"AU IDENTRA IVI." (magpakilala ka)
I flinched and stopped halfway through entering the arch-shaped portal covered with dirt and mosses when I heard a deep voice out of nowhere. The warm golden light in the portal began to flicker when a huge man wearing a deep black, hooded, ragged cloak, appeared in front of me. It was a Veviro, an ancient mage who guards portals outside the three great empires.
Napangiwi ako bigla. I know it has been years since I last used this portal, pero hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa paraan ng pagsalubong ng Veviro na ito.
Hinawi ko naman ang talukbong sa ulo at tumingin dito.
"Claramona Ilhar, salamangkero mula Alterio." pagpapakilala ko habang nakatungo ang ulo. Matapos, kinuha ko sa shoulder bag ang bilugang plaka ng Alterio at madaling ipinakita ito sa kanya na may malawak na ngiti sa labi.
This plaque will prove that I'm a true Altero mage!
His eyes began to glow in gold after gazing over the plaque.
"au ide sir." he said and slammed his huge magic staff onto the ground. After that, the portal's light began to fade. Napahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Alterio im vonarza!" walang-abog na banggit nito habang inaabot sa akin ang plaka. Napangiwi naman ako nang magliwanag ito sa ginto habang nasa palad ko. And the next thing I knew, I was already transported to Alterio—the empire where magic is everything.
The moment I raised my head, all the mage's eyes were on me, gazing sharply at my existence. I winced when I realized the kind of look they were giving me—the same look they had on me the first day I arrived at this place.
Pinantaklob ko muli ang balabal sa aking ulo bago simulan ang paglalakad. Mahirap na at baka pagpyestahan ako ng kakaibang tingin at bulungan ng mga asungot na 'to!
Napahinto ako sa paglalakad nang maagaw ang atensyon ko ng malakas na hiyawan ng mga salamangkero sa likod ng mga maliliit na tindahan. Agad akong lumapit at nakipagsiksikan sa kanila para usisain ang pinagkakaguluhan ng lahat
"Ah," bulong ko nang malaman na Vivades iyon, isang paligsahan para sa mga salamangkero na nakikipagkumpitensya sa isang espesyal na premyo.
Dalawang lalaki na salamangkero ang kasalukuyang naglalaban gamit ang kani-kanilang mga mahika sa loob ng isang bilog na entablado. Pareho silang earth mage, kaya lang ay magkaiba ang klase nilang dalawa. Mesra mage ang isa, salamantalang ang isa naman ay Cesra mage.
Alterio mages are divided into three classes: Vesral as the highest, Mesra as the middle, and Cesra, the lowest.
Mesra mages can use mana without relying on objects or their physical abilities. They can manipulate or control the mana freely using only their hands.
Nagsimula namang yumanig ang lupa nang sandaling iangat ng mesra mage ang kaliwang kamay, kasabay nang pag-angat din ng limang nagtataasang lupa papunta sa ere. Marahan nitong minanipula ang mga lupa pahalang at mabilis na itinulak ang mga ito gamit ang kanyang kamay, dahilan para dumaluhong ang mga ito papunta sa direksyon ng cesra mage. Subalit, madali itong nakontra ng cesra mage nang ikumpas nito ang sandatang sibat na lumikha ng matibay na pananggala na gawa sa lupa. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng lahat sa ipinamalas ng dalawang salamangkero.
Cesra mage, a type of mage who needs to rely on objects, spells, incantations, and physical abilities. Without them, they cannot harness their mana freely.
Nang sandaling maglaho ang pananggala na pumoprotekta sa cesra mage, agad nitong itinaas ang sibat sa ere at mabilis itong pinaikot-ikot habang may binibigkas na inkantasyon. Lumakas muli ang hiyawan ng mga manonood nang mabilis na sinugod ng cesra mage ang kalaban na ngayon ay napapaligiran ng mala-toreng mga lupa.
Vesral, a type of mage who possesses both qualities. They rely on both their mana and physical abilities. One example of this is creating a weapon using their mana. They need to gather a large amount of mana in order to make the weapon more powerful.
My power is quite similar to this example. Kaya lang, isa akong cesra mage. Alterio has different magic abilities as well, and summoning is one of them. That is my magic ability. I'm a cesra mage with a summoning ability. I'm an Earth mage with metal attribute.
My power allows me to summon weapons depending on the type of metal, stone, or gem I use. The more expensive and rare they are, the more powerful the weapons can be. And to have that kind of power, kailangan ko ng maraming pera, o kaya maging mayaman.
