Ficool

Chapter 251 - Chapter 80

Kasalukuyang bumalik ang buong diwa ni Van Grego sa knaiyang pisikal na anyo at lumitaw sa kamay niya ang nasabing Miracle na tinatawag na Grade Equilizer Pill o Miracle Enhancement Liquid Pill. Kung oobserbahan niyang mabuti gamit ang divine sense niya ay masasabi niyang hindi niya matukoy ang sangkap na gamit nito. Sa kasalukuyan niyang lakas ay mahihiya lamang ang kaniyang sariling gumawa nito sapagkat ang kaniyang sariling attainments sa Alchemy ay hindi maikukumpara sa Duke Level Alchemist na sobrang layo pa nito. Ang Duke Level Alchemist na nakasaad sa libro ay siguradong napakalayo ng lebel kumpara sa Grandmaster Level lamang na siguradong baka nasa dulo lamang ng kuko ng sinumang mayroong pambihirang titulo na ganito.

Nakasaad sa libro na walang kahit na sinuman ang nakatirang nilalang ang naroon o nakatira man lang sa mundong ginagalawan niya o sa mundong nabibilang ang mundong ito. Kinakatakutan ang ganitong klaseng Alchemist sapagkat ayon sa Ancient book na nababasa niya ay kaya nitong magsanhi ng awayan ng mga naglalakihang mga Empire, magsiglab ng labanan sa mga kaharian o magkaroon ng mga digmaan sa iba't ibang mundo. Ganon kalaki ang pag-aasam ng mga pwersa na sa kanila mapupunta ang nasabing Duke Level Alchemist. Hindi alam ni Van Grego kung ano ang kasunod ng Grandmaster Level Alchemist pero alam niyang napakalayo niya pa sa lebel na Duke Level Alchemist. Mahihiya lamang ang kaniyang sarili laban sa pambihirang lebel, kaalaman at kakayahang gumawa ng Heavenly Defying na mga gamot, pill at iba pang mga pambihirang bagay na magagawa mismo ng mga Duke Level Alchemists. Isa salita lamang nila ay batas para sa karamihan at isa rin ito sa dahilan kung bakit nagkaroon ng malawakang digmaan o giyera na nagresulta ng mga battlefields sa kasaysayan ngunit sigurado si Van Grego na hindi ito ang dahilan kung bakit puno ng misteryo ang mundong ito ng Valoria. Kung sinuman ang bumalak na gumawa ng gulo o mga kalaban ay kaunti pa lamang ang alam ni Van Grego. Ang alam niya ay may mga Ancient Races noon na hanggang ngayon ay nag-eexiat sa mundong ito na kung hindi natural na nakatira dito ay galing sa ibang mga mundo kung kaya't nagkaroon ng mga kaguluhan dito. Hybrid Cult Black Organization, Human Demon Race, Dark Human Elves Races at ibang mga Ancient Hybrid Races na Viper Races, Blood Demon Race at iba pa. Hindi sigurado si Van Grego kung bakit mayroong tala ang matatagpuan sa Interstellar Palace at kung sino ang lumathala ng mga libro roon. Kung totoo man o hindi ang mga ito ay wala siyang alam sa mga ito. Kung nag-eexist pa ba ang mga Races na kalaban ng mundong ito ng mga tao.

Agad na pinawala ni Van Grego ang kaniyang mga iniisip dahil ipagpapatuloy niya na ang kaniyang paggawa ng nasabing Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill.

Nakita niya lamang ang kaniyang sariling naglagay ng isang patak sa dalawang naghahalo pa lamang na sangkap. Isang sangkap mula sa napakababang grade na Silver Foam Stingray's Tail at ang apat na nahalo ng mga sangkap. Isang kulay pilak na malapot na substance ng Silver Foam Stingray's Tail at ang kulay ubeng substance ay hindi nagkaroon ng reaksyong maghahalo ang mga ito.

Ngunit hindi sumuko si Van Grego at pinatuluan niya ng animo'y gintong likido ng Miracle Enhancement Liquid Pill muli ang nasabing mga sangkap kung saan ay nakita ni Van Grego na nagkaroon ng reaksyon ang dalawang sangkap. Nagulat ang binatang si Van Grego dahil sa kaniyang nasaksihan.

"Kamangha-mangha, hindi ko aakalaing parang mirakulo talaga ang Pill na ito dahil halos mastabilize ang mga sangkap na nakahalo." Manghang sambit ni Van Grego. Hindi niya aakalaing totoo ang sinasabi ng nasa libro at sa ganitong klaseng Miracle Pill.

