Ficool

Chapter 141 - chapter 71 ( TAGALOG)

Chapter 71 " Ang kasunduan. "

Kinabukasan, sa mansion ni romeo sa batangas kung nasaan kasalukuyang nakatira ang pamilya ni adelina.

Umuwi si adelina ng umaga dala ang kanyang bag at gitara, suma side line sya sa mga bar para tumugtog at pag pasok nua sa bahay ay naabutan na nagkakasiyahan ang kanyang mga kapatid sa sala.

" Oh, nandyan ka na pala, buti umuwi ka na. "

Nagulat sya ng salubungin sya ng mga malilit nyang kapatid na my mga dala dalang bagong laruan. Naghahabulan at naglalaro.

" Ate tignan mo, may bago kaming laruang eroplano kami. "

Lumapit rin si Aries at ipinakita ang bago nyang cellphone. " Ate, may bago akong cellphone at sobrang ganda nya gamitin. Ipinaalam din sa kanya nito ang mga bagong laptop at mga damit ng kanilang mga ate.

Puno ng pagtataka si adelina kung bakit mayroon silang mga bagong gadgets.

Dito na nya na nalaman na binilan sila ni romeo ng mga kagamitan kasama na ang mga bagong damit, sapatos at make up.

Hindi naman ikinatuwa ito ng adelina at agad na nagtanong kong bakit sila nagpapabili ng mga cellphone kay romeo. Hindi nya tinatanggap na gumagastos si romeo para sa kanyang pamilya ng sobra sobra.

Agad syang pumasok sa kwarto at tinawagan si roneo pero hindi ito sumasagot. Napansin naman ni aries na naiirita si adelina at nagtanong dito kung bakit masyadong naiinis sa pagtulong ni romeo sa kanila.

Para kay aries ay wala silang nakikitang masama sa pagtanggap ng regalo dahil hindi naman nila iyon hiningi at kusa itong ibinibigay sa kanila.

" Hindi parin tama na umasa na lang tayo sa kanya, marami na tayong utang sa kanya. Wala ba kayong kahihiyan? " Sambit ni adelina.

Agad naman sinabi ng ate nya na hindi nya kailangan magalit sa kanila dahil wala naman silang alam na bibigyan sila. Sinabi nya kay adelina na tinanggap nila iyon dahil kasama daw iyon sa kailngan nila sa pag aaral.

Naging makulit so romeo sa pagkumbinsi sa kanila na mag aral at pumasok sa isang private school at hindi nila kayang tanggihan ito dahil para sa kanila ay may pag asa na silang umunlad dahil sa oportunidad na iyon.

Yumuko ang kanyang ate at malungkot na sinabi na kahit magsumikap sila ay hindi nila kayang pag aralin ang mga kapatid nila at bigyan ito ng pag kakataon na umangat sa buhay.

" Alam ko nakakahiya na umasa sa boyfriend mo pero baka lang dahil sa kanya ay totoong mabago ang buhay natin at makaa ahon tayo sa kahirapan. "

Habang nag uusap ay biglang pumasok ang kanilang lola kasama ang mga bata nyang kapatid.

Tuwang tuwa ang kanyang lola habag ipinapakita sa kanila ang magandang uniporme na sout ng tatlong bata.

" Tignan mo sika adelina, mukha talaga silang mga estudyante sa magandang paaralan. Nakakatuwa talaga. Buti na lang makakapag aral na sila. "

Halos madurog ang puso ni adelina ng makita ang ngiti sa mga labi ng kanyang pamilya. Alam nya na dapat ay masaya sya dahil nagiging maayos na ang buhay nila pero sa loob loob nya ay hindi nya kayang tanggapin na si romeo ang nagbibigay sa kanila ng kailngan nila.

Ngumiti sya pero agad na umalis papunta sa kusina. Napansin ng ate nyang si mara ang kalungkutan ng kapatid na tila may pinagdadaanan ito.

Sinundan nya ito sa kusina ng mansion at sinubukan na kausapin.

" Anong problema, bakit parang hindi ka masaya? Adelina. Kung may problema ka ay pwede ko naman sabihin saamin ng mga ate mo. "

Napailing si adelina at itinanggi na meron syang problema. Pero hindi naniwala si mara sa sinabi ng kapatid kaya nilapitan nya ito at hinawakan ang mga kamay.

