Ficool

Chapter 3 - CHAPTER 3: PAGBISITA

JULIANNA POV: 

 Lunes na ulit ngayon kaya maagap na akong gumising dahil kapag na late kami hindi na kami papapasukin sa ng guard, kaya nag mamadali na rin ako ngayon sa pag aayos ng gamit ko. 

ang ganda ng boses nila

ano kaya search ko kaya?

ano kayang itsura nila?

"Nak bakit parang nakatulala ka dyan, malalate ka na nyan"- biglang sabi ni mama kaya nahimasmasan ako, Ang daming pumapasok sa isip ko simula nung narinig ko yung boses sa pinapanood nila Mae nung sabado. 

"Ah may sumagi lang sa isip ko ma, ito na nga po bibilisan ko na" - sagot ko kay mama na bahagyang ngumiti. 

Ewan ko ba, bakit parang naging interisado ako na malaman kung sino man yung guy nayun, samantalang noon naman kahit may makita akong maiitsura o may marinig akong magandang boses di naman ako agad nagiging interesado.

Sumubo lang ako saglit ng pagkain na niluto ni mama, dahil ako lang rin naman ang nilutuan ni mama kasi wala akong kapatid.

"Ma alis na po ako"- paalam ko kay mama habang dali daling lumabas ng bahay.

"Sige nak, ingat ka"- Ani ni mama. "Ay anak sandili lang, na itooh pang lunch mo" patakbong inabot ito sakin ni mama. Si mama talaga love na love ako. "Thank you ma, the best ka talaga" sabi ko kay mama sabay yakap ng mahigpit bago ako umalis.

Ma commute lang ako ngayon dahil nag alis narin si papa, maaga kasi ngayon work niya kaya di narin niya ako naihatid. Pero kapag wala si papang work hinahatid niya ako gamit yung motor na pinakainiingat ingatan niya.

***

Pagbaba ko ng tricycle nakita ko sila Eliza at Camille pero tumakbo nalang ako papalapit sa kanila dahil nakakahiyang sumigaw at ang daming tao.

"Uy yanna hingal na hingal ka yata"- nagtatakang tanong ni Camille habang nakatingin sakin na nakahawak sa tagiliran. Sino ba namang hindi hihingalin sa lawat ng school namin, tapos ang bibilis pa maglakad nitong dalwang to.

"Paanong hindi hihingalin? Ang bilis niyong maglakad" mahinang sabi ko sa dalawa, halos habol-hininga dahil sa layo ng tinakbo ko. "Dapat sinigawan mo kami para naantay ka namin" - sambit naman ni Eliza. Mas okay pa sakin na tumakbo kesa sumigaw dami kayang studyante dito mamaya pag tinginan pako."Okay lang kakahiya rin, daming tao"- sagot ko naman na habang pinagmamasdan ang maraming studyante.

Nagpasok na kami sa kanya kanya naming room pero may biglang nag sigawan sa labas pero hindi ko na pinansin dahil busy ako sa pag gagawa ng project na kailangan ng ipasa. 

"Eliza, andyan siya!" sigaw ni Mae habang nagmamadaling lumapit kay Eliza, para bang nakakita siya ng artista. Sino nanaman kaya yun bakit excited na excited nanaman to.

"Sino?"- nagtatakang tanong ni Eliza habang nag susulat ng lessons."Si-" naputol ang sasabihin ni Mae dahil sa lakas ng sigawan sa labas, at mas lalo pa itong lumakas kumpara kanina."Basta tara baba nalang tayo at para makita mo"- pasigaw na sabi ni Mae kay Eliza para makinig nito sabay hatak sa kamay nito at dali daling lumabas yung dalwa.

 Ako naman pinabayaan ko lang sila at nag patuloy sa pagdedesign. Ako nalang natira dito sa room dahil lahat ng classmates namin nag si babaan na. "Mae hindi ka pupunta?" - mahinang tanong ni Camille habang papalapit sakin

"Hindi na, kailangan ko pa kasi itong tapusin, pasahan na sa isang araw tapos ito palang nagagawa ko"- paliwanag ko sa kanya habang nag didikit ng mga stickers illustration board."Gusto mo bang malaman kung sino yung nasa labas?" - tanong niya ulit sakin na para bang may gusto siyang ipahiwatig.

"Hindi, pero alm ko na yang ganyan mo Camille gusto mong sumilip no?"- nakangiting sabi ko sa kanya. "Pano mo nalaman?" - masaya na may halong pagtatakang tanong niya. Kilalang kilala ko na si Camille siguro dahil sa tagal narin naming magkakaibigan. "Syempre ako pa, kilala kita kaya sige tara silip tayo, pero saglit lang ah"- sabi ko naman para makita ko rin kung bakit ang daming nag hihiyawan sa baba. "Yes, promise tara na"- sagot niya at nakipag pinky swear pa sakin bago kami bumaba.

