Ficool

Chapter 2 - Chapter 1: Unknown Guy

Cj Point of View:

Gabi na noon. Tahimik ang buong bahay habang nakahiga si Cj sa kama niya, hawak ang cellphone at scroll nang scroll sa social media dahil hindi siya makatulog.

Biglang may nag-pop na notification.

Unknown User sent you a message.

Napakunot-noo si Cj. Hindi siya madalas tumanggap ng chat mula sa hindi kilalang tao. Nagdalawang-isip siya kung bubuksan ba niya ito, pero dahil sa curiosity, pinindot niya.

Unknown:Hi.

Cj:Hello? Sino po sila?

Unknown:You don't know me. But I saw your profile, and I just wanted to say hi.

Cj:Ah… okay? Bakit ako?

Unknown:Hmm… I don't know. You seem interesting.

Napairap si Mia habang nakatitig sa screen.

Cj:Ang weird mo naman.

Unknown:Maybe. But weird people are sometimes interesting.

Cj:Hahaha. Sige nga, ano name mo?

Unknown:Call me Allex.

Napahinto si Cj. Mukhang mahilig mag-English ang ka-chat niya, pero halata ring naiintindihan nito ang Tagalog dahil maayos itong sumasagot. Napaisip sya kung Kilala ba sya nito o pinagtritripan lang sya.

"Wala Naman akong kilalang Allex sa School o Dito sa bayan namin,,OMG 😱 ha guys this is my first time na may nagchat sakin na hindi ko Kilala,,aaminin ko lahat nang kachat ko mga kaibigan ko lang and to my parents,,BTW I'm Cris Jean Dureal 19 years old,,,now I'm 1st year college Bachelor of Science in Human Resource Management,, Ang pangalan nang pinasukan ko Academic Domenic University, Alam nyo ang daming mga handsome, beautiful kasali na ko nyan,,,madami mga rich,,nakakainggit bakit Kasi Hindi patas ang Mundo na maging rich lahat ang mga tao" naalala pala nya na may kachat sya.

Cj:Ikaw ba foreigner?

Allex:No. Filipino. I just prefer speaking in English most of the time.

Cj:Ahh kaya pala. Akala ko ibang lahi.

Allex:Nope. Pure Filipino. Marunong naman ako mag-Tagalog, don't worry.

Napangiti si Cj nang hindi niya namamalayan. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang gaan sa pakikipag-usap sa estrangherong ito.

Lumipas ang ilang minuto at tuloy-tuloy ang kanilang chat. Random topics, simpleng tanong, at kaunting tawanan.

Pero bago matapos ang gabi, biglang nag-send si Allex ng isang mensahe.

Allex:Can I ask you something?

Cj:Ano yun?

Allex: do you have a boyfriend?

Natigilan si Cj habang nakatitig sa screen.

Hindi niya alam… pero pakiramdam niya, ito pa lang ang simula.

Alex Point of View:

Napahiga si Alex sa kama niya habang hawak ang cellphone. Nakatitig siya sa huling chat ni CJ.

CJ:Goodnight, weird guy.

Napangiti siya.

Weird guy.

Ilang beses niyang binasa ang mensahe bago marahang napapikit.

At doon… bumalik ang alaala niya.

Flashback…

Maagang umaga noon sa Academic Domenic University. Punong-puno ang campus ng estudyante—may nagmamadaling pumasok, may nagkukwentuhan, at may mga abalang naglalakad sa hallway.

Dahan-dahang huminto ang itim na mamahaling kotse sa harap ng building.

Bumaba si Alex Domenic.

Suot ang mamahaling relo, maayos na uniform, at malamig na ekspresyon sa mukha.

Isa siya sa pinaka-sikat na estudyante sa university. Hindi lang dahil gwapo, matangkad, at mayaman siya—kundi dahil siya rin ang anak ng may-ari ng Academic Domenic University.

Halos lahat ng babae sa campus may gusto sa kanya.

Pero wala siyang pakialam.

Sanay na siya sa atensyon.

Kasama niya ang apat niyang matalik na kaibigan—Noah, Ivan, Noel, at Ethan. Sikat silang lima sa buong campus.

Habang naglalakad sila sa hallway, biglang bumagal ang hakbang ni Alex.

Sa kabilang side ng corridor…

May isang babaeng naglalakad habang yakap ang libro sa dibdib.

Mahaba ang buhok.

Simple ang suot.

Walang make-up.

Walang kaartehan.

Pero may kakaibang ganda.

Si CJ.

Tahimik lang itong naglalakad, tila walang pakialam sa ingay ng paligid.

Huminto si Alex.

Hindi maalis ang tingin niya.

Parang bumagal ang mundo.

Noah:Bro? Why are you staring?

Ivan:Don't tell me… may type ka na?

Ethan:That's new.

Noel:Sino ba 'yan?

Tahimik si Alex.

Hindi niya maintindihan.

Marami na siyang nakilalang babae.

Maraming magaganda.

Maraming may gusto sa kanya.

Pero bakit sa simpleng binibini na iyon… parang may kakaiba?

Hindi ito nagpapapansin.

Hindi ito tumitingin sa kanya.

Simple lang.

Natural.

At totoo.

Doon lang siya nagsalita.

Alex:Find out her name.

Nagkatinginan ang apat.

Noah:Grabe. Serious ka?

Ivan:Bro… first time 'to ah.

Alex:Just do it.

Nagtanong-tanong sila sa campus.

At ilang minuto ang lumipas…

Nalaman nila.

"Cris Jean Dureal… pero CJ ang tawag sa kanya."

Napangiti si Alex.

Sa unang pagkakataon… may babaeng nakakuha ng atensyon niya nang hindi man lang sinusubukan.

Kinagabihan…

Nasa loob siya ng malawak na kwarto sa mansion nila.

Tahimik.

Malamig.

Kompleto sa lahat.

Pero nasa isip niya pa rin ang babaeng nakita niya sa hallway.

Binuksan niya ang cellphone.

At hinanap ang pangalan nito sa Facebook.

Cris Jean Dureal.

Nang makita niya ang profile picture nito…

napangiti siya.

Alex (mahina):So your name is Cris Jean Dureal, such a beautiful name..

Napahawak siya sa baba niya habang nakatitig sa screen.

Hindi niya alam kung bakit.

Pero gusto niya itong makilala.

Hindi bilang anak ng may-ari.

Hindi bilang sikat na estudyante.

Kundi bilang simpleng lalaki.

Kaya gumawa siya ng lakas ng loob.

At nag-message.

Alex:Hi.

End of Flashback…

Muling iminulat ni Alex ang mata niya.

Nasa present na ulit siya.

Hawak pa rin ang cellphone.

Hindi alam ni CJ…

na ang simpleng "Hi" ay nagsimula sa isang tingin sa campus.

At hindi rin alam ni Alex…

na baka ang binibining iyon ang magbabago sa buhay niya.

More Chapters