" Adelina, kahit anong manngyari ay nandito lang kami ng mga kapatid mo. Nag aalala ka ba dahil sa mga ginagastos ni romeo saatin? "

Napansin ni mara na nababalisa si adelina tuwing gagastos so romeo para sa kanila at tila ba nangangamba. Alam ni mara na marami ng naitutulong ang binata sa kanila pero hindi nya nakikitang masa itong tanggapin na lamang dahil sa katotohanang nangangailangan naman talaga ang pamilya nya.

" Alam ko naman yun, siguro masakit lang sa pride ko na kailngan natin umasa sa kanya, isa syang honorary spaniard at isinumpa ko na hindi tatanggap ng utang na loob mula sa kanila. "

" Ayoko lang maulit muli saatin ang nangyari noon nung minsan tayong nagtiwala sa kanila. " Dagdag ni adelina.

Napabuntong hininga si mara at tinanong kay adelina kung natatakot ba syang gamitin ni romeo at gawan ng masama bilang kapalit ng mga naitutulong nito sa kanila. Tinanong nya kung para kay adelina ay isa ring masamang tao so romeo kagaya ng mga kastila na gumamit sa kanila.

Agad naman itinanggi ni adelina ang bagay na iyon at sinabi na hindi nya itinuturing na masama si romeo at nakikita nya na seryoso ito sa pagtulong sa kanila. Gayunpaman, ayaw nya na magbigay ito ng sobra sobra para sa kanila.

Gusto nyang magsumikap gamit ang sariling kakayahan at makakuha ng pera para ipang tustos sa pang araw araw. Gusto nya na sila mismo ang magsikap para iangat ang sarili para maiahon nila ang sarili sa kahihiyan.

" Gusto kong patunayan sa mga demonyong kastila na gumamit sainyo na kaya natin makaahon sa hirap sa sarili nating pagsisikap. Hindi natin sila kailangan para mabuhay tayo. "

Bigla naman syang niyakap ni mara at hinaplos ang kanyang ulo habang sinasabing nauunawaan nya ang sinasabi nito.

" Patawad kung hindi dahil sa pagkakamali namin noon ng mga ate mo ay hindi mo nararamdaman ang mga bagay na yan. "

" Nahihiya ako at natatakot. Wala akong kwentang tao dahil nagpagamit ako sa kanila para lang sa pera. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ganito lang kami kababang mga tao. " Dagdag nito.

Agad naman pinatigil ni adelina ito at sinabi na wala silang kasalanan. Ipinilit ni adelina na biktima lang sila at wala silang dapat ikahiya. Para sa kanya ay walang ibang dapat sisihin sa mga naganao kundi ang mga lalaking umabuso sa kanila.

Ngumiti si mara at nagpasalamat kay adelina dahil naniniwala parin ito sa kanila at itinuturing na pamilya sa kabila ng kanilang mga pagkakamali. " Masaya ako na naging kapatid ka namin, Adelina. "

Sinabi nya ky adelina na nahihiya man sya ay ito kang ang paraan para makapagsimulang muli at kagaya nya ay hindi nya hahayaan na manatili sa putikan na kinasasadlakan nila. Nagsusumikap sya para balang araw ay maiangat ang sarili at kapag yumaman na sya ay magbabayad ng pag kakautang kay romeo.

Hindi na nagawang makasagot ni adelina, alam nya naman na hindi masama ang pagtanggap ng tulong at kinakailangan nyang tanggapin ito para sa kanyang pamilya.

" Pero sa totoo lang hindi mo kailangan mag alala dahil mukhang malaki ang tama sayo ng lalaking iyon. Kapag ikinasal kayo ay tiyak hindi mo na kailangan pang bayaran ang mga itinutulong nya. " Biro ng kanyang ate.

Agad naman namuka ang pisngi ni adelina.

" Tumigil ka nga ate mara, hindi mo dapat iniisip yan. "

Inamin ni Adelina na hindi malalim ang kanilang relasyon ni romeo at nagsasama lang dahil sa tumutulong ang binata sa kanya. Nabanggit nya na kahit umamin si romeo ng pag-ibig nya kay adelina ay hindi nya ito kayang suklian at tanggapin lalo na para sa kanya hindi sya ang nararapat na makasama nito.

