. "Hindi mo ba na-gets yung shout out?" Tanong nito. Namula na ang mukha nito kakatawa.

Jacian: "?" Tiningnan niya ang live chat ngunit pati ang mga comments sa live chat ay hindi niya rin maintindihan.

[Luh, imposibleng 'di alam.]

[Maang-maangan oh, halatang halata.]

[Parang di lalaki eh.]

[Lalaki ka ba Boss?]

Jacian: "???" Nagtataka niyang nilinga si White. "Ano daw?" Tanong niya kay White ngunit kinawayan lang siya ni White matapos silipin ang comments.

"Itanong mo nalang sa mga viewers mo." Saad ni White at sinuot ang noise-cancelling headphones.

[Jaja Colin, Boss. Jajakolin.]

[Di mo gets? Lalaki ka ba?]

Sagot ng mga viewers nang itanong ni Jacian kung anong ibigsabihin nun.

Jacian: "!!!"

Halos maibuga niya ang kape na nasa kanyang bibig nang mabasa ang scrolling comments sa live chat. Pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang palad at hindi makapaniwalang tumingin sa camera. Sinong nagpauso nito?! Gusto niya iyung itanong ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.

[Pa-inosente ka Boss.]

Jacian: "..."

Bihira lang siya humawak ng cellphone dahil buong araw silang nasa loob ng training room para sa practice kaya hindi siya nakakabukas ng social media account at wala siyang ideya sa mga trending ngayon. Napakamot nalang siya sa kanyang kilay at nilapag sa mesa ang baso.

Nawalan na ng ganang maglaro si Jacian dahil wala rin naman siyang ka-dou, si White na kanina pa nangungulit sa kanya makipag-Q ay nakipag-Q na sa mid laner ng second string.

Dumating ang iba nilang teammates at nagyaya kaagad si Lucky na makipag-Q, binigyan niya kaagad ng invitation si Jacian at siya narin ang nag-accept at pinindot ang search match. Samantala, tahimik lang na hinila ni Just ang gaming chair na nasa tabi ni Jacian at umupo roon habang inaayos ng staff ang kanyang mga equipment. Hindi mahilig mag-livestream si Just sa loob ng training room kaya hindi na kinabit ng staff ang webcam, ngunit pag-alis nito kinuha ni Just ang webcam na nasa mesa at pinatong iyon sa holder.

Sinabi ni Mrs. Sojurn na gamitin nila ang araw na 'to para mag-livestream at ma-full ang quota. May mahalagang gagawin si Mrs. Sojurn ngayon kaya wala siya sa base at wala rin silang training, nasa kanila kung gusto nilang mag-training o hindi.

Nag-doudoubles sina Lucky at Jacian samantalang nag-sosolo Q naman sina Blue, Gem at Just sa magkakaibang server. Pare-pareho silang naglalive habang kinakausap ang mga fans. Ilang sandali ang makalipas nang tumahimik sila at pumaibabaw ang boses ni Just.

"Shout out kay Jaja Colin." Aniya habang nakatingin sa live chat.

Nagkantyawn sila at maririnig ang 'wooohh!' sa loob ng base kasama si Jacian. Maging si Just ay natawa sa sarili niyang sinabi.

"Nadali ka, captain." Natatawang saad ni Jacian at ibinalik ang tingin sa gaming phone.

Bahagyang tumawa si Just at tumingin sa computer screen. "Iba-block na kita, naglalive ako ng maayos dito." Aniya na ikinatawa nila. Napuno rin ng tawanan ang scrolling comments sa livestream ni Just na laging tahimik. Ngayon lang naging maingay ang livestream niya dahil sa dorm siya nag-lalive at walang maririnig kundi ang sound ng laro, ngunit ngayon, maririnig ang tawanan nila at kwentuhan habang nag-lalive.

Tinanong niya si Jacian kung paano nito nalaman at sinabi naman ni Jacian na nadali rin siya kanina. Ngunit magkaiba sila, alam ni Just ang ibigsabihin nun dahil babad siya sa internet samantalang ngayon lang nalaman ni Jacian. 

Katulad ng iniuutos sa kanila ni Mrs. Sojurn inubos nila ang araw na 'to sa paglalivestream at halos ma-full na nila ang quota. Nang bumalik si Mrs. Sojurn, nagulat siya dahil ginamit talaga nila ang isang araw para mag-live, sinabi niyang gamitin nila ang araw na 'to para mag-live ngunit hindi niya sinabi na buong araw silang mag-live. Inaasahan niyang nagpapahinga sila ngayon ngunit pagdating niya sa base naabutan niyang nag-lalivestream pa sila sa training room.

Tumawa sila, ngunit sinabi nilang mas mabuti narin yun para maka-focus sila sa last round ng regular season. Sa sumunod na araw, nagpa-schedule si Mrs. Sojurn ng practice match sa EPG kung nasaan si Kirsty na sinabihan ni Jacian noon ng 'Not enough practice' sa livestream, kinausap ni Mrs. Sojurn ang coach ng EPG ngunit sinabi nitong hindi sila available at meron silang practice match ngayong umaga. Pagdating ng hapon, kinausap ulit ni Mrs. Sojurn ang coach ng EPG para magpa-schedule ng practice match ngunit sinabi nitong nagpapahinga ang mga players nila dahil may match pa sila bukas. Sumang-ayon nalang si Mrs. Sojurn at pinatay ang tawag.

Si Jacian ang unang nagtaka. "7 p.m palang ah, ang aga naman ng pahinga nila." Komento niya.

