Ficool

Chapter 1 - 0. The Coin

Seven years ago, although I couldn't understand everything he told me, I remember how well those words disguised themselves as a forewarning to me...

ON the outskirts of town, where sunlight barely reached the despaired eyes of the forgotten, there I was—wandering like a lamb among forlorn souls. Until I bumped into him, a man wearing a black, hooded cloak, who would bring me foreboding words in the form of a silver coin he dropped, which is now rolling around on the ground, covered with filthy truths and pure lies...

Pupulutin ko na sana ang barya nang maunahan ako nito. Nang sandaling iangat niya ang kanyang ulo patungo sa akin, isang malawak at mapaglarong ngiti ang mabilis na sumilay sa ilalim ng kanyang pandong.

Eh...?

"Head for truth, tail for lies." biglaang sabi nito na siyang nagpaigtad sa akin. Bahagya akong napaatras sa kinakatayuan nang bigla niyang iabot ang barya sa akin.

Eh? Pero sa kanya ang barya na 'yan?

"You frowned too much, child." malawak na ngiting sabi nito sa ilalim ng kanyang balabal.

"Be at ease! We're just gonna play flip the fate!" dagdag nito na lalong nagpakunot sa noo ko.

"Eh, flip the coin 'yun, 'di ba?" naguguluhang pagtatama ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman ito.

"Child, just toss this coin." utos na pagputol nito sa akin sabay abot ng barya. Ngunit pinakatitigan ko lang ang lalaki at ang baryang hawak niya.

"Go ahead, child."

Kamot-ulo kong kinuha ang barya mula sa kanya habang iniisip kung bakit kailangang ako pa ang maghagis nito. After much thought, I gently tossed the coin into the air.

Pinagmasdan namin kung paano umikot ang barya sa ere. Agad itong sinalo ng lalaki gamit ang kanyang palad at mabilis na ikinuyom ang kamao. Bumaling naman ito sa akin habang may binibigkas na mga salita.

"If you got the head, the truth will reveal you all the lies. And if you got the tail, the lies will tell you all the truth."

Napaawang naman ang aking bibig nang ilantad nito ang kanyang matingkad na kulay kahel na mga mata na ngayo'y mahiwagang nakatitig nang malalim sa akin.

"Known truth tell lies, known lies reveal truth. If you got one of them, which one is telling the truth?" pagpapatuloy nito habang inililipat ang mga mata sa kanyang kamay na siya namang sinundan ko. Binuksan naman nito ang kamay kung nasaan ang barya.

"You got the tail!" he exclaimed, thrilled by the result I got. Ipinakita naman nito sa akin ang likod ng barya na may ngiti sa labi bago muli itong iabot. Eh?

"Sandali lang, bakit mo inaabot ulit sa akin ang baryang iya— " hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla nitong kinuha ang aking kamay at ipinagduldulan ang barya.

"Toss this again, child!" utos nitong muli habang nagniningning ang kanyang mga mata. Napangiwi naman ako sa narinig. Eh? Again?!

Pinagmasdan ko ang lalaki na may kalituhan sa aking mukha, ngunit isang matamis na ngiti lamang ang itinugon nito sa akin. This guy... Bakit kailangan ko ulit ihagis ang baryang ito?

Buntong-hininga ko munang tiningnan ang barya bago ito muling ihinagis sa ere.

"Head for lies, tail for truth." banggit nito habang pinagmamasdan muli kung paano umikot ang barya sa ere. Sinalo niya itong muli at mabilis na isinara ang kanyang kamao.

"If you got the head, lies will reveal you all the truth. And if you got the tail, the truth will tell you all the lies."

My eyes squinted at him, trying to decipher every word he spoke.

"Known lies tell truth, known truth reveal lies. If you got one of them, which one is telling a lie?"

His fist loosened, and the result of the coin he had caught was revealed. Kunot-noo ko naman itong tiningnan. Eh?

"So, this time you got the head..." sabi nito habang kinikilatis ang barya sa kanyang palad. "As expected." ngising dagdag nito. Eh???

Ngunit wala talaga akong maintindihan sa mga sinabi niya. Ang tangi ko lang nasundan ay pareho kong nasungkit ang coin of lies...?

"Rovir," (babae) pagtawag nito sa aking atensyon.

"Both sides are telling the unknown truth, but one of them is telling a known lie," sabi naman nito sa akin na siyang nagpatagilid ng aking ulo.

"The real truth will soon prevail after all the real lies." dagdag nito na lalong nagpakunot ng aking noo.

Ano raw? May connect ba ang mga sinasabi niya ngayon sa buhay ko? Dahil kung oo, life has always been so true to me, to the point na sinasampal na ako nito nang paulit-ulit!

Muli niyang inabot ang barya sa akin.

"Be careful, rovir. Your path will be carved by deceitful truths and lies when a long-forgotten darkness awakens from its slumber..."

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla itong maglaho sa aking harapan. Napaawang ang bibig ko dahil doon.

Siraulo 'yon ah? Iniwan ako at saka... ano ba ang mga sinasabi niya? Isa ba siyang diviner? Napaka misteryoso naman niya!

Muli akong napaisip sa tossing the coin na ginawa namin kanina.

"Head for truth, tail for lies: Head for lies, tail for truth..." bulong ko sa aking sarili habang tinititigan ang baryang hawak. Ipinagpatuloy ko naman ang naudlot na paglalakbay habang iniisip ang mga sinabi niya sa akin.

I got the coins of lies. Tail for lies and head for lies.

If I got the tail for lies that are telling the truth, then its head is telling a lie? And if I got the head for lies in the second flip that are telling the truth, then its tail is telling a lie as well? Therefore, both sides are telling the truth at the same time, they are telling a lie. Then, which one of them is the real truth and the real lie?

Napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kawalan. Nagsimulang humangin sa paligid.

"The real truth will soon prevail after all the real lies. From now on, your path will be carved by deceitful truths and lies." I murmured, eyes wide open.

Huminto ang hangin at muli akong napatingin sa barya.

"AAAAAARRRRRGHHHH!!!!!" bulalas ko habang sinasabunutan ang maikli at kulot kong buhok at pinapadyak ang mga paa sa lupa. Narinig ko naman ang ilang bulungan mula sa mga Altero na naglalakad, ngunit hindi ko pinansin ang mga iyon.

Masyado na akong maraming iniisip para intindihin pa ang mga sinabi ng lalaking iyon sa akin! Mabuti kung may connect nga talaga ang mga iyon sa buhay at misyon ko ngayon! Feeling ko pinag ti-trip-an niya lang ako.

Napabitiw naman ako sa aking buhok at napangiwi.

Tama, pinag-trip-an niya lang ako, hehe.

Well, DAMN HIM!!!

That day, it finally dawned on me that my life has been showing me the same truths and lies about my identity. And now that I understand how much it all means to me, will life still be good for me?

More Chapters