" Teka hindi ko maintindihan, ibig sabihin tinatangihan mo sya? Alam mo ba kung gaano ka kaswerte na may kagaya nya na nag mamahal sayo. Sabihin na natin di sya mayaman pero bihira lang ang lalaking mayabuting puso na handang tumulong sa hindi naman nila kakilala?

" Alam ko naman yun pero isipin mo na lang. Isa syang mayaman at matalinong tao. Tingin mo ba talagang seseryoso nyang pakasalan ang kagaya kong mahirap lang? Hindi natin alam kung hanggang kelan sya tutulong saatin. " Naiiritang sambit ni Adelina.

Bigla naman syang binatukan ng kanyang ate at pinagbawalan na mag isip ng masama sa lahat. Ipinaalala nya na kahit maraming masasamang lalaki sa mundo ay hindi lahat ay magkakapareho.

Maraming tao ang tapat at hindi binabale wala ang kanilang mga nararamdaman. May mga taong handang gawin ang lahat para sa pag ibig. Naaawa si mara kay romeo dahil sa hindi kayang ibalik ni adelina ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay nito sa dalaga.

Napailing naman si Adelina at itinanggi na bale wala lang sa kanya ang lahat at inamin na natutuwa sya sa ginagawa ni romeo pero ayaw nya lang na magsisi at masaktan sa oras na biguin sya ng kanyang expectation.

" Natutuwa talaga ako na may kagaya nyang nagbibigay ng pagpapahalaga saakin at kahit na isa akong tomboy at walang ipagmamalaki ay nagkakainteres sya saakin pero nandoon parin ang takot sa sarili ko, paano kong isang araw mag sawa sya? O kaya tama lang ba na makasama nya ang mahirap na bbaeng kagaya ko? Ako ba talaga ang karapatdapat sa kanya? "

Bakas kay adelina ang kalungkutan at punong puno ng pagkabalisa ang kanyang isip. Muli syang niyakap ng kanyang ate at hinaplos ang buhok.

" Adelina, natutuwa ako at naging matalino ka. Dalaga ka na nga at lumaki kang matatag at matalino. " Sambit ng kanyang ate.

" Hindi masama ang mag ingat pero wag mong ipagdamot sa sarili mo ang kaligayahan. Hindi ka lang kay romeo nagiging unfair, dahil pati sa sarili mo ay pinagkakaitan mo na makadama ng kasiyahan sa tunay na pagmamahal. " Dagdag nito.

Napayuko ai adelina habang namumula ang mga pisngi, sumasagi sa isip nya ang mga sinabi sa kanya ng ate nya. Nag aalinlangan man sya pero para sa kanya ay may katotohanan ang sinabi ng kanyang ate.

Minamahal nya si romeo pero hindi nya kayang sabihin ito at iparamdam dahil lang sa natatakot ito sa pwedeng mangyari. Ayaw nya na masaktan at madismaya at para sa kanya ito ang dapat na gawin.

" Ate mara, sa tingin mo dapat ko bang tanggapin ang pagmamahal nya? Pwede ba akong maging masaya sa piling nya? " Kinakabahan nyang tanong habang bakas sa kanyang mukha ang matinding hiya.

Ngumiti naman si mara sa kanya at ipina alala na walang pwedeng makasagot sa tanong nya kundi ang sarili nya lang.

Normal ang kasiyahan at pagkabigo sa buhay ng tao, walang masama na maging masaya at dapat lang itong maranasan ng mga tao lalo na napaka ikli lang ng buhay. Hindi man puro kaligayahan ang mararanasan nila sa buhay pero kahit may mga pagsubok na mag papadapa sa kanila ay mananatili silang matatag at muling tatayo.

Hindi naman alam ni adelina ang kanyang gagawin at patuloy na naguguluhan. Kahit na sabihin nyang normal na masaktan ay hindi nya kayang mangyari iyon sa kanya at masira ang pag kakilala nya sa isang mabait at mapagkakatiwalaang lalaki na si romeo.

Kinagabihan, muling nagkausap sina romeo at adelina sa telepono. Sa pagkakataon na iyon ay agad na sinungitan ni adelina si romeo dahil sa ginawa nito.

" Ano nanaman ang ginawa mo? Bakit ka man lang nagsasabi muna saakin bago ka bumili ng kung ano ano para sa mga kapatid ko. " Sambit ni adelina.

