Ficool

Chapter 2 - Chapter 1. "Untold"

Chapter 1. "Untold"

"Then we who are alive, who are left, will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air, and so we will always be with the Lord."

1 Thessalonians 4:17

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 6:13AM

Place: Quezon City

I am a sinner.

That is the reason why I was left all alone here. The rapture happened and it took my whole family. I am missing them day by day. I regret everything that happened that day. If I could just turn back time, I wouldn't be so self-fish, stubborn and disobeyed my father. But it's too late now because we were judged to be left here. Hindi ko man lang sila nayakap sa huling beses na nakita ko sila kundi ay isang hindi pa pagkakaunawaan ang nangyari.

"Kris! No!" Malakas na sigaw ni Mama habang ako naman ay tulala lamang sa mukha ng galit kong Papa habang nakataas ang kanyang kanang kamay na sanay dadampi sa aking pisngi. Kung hindi pa siya pinigilan ni Mama, malamang ay namamaga na naman ang pisngi ko dahil sa sampal niya.

Nabuo ang butil ng mga luha sa aking mga mata habang tulala kay Papa at mahinang humikbi. Ano na naman bang ginawa ko?

Marahan na binaba ni Papa ang kanyang kamay at saka tumalikod sa akin.

"Listen, Krisa if you keep on doing this, disobeying your parents, doing all you want, smoke, drink, curse, having sex with anybody..." Dahan-dahan siyang limingon sa akin, bagsak ang mga mata at sinabi ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan kailanman. "You will rot in hell."

Mabilis akong napabangon sa aking kama at naghahabol ng paghinga habang nanlalaki ang mga mata. Ramdam ko ang pawis sa aking noo at ang butil ng luha sa aking mga mata. Napanaginipan ko na naman. Napanaginipan ko na naman ang huling araw na nakasama ko sila, huling araw na nakita ko sila at narinig ang boses nila. That last confrontation ends everything. And it wasn't a good thing to remember. Because at the very end, hindi ako naging mabuting anak. And that is why I deserved to be left here all alone.

Napatingin ako sa maliwanag na bintana. Habang nakatingin ako sa sinag ng araw na pumapasok sa aking bintana ay muli kong naalala ang lahat ng nangyari. Hindi ako makapaniwala na buhay pa rin ako. Hindi ako mapaniwala na nandito pa rin ako. And I will never forget what happened exactly 100 days ago it happened then, it happened that what they called "Rapture". I actually don't have any idea what rapture is before, but after what happened that day 100 days ago. Unti-unti na akong naniniwala. But it's too late for us because we, the sinners were left here.

Bumaba na ako sa aking kama nang magulat ako dahil sa narinig kong ingay sa first floor. Parang ingay ng nahulog na kaldero. Dali-dali akong naupo sa harap ng computer at tiningnan sa mga CCTV ang iba't-ibang parte ng buong bahay. Mula sa sala, sa mga kwarto nila Mama at Papa, sa kwarto ni Kuya Kristian, sa dining area at maging sa kusina. Pero pagtingin ko sa kusina ay wala namang kakaiba. Huminga ako ng malalim at tiningnan naman ang mga CCTV sa labas ng bahay. Wala namang kakaiba sa garden at kahit sa harap ng main door at main gate. Huminga ako ng malalim at napasandal sa aking upuan.

"Baka naman wala lang, paranoid ka, Krisa." Natatawang sabi ko at saka tumayo na pero pagtayo ko ay muli kong narinig ang malakas na ingay. Hindi na ito tunog na parang gamit sa kusina, it sounded more like a metal hardly striked.

Napaisip ako kung ano ang ingay na 'yon at habang nag-iisip ay muli itong malakas na kumalabog. Naupo akong muli at humarap sa computer at muling tiningnan ang iba't-ibang parte ng bahay sa CCTV nang manlaki ang mga mata ko nang dumako ang tingin ko sa may tapat ng garahe. And this is also what I hate about this rapture. Aside from we are all left here, why did God let this thing happen!?

Dumaloy ang takot at kaba sa buo kong katawan habang kita ko sa CCTV ang isang zombie na inuuntog ang sarili sa pinto ng garahe. Mabilis ang aking paghinga at nanginginig na hinawakan ang mouse at zinoom ang camera. It was clearly a zombie. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko.

