Ficool

Chapter 3 - 3-TMBE

 Everest Hilton pov.

Monday na naman kaya heto kaming tatlo ngayon nila Ynna at Ambria sa may entrance ng school. Hinatid lang kami ni Marju at pagkatapos ay umuwi na siya kaagad. Siya nga pala after nong nakita namin si Clarke sa mansion ni Don Roman ay hindi pa rin siya tumatawag sa akin at hindi ko rin macontact ang cellphone niya. 

 Hindi ko rin mahagilap sina Jax at Lance, saan di kaya nagpunta ang dalawang iyon? mga tanong ko sa isip ko ngunit bigla naman akong kinalabit ni Ambria ang braso ko.

 "Where's your boyfriend, nandito na ba siya?"Ani Ambria habang naghihintay ng isasagot ko. Napalinga-linga din si Ynna sa paligid habang naglalakad kami sa malawak na hallway nitong school. 

 "I don't know simula kasi ng makita natin siya sa mansion ni Don Roman, ay hindi na ako nakatanggap ng tawag at text na galing kay Clarke.

 "Talaga ba? Hindi naman ganun si Clarke. Lagi nga siyang nag uupdate sayo kapag aalis siya, tapos how come ngayon hindi na?"Tanong naman ni Ynna, na kahit ako ay nagtaka rin dahil hindi naman ganito si Clarke.

 Bigla naman pumagitan si Ambria sa amin ni Ynna at mabilis na umakbay sa amin."Baka busy lang kaya wag ka masyadong mag-isip dyan."Pagpakalma ni Ambria sa mga iniisip ko.

 Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka uwi ng bahay namin pinuntahan na nga lang ako dito ni Lance at Jax. Hindi ko rin na tawagan si Everest naubusan kasi ako ng load at medyo malayo na rin ang mga tindahan dito.

 "Is she your girlfriend?"Biglang tanong ni Don Roman ng makita nito ang wallpaper ko sa cellphone. 

 "Yes, po."I said and saw him frown but I just ignored it and immediately put my cell phone in my pocket

 "Okay, are you going to marry her?" He asked, so I smiled and nodded at him.

 "Yes, I will marry her and I already bought a ring to propose to her. I know it's too early to ask her to marry me, but I love her very much."

 "I'm happy to hear that, but will you still marry her, if you find out what she did?"Don Roman said that made me over think.

 "Just forget about what I said, basta kung saan ka magiging masaya ay naka suporta lang ako sayo Clarke. Pero sana lagyan mo parin ng puwang dyan sa puso mo ang anak ko."Ani Don Roman.

 "Lagi siyang nasa puso ko. At hindi na mawawala iyon kasi nakaukit na siya dito."I pointed to my heart.

 "Dito muna kayong tatlo ha? May tatawagan lang ako sandali. Mag enjoy kayo, kung gusto niyo inom ng alak marami dyan, at kapag nagutom naman kayo ay sabihin niyo lang sa mga maids."

 Clarke Dankworth pov.

 Nagpasya kaming tumambay na lang muna sa bar counter ng bahay ni Don Roman kung saan kami laging nag tatambay noong buhay pa si Samantha, pero bawal pa siyang uminom non dahil seventeen pa lang kasi siya ng time na iyon. Kaya kaming tatlo lang nila Lance at Jax ang pwede uminom ng alak kasi eighteen na kami noon at nasa legal age na kaya pwede ng maka inom ng alak.

 Miss ko na rin talaga ang mga panahon na masaya kaming apat rito na masayang nag-uusap at nagtatawanan sa mga biroan nina Lance at Jax. Pero sayang nga lang at hindi na mauulit iyon.

 "Clarke ano kayang ibig sabihin ni Don Roman kanina ng sinabi mo na pakakasalan mo si Everest?”Tanong ni Jax, habang nilalaro ang baso sa mga kamay niya. 

 "I don't know. Jax, gusto mo ba talaga si Ynna?"Bigla naman na namula ang magkabilang pisngi niya dahil sa tanong ko. At confirm! May gusto nga talaga itong si Jax kay Ynna.

 "Paano kung sabihin kong gusto ko siya, maniniwala ba kayo?"Sabi naman ni Jax habang naka de kwatro ng upo sa harap ko.

 "Oo naman naniniwala kami, pero sa oras na saktan mo ang kaibigan ng girlfriend ko makakatikim ka talaga nito."Sabay pakita ko naman ng kamao ko sa kanya. 

 "Naku paano na lang si Mady nyan? Ayaw na ayaw pa naman ng ex mo na iyon na mapunta ka sa iba. Tiyak na hindi papayag iyon."Sambit naman ni Lance kaya tila nakaramdam naman ng kaba itong si Jax. 