At sana palarin ako...
Nanumbalik muli ang atensyon ko sa Vivades nang magbunyi ang lahat, nagpapahiwatig na may nanalo na sa laban. And as expected, the mesra mage won.
Mabilis namang lumapit ang mesra sa cesra na ngayon ay bulagtang nakahiga sa labas ng entablado. Agad naman nitong nilahad ang kamay upang tulungan ang cesra na bumangon, ngunit agad na tinanggihan nito ang alok ng mesra at tumayo sa sariling mga paa. Nang makatayo, matalim niyang tiningnan ang mesra sa mga mata dahilan para gantihan din nito ng matalim na tingin ang cesra. Dahil sa tensyong ipinaparamdam nila ngayon sa amin, may apat na salamangkero ang lumapit sa kanila upang sana ay awatin silang dalawa, nang bigla'y humagalpak ng tawa ang mga ito. Napahinga naman nang maluwag ang lahat sa nakita at nakisabay na rin sa tawanan. Maski ako'y napahinga rin ng maluwag dahil akala ko talaga ay paiiralin nila ang init ng ulo ng isa't isa.
Patuloy pa ring nagtatawanan ang dalawa, pero ang dahilan naman nito ay pareho nilang pinagtatawanan ang mukha ng isa't isa nang makita ang mga galos na natamo mula sa laban. Bahagya naman akong natawa sa nakita at napailing bago tuluyang lisanin ang lugar.
Crazy dudes!
Napahinto ako sa paglalakad nang may matanaw na isang karwahe papunta sa direksyon ko. Agad ko namang itinaas ang kamay at sumenyas dito. Nang mapansin ako, ihininto niya ang karwahe sa harapan ko at pinasakay. Inabot ko naman agad ang bayad dito kasabay ng pagbanggit sa bayan na pupuntahan. Nagsimula namang umandar ang karwahe.
About my power, there's one thing I forgot to mention. I have a magic spirit named Crevor. Hindi ko pa siya naikukwento, pero agad nang nagngingit ang mga ngipin ko sa tuwing naiisip ko siya.
Crevor is a Terra Spirit with idealistic standards. Goddamn, standards!
I have a spirit despite being a half-mage-born and a commoner. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit may magic spirit ako sa kabila ng lahat.
All I knew was that the spirit was bestowed only upon mages who had royal blood, noble blood, or were chosen. Ni hindi man lang ako ni-isa sa tatlong iyon. Napaka-ambisosya ko naman kung ituturing ko ang sarili na may dugong bughaw. Matagal na ngang kinumpirma sa amin na galing ako sa 'di kilalang angkan ng mga salamangkero. Pero mas ambisosya ako kung iisipin kong isa ako sa mga hinirang. First of all, why would I be chosen? There's no particular reason for me to be chosen because I'm not that special. I'm too common and ordinary except for the fact that I'm a rare case to Alterio. And the chosen ones tend to have powerful magic and plenty of mana.
Dear, I'm a cesra mage! Ni hindi ko nga magamit ang kapangyarihan ko nang hindi umaasa sa isang kagamitan eh. At limited lang din ang mana sa katawan ko.
Magic spirits require a significant amount of mana. Although the purpose of magic spirit is to enhance your magical power, you still need a considerable amount of mana to harness your magic to its fullest potential. Kung limitado o kulang ang access mo sa mana, hindi gaanong epektibo ang pagkakaroon ng magic spirit.
At ayon ang dahilan kung bakit rare case ako sa Alterio. Bukod sa ako ang first mage-born galing human realm, ako rin ang first cesra mage na nagkaroon ng magic spirit. In fact, I am the only cesra mage to have a magic spirit. Should I rejoice?
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng magic spirit sa kabila ng limitado at kulang na access ko sa mana. Sa kabila ng pagkakaroon ko ng magic spirit, hindi ako gaanong pinagpala. Lalo na kung ang magic spirit mo ay si Crevor!
I thought that having a spirit would put me one step ahead of those mages who were not bestowed with one. Akala ko lang pala. Dahil isang sumpa ang dala ng pagkakaroon ng magic spirit sa buhay ko. Bakit? MAARTE SI CREVOR.
Crevor is like a swordsmith; he can produce or forge a weapon using the materials I provide him.. Since I can't summon a weapon at will, I must rely on Crevor to allow me to use my power. Kaso nga lang sobrang arte niya talaga.