" Teka, bakit parang may nagawa nanaman akong mali? Hindi ba matagal na natin napag usapan ang pag aaral ng mga kapatid mo? "

Nagpaliwanag si romeo na kailangan ng mga kapatid nya ang mga bagong gamit para makasabay sa ibang mga estudyante. Nagkaroon na sya ng kasunduan sa mga kapatid ni adelina na kailngan nilang makakuha ng mataas na marka bilang .

Kahit na nagpaliwanag ang binata ay hindi kumbinsido si adelina sa mga sinabi nito. May karapatan parin syang malaman kung ano ano ang plano ni romeo bago nya bigyan ang pamilya ni adelina.

Nagtaka naman si romeo kung bakit naman nya irereport lahat sa dalaga ang mga ginagastos nya para sa pamilya ni adelina. Alam nya na kapag sinabi nya ito sa dalaga ay mag aalala lang ito kung paano sya babayaran at magkakaroon lang sila ng pagtatalo dahil sa pagtanggi ni adelina sa mga ibibigay sa kanilang tulong

" Syempre, gusto ko lang makasigurado kung makatwiran ba ang ginagastos mo sa pamilya ko. Tandaan mo babayarin ko lahat ng perang nagastos mo saamin. " Sambit ng dalaga.

Napabuntong hininga si romeo at sinabi na hindi nya nakakalimutan ang kasunduan nila tungkol sa pagbabayad ni adelina. Naisip nya rin na magkaroon ng kasunduan sa pagitan nya at ng mga kapatid ni adelina.

Mas maganda para sa kanya na ang bawat kapatid ni adelina ay magbabayad ng mga pag kakautang nila. Dahil doon ay mas magpupursige sila na mag aral at paunlarin ang sarili.

" Hm.. Kung sa bagay may punto ka. ' pag sang ayon ni adelina.

" Hm.. Naisip ko lang din na mababawasan ng kalahati ang babayaran ng pamilya mo saakin kung sakaling sagutin mo ngayon ang panliligaw ko. " Pagbibiro ni romeo.

Namula naman ang pisngi ni adelina at agad na umalma.

"A-an-ano? Hoy tigilan mo nga ang pag sasalita ng ganyan. Sinabi ko na ang sagot ko sayo diba? Ayaw ko magkaroon ng mas malalim na relasyon sayo. "

" Hindi nga ako sigurado kung totoong gagawin mo ang mga sinasabi mo, minsan na kaming umasa at ayoko ng muling maranasan iyon. "

Agad naman nagtanong si romeo kung iniisip nya bang nagsisinungaling lang si romeo sa kanya. Hiniling ni romeo sa kanya kung ano nga ba ang tingin sa kanya ni adelina bilang tao.

Ipinaalam nya na nauunawaan nya ang pinagdaanan na sitwasyon noon ni adelina kaya nagkaroon ito ng trauma. Gusto nyang unawain ito kaya nga nagtyatyaga syang ipakita ang katapatan nya sa mga sinasabi nya.

" Nung sabihin mo saakin na hindi mo ako tatanggapin dahil lang mag kaiba ang mundo natin ay sobra akong nalungkot pero pinag isipan ko rin ang sitwasyon natin at sa totoo lang tama ka. "

" Mahihirapan akong dalhin ka sa mundo na ginagalawan ko lalo na ayaw mong maki salamuha sa mga honorary spaniard at mga kastila. " Dagdag nya.

" Pero kahit na ganun ay handa parin akong gawin ang lahat para mapapayag ka. Hindi kita pipilitin na mahalin ako pero hindi ako susuko hanggat sa bibig mo mismo magmula na mahal mo rin ako at hinding hindi mo ako kayang mawala sa piling mo. " Dagdag ni romeo.

" A-an-ano bang kabaliwan ang sinasabi mo? Tigilan mo na nga ang pagsasabi ng mga nakakahiyang bagay kundi papatayin ko ang tawag na ito. " Aligagang sambit ni adelina.

Napabuntong hininga si romeo at iniba ang pinauusapan nila. Sinabi nya sa dalaga na nabalitaan nya na lumalabas tuwing hapon ai adelina at umga na kung bumalik. Nangangamba si romeo sa kaligtasan nito kung patuloy na lalabag sa kanyang mga utos.

" Naghahanap ako ng pwede trabaho kaya ako umaalis at syempre hindi ko kailangan pasamahin ang body guard mo tuwing papasok ako sa trabaho. " Pagdadahilan ni adelina.