Kaya mo 'yan, Krisa. Kaya mo 'yan.

Pagdilat ko ay agad kong kinuha ang bow and arrow ko. Nag-unat pa muna ako ng katawan bago ako nagtungo sa harap ng bintana. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pagbukas ko ay tumingin ako sa paligid kung marami bang zombie pero wala naman. Ang pagkakaalam ko ay sarado ang village namin. At mahigpit napinagbabawal ang lumabas sa kani-kanilang bahay.

Tumingin ako sa baba sa may tapat ng garahe at doon ko nga nakita ang isang zombie. Habang nakatingin ako sa may zombie ay nasilaw naman ako sa isang ilaw at agad kong tiningnan kung saan ito nanggagaling. Nang makita ko kung sino ang nagsisilaw sa akin ay napangisi ako. At agad na inayos ang bow and arrow ako at tinutok sa zombie sa may tapat ng garahe ko. Seryoso akong nakatingin sa aking target, mahinahon ang paghinga at sa isang pitik lang ay tinamaan ko sa noo ang zombie na agad nitong kinamatay.

Napabuntong-hininga ako nang mapatay ko ang zombie. Napatingin naman ako sa katapat kong bahay nang may sumilaw ulit sa akin. At doon ay nakita ko ang isang iPad na may nakasulat.

"Nice shot, Krisa!"

Kumaway lang ako sa may katapat na bahay. It was Froilan's house, just like me, Froilan was left here with her elder sister. Matagal na namin silang kapit-bahay sa village na ito. Kalaro ko rin dati si Froilan pero kumpara sa akin mas seryoso siya sa buhay, nag-aaral ng mabuti at mukhang may pangarap. Kaya nga nagtataka rin ako kung bakit siya naiwan dito. For all what I know about him, he is a good person. Kaya sobra akong nagtataka kung bakit siya nandito.

Nag-ayos na ako ng aking sarili, naligo at bumaba na para kumain. Pero nang buksan ko ang refrigerator ay wala na pala akong stocks ng pagkain. Mabuti na lamang at Monday ngayon. Kumuha na lang ako ng tinapay at peanut butter saka nagtimpla ng juice. Kailangan ko na namang lumabas ng bahay. At sa tuwing lalabas ako ng bahay na 'to. Alam kong nasa hukay ang isa kong paa at maaaring hindi na makabalik dito.

Tiningnan ko ang kabuuhan ng bahay namin. Ang bahay na kinalakihan ko, ang bahay na dati ay sobrang saya pero habang tumatagal ay napalitan ng malulungkot na alaala. But I cannot just abandon this house. Dahil kapag narito ako, pakiramdam ko ay kasama ko pa rin sila kahit alam ko na hindi na sila babalik pa.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang inaalala ang nakaraan tungkol sa bahay namin. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Hindi ako dapat panghinaan ng loob. Dahil alam ko may paraan pa.

Tuwing Monday ng umaga ay pinapayagan ng village na lumabas ang isang miyembro ng pamilya na lumabas ng village para kumuha ng mga kailangan sa labas tulad ng pagkain at iba pa, 'Hoarding Day' nga ang tawag namin dito dahil sa isang araw na 'yon kung ano kaya mong i-hoard sa labas ay pwede mong i-hoard. And since ako lang naman ang mag-isa na sa buhay, ako na rin ang gumagawa ng lahat para mabuhay ako. Alas nueve ng umaga pwede nang lumabas at dapat bago mag-ala-cinco ng hapon ay makabalik na dito sa village dahil nagsasara ito at hindi ka na mapapasok pa.

Bumalik na ako sa kwarto para magbihis at maghanda para sa hoarding day. Sinuot ko ang usual kong get up kapag lalabas ng bahay. Leather boots, skinny jeans, black sando at top ng leather jacket. Hindi ko rin kinalimutan ang iba't-ibang protection ko sa katawan tulad ng knee and elbow pads, knives sa dalawang hita ko at baril naman sa may beywang ko. Dala ko rin ang bow and arrow ko.

