Ficool

Chapter 3 - CHAPTER 2

MULI SIYANG nag lakad nag babakasakaling may mahanap siya muli na maaari niyang makain ngayon araw.

Napakuyom na lamang siya ng mga kamao. Nang bumalik nanaman sa isipan niya ang pag tatalo nilang mag Ama. Mahigit isang taon na ang nakalipas mas lalo siyang pinahirapan ng kanyang Ama.

Lahat ng bank account niya ay tinanggal rin nito sa kan maging ang kuminikasyon salahat ng kumpanya o sa ibang mga bank account niya. Ay lahat ng yon kinuha sa kanya.

At isang taon na rin siyang nag palaboy laboy sa lansangan. Nag papasalamat na walang nakakakilala sa kanya na isa siyang babae. Salamat sa malaking damit na kanyang suot.

Napahinto siya sa isang village. Lumingon lingon siya ng makitang walang guard dahan dahan siyang pumasok. Mas gusto niya pang maghanap ng makakain sa basurahan ng mga mayayaman dahil mas marami ang iilan na naghihinawa sa mga pagkain at tinatapon ng ilan kaya Dito na lang siya sa village mag hahanap. Fuck!

Kung bakit ba naman kasi nag iisang Anak lang ang kanyang Ama. Ni wala tuloy siyang mahingian ng tulong.

Nang makapasok siya kita niya ang mga nag lalakihang mga bahay.

Naglakad pa siya at nang may makita siyang basurahan dali-dali siyang, lumapit roon tangina.

Naubos narin ang inipon niyang pera na buong akala niya ay mapapalago niya kapag nasa Catalina na siya pero nagkamali siya nanakawan pa siya maging ang mga gamit niyang daladala ay kinuha rin sa kanya nisimot lahat ng mga pesting mga magnanakaw na iyon sa kanya. ang tanging na iwan lang talaga sa kanya ang singsing na may pulang bato na maliit sa gitna.

Yon ang ala-alang ibinigaya sa kanya ng kanyang na yumaong Ina.

Napabuntong hininga na lamang siya bago siya nag simulang mangalkal sa basurahan hindi naman niya kinalat baka mas lalo lamang siyang mahuli kung pati basurahan ay kakalatin niya pa alam niyang mali ang ginawa niya pumasok siya ng walang pahintulot mula sa guard.

Hindi niya na kasi talaga matiis ang gutom at nagkataon na dito siya, sa village Calin na padpad.

Nagdiwang ang puso niya ng may makita siyang puting supot na nakabalot mukhang hindi pa iyon na gagalaw. Kaya kinuha niya iyon.

Naupo siya sa gilid sinimulan niyang bukasan ang supot nag ningning ang mga mata niya.

Gustom na talaga siya wala na siyang paki-alam pa kung galing man iyon sa basurahan basta ang importante maibsan lang ang gutom niya upang makapag hanap na rin siya ng matutuluyan ngayong gabi.

Akmang kakainin na niya sana ng pagkain ng magulat na lamang siya ng maybiglang nagsalita mula sa labas ng malaking gate.

"Hindi mo na dapat kinakain yan hijo, baka masira ang t'yan mo."

Napahiyang nag iwas siya ng mukha bago napalunok ng wala sa oras.

"Paano ka nakapasok rito? " Tanong ng ginang humakbang ito papalapit sa kanya. Subalit hindi niya magawang ibuka ang bibig upang magasalita.

Lumingon siya panandalian rito bago nag bawi rin. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito. Bago na upo sa kanyang tabi.

"Gusto mo bang kumain? Alam kung gutom na gutom kana. Bibigyan kita ng pagkain kung sasama ka saakin sa loob? Ano? "

Ngayon paba siya tatanggi gayon talagang gutom na gutom na talaga siya kakapalan nalamang niya ang kanyang mukha.

Kalaunan non ay na hihiya siyang tumango napangiti naman ito bago siya ginayak patayo at inakay papasok sa malaki nitong bahay.