" Makulit ka talaga pero sa tingin ko hindi karin naman susunod saakin kapag pinigilan kita na magtrabaho. " Sambit ni romeo

Kahit nag aalala ay alam nya na hindi ito papayag na basta na lang makulong sa mansion nya kaya nagtanong na lang si romeo kung ano ang mga pinag aabalahan nito dahil kailangan nyang makasiguro na walang ginagawang kakaiba si adelina sa labas.

Agad naman na umalma si adelina at nirita ng tila ba iniisip ni romeo na may ginagawa syang kakaiba. Sinabi nya na nag iikot ikot sya sa bayan para humanap ng bar na pwedeng pasukan bilang singer at tumugtog.

Namangha naman si romeo na marunong palang itong kumanta at natuwa dahil malakas ang loob nito na gawin itong trabaho.

" Syempre madalas hindi ako tinatanggap lalo na kapag nalalaman nilang pilipino ako pero wala naman akong magagawa kundi ioagpilitan ang sarili ko. Ito lang ang alam kong gawin para makakuha ng pera. "

Napangiti si romeo at hinangaan ang pagiging pursugidi ng dalaga, masaya sya na may kakayahan ito at talento na ipagmamalaki ngunit ipinaalala nya na may mas malaking oportunidad para sa kanya kung mag aaral sya at matututo ng maraming bagay.

Agad naman pinutol ni adelina ang pag uusap niladahil alam nya na ipipilit parin ni romeo na mag aral sya sa eskwelahan. Nagpasalamat sya sa pag aalok ng binata na pag aralin sya ngunit hindi sya mahusay sa pag aaral at ayaw kapag nabigo syang pumasa ay baka hindi na sya makapag bayad ng utang.

" Hindi ako naniniwalang hindi mo kayang makapasa at makapagtapos, sa nakikita ko kasi ikaw ang taong hindi titigil at gagawin ang lahat para sa pangarap. "Sambit ni romeo.

" Tigilan mo na ang pag puri mo saakin para lang mapapayag ako na mag aral sa eskwelahan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako matalinong tao at kaya kong magtrabaho kahit hindi nag aaral. " Sagot ni adelina.

Bigla naman ng duda ang binata.

" Teka hindi kaya tinatamad ka lang mag aral? " Pagbibiro ni romeo.

" Ano naman kung ganun nga? Hindi ako matyaga na mag aral at bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko? " Tensyunadong sagot ng dalaga bakas ang hiya sa kanyang mukha.

Hindi nya maunawaan ang iniisip ng dalaga pero pumayag na lang sya na magtrabaho ito sa labas pero nag paalala sya na mag iingat at wag gagawa ng kalokohan habang nasa batangas. Lahat ng gagawin nilang pagkakamali ay makakaapekto sa pangalan ni romeo dahil nakatira sila sa bahay ng binata at inaalagaan nito

Ipinaalala nya rin na wag kalimutan na sumama sa mga kapatid tuwing mamamasyal dahil mahalaga parin na magkaroon sila ng bonding bilang pamilya kahit na abala na ito sa trabaho.

Biglang natahimik si adelina habang nag uusap sila at ilang saglit pa ay biglang nagpasalamat. Nangako sya na gagawin ang lahat para umangat sa buhay.

Napangiti si romeo habang sinasabi na handa syang mag antay sa dalaga.

" Handa akong maghintay hanggang sa araw iyon at ipinapangako ko na mananatili parin akong nakasuporta sayo hanggang sa dulo. "

Bigla naman namatay ang cellphone ni adelina dahil sa nawalan ito ng baterya.

" Naku, dahil sa pagiging abala ko hindi ko na napansin na lowbatt na ako. "

Nagmadali nyang isinaksak ang cellphone nya. Pagkatapos nya isaksak ay umupo sya sa kama para hintayin ito magbukas. Nainip sya habang nakatingin sa cellphone kaya naman napahiga sya sa kama na tila ba may malalim na iniisip.

" Sinayang ko nanaman ang pag kakataon, hanggang sa huli ay hindi ko parin maamin sa kanya ang nararamdaman ko, wala akong lakas ng loob na maging nobya nya. " Bulong nya sa sarili.

" Napaka tanga ko, bakit ba ako ganito. " Nanlulumo nyang sigaw habang nagtatakip ng unan at nagpaikot ikot sa kama.

More Chapters