Bumaba na ako at kinuha ang bag ko kung saan ko ilalagay ang mga pagkain ko at iba pang kailangan ko. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Froilan na kakalabas lang din. May ibang tao pa na naglalakad na kalsada papunta sa gate ng village. Lumapit sa akin si Froilan.

"Food?" nakangiti niyang tanong. Natawa naman ako at tumango.

"Oo, saktong wala na ako buti na lang hoarding day." Sagot ko at nagtawanan kami. Tumingin naman ako bahay nila Froilan at nakita ko si Ate Flor, ang ate niya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at saka ako inirapan at naglakad na papasok ng bahay nila. Napatingin ako kay Froilan at nagkibit-balikat lang siya. Napailing-iling na lang ako, sanay naman na ako sa Ate niya.

Hindi kasi in good terms ang family namin sa family nila Froilan. Ang alam ko lang ay kaya naghirap sila Froilan noon ay dahil tinanggal ni Papa ang Papa nila Froilan sa trabaho dahil sa misconduct nito. Simula noon ay masama na ang tingin sa amin ng family ni Froilan except sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa gate ng village. Ang dami ring tao ang nandito ngayon na lalabas para kumuha ng mga kailangan nila.

"Krisa!" sabay naman kaming napatingin ni Froilan nang may tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Aliyah. Lumapit siya sa amin ni Froilan. "Buti na lang at lalabas din kayo." Pagpapaawa ni Aliyah.

"Ikaw na naman ang inutusan ng Nanay mo?" may halong inis na tanong ko. Natahimik lang si Aliyah at ngumiti.

"Okay lang," malungkot na sagot niya. "May gusto rin naman akong puntahan!" bigla naman siyang na-excite ngayon. Nagtataka ko lang siyang tiningnan.

"Saan naman?" tanong ni Froilan.

"Sa ano ba 'yon? Yong nagtitinda ng mga albums?" balik na tanong ni Aliyah.

Aliyah is that kind of person na hindi sobrang talino. She is so dumb and stupid most of the time. But what makes her likeable was her energy and smiley face. I don't have any information about Aliyah. Sa may dulo kasi ng village ang bahay nila kaya hindi kami gaano noon nagkikita or nagkakausap, sa school ko lang siya nakikita noong highschool pero ang alam ko ay anak siya sa labas. And if that's an enough reason para maiwan ka dito, I don't understand. Because for what I am seeing about Aliyah, I can say that she is a good person.

"Sa record store? But that's so far way from here, Aliyah. Sa mall lang may mga record store." Sabi ko sa kanya, nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya.

"Ganon, pero..." tumingin siya sa akin, isang malungkot na tingin. "Yon lang ang wish ko ngayon, Krisa, ngayong birthday ko."

Natahimik ako sa sinabi ni Aliyah. Going to mall is really dangerous. I was planning to go to a nearest convenience store to get my stock of food.

"Why don't we go there instead na dito lang sa mga convenience store?" biglang sabi naman ni Froilan. "There's a supermarket in the mall and for sure mas marami pang supplies." Dagdag pa niya.

"But that is so risky, Froilan! Very dangerous!" sabi ko sa kanya.

"Look, Krisa...tingnan mo ang paligid mo." Napalibot ako ng tingin sa mga nandito sa tapat ng gate. "See? Sa dami ng mga yan, for sure mauubos kaagad ang supplies sa mga convenience stores na malapit dito." Aniya. He was right, ang dami na ngang lalabas at magkakaagawan lang.

"And worst, baka sa dami nila may mga dumating pang zombies." Sabi naman ni Aliyah.

"You got a point, so ano Krisa?" sabi ni Froilan at saka tumingin sa akin. Natulala ako habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Aliyah, pinag-iisipan ang magiging desisyon ko.

"Fine, we will to the mall." Sagot ko na kinatuwa nilang dalawa. "But we really need to be careful." Pahabol ko na sinang-ayunan naman nila.

The gate will open in 10....

Huminga ako ng malalim at seryosong tiningnan ang papabukas na gate.

...9...8...7....

Kailangan kong maging malakas, kailangan ko pang mabuhay.

...6....5....4....

Dahil naniniwala ako, na mayroon pang pag-asa.

...3...2....1....

"We are all sinners, and He is a forgiving God." Sabi ko at saka naglakad na palabas ng gate.

More Chapters