NANG MAUBOS niya ang lahat ng mga pagkain na inihanda ng matandang babae para sa kanya ganon parin ang ayos nito nakatitig at labis na natutuwa sa kanya.

"Gracias" Nag salita siya sa ibang lingwahe na hindi ata nito na intindiha kayat bahagyang kumunot ang noo nito.

"I'm sorry hijo , pero.. Hindi kita

maintindihan. "

Mariing naman siyang natawa sasarili dahil sa paraan na pagtawag nito sa kanya, siguro dahil maliit talaga siyang babae mapapagkamalan talaga siyang isang bata. Edad ay nasa katorse anyos. Masyado kasi talaga siyang maliit kung tutuusin mas mataas pa nga ang ginang kaysa sa kanya. Sa lahat ng mamanahin niyang height ay sa kanyang Ina pa.

"Salamat po. " Bumuka ang bibig nito at namilog ang mga mata nito noon lamang din ata nito napansin ang kanyang boses. Boses babaeng babae talaga.

"Jusko! Babae ka pala? " Tumango siya.

"Salamat po sa pagkain... "

"Oh, god. Bakit ka napadpad dito saka bakit ganyan ang itsura mo? Asaan ba kasi ang mga magulang mo hija. At hinahayaan ka nila--"

"Lumayas po ako saamin. "

"Oh.. My god.. Teka. alam mo ba ang---"

"Wag na po. Kagustuhan ko po na

umalis saamin. " Bahagya naman din naawa ito sa kanya.

"Teka may matutuluyan kaba ngayon saan ka tumutuloy? " Yumuko siya at nahihiyang sumagot.

"Wala po akong matutuluyan. Salangsangan lang po ako na tutulog at kung minsan kapag may nag abot ng kaonting barya yon po ang ginagastos ko para mabuhay at maibsan ang gutom ko. " Natotop nito ang bibig.

"Jusko... Bakit kaba kasi hinayaan ng mga magulang mo na maging palaboy masyado kapang bata at bakit kaba kasi lumayas sa inyo. Nako. hia, masyadong dilikado kung palaboy laboy ka sa langsangan. "

"Mahabang kuwento po kung ikukuwento ko nga po sa inyo. " Nahihiya niyang sabi bago napakamot sa ulo.

"Nako.. Ako ang na tatakot kung hahayaan kita ngayong gabi sa labas buti at nakita kita. Kung gusto mo dumito ka muna pansamantala tutal kami lang naman ng anak kong lalaki ang nakatira dito kung minsan naman lagi naman yon wala rito dahil may sarili rin siyang condo sa bayan. Maaari kang tumira dito kung gusto mo. "

"Nakakahiya po saka hindi po ba kayo na bababala na baka masamang tao ako---"

"Don't worry hia. Hindi naman ako maniningil sayo nais lang kitang tulungan. Lalupat babae ka baka mapahamak ka sa labas. Ni hindi ko nga aakalain talaga na isa kang babae dahil sa ayos mo. Maging ang buhok mo na nakatago sa cap. God saka nakikita ko naman sayo na mabuti kang tao.. "

"Hindi po ba nakakahiya---"

"Oh.. No, no, Sabik rin ako sa batang babae kaya natuwa ako sayo. At naawa sa kalagayan mo. Hindi ko maatim na pabayaan na lang kita sa labas laluna sa panahon ngayon bata ka maaari ka talagang

mapahamak. "

Napa tawa siya dahil sa sinabi nito, Kaya bahagya naman din ulit kumunot ang noo nito.

"Bakit hija? May broblema---"

"Hindi na po ako bata Ma'am Dalaga na po ako. Mukha lang po talaga akong batang tingnan dahil

Sa liit kung ito. "

"Seryoso kaba? " Tumango siya at natawa lalo siya dahil sa istsura ng mukha nito labis din siyang nag papasalamat dahil sa kabutihan nito sa kanya.

"God.. "

Noon lamang ata siya tumawa ng walang iniisip na broblema at hindi iniisip ang kanyang Ama.

©Rayven_26

More Chapters