Totoo ba na kahit ang magmahal ay "scam"? Madalas na lang ako naloloko sa pag-ibig nung tumungtong ako sa edad na 22. Nakatapos naman ako ng college pero bakit pag sa babae ang tanga tanga ko. Ako si July Casablanca, 22, No girlfriend since birth. Syempre virgin.
Nagtatrabaho ako sa isang BPO company sa Antipolo. Medyo mahirap mag adjust sa una sa ganitong trabaho, paiba iba ng schedule sa trabaho. Minsan pang araw ka tapos sunod na buwan, buong buwan ka pang gabi. Malaki kase pasahod eh tsaka dito na ko natanggap kaya nilaban ko na. Ang galing ko kaya sabi ng boss ko kase lage akong top performer kumpara sa mga katrabaho ko kahit bago pa lang. Sabi nga ni boss, " Kay July, Nakasalalay." Ibig nyang sabihin dun, parang ako bumubuhat ng team performance. Maganda relasyon ko sa mga kamag-anak ko dahil may maayos naman akong trabaho. Maganda relasyon ko sa mga katrabaho ko dahil magaling ako mag perform. Isa na lang ata kulang sa kin. Kelangan ko ng girlfriend.
Nakakahiya mang isipin pero wala pa talaga akong experience pagdating sa babae. Hindi ako torpe at hindi naman ako ganun kapangit at hindi rin naman masama ugali ko at hindi ako mayabang pero bakit ganun, olats talaga pag may nagugustuhan na akong babae since high school days hanggang sa ngayon. Mali siguro timing ko o mali lang talaga ng babaeng nagugustuhan. Yung mga nagugustuhan ko kase noon it's either may jowa na pala o hindi ako yung tipo nila. Dito naman sa office, ambilis ng ikot ng mga katrabaho, minsan katrabaho mo sila ngayong buwan pero sa susunod na buwan hindi na. Ang hirap mag establish ng relasyon at isa pa don, karamhihan talaga ng mga babae dito, may asawa na. Umabot ng isang taon akong nagtatrabaho sa BPO company namin at ganun palagi ang routine. Ibig kong sabihin, oo may pera pero walang babae. Nagsimula na ang bagong taon at dun dumating ang babaeng nagbago at nagbigay ng kulay sa buhay ko. Dumating ang new hire na ang pangalan ay Michelle Okada.