Pag baba na pagbaba namin agad na bumungad samin ang napakaraming studyante, halos lahat ng studyante sa school na ito nasalabas at naghihiyawan, parang isang concert na nagkukumpulan.

"Bakit kaya sila nag punta dito" - girl 1

"Kaya nga, grabe beh ang pogi pala talaga nila sa personal" - girl 2

"Buti nalang nakapagpapicture ako" - girl 3

"Pre sa wakas nakita ko na rin sila" - Boy 1

"Same pre, kaya ang dami nilang fans ay ang gagaling ba naman nila lahat" - Boy 2

Ilan lang yan sa mga usap usapan ng mga tao malapit sa kinatatayuan namin, pero mukhang paalis na rin yung mga pinagkakaguluhan nila. Sino kaya yun?, sayang hindi ko man lang na silip o nakita yung mukha nun. Pati ako na curious na din kung sino ba yun.

"Sayang di man lang natin nakita kung sino yun" - malungkot na wika ni Camille. 

Tama naman si Camille, bihira lang din kasi dito may pumuntang sikat, dahil rin siguro province ito tapos mahirap yung daan papunta dito samin, kaya kapag may napapadpad na sikat dito lalo na kapag artista, nakaabang na kaagad ang mga tao para makapagpa picture.

"Tara na yanna akyat na ulit tayo, nagalis naman na yata"- malungkot na sabi ni Camille habang hawak hawak ako sa may kamay at naglakad na kami papuntang taas.

 Pagpunta namin sa taas hindi namin namalayan na kasunodan lang pala namin sina Eliza at Mae, at dali dali itong tumakbo papalapit samin na excited na excited na magkwento sa nakita nila.

"Beh alam ko na kung bakit sila nandito, Guess why"- mabilis na pagsasalita ni mae sa subrang pagka excited, habang papalit palit ng tingin samin. 

"Ito talaga laging pabitin magkwento ako na nga" - pagsingit ni Eliza kay mae. Mukhang mag aagawan nanaman ito sa pagkwekwento. 

"Sige na ano ba yun?"- nagtatakang tanong ni Camille sa dalawa dahil nalilito narin ito kung sino ba talaga sa dalawa ang makwento at dahil gustong gusto din niyang malaman kung sino yung pinagkakaguluhan.

"Ganto nga, first of all alm nyo ba kung sino yung band na nagpunta dito?"- pagsisimula ni Eliza

"Beh isa karin naman"- sambit ni Mae na may halong pangaasar. Sabi ko na nga ba, mag aagawan nanaman itong dalawa sa pagkwekwento, hay naku lagi talaga silang ganyan. Buti nalang never pa sila nag away dahil sa ganyan.

"Malamang teh di namin alam"- medyo yamot na bigkas ni Camille . "At syaka sino ba yung pumunta dito?" Curious na tanong ni Camille na naka kunot ang noo. 

"Sorry na, na excite lang ako, so ito na nga ang nag punta dito kanina sina Rhyven mga beh, as in silang apat, grabe ang popogi pala talaga nila sa personal, tapos guess what nalaman ko rin na kaya sila dito nag punta dahil mama ni max si ma'am Anna kaya meaning may chance pa kayong makita sila" - dahan dahan ngunit may halong excitement na pag kwekwento ni Eliza. "Kasama si Jake?" Biglang lapit ni Camille kay Eliza. "Camille hindi halata" natatawang sabi ni Eliza kay Camille, "napapaghalataan kana Camille ha, siguro na attract kana talaga kay Jake nung pinanood natin sila no" isa parin to si Mae. Tawang tawa yung dalawa dahil first time maging ganyan si Camille. "Hindi ah, masama ba mag tanong?" Sabi naman ni camille pero tinatawanan parin siya ng mga to, sinasabayan ko lang sila pero may gumugulo talaga sa isipan ko.

So andito siya, andito yung guy na yun?

Makikita ko kaya siya?

Ano kaya itsura niya?

Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko, na para bang gusto nitong makita yung guy na kumanta nung song nayun. 

"Julianna Ysabel Ramirez ano yang nasa isip mo, bakit parang ang lalim lalim ng iniisip mo diyan"- natigilan ako ng tawagin ako ni Mae, di ko namalayan na nakatulala na pala ako ." Julianna gising bakit ba parang gustong gusto mo makita yung guy na yun. "

"Ah wala wala"- pagngiti ko sa kanila. Ano bang meron dun sa guy nayun, siguro gawa lang to ng lagi kong nakikinig pangalan nun kila Mae, siguro nga. "Sure ka? Okay ka lang?" Paniniguro ni Camille kung okay lang ako . "Yes, super fine guys, wag kayong mag alala sakin may pumasok lang sa isip ko" sagot ko naman ng nakangiti para hindi sila mag alala sakin. Okay lang naman talaga ako, kainis kasi itong isip ko, kung ano anong pumapasok.

"Sige na tara na guys uwian na" pagaakit ni Camille na uwing uwi na. 

More Chapters