Agad na pinatakan ulit ni Van Grego ang isang sangkap kung saan ay mabilis na nagkaroon ng pagbabagong naganap sa lahat ng sangkap lalo na Silver Foam Stingray's Tail. Hindi niya aakalaing magkakaroon siya ng ganitong klaseng pill ngunit hiniram niya lamang ito.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay lumiwanag ang buong sangkap sa paggawa ng Martial Ancient Pill na Olfactory Pill o Wolf Pill na siyang ikinabigla ni Van Grego.

"Masama ito, isa na namang Heavenly Dao Tribulation?!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan nang makita nito ang nakakapangilabot na pagtipon ng mga ulap sa kalangitan na sa lokasyon niya mismo. Nakakatakot ang ganitong klaseng senaryo para kay Van Grego. Alam niyang hindi pangkaraniwan ito.

Maya-maya ay biglang nagkaroon ng paggalaw ng mga ulap at mayroong kung anumang proseso ng pagtipon nito na hindi isang ordinaryong senaryo lamang. Kitang-kita na mayroong kakaiba rito kung saan ay nakaramdam si Van Grego nang nakakapangilabot na enerhiya rito.

"Ano ang gagawin ko?! Dahil sa Miracle Pill ay nadetect ng Kalangitan ang abnormalidad na nangyayari sa aking isinasagawang paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill." Sambit muli ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang pangamba sa mukha nito. Hindi maganda ang pangyayaring ito. Kapag natapos na ang proseso ng nasabing Martial Ancient Pill na ito ay siguradong kasabay nito ang pagbagsak ng galit ng kalangitan sa pamamagitan ng pagpapadala ng nakakakilabot at nakakapanindig-balahong mga boltahe ng mga kidlat. Kayang depensahan ni Van Grego ang mga ito sa kaunting oras lamang ngunit kung magpapatuloy at lalakas ang mga nakakamatay na boltaheng ipinadala ng kalangitan ay siguradong mapipinsala siya ng malala at maaari niyang ikamatay ito. Sino ba naman ang hindi matatakot na harapin ang galit ng kalangitan sa pamamagitan ng pagpapadala ng Heavenly Dao Tribulation.

Van Grego gritted his teeth due to sudden occurrence in this kind of situation he is in. Hindi nito alam kung ano ang maaaring mangyari maya-maya lamang dahil tingin niya ay mas malala itong Heavenly Dao Tribulation kumpara sa naunang paggawa niya ng Pill. Hindi nito aakalaing mangyayari ang bagay na ito.

Ngayon ay kinakailangan niyang gumawa ng paraan upang magkaroon ng malaking pagbabago sa nangyayaring ito. Agad na lumutang sa kaniyang harapan ang Book Artifact.

" Alam mo ba kung paano ako maliligtas sa Heavenly Dao Tribulation?!" Tanong ng binatang si Van Grego sa nasabing libro.

"Base sa iyong lakas ay maaari kang makaligtas ng dalawampong porsyento lamang. Ang katawan mo ay hindi ganoon katibay isa pang wala kang kaalaman lamang sa konsepto ng kidlat. Maaari kang gumawa ng mga handseals ngunit baka mamatay ka o baka mapinsala ang nasabing Pill kapag naisagawa mo ito. Para makaligtas ka sa sakunang ito ay magsagawa ka ng malalakas na Array Formation laban sa anumang uri ng malalakas na kidlat, tiyak akong magiging epektibo ito" sambit ng Book Artifact sa Mechanical voice nito.

"Ganon ba, edi sinasabi mo bang gumawa ako ng Array Formation na gawa sa Kidlat?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang naglalakihan ang mata nito. Halatang nagulat ito sa pinagsasabi ng Book Artifact. Hindi ba nito alam na para gumawa ng Thunder Type na Array Formation ay kinakailangan niya ng napakaraming essence energy at ico-conveet niya ito sa maliliit na boltahe ng kuryente. 1 essence energy= 0.200 volts of lightning. 5:1 (Five is to 1) yung hinihinalang conversion ng pag convert ng enerhiya [5 esssence energies = 1.0 volts of lightning). Nakakapanghina sng bagay na ito para sa binatang si Van Grego. Wala siyang Thunder Attribute Skills o kahit ano'ng Techniques man ng elementong ito na maituturing na outside element sahil hindi naman ito nababagay sa limang elemento. Kung ganito ang conversion sy siguradong mauubos o masasaid na ang essence energy niya ay baka ilang thread lamang ng boltahe ng kuryente ang magawa niya.

Hindi nagsalita ang Book Artifact na animo'y hindi nito naririnig ang sinasabi ng binatang si Van Grego. Hindi kasi nito alam ang sinasabi ng binata. Limitado lamang ang kaalaman ng Book Artifact at wala itong sariling kamalayan o isip ng dating Stardust Envoy na si Silent Walker.

