Naglakbay si Wong Ming sa malawak na lugar na ito.
Masasabi niyang napakatahimik ng lugar na siyang kinaroroonan niya sa kasalukuyan.
Agad na tinalasan niya ang kaniyang pandama maging ang pagbalot ng protective essence sa
buong katawan niya.
Kakaiba ang lugar na tinatapakan ni Wong Ming lalo pa't maraming mga tuyong dahon dahilan upang ang bawat pagtapak niya ay tumutunog talaga.
Hindi aakalain ni Wong Ming na sa lugar na ito ay walang presensya ng sinuman.
Sinubukan niyang lumutang ng kaunti para hindi siya makalikha ng tunog.
Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang bigla niyang nakitang may malakas na pwersa sa paa nito dahilan upang mahila siya pababa sa mismong lupa.
Isang pwersa na may kinalaman sa gravity.
Dito niya napansin na mayroong pabilog na mga linya ang kinaroroonan niya.
Isang Trap type na Formation Array ito.
Hindi aakalain ni Wong Ming na mabibitag siya ng nasabing Array.
Ilang metro mula sa kaniya ay natanaw niya ang isang malaking puno. Dito ay naramdaman niya na ang maraming presensya na sa tingin niya ay ito ang may kagagawan ng formation array.
Isang binatang nakasuot ng itim na roba ang biglang umalpas sa tinitingnan niyang puno. Kasabay nito ay lumitaw rin ang apat na nilalang na nakasuot ng maluwag na balabal habang nakakubli ang mga pagkakakilanlan ng mga ito dahil sa mahabang saklop ng mga ito sa ulo.
"Hindi ko aakalaing isa lamang na hamak na mahinang binata ang nakatagpo natin dito. Magkagayon pa man ay gusto kong ibigay mo sakin ang taling meron ka... Hmmm... May naaamoy akong kakaibang amoy sa katawan mo. Lahat ng tali na meron ka ay ibigay mo sa akin!" Seryosong turan ng nasabing binata habang nakatingin ito kay Wong Ming.
Napakapatpatin nito ngunit ramdam ni Wong Ming na may itinatagong lakas ang nasabing binata na kaharap niya.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Early Golden Vein Realm ang makakalaban niya habang nasa Peak Golden Blood Realm ang apat na nilalang na kasama nito.
Tiningnan ng mga ito isa-isa ni Wong Ming bago dumako ang tingin nito sa binatang naiiba sa limang nakatagpo niyang kalahok.
Walang pagpipilian si Wong Ming kundi ang lumaban.
"Pasensya na ngunit kailangan kong manalo laban sa inyo kahit na gustuhin ko mang ibigay ang mga taling meron ako!" Saad ni Wong Ming ba animo'y tutol sa gusto ng nasabing kalaban niya.
Indikasyon na hindi papayag si Wong Ming na maging talunan lamang. Ang sumuko ang hindi niya maaaring gawin lalo pa't mayroon siyang mahalagang layunin sa pagpunta niya sa Vermilion City at maging disipulo ng Vermilion Sect.
Thump!
Sa pagpadyak ni Wong Ming ay bilang kumalas ang pwersang nagdudulot ng hirap sa paa nito.
"Kung iyan ang gusto mo binata ay pagbibigyan kita. Masyado mong di sineryoso ang aking suhestiyon kung kaya't kamatayan na lamang ang naghihintay sa'yo!" Pagalit na wika ng binatang kalaban ni Wong Ming.
Tila nagkaroon ng pormasyon ang apat na kasamahan ng kalaban niya.
Ramdam ni Wong Ming na aware ang mga kalaban niya sa cultivation level nito. Kakaiba talaga ang mga ito dahil hindi man lang sila nagpakampante.
Nagmaterialize ang isang metallic long saber sa mismong kanang kamay ng makakalaban ni Wong Ming.
Dito ay alam ni Wong Ming na gusto lamang siyang i-destract ng binata para makabuo ng malakas na array ang apat na kasamahan noto upang paslangin siya.
Hindi naman nagpatalo si Wong Ming at agad na nag-materialized ang nasabing buong Sword Needle sa kanang kamay nito.
SHING! SHING! SHING!
Umalingawngaw ang tunog ng nagsisiksikang mga metal at talagang walang hinintay na panahon si Wong Ming upang utakan ang kalaban niya.
BANG!
Agad na napatalsik si Wong Ming nang masipa siya ng kalaban nito.
Napakalakas ng pagsipa nito sa kaniya at alam niyang matibay ang pundasyon ng pangangatawan nito.
