LIA
" Plano mo bang ubusin ang ating mga kalahi, Lia? "
Pinasadahan ko lang ng tingin ang nakakabagot na mukha ng nilalang na kasalukuyan kong kaharap ngayon.
" Wala akong kalahi."
Bahagya siyang napamaang sa aking tinuran, pero agad ring nakabawi mula sa kanyang narinig. Sa halip na pagkairita ang aking makita sa kanyang mukha ay nakapinta rito ang pagiging sarkastiko. Muli siyang nagsalita.
" Paumanhin, binibining Lia. Balak mo bang ubusin ang mga lahi namin? "
Napangisi ako sa kanyang naging turan. Maraming sagot ang naglaro sa aking isipan, ngunit isa lamang ang napili ko mula rito.
" Meron— pero, hindi pa sa ngayon. "
Bakas ang pagkairita sa kanyang mukha nang marinig ang kasagutan ko.
" Stop fooling around this time Lia, you know that they want to see you dead! Why can— "
Napantig ang tenga ko sa mga sinabi niya, kaya pinutol ko ang nais pa niyang idagdag sa kanyang walang kwentang mga sinasabi.
" That's my point in killing them, they're a herd of poltroon being. "
Walang gana kong turan sa kanya. Sinalubong ng aking mga mata ang pares ng mata ng aking kaharap ngayon at napangisi ako ng maramdaman ko ang awa, mula sa walang kwentang nilalang na ito.
" Don't you dare say the word, Alejandro. I don't need your sympathy, you know what I need. "
Umiling - iling siya sa akin at nagsimula ng maglakad papunta sa aking direksyon ng hindi tinatanggal ang ekspresyong iyon sa kanyang mga mata.
" I was there Lia, you don't have to deny everything that you feel. I can read those emotions too, I can be your confidant or maybe more than that. "
Walang nagbago sa kanyang reaksyon, pero nadagdagan ang emosyong naramdaman ko mula sa kanya. Pero iniiwas ko ang aking paningin sa kanya ng makita ko mula sa kanyang mga mga asul na mata ang nangyari sa nakaraan.
" They want to kill me. Didn't they know that I am dead? They already killed me. "
Wala sa sarili kong turan and he reacted as usual. He reached for my cheek and caressed it. Hinayaan ko lang siya. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil nasanay na ako sa kanyang reaksyon kapag kami lang dalawa ang magkasama.
" Then why did you do that? Why do you have to take his life? "
Salubong ang kilay niya, habang tinatanong ang bagay na iyon sa akin.
" Nasagot ko na ang katanungang iyan kanina Alejandro. Don't keep the question, running in circles. "
Malalim ang naging paghinga niya pero hindi parin maalis - alis ang pagkakakunot ng kanyang noo at hindi ko inaasahang mas may ikakakunot pa pala ito. Dalawang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa, bago niya ito binasag ng isa nanamang walang kwentang katanungan. Na hindi ko lubos akalain na mahihirapan ako sa pagsagot rito.
" I still don't clearly understand— no scratch that. I don't understand the result of your plans. Why did you seek him? If you just want to kill him in the end? "
Tatlong hakbang paatras ang kanyang ginawa habang inihihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha. Tinitigan ko lang siya ng taimtim. Ramdam ko ang lungkot— ang nag-uumapaw na lungkot na nagmumula hindi lamang sa kanyang isip, kundi pati narin sa puso. Habang ang kanyang mga mata ay nababalot ng samut - saring katanungan. Mga katanungang hindi ko pa pwedeng sagutin ng deretsahan at puno ng katotohanan. Muli siyang nagsalita.
" Lia, tell me. Tell me that you're still on the same path. Tell me that you're still doing everything that goes according to the plan. Tell me Lia, because I'm starting to fall out of faith. To fall out of trust. To fall out of— of love, in you, Lia. "
Hindi ko tinanggal ang pagkaka titig ko sa kanya. Habang siya, naghihintay sa isasagot ko sa kanya.
" I'm not on the same destination, but we're riding on the same boat, Alejandro. "
Sagot ko ng walang pag - aalinlangan sa kanyang katanungan. Pero imbes na makuntento, ay mas umiral ang kabobohan sa sistema niya at iling - iling na tumingin sa akin bago muling nagsalita.
" Stop fooling me Lia. Tell me the truth! "
Puno ng galit at pagdududa niyang turan sa akin. Hindi ako sumagot, ngunit patuloy pa rin ako sa pagtitig sa hindi nawala - walang pagkakakunot ng kanyang noo. Napa - iling nalang ako ng naramdaman ko ang desperasyon mula sa kanya. Muli niyang binasag ang katahimikan.
" Please... Lia. "
Muli siyang lumapit sa akin, habang kinikiskis niya ang kanyang mga palad. Nang marating niya ang aking kinaroroonan ay mabilis niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Napapikit ako dahil sa sensasyong dala ng kanyang yakap at parang may kung anong bagay na ibinagsak sa akin na naging dahilan ng pagbigat ng aking damdamin. Kasabay non ay ang pagbagsak ng kanina pa niya pinipigilang luha sa kanyang mga mata.
" Lie to me Lia. Tell me things that I want to hear. "
Sa bawat salitang sinasabi, sa bawat emosyong lumalabas, sa bawat luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata, sa bawat pakiusap na kanyang sinasambit. Sa lahat ng ginawa at ginagawa niya mula noon at ngayon, isa lang ang aking masasabi. Wala na akong maramdaman. Hindi na ako nakaramdam ng ibang emosyon kundi galit. Galit na kahit ilang beses mong hukayin hindi mo makikita, hindi mo mahahanap. Dahil kahit ako, hindi ko na masukat kung ganoon kalalim. At isa lang ang bagay na makakapagpasaya sa akin. Ang makitang bumagsak isa - isa ang lahat ng may atraso sa akin.
Muli akong nabalik sa reyalidad ng bahagyang gumalaw si Alejandro at iniharap niya ako sa kanya at bahagyang pinisil ang aking kaliwang pisngi. Kitang - kita sa kanyang mata ang emosyong matagal ko ng nakalimutan.
" I love you, Lia. I know that it's one sided— but I still do. I know that you changed a lot. I know that, but I'll still make myself believe that you're still the same. "
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ang tuktok ng aking noo. Pero imbes na kaginhawaan ang aking madama ay, nagsimula nang magwala ang loob sa aking sistema ng maramdaman ko ang limang pares ng mga paa na paparating mula sa hindi kalayuan. Bumukas bigla ang pinto at nakatayo mula rito ang nilalang na hindi ko inaasahang makikita ko pa ang mukhang iyon, pagkatapos ng matagal ng panahon. Nakatali ang dalawang mga kamay mula sa kanyang likuran at nakapiring ang kanyang mga mata. Ang kanyang tindig ay walang pinagbago, napapikit ako ng naamoy ko na ng tuluyan. At ng muli kong ibinuka ang aking mga mata ay naramdaman ko ang muling pagtulo ng aking mga luha.
' Buhay siya. Pa'no? '
" Alejandro, Lia, nakita ko siyang pilit na pinapasok ang headquarters kanina, pinalabas ko siya pero pilit siyang pumapasok. "
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbitaw ni Alejandro sa aking katawan.
" I guess, vengeance is now over? "
*******************************
Egavas_Etrom