"Hmmm... Kung ganon ay wala akong pagpipilian kundi ang i-convert ang aking essence energy para maging boltahe ng kuryente. Kainis naman oh." Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili habang bakas sa mukha nito ang pagkainis. Hindi lingid sa kaalaman nito na napakagrabeng pasakit ito sa kaniya. Sa loob lamang ng isang araw na ito ay napakaproblemado niya. Yung tipong wala na siyang pahinga o break na tinatawag. Ang enerhiya niya ay napakalimitado na tsaka ang pagkain ng mga Pill ay nakakasama at nakakapagpabagal ng kaniyang paglakas kung saan ay nag-iipon ang mga impurities nito sa katawan. Kahit na sabihing napakabenepisyo ng mga martial pill ay alam niyang malaki rin ang side effects nito. Saan ka ba nakakita ng libreng pagkain? May gamot ba na walang side effects? Hindi kasi nag-eexist ang perfections sa mundong ito. Kung meron man ay malamang ay hina-hunting na ito ng kalangitan o kaya ay nangamatay na dahil sa Heavenly Dao Tribulation. Kapag naka-95 percent ka sa alinmang bagay rito sa mundong ito ay magtatawag o magpapadala ang kalangitan ng nakakamatay na bolta-boltaheng mga kidlat upang paslangin ang sinuman. Sino ba naman kasi ang mag-eexpect na hahayaan lamang ito ng kalangitan?!

Nakadepende ang lakas ng kidlat na ipapadala ng kalangitan na tinatawag rong Heaven's Wrath o mas kilala sa tawag na Heavenly Dao Tribulation. Ito ay kung saan ay nakikita kang banta nito. Alinman o sinumang magtatangkang magkamit ng perfections o alinmang bagay na magti-trigger na maging close to perfections ay dadaan muna sa pagsubok ng kalangitan. Sa oras na nakita ka nito ay siguradong kahit saan ka man magpunta ay hahanapin at hahabulin ka nito. Tanging ang pagseal ng sarili o ng mga bagay katulad ng mga Màrtial Pills, Ancient Martial Pills, Miracle Pill at iba ang maaari mong gamitin o depensahan mo sng iyong sarili laban sa mga atake nito. Iyon lamang ang maaari mong gawin. Kung gagalitin mo ito ay siguradong hindi ka titigilan nito. The best way to defeat it is to defend only. You cannot fight nor curse it through your mouth. If you do things that could trigger it more is not a good option.

"Kaya ko ba talaga to?! Hmmm... Hindi ko na kailangang gawin ito baka magalit ko pa lalo ang kalangitan at padalhan pa ko ng malalakas na kidlat. Hindi maganda ang sinabi ng Book Artifact. Kung alam lang nito na hindi pa namumuo ang mismong Heavenly Dao Tribulation ng Olfactory o Wolf Pill ay mali ang tantiya nito." Sambit muli ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Base lamang kasi sa nakikita ng Book Artifact ang maaaring gawin nito. Ang pagtanong dito ay precise ngunit wala naman kasing isip ito. Alangan namang ipilit niya mismo ang kagustihan niyang malaman dahil sa librong ito na walang consciousness mismo.

"Hayst, kailangan kong masigurong mananalo ako sa Heavenly Dao Tribulation na ito. Ito lang ang tsansang makaligtas ako sa lugar na ito. Hindi rin magtatagal at mawawala ang aura at mga bakas ng Ferrocious Earth Worm at sigurado akong susugod ang naoakaraming mga halimaw na malapit lamang sa teritoryo ng Ferrocious Earth Worm. Sa oras na iyon ay wala akong magagawa pa. Parang bumalik ako sa pangyayaring naganap noon." Malungkot na sambit ni Van Grego habang makikita ang pangamba sa mukha nito. Naalala niya naman ang nangyari noon sa kontinente ng Hyno Continent, yung tipong akala niya ay napakalaki na ng lugar na iyon ngunit sinong mag-aakalang nasa malayong lugar na siya ngayon kung saan ay parang kahapon lamang ito nangyari. Ngunit ang pangambang noon ay parang mangyayari ulit. Yung tipong naulit sa lugar na ito. Ang Ferrocious Earth Worm ay maituturing na mababa ang Cultivation Level ngunit ngayong namatay o napaslang na ito ng binata ay unti-unting mawawalan na ng bisa ang mga bakas o mga nakakalat na awra nito sa teritoryong pinamamahayan nito na walang iba kundi ang teritoryong kinalalagyan ng binata.

More Chapters