Paano ba naman? Kada may ibibigay ako sa kanya ay kung ano-ano pa ang sasabihin niya bago ako gawan ng sandata. Na kesyo ay napaka bulok ng mga dinadala kong 'kayamanan' sa kanya, na napaka dukha ko para sa isang tulad niya, at iba pang salita na talagang makakapagpaubos ng pasensya ko!
Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi ako gan'on kayaman para sa mga bagay na gusto niya. Yes, siya ang laging masusunod sa aming dalawa.
Buti na lang ay nakahanap ako ng paraan kung paano magamit ang kapangyarihan ko nang hindi nakikipagtawaran sa kanya!
This method also requires a significant amount of mana. It is the first and oldest type of magic used in ancient times, and that is to convert my mana energy into aura and put it into a weapon that is not made from my power itself.
Bumili ako ng magical sword sa isang antique shop, sa maliit na bayan sa labas ng Arimus. Isa itong black sword at medyo may kamahalan ang presyo nito, pero at least hindi ako mamumulubi kapag kay Crevor ako nagpagawa!
Espada ang binili kong sandata dahil mas angkop ito sa aking estilo. Putting my aura into a sword is somewhat effective. But, I need to create spells in order to put my aura into the sword. Simply put, my aura will act as an additional enhancement.
Although my sword is a magical object, it is still a mystery to me what kind of magic it has. But still, I'm glad that this sword came into my possession. Pero syempre, mas liligaya ako kung gawang Crevor ang gamit ko. Mas malakas kasi ang kanya kumpara sa espadang binili at sa magic spells na ginawa ko dahil all-purpose at total package ang gawang Crevor. Kaso nga lang, mamumulubi muna ako bago magamit ang mga 'yon!
The most powerful weapon he forged for me was made of an emerald necklace, a gift from my 14th birthday. Ayaw pa nga sanang tanggapin ni Crevor at gawing weapon, kaso no choice siya dahil ayon ang pinakamahal na nakuha ko sa buong buhay ko at syempre, ang nakuha niya rin sa akin.
It is currently stored in my mana core. To summon it, I need to activate my mana and called it by the name of arge'mesre which is derived from silver, its metal type, and emerald, its stone.
Pwedeng pagsamahin ang stone at metal para makagawa ng isang sandata, depende nga lang sa topak ni Crevor kung gusto niyang pagsamahin o paghiwalayin. This dude...sigh.
Saka, ilang taon na rin niya akong kinukulit na bumalik ng Alterio. Napaka mabunganga niya sa loob ng utak ko. Walang araw niya akong hindi ginambala sa loob ng maraming taon mapilit lang na bumalik muli sa Alterio. Sa sobrang inis, bumigay ako sa kagustuhan niya. And voila! Nandito na ako sa Alterio.
Saka, hindi rin ganon ka-swerte ang naging buhay ko sa mundo ng mga tao. Hindi talaga naging madali para sa isang WEIRDO na tulad ko ang magkaroon ng pera at trabaho.
Noong nasa mundo pa ako ng mga tao, hindi man lang ako tumagal sa kahit na anong trabaho. Paano ba naman, laging may strange casualties na nagaganap at lagi akong present at any events!
One of the disadvantages of being a mage in human realm: everywhere we go, we attract dark energies called Ekres.
Heh...great!
Ekres is an entity from human realm with a thirst for mage energies. Mage energy, or simply, mage "life force" is their food. Acquiring mage energy drives them berserk, causing severe and widespread disruption to human daily life.
At ayon ang dahilan kung bakit hindi ganon naging madali ang buhay ko sa mundo ng mga tao. Walang araw na hindi ako nakikipagbuno sa kanila, maging ligtas lang ako at ang mga tao sa paligid ko.
Wala talaga sa plano ko ang bumalik ng Alterio, lalo na't mahigpit na ibinilin sa akin na hangga't hindi pa naaalis ang panganib sa aking buhay, hindi ako maaaring bumalik.
But here I am, in-exercise ang decision disability ko na kasalanan ni Crevor!
Nag-apply lang naman ako as special mentor sa Gveran, ang pinakamataas at kilalang eskwelahan dito sa Alterio. Ang paraalan kung saan makakahalubilo mo ang iba't ibang klase ng mga salamangkero- mga salamangkerong mula sa matataas na antas ng pamilya at mga hinirang na magkaroon ng magic spirit. Matatagpuan ang Gveran sa center capital ng Alterio Empire—ang Rembrosa.
