(FTT.Boss) Unstoppable! (HUV.Kai.)
"Holy shit!" Mura ni Kai. "Hindi ako tinigilan, pre!" Reklamo niya at walang ganang nilapag sa mesa ang gaming phone.
Nagulat ang dalawang commentators dahil sa nangyari habulan mula sa azure golem ng FTT patungo sa mid lane turret. Ngayon lang sila nakakita ng Feyd na hinahabol, sa lahat ng hero si Feyd ang pinakamahirap habulin dahil pagdating sa rotation siya ang may pinakamalaking advantage, parang siya nga rin ang may-ari ng buong mapa dahil kaya niyang pumunta kahit saan niya gusto. Ngunit makikita ang kakaibang habulan nila ni Boss kanina at tinawid pa ang tore mapatay lang si Kai.
Commentator Waver: "Mainit si Boss, Zia. Hinabol si Kai at literal na pinababa sa trono."
Commentator Zia: "Tama, eh kasi ninakawan din ni Kai ng blue buff itong si Just kaya sabi ni Boss, h'wag mong nanakawan ng buff ang Honeybam ko." Ani ni Zia na pareho nilang ikinatawa ni Commentator Waver.
Makikita ang mabigat na ekspresyon sa side ng HUV. May dalawang deaths na ang kanilang core at nandito na si Kai sa sinasabi ni Alone na mahilig pumatay si Boss ng jungler. Kahit ang kanilang mid laner ay hindi rin ligtas kaya hindi ito makalabas ng tower para mag-clear ng minions.
"Okay lang 'yan, mababawi pa natin yan mamaya." Pag-cocomfort ng kanilang marksman. May advantage pa naman sila sa late game dahil wala pang deaths ang kanilang marksman na si Arli, pero dahil si Kai ang kanilang core binibigay nila ang kanilang farm kay Kai para mabilis itong maka-level up. Hindi rin makapag-rotate ang kanilang marksman dahil laging nasa disadvantage ang farm lane. Wala pa ring deaths si Lucky kaya halos pantay lang sila. Kung aalis siya sa farm lane para magbigay ng assist sa jungle siguradong babagsak ang tower doon at posibleng iyon din ang kanilang magiging breakthrough point. Walang choice ang HUV kundi ang dahan-dahang pag-defend ng kanilang jungle dahil sa ginagawang pag-invade ng FTT.
Walang kahirap-hirap nanamang nakuha ni Just ang azure golem ni Kai habang nasa farm lane ito para kunin ang crimson golem. Ninakawan lang ng azure golem sabay balik uli sa sariling jungle.
"Lilinisin ko lang 'tong minions sa mid lane." Saad ng mid laner ng HUV. Wala na silang first turret at may panibagong wave pa ng minions.
Lumabas ito ng tower para i-clear ang minions ngunit habang ginagawa niya iyon, biglang lumabas si Boss sa damuhan at gamitan siya ng ultimate, napunta sa gilid ang hero niya na si Princess Frost at tuluyan nang namatay nang gamitan ni Just ng 2-1 combo.
Kai: "???" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa screen. "H'wag muna lumabas ng tower ng mag-isa. Kung hindi ma-clear ang minions sa mid i-abando nalang."
Umabot sa 10 minute mark at nag-enhance na ang overlord/tyrant. Nasa tyrant pit na ang parehong team ngunit tanging pagbato lang ng skills ang ginagawa nila, hindi sila nagmamadali at animo'y pinapakiramdam lang ang isa't isa. Parehong wala sa tyrant pit ang dalawang jungler at nasa jungle pa sila para mag-farm. Halatang matagal ang magiging sayawan sa tyrant pit dahil nakakadalawang reset na ang tyrant.
Commentator Zia: "Mukhang mainit nanaman ang laruan dito ah. Parehong nilalaban ang tyrant."
Commentator Waver: "Oo, tsaka wala pa yung mga junglers natin. Actually, lahat talaga ng mga cores noh, ayaw nila ng gulo, ayaw nila ng unnecessary na laban, ayaw nilang masira yung momentum. Ang gusto lang nila mag-farm."
Commentator Zia: "Yeah, katulad ng ginagawa ni Kai kanina pa. Tumatawid lang siya para kunin yung mga jungle creeps niya dahil ayaw niyang ma-gank, kung p'wedeng h'wag akong bumaba dito hindi ako bababa."
Matapos ang mahabang sayawan sa tyrant pit nabugaw ng HUV ang mga players ng FTT na kanina pa umaaligid. Ngunit isang bar nalang ang HP ng tyrant nang gamitin ni Just ang kanyang skill 2 para itapon ang ilusyon sa tyrant pit at skill 1 sabay lapag ng mirror domain sa tyrant pit.
