CHAPTER 5
Part 1 – Tahimik na Hangin
Uwian na.
Tahimik ang paligid habang naglalakad si Andrea palabas ng gate, hawak ang bag at iniisip pa rin ang keychain na nasa bulsa niya.
Humihip ang malamig na hangin.
Parang bumabagal ang oras.
Sa gilid ng mata niya, nakita niya si River De León na nakatayo sa may poste malapit sa gate.
Tahimik lang ito, hawak ang phone niya, pero paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya.
Andrea, huminga nang malalim.
Bakit parang kapag nandiyan siya… iba yung hangin?
Paglapit niya sa mismong gate, narinig niya ang mababang boses mula sa gilid.
River: "Ingat ka."
Andrea, natigilan.
Paglingon niya, nakita niyang nakatingin lang si River sa kanya, walang ibang salita.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad… pero ramdam niya ang kakaibang tibok ng puso niya.
---
Part 2 – Ang Alok ni River
Kinabukasan, pagpasok sa classroom, hindi maiwasang mapansin ni Andrea na kakaiba ang ayos ng upuan.
At mas ikinagulat niya nang mapansin na nakaupo si River sa likod lang niya.
---
Dhan: "Bestie, bakit parang mas lapit siya ngayon?"
Andrea: "Baka seat plan lang…"
---
Habang break, lumapit si River sa kanya.
Tahimik lang itong nag-abot ng maliit na juice box.
River: "Para sa'yo."
Andrea: "Ha? Bakit—"
River: "Uminom ka na lang." sabay balik sa upuan.
Andrea, nakatitig lang sa juice box na parang may kakaibang bigat.
---
Part 3 – Banat Asar
Lunch time na.
Andrea, kumakain lang ng sandwich nang biglang umupo sa harap niya ang girls.
Aisha: "Oooohhh, juice box spotted! Sino nagbigay?"
Andrea: "…Wala. River lang…"
Sabay sabog ng tili ang girls.
Khea: "River lang daw! Bestie, bagay nga kayo."
Andrea: "Hindi nga!"
Pero halata sa mukha niya ang pamumula.
Part 4 – Pag-uusap
Hapon na. Tahimik ang classroom habang busy ang lahat.
Si Andrea, nagsusulat sa notebook nang maramdaman niya ang presensya sa gilid niya.
River: "Andrea…"
Andrea: "Ano?"
River: "Mamaya… may sasabihin ako."
Andrea: "Ano 'yon?"
River: "Mamaya mo na malalaman." sabay lakad palayo.
Andrea, naiwan na nagtataka.