Bigla naman akong napahampas sa aking noo dahilan para saglit na mapatingin sa akin ang kutsero. Patago naman akong napangiwi. Really self? Special mentor sa bonggang school?!
Too desperate to have money, I choose to dance with my own misfortune.
Nang makatuntong ang sinasakyang karwahe sa mahaba at patag na tulay, natanaw ko naman sa bintana ang malayong tanawin ng isang napakalaki na puting palasyo—ang Rembrosa Palace. Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang maalala ang aking kaibigan.
He's an imperial prince. A proud, cocky but mindful prince. He can sympathize with others despite of being an imperial blood.
Ang huli kong natatandaan sa kanya ay hindi maayos ang kalagayan nito dahil nang huli ko siyang makita ay medyo problemado ito sa palace affairs. Hindi lang 'yon dahil puro pasa at sugat din ang buong katawan nito gawa ng mentor niya na ang turing sa kanya ay isang punching bag.
As soon as the carriage crossed the opposite side of the bridge, my thoughts about him vanished.
Speaking of mentors, there are different types of them here in Alterio and School Mentor is one of them.
School Mentors are divided into two classifications: Special Mentors and Advisory Mentors.
Special Mentors are like subject teachers. They have a certain specialty, a specific subject to teach in accordance with their class and possessed abilities. An example is a mesra mage that excels at casting healing spells. Therefore, that mage will teach healing spells.
While Advisory Mentors are like advisers. Their role is to help students refine and apply the abilities they have learned from their special mentors. They achieve this by putting the students through trials, often in the form of combat.
Advisory mentors will also be responsible for taking their class on quests. School requirement ang quest. Karamihan sa quest ay mapanganib. Sa sobrang mapanganib, ang buhay mo ay maaring makipaglaro kay kamatayan. Ngunit, walang magagawa ang lahat kung ayon ang patakaran at layunin ng eskwelahan para mahasa ang kakayahan ng mga salamangkero nila.
They're both tough jobs. Kaya lang, sa dalawa, ang safest position ay ang special mentor. Unlike the Advisory mentor, the safety and life of the whole class will rest on your shoulders. That's the reason why I choose the special mentor position. And I know very well that the advisory mentor position is out of my league.
Saka, may nasagap din kasi ako na mataas daw magpasweldo sa mentors ang Gveran. Dahil sa nasagap kong iyon, mas naunang nakarating ang application letter ko sa Alterio kaysa akin, kasama ang pag-asang sana ay palarin ako.
Huminto naman ang karwaheng sinasakyan, hudyat na ako ay nakarating na sa bayan—ang Nuestra.
Bahagyang bumuka ang aking bibig habang pinagmamasdan ng luntian kong mga mata ang payapang tanawin sa labas ng bintana—mga bahay na tila nahihimbing sa malalawak na burol, kasabay ng marahang pagyakap ng papalubog na araw sa lupa.
"Claromana Ilhar?" salubong ng isang 'di katandaang lalaki sa akin pagkababa ko ng karwahe. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang tingin sa akin. Napangiwi naman ako sa nakita.
I know... I am not your typical normal.
Kaya lang, sa pagbanggit niya ng pangalan ko, tanging Ilhar lang ang tumama. Lagi na lang...
I cleared my throat before responding. "CLA-RA-MO-NA ho, raviro." (ginoo) pagtatama ko.
"A-ah, i-ire favim." (paumanhin) medyo nauutal na sabi nito. Agad naman nitong inayos ang tindig at tumikhim.
"Gonov, tauhan na ipinadala ni Devino Havos upang gabayan at tulungan kang ihatid ang mga gamit sa bahay na inyong pagtutuluyan." pagpapakilala nito. Bahagya naman niyang niyukod ang ulo habang ang kaliwang kamay naman nito ay nakapatong sa kanang dibdib.
(Devino-Landlord)
Ngunit, agad kong tinanggihan ito dahil satchel bag lang naman ang dala kong gamit papunta rito.
"Ihatid niyo na lang ako raviro sa bahay na pagtutuluyan ko." ngiti kong sabi rito. Agad naman itong tumango at pinangunahan ang paglalakad papunta sa destinasyon.
Pagkarating namin sa bahay na aking pagtutuluyan, agad akong nagpasalamat at nagpaalam sa kanya. Nang makapasok sa bahay, bigla akong napaindak sa sobrang tuwa na naramdaman. Bigla naman akong napatingala sa kisame.