 "Matagal na kaming hiwalay ng babaeng iyon! Kaya tigilan niyo na nga kaka sabi sa pangalan niya kasi nakaka bengi." 

 Tumayo naman si Jax pagkatapos ay sinalinan ng alak ang baso ko na wala ng laman."Pakakasalan mo ba talaga si Everest?"

 Seryoso naman akong tumingin kay Jax at agad na ininom ang alak sa baso ko."Yes, kaya don't worry dahil kukunin ko kayong groomsmen at bridesmaids naman si Ynna."

 Kumislap naman ang dalawang mata ni Jax dahil sa sinabi ko kaya hindi namin mapigilang dalawa ni Lance ang hindi tumawa."Talaga tapos partner ko si Ynna? Sige! Sige. Go ako dyan!”

 Bigla naman tumunog ang cellphone ni Ambria habang nasa kalagitnaan kami ng klasi at halos kaming lahat ay napa tingin sa kanya ng bigla na lang siyang sumigaw.

 "What? Where are you?"Tanong ni Ambria sa kausap niya. Habang ako naman at si Ynna ay sabay na napa tingin kay Prof at sinabi na sasamhan muna namin si Ambria, sa labas.

 "We are hiding! But I don't know where Gab-Gan run, si Isla lang ang kasama ko. Hahanapin ko sana si Gab-Gab pero ayaw naman mag iwan ni Isla.”

 "Okay just stay calm. Papunta na kami dyan."Pagkatapos sabihin iyon ni Ambria ay nag palipat-lipat naman ang tingin niya sa amin ni Ynna, at halata rin ang kaba sa mukha niya.

 "How about Isla?" Nag-aalala naman na tanong ni Ynna, while I hurriedly took the car from the parking lot and quickly let them both ride.

 "She's fine and she's hiding with Marju."Tila nabunutan naman ng tinik si Ynna, sa sinabi ni Ambria sa kanya

 "Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka parin lumalabas sa dyan ay papatayin ko ang batang ito!"Sigaw ng isang boses lalaki. At ng tignan naman ito ni Marju ay nakahawak ito sa kwelyo ng damit ni Gab-Gab, kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang lumabas at iwanan muna si Isla sa tinatagoan nilang dalawa.

 "Lalabas na ako wag! mo lang saktan ang bata!"Sigaw ni Marju, habang naka taas na ang dalawang kamay ngunit tila ba hindi sumang ayon sa kanya ang sitwasyon ng marinig niya din ang sigaw ni Isla. Sinunda pala siya nito kanina ngunit hindi niya ito napansin.

 "Bitawan niyo ako!"Sigaw ni Isla.

 "Wag niyo silang sasaktan ito oh! lumabas na ako. Kaya ako nalang ang saktan niyo!”

 Kinuha ni Marju ang isang baseball bat na nakapatong sa may piano at kaagad na pinaghahamapas niya isa-isa ang mga lalaki na lumalapit sa kanya at dahil magaling naman siyang makipaglaban ay ang apat na lalaki na lang ang natira na nakatayo sa harap niya. Dahil tulog na sa bugbog ang siyam sa kanila.

 

 Pero ganun pa man ay hindi alintana kay Marju ang mga sugat na natamo niya sa pakikipaglaban sa mga lalaki wag lang nilang masaktan si Gab-Gab at Isla. At kahit magaling siyang makipaglaban ay malakas din ang siyam na nakalaban niya.

 "Wag kang lumaban sa amin. Hayaan mo kaming gawin kung anong gusto naming gawin sayo. Kung ayaw mong barilin namin ang dalawang batang ito!"

 "Okay! Basta wag niyo lang silang sasaktan, papayag na ako." Sigaw naman Marju. Kaya sinipa siya ng mga lalaki saka pinagtulungan bubogin sa kahit saan na parte ng kanyang katawan at pinag hahampas din siya ng baseball bat. Ngunit biglang magkasabay na apat na putok ng baril ang narinig niya. At don nakita niyang sabay-sabay ng natumba ang apat na lalaki sa sahig. 

 "Who sent you here? Sagutin mo ang tanong ko! Kung ayaw mong patayin ko ang pamilya mo!"Sigaw ni Ambria sa galit ng makita niya ang sinapit ng boyfriend niyang si Marju sa kamay nila.

 "Wag niyo saktan ang pamilya ko. Sasabihin ko na. Si Don Roman ang nag utos sa amin."Natatakot na pag amin ng lalaki.

 "Mommy! Ate!"Sabay na sigaw ni Gab-Gab at Isla at kaagad na yumakap sa amin ni Ynna.

More Chapters