Tumayo naman kaagad si Wong Ming nang mapansin nito na nagliliwanag ang metallic long saber ng kalaban nito indikasyon na magsasagawa ito ng martial arts skill.
Skill: Saber Strike!
Pinaghandaan naman ni Wong Ming ang paparating na atake ng kalaban nito sa kaniya sa pamamagitan ng pagsagawa rin ng martial arts skill na natutunan niya sa Asura Art of Divinity.
Skill: Sword of Ice!
Kitang-kita kung paanong mabilis na nagkapira-piraso ang nasabing hawak nitong Sword Needle na naging mga maliliit na kutsilyo. Kasabay nito ay bigla na lamang nabalutan ito ng makapal na yelo at tila naging kasinlaki nito ang naunang espada nito kanina.
Sa isang iglap ay natawid ni Wong Ming at ng kalaban nito ang pagitan nila kasabay niyon ay ang nakipagbuno sila sa isa't-isa gamit ang hawak-hawak nilang mga espada.
SHING! SHING! SHING!
Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang malalakas na pag-atake ng kalaban niya sa kaniya at tila bumibilis ng bumibilis ang bawat wasiwas ng long saber nito.
Dito napansin ni Wong Ming kung paanong ang ugat sa palapulsuhan ng kalaban niya ay tila kulay pula at itim. Tila humahaba ito patungo sa balikat nito.
Forbidden Skills!
Iyon lamang ang masasabi ni Wong Ming lalo pa't isang mahabang side effects ito ng mga cultivators na gumagamit ng mga ipinagbabawal na mga skills.
Ngayon ay sigurado na si Wong Ming na masasamang nilalang ang nasa harapan niya. Mukhang marami na ring nasagupa ang mga kalaban niya at hindi malabong pumaslang ito dahil na rin sa mga marka ng dugong tila kinitlan ng mga ito ng buhay.
Skill: Ice Shards!
Napakabilis ng pangyayari at kitang-kita kung paano'ng walang pag-aalinlangang pinatama ni Wong Ming ang mga nagtatalimang mga ice shards sa kamay ng kalaban niya.
Impit na napasigaw pa ito na animo'y nasasaktan.
Yumuko ito habang kitang-kita ni Wong Ming na tumutulo ang masaganang dugo ng kalaban nito sa nakatarak pa rin patulis na mga yelo sa palapulsuhan nito.
Labis namang nagtataka si Wong Ming sa inasta ng kalaban nito ngunit kasabay rin nito ay nakaramdam si Wong Ming ng ibayong panganib.
Ngunit huli na siya upang mapansing inutakan siya ng kalaban nito.
Apat na naglalakihan at naghahabaang itim na kadena ang bigla na lamang umalpas sa ilalim ng lupa kasabay nito ay tila may buhay itong pumulupot sa dalawang kamay at sa mga binti ng binatang si Wong Ming.
Hindi inaasahan ni Wong Ming na maalam ang mga kalaban niya sa paggamit ng mga patibong.
Ramdam niyang malalakas talaga ang mga ito lalong-lalo na ang binatang kalaban niya mismo.
Mas nagulat siya ng unti-unting natunaw ang yelo sa mismong dalawang palapulsuhan ng kalaban nito.
Ang tila butas sa ginawang atake ni Wong Ming gamit ang Ice Shards ay unti-unting humihilom ang mga sugat na natamo nito.
Grabe ang regeneration ability ng nasabing kalaban niya sa kasalukuyan.
Makikitang biglang nagliwanag ang mata ni Wong Ming kasabay nito ay napangisi siya ng malademonyo.
Kitang-kita kung paanong gumalaw ang anino ni Wong Ming at napansin iyon ng mga kalaban niya lalo na ang tumatayong lider ng grupong ito.
BANG! BANG! BANG!
Sumabog na lamang bigla ang mga itim na kadenang nakapulupot sa mga kamay at paa ni Wong Ming.
Kasabay nito ay nahati sa tatlo ang anino ni Wong Ming at nanlaki ang mga mata ng kalaban niya nang naging hulmang tao ang mga ito.
Hindi lamang iyon dahil naging magkamukha nito si Wong Ming.
Kapansin-pansin na may hawak na sandata ang isa na halberd habang ang isa naman ay mayroong hawak na mahabang mga kadena.
Ngunit ang isang nilalang ay tila kamukha lamang ni Wong Ming ngunit wala man lang itong sandatang hawak.
Naging posible ito dahil sa Asura Clone na kayang-kaya i-manifest ng Shadow Skill niya.
Sumilay ang ngiti sa labi ng kalaban ni Wong Ming na binata kasabay nito ay ang pagmaterialize ng malaking Array Formation sa ere.