"Tay, Thea... nandito na ako sa Alterio!" nagagalak kong pagtawag sa kanila habang nakataas sa ere ang kanang kamao.
Ang tatay at si Thea ang isa pa sa mga dahilan kung bakit bumalik ako ng Alterio, para suportahan ang pinansyal na pangangailangan nila sa mundo ng mga tao.
Ang tatay ay isang former martial arts trainor at isang tao. Sa kanya ko unang natutunan kung paano makipaglaban. Siya ang nagsanay sa akin kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko. Kaya lang, 'di ganon kasapat ang kaalaman niya para mas payabungin ito. Bilang resulta, ipinadala nila ako ni nanay sa Alterio para sa karagdagang kaalaman tungkol sa aking kapangyarihan.
Si Thea naman ay ang aking pinsan na babae. Ulila sa parehong magulang kaya sa amin siya inihabilin ng mga kapatid niya. Itinuturing ko na rin siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang naman din ako ng aking mga magulang. Isa rin siyang tao tulad ng aking ama.
At si nanay, matagal na siyang namayapa. 18 years old ako nang mamatay siya sa isang sakit. Ang aking ina ang may dugong salamangkero. Pareho naming natuklasan na galing kami sa isang 'di kilalang angkan mula sa Eracio nang lumabas ang aking kapangyarihan. Kahit na may dugong salamangkero ang ina, wala siyang abilidad na makapagmanipula ng mana. Yes, she's a manaless mage. Marahil siguro ay ilang henerasyon na ang lumipas kaya wala siyang kahit na anong abilidad. Sinwerte lang talaga siguro ako dahil nga 'gifted' daw ako.
Matapos ang ilang pagbabalik-tanaw, lumapit ako sa lamesa upang ilapag sa ibabaw nito ang satchel bag. Bahagya namang naningkit ang aking mga mata nang mahagilap ang isang kulay beige na sobre na nakaipit sa ilalim ng flower vase. Isang malapad na ngiti ang lumabas sa aking labi nang makita ang selyo ng Gveran—ang Triangle of Sun na kumakatawan sa makapangyarihang kalupaan ng Alterio: Eracio, Arimus, at Glavior.
Naglaho ang ngiti sa aking labi nang may maisip. Paano kung rejected ako? Tuwang-tuwa pa naman ako tapos mamaya rejected pala.
Ngiwi ko namang kinuha ang sobre at mariin itong tinitigan.
However, there will be no special effects or magic tricks involved in this letter once I opened it. Although we're here in Alterio, it is strictly forbidden to cast any kind of magic in the letter. Why? To prevent any breach of information. Lalo na kung ang sulat ay naglalaman ng mahalagang impormasyon. Para maiwasan na mamanipula ang nilalaman ng isang sulat, the late Emperor Alesiro Marcelino del Rembrosa, the 18th divine mage emperor of Alterio, set a law to never use or cast magic on the letters. It is an inviolable and irrevocable law since the 18th emperor himself cast a curse-like spell: a spell that will punish those who violated his law, in accordance with the perpetrator's level of harm. The stronger the mana the perpetrator uses to inflict harm on the recipient, the more powerful the punishment will be. In short, the magic you put on the letter will backfire. Kapag naparusahan na ang nagkasala, ang mahikang inilagay sa sulat ay mawawalan ng bisa.
What a frightening yet wise monarch he is!
Another reason for creating that law is to prevent the recipient from danger. Malay mo ang magic tricks na nilagay sa letter na dapat ay for entertainment and fun purposes ay harmful pala.
Kahit na may ganitong klaseng batas, hindi ko pa rin maiwasang i-double check ang sobre. Nang masiguro na walang bahid ng kahit na anong mahika ang sobre, agad ko itong binuksan at binasa ang nilalaman ng liham.
Greetings, Ms. Claramona Reynes Ilhar!
We are pleased to inform you that your application has been accepted by the Headmentor. Please note that early withdrawals are temporarily suspended this year due to a shortage of qualified battle mages.
Upon accepting this letter, you are encouraged to begin moving your belongings to the Eclis dormitory. Moving may commence two weeks before the start of the first half of the first quarter of classes.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang huling talata ng liham.
You are now officially accepted as an advisory mentor for Class Veradel. We cordially welcome you on behalf of the Headmentor.
Sincerely,
Rienta Ven Loran
The Assistant Headmentor
"What the hell, Gveran?" 'di makapaniwalang sambit ko.
"BAKIT NAGING ADVISORY MENTOR AKO?!!"