(FTT.Just) Crucial kill theft (Tyrant)
(FTT.Just) Instakill! 90% (HUV.Kai)
Nice killing!
"End na! Push sa mid! Push sa mid!" Command ni Jacian nang mapatay nila ang tatlong players ng HUV.
Nag-push na ang FTT sa mid lane at hinayaang mabasag ng minions ang high ground sa farm lane. Nag-tower locked na sila hanggang sa umilaw ang crystal ng HUV at sumabog iyon.
Si Jacian kaagad ang unang naglapag ng gaming phone at nagtanggal ng noise-cancelling headphones para bigyan ng dalawang high five ni Just. Hindi pa siya nakuntento at bahagya pa itong niyakap. Natigilan si Just ngunit niyakap niya rin ito pabalik.
Hindi nagsalita si Jacian ngunit makikita ang masayang ekspresyon sa kanyang mukha, hindi niya na kailangang magsalita dahil sa isang tingin palang halatang sobrang saya nito ngayon.
Ito ang unang beses nilang mag-dou ni Just sa tournament at mas higit pa iyon sa inakala niya. Sobrang lalim ng tacit understanding nila ni Just sa puntong kahit hindi sila mag-communicate alam nila ang binabalak ng isa't isa. Mukhang hindi nasayang ang panonood niya ng Pov ni Just hanggang madaling araw.
Hindi nagtagal at bumalik narin sa stage ang dalawang teams para sa huling laro. Kasalukuyang 1-1 na ang score at kung sino ang mananalo ngayong game 3 siya ang mananalo.
Dahil FTT ang nanalo sa game 2, may karapatan silang pumili kung anong side at ngayon pinili nila ang blue side. Halos walang pinagkaiba ang line-up nila nung game 2 dahil parehong Jing at Feyd parin ang gamit ni Just at Kai. Ngunit HUV na ang gumamit ng Loong samantalang si Di Renjie naman ang ginamit ni Lucky.
Hindi pa ina-apply ang global ban/pick sa regular season kaya nanatiling si Mai Shiranui ulit ang kinuha ni Jacian dahil hindi ito binan ng HUV. Natuwa naman si Jacian dahil makakapag-dou ulit sila ni Just ngayong game.
Uminat si Kai habang nakatingin sa kanilang coach. "H'wag kang mag-alala Coach. Tulog kasi ako kanina, aayusin ko na ngayon." Ani Kai at binaba ang kanyang braso.
"Hindi ko kayo hihigpitan dahil pasok narin kayo sa playoffs, gusto kong gamitin niyo muna ang mga signature hero niyo dahil pagdating ng playoffs ako na ang masusunod." Saad ng kanilang Coach na sinang-ayunan nila. "Sigurado ka ba sa Feyd? Ayaw mo ng tanky?"
Umiling si Kai. "Kaya ko na 'to Coach. Babawi ako." Sobrang dinurog siya ng Honeybam dou kanina sa puntong wala na siyang mukhang maihaharap sa mga fans, kailangan niyang bumawi gamit ang parehong hero para mapatunayan na hindi siya ganun kahina.
Sa early game, pinatunayan nga ni Kai na nakakasabay ang Feyd niya dahil hindi na siya tumatambay sa jungle para kumuha ng jungle creeps, madalas siyang dumalaw sa mid lane para magbigay ng assist. Paisa-isa niyang kinukuha ang jungle creeps pagkatapos ay pupunta nanaman siya sa may mid lane. Nililimitahan nila ang galaw ni Jacian kaya laging nasa baba ng tower si Jacian para hindi ma-gank.
Nagpapalitan sa gold leader si Just at Kai dahil pareho silang mabilis mag-farm, lahos lahat ng gold ay binibigay ng mid laner kay Kai para lang maka-level up ito sa mabilis na paraan.
Kasalukuyang nasa mid lane si Kai habang nakapatong sa kaliwang pader na malapit sa turret ni Jacian. Binabantayan nito si Jacian, bagaman, alam ni Jacian na sa oras na lumabas siya ng tower papatayin siya ni Kai. Maging ang dalawang commentators ay napapa-isip kung ano ang plano nila dahil kasalukuyang nakatago si Just sa nakalinyang damuhan sa mid lane. Parehong nasa mid lane ang dalawang jungler core at dalawang mid laner, tanging si Just lang ang nakatago habang si Boss ay nasa baba ng tower para linisin ang minions na papalapit, si Kai ay nakapatong sa pader sa harap ng tower ni Jacian para maghanap ng magandang timing, ang kanilang mid laner naman ay nasa likod para magbigay ng assist.