Bukas ang match ng group B ngunit magsisimula pa iyon ng 4 p.m, 7 p.m palang ngayon ngunit nagpapahinga na ang EPG para sa match bukas?

Sumagot naman si Lucky. "Si Kirsty ang may pakana niyan, napipikot niya kasi yung coach nila kaya sunod-sunuran narin yung coach. Nagpapahinga para bukas, akala mo naman sobrang lalakas nila d'yan sa group B." May bahid ng inis na saad niya. Tiningnan siya ni Mrs. Sojurn kaya pinaglapat niya ang kanyang mga labi.

Dahil hindi pumayag ang EPG sa practice match kinausap ni Mrs. Sojurn ang ibang teams sa PKL at nagkaroon sila ng practice match sa TK. Nasa group B ang TK dahil hindi sila na-promote last round at EPG ang makakalaban nila bukas. Natuwa ang coach ng TK dahil balak niya sanang magkaroon ng practice match sa EPG ngunit sinabi ng EPG na may practice match sila sa FTT. Nagtaka si Mrs. Sojurn dahil sa sinabi nito at kalmadong niyang sinabi na hindi sila nagkaroon ng practice match sa EPG, ang coach naman ng TK ang nagtaka ngunit mabilis nang pinutol ni Mrs. Sojurn ang tawag para makapagsimula na sila.

Sa sumunod na araw, ito na ang huling match nila sa third round ng regular season at GOT-G ang makakalaban nila. Katulad ng sinabi ni Mrs. Sojurn manalo man o matalo sila ngayong match hindi iyon importante dahil makakalaban pa rin nila ang GOT-G sa huling round ng regular season.

Dalawang beses naging domestic champion ang GOT-G at sila ang pinakamalakas na team ngayon sa PKL, wala silang talo sa bawat series at kasalukuyang may pinakamataas na points. Wala rin namang talo ang FTT bawat series ngunit simula nang tumuntong sila sa group A laging 2-1 ang score na equivalent sa 1 point. Samantala, madalas 2-0 ang score ng GOT-G kaya meron silang 2 points.

Hindi nagtagal ang commerical sa big screen at nagsimula na ang match. Hindi gumamit ng assasins ang FTT dahil fighter ang pinili ni Just samantalang si Da Qiao naman ang hawak ni Jacian. Magaling ang GOT-G sa teamfight, snowball at dou ngunit hindi nila binibigyan ng atensyon ang mapa. Samantala, sa side naman ng FTT, dinadaan lang nila sa macro ang match at umiiwas sa teamfight hangga't maaari.

Malakas ang control nila sa mapa dahil nasa kanila ni Da Qiao na kayang mag-recall at i-recall ang kanyang teammates, kaya niya ring tawagin ang mga teammates niya kahit nasa magkabilang mapa sila dahil sa kanyang ult na teleport. Ngunit walang damage ni Da Qiao dahil puro siya CC at sobrang dali niyang ma-gank, bibihira gamitin si Da Qiao sa mid lane dahil madalas itong gamitin bilang support, ngunit may magic na ginagawa ang FTT at si Da Qiao ang nag-kokontrol ng mapa.

Pero sa kabila ng magic ng FTT, hindi parin nila nagawang protektahan ang kanilang crystal at sumabog iyon sa harap mismo ng kanilang mukha. Sa sumunod na match, hindi nagpalit ng line-up ang FTT at nandun parin sila sa kanilang magic. Nagawa naman nilang makakuha ng advantage at nagawang makapasok sa high ground ng GOT-G ngunit bumaliktad ang sitwasyon at na-ACED sila.

Hinintay nalang nilang maubos ang buhay ng kanilang crystal hanggang sa sumabog iyon.

DEFEAT

Natalo sila.

Napailing si Jacian.

Hanggang game 2 lang ang laban at na 2-0 sila ng GOT-G, ito ang unang beses nilang magkaroon ng score na zero at masasabi nilang may parte sa kanila na ayaw nilang tanggapin kahit na alam naman nila ang result. Napanood nila ang mga matches ng GOT-G noon laban sa ibang teams at magic damage lang ang makakasira sa strategy ng GOT-G. Nag-practice sila ng panibagong line-up at kaya namang paganahin pero hindi nila nagawa ng maayos, nag-effort sila ngunit kulang.

Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at tumayo para hintayin ang mga players ng GOT-G na pumunta sa kanilang match area.

Kinamayan sila ng GOT-G at nang magharap sina Jacian at Lessen, taas kilay siya nitong tiningnan. Naaalala niya pa ang trash talk sa kanya ni Boss nung nagkita sila sa backstage at pinaghandaan niya talaga ang match na 'to para gumanti, para mapatunayan kung sino talaga ang tunay na basura.

"Ano ka ngayon?" Sarkastikong tanong ni Lessen kay Jacian at bahagya pang ngumuso para mang-asar.

Hindi naman nagsalita si Jacian kaya nakaramdam si Lessen ng satisfied, inunat niya ang kanyang kamay para kamayan ito ngunit kinuha ni Just ang kanyang kamay at ito ang nakipag-shakehands.

"May last round pa." Saad ni Just at binitawan ang kamay niya.

Samantala, tumawa si Shadow na kasunod ni Lessen at nakipag-shakehands kay Jacian.

"Goodluck next round." Saad ni Shadow sa kanya.

Hindi naman nagsalita si Jacian at wala sa sariling kinamayan ang mga players ng GOT-G, nasa ganong siyang sitwasyon hanggang sa makababa na sila ng stage.

More Chapters