Ficool

Chapter 4 - Chapter 2

Mainit, maingay. Amoy spaghetti na may matabang hotdog at sunog na pritong lumpia.

Tila walang nagbago, pareho pa rin ang tunog ng tray na natatapon, ng kubyertos na nagkakalansing, at ng mga estudyanteng naghahabulan para lang mauna sa pila.

Nath sat on one of the plastic benches near the back, sipping lukewarm juice from a paper cup. Her students were scattered everywhere, some in groups, some alone, some kumakain habang naka-earphones. She smiled at their chaos.

"Ma'am, dito po kayo kakain?" tanong ng isa sa mga estudyante.

"Dito muna ako, chill lang," sagot niya.

Tahimik siyang nakatingin sa paligid, pero sa loob niya, ang ingay. Too familiar, too close.

Canteens, after all, were witness to some of the rawest parts of high school, 'yung kulitan, iyakan, asaran, kwentuhan, at 'yung mga tinginan na hindi mo malilimutan kahit wala namang label.

At parang sumanib sa kaniya ang nakaraan.

Biglang bumalik ang mga mukha.

"Hoy Nath, order mo na, ang bagal mo!"

"Tingnan mo si Liam, ayaw mo pa ba nun?"

"Ay, ang landi mo Nathalie! Umorder ka na nga!"

Mga boses ng kaibigan niya noon, si Anna, si Chelsea, si Rhea. Sila 'yung tropa niyang hyper, sabay-sabay kumain, sabay magtanong ng "crush mo ba siya?", sabay mag-share ng fries.

Sa kanila niya unang sinabi na gusto niya si Jacob. Sa kanila rin niya unang sinabi na hindi na niya alam kung gusto pa siya nito.

Pero ngayon…

Ilang taon na rin ang lumipas. May isa nang may baby. Yung isa, engaged. Yung isa, laging nasa travel photos sa Instagram. At 'yung isa, nakasalubong na niya minsan sa mall… at hindi na siya kilala.

"Nath? Ah… ikaw ba 'yun? Sorry ha, hindi kita agad namukhaan."

Nakangiti lang siya noon. Pero totoo, hindi lang mukha niya ang hindi na nila namukhaan, pati na rin 'yung buong pagkatao niyang kasama nila noon.

At eto siya ngayon. Mag-isa. Sa parehong setting, pero ibang panahon.

Habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagtatawanan, naalala niya kung paanong dati, gano'n din sila. At gaya ng ilang tropa ngayon, hindi rin naman sila laging buo noon.

"Ma'am Nath, gusto n'yo po ng fries?"

Naputol ang alaala niya. Isang estudyante ang nakangiting inaalok siya.

Nagulat siya saglit. "H-ha? Ay, thank you, pero okay na ako."

Nakangiti pa rin siya, pero may mabigat sa dibdib.

Kasi kung noon, fries ang bonding nila, ngayon, paalala na lang ito kung gaano kalayo na ang lahat.

---

Pagbalik ng klase, may konting sabog energy ang mga bata, 'yung tipong half-busog, half-sabaw. May naglalakad ng parang mabigat ang tiyan, may naglalakad ng parang late na late. Typical.

"Bilis, guys," sabi ni Nath habang binubuksan ang pinto. "Paupo na, class starts in two minutes."

"Ma'am, nakapila pa po 'yung iba sa water station," reklamo ng isa.

"Sabihin niyo, wala nang tubig 'pag di sila bumalik in thirty seconds," sabay kindat.

Nagkatawanan. May humabol ng "Uy, Ma'am savage," pero mukhang effective dahil nagsibalikan na rin ang karamihan.

Pumwesto na si Nath sa harap, may hawak na lesson plan. "Alright, so ngayon, we'll start our first discussion for the semester. Let's go easy muna. Konting review lang about communication, kasi kahit sa friendships, sa relationships, importante 'to."

Biglang natahimik ang klase.

Parang may mga estudyanteng nagka-eye contact, sabay iwas. Ah, meron na agad pa-crushan dito.

Nath chuckled silently. "Let's define it muna. Communication is...?"

Nagtaas ng kamay ang ilang studyante. Karamihan ay nasa harap, 'yung mga laging active. Ang mga nasa likod, chill lang, parang audience lang ng show.

Then it hit her again.

Ganito rin dati. Siya, laging nasa unahan. Maingay. Aktibo. 'Yung tipong bibo-bibo. Tapos siya, si Jacob, tahimik lang sa likod, pero attentive. Laging parang wala lang, pero laging may comment na simple pero matalino.

"Ma'am, pwede po bang hindi na lang mag-recitation? Para masaya."

"Miss, 'di ko po gets 'yung lesson, pero gets ko po 'yung sinabi niya."

Jacob, the king of deadpan humor, pero the same guy who once whispered to her, "Galing mo talaga mag-explain. Sana ikaw na lang teacher ko."

It wasn't grand. It wasn't even romantic. But those little comments, those small, almost invisible gestures, iyon 'yung nagpatibok ng puso niya nang hindi niya namamalayan.

At ngayon, habang nakatingin siya sa mga bagong mukha sa harap niya, may bahagyang kirot. Dahil habang itinuturo niya ang kahalagahan ng communication, napagtanto niya;

Na kahit gano'n sila noon, close, asaran, lambingan, hindi rin sila nagkausap nang maayos sa ending.

Walang klarong "goodbye." Walang "tayo ba?" Wala ring "hindi na ba?"

May "mahal kita," pero hindi nasabi. May "sayang," pero huli na.

---

More Chapters