Habang nasa ganun silang sitwasyon, makikita sa big screen na lumabas si Boss sa tower at ginamitan ng skill 2 si Kai na nasa taas ng pader, bumaba si Kai gamit ang kanyang skill 1 para i-gank si Boss ngunit mabilis na ginamit ni Boss ang kanyang dash para bumalik sa tower, pagkatapos nun tinapon ni Just ang kanyang ilusyon sa pwesto ni Kai sabay skill 1 at ult.
First blood!
Sumigaw ang mga audience at na-shock ang dalawang commentators.
Commentator Zia: "Oh my goodness! Kai!"
Commentator Waver: "Antagal ni Kai na nasa mid lane pero hindi nangyari yung balak niya. Tingnan mo ha, inatake ni Boss si Kai sabay gamit agad ng dash pabalik sa tower, naloko si Kai kasi akala niya tuloy-tuloy yung pag-atake sa kanya ni Boss pero hindi niya alam inatake lang siya ni Boss para makababa siya doon sa pader dahil hindi pala si Boss ang papatay sa kanya, kundi si Great Demon King na kanina pa nakatago doon sa damuhan. Pagbaba ni Kai sa pader sabay gamit kaagad ng 2-1-ult combo si Just, so niloko lang nila si Kai. Nahulog siya doon sa patibong ni Boss." Paghihimay-himay ni Commentator Waver.
Nakapag-ult pa ang kanilang mid laner na si Princess Frost ngunit hindi nito na-CC si Just kaya walang galos na bumalik si Just sa sarili niyang jungle.
Nakaramdam ng bigat si Kai nang masira ang kanyang rhythm, ilang beses siyang nag-attemp na patayin si Boss ngunit lagi siyang bigo dahil nakakapag-react kaagad ito at siya pa ang nalalagay sa alanganin.
Nagsimulang matumba ang kanilang mga towers kaya wala silang choice kundi ang mag-defend nanaman, may kakayahan siyang ikutin ang buong mapa ngunit ngayon hindi alam ni Kai kung saan siya pupunta. Nagsimula siyang pagpawisan ng malamig at nakaramdam ng matinding pressure. Tumaas ang heart rate niya at umabot iyon ng 185.
Ang sabi niya babawi siya, gusto niyang patunayan na malakas ang Feyd niya at kaya niyang maging jungler core, hindi niya binan si Mai Shiranui dahil alam niyang kaya niyang i-gank si Boss, kaya niyang lusubin ang jungle ni Just para nakawan ito ng resources, ngunit ngayon, kahit ang objectives na nasa kamay niya na ay nagawa pang ma-snatch ni Just. Napatay siya ni Boss na dapat siya ang papatay dito, at siya, wala siyang ibang choice kundi ang tumakbo para bumalik sa sarili niyang tower at mag-defend.
Nagsimula ang teamfight sa crimson golem ng HUV nang pumunta doon ang FTT para nakawin, ang plano ni Jacian ay kunin iyon sabay retreat ngunit naunang nag-initiate ng teamfight ang HUV kaya nag-counterattack sila hanggang sa mag-tower dive sila sa mid lane turret. Tuloy-tuloy ang teamfight at tuloy-tuloy din ang pagbasag ni Lucky sa tower hanggang high ground hanggang sa maubos ang HP ng mga players ng HUV at sa hindi inaasahan naka-pentakill si Boss!
(FTT.Boss) PENTAKILL! (HUV.Alone)
Sumigaw ang dalawang commentators dahil sa biglaang pentakill, halos nahuli ng 2 seconds ang announcer dahil pagkatapos mapatay ang marksman ng HUV sabay niyang napatay ang support at si Alone. Dahilan para magulat din ang players ng FTT at HUV.
Sinong naka-pentakill?
Hindi rin inaasahan ni Jacian na naka-pentakill pala siya dahil busy siya sa pag-commmand, tanging boses niya lang at ng mga teammates niya ang maririnig sa kanyang noise-cancelling headphones at gusto niya sanang sabihin sa ka-teammates niya na, 'Wow, pentakill!' ngunit hindi niya nagawa nang marinig ang boses ni Lucky.
"Pentakill ka Boss!" Si Lucky ang unang nag-react dahil nakatingin siya doon sa notification.
Tuluyan ng umilaw ang crystal ng HUV at sumabog iyon. Nanalo sila sa game 3 at 2-1 ang score, natalo nila ang HUV sa isang series! Ang team na laging nakakapasok sa domestic finals at global competition. Sign na ito, sign na ito na kaya nilang makapasok sa domestic finals.
Nginitian siya ni Just at binigyan ng dalawang thumbs up. Nakangiti namang nilapag ni Jacian ang kanyang gaming phone sa mesa at nakipag-high five kay Just.
Tumayo sila para makipag-shake hands sa mga players ng HUV, sa e-sports circle, ang winner team ay kinakailangan pumunta sa match area ng defeated team para makipag-shake hands bilang respeto.
