Kabanata 69 " Laban para sa pamilya.
Isang hindi inaasahang kaguluhan ang nagaganap sa base militar sa Cavite—ang dating tahimik na lugar na puno ng mga sundalo na nag-eensayo at tahimik na mga opisina, ngayon ay naging battle field ng isang matinding labanang tila nagbabanta na wasakin ang buong lugar.
Ang paligid ay puno ng mga tioak ng bato at usok, patuloy sa pagyanigang lupa sa bawat dagundong ng mga nagbabanggaan nilang kapangyarihan. Ang sigawan nina Indang at Heneral Apyong ay umalingawngaw, parang kulog na nagbabadya ng bagyo, kasabay ng malalakas na tunog ng mga pagsabog at pagwasak ng semento.
"Simulan na natin ito, bata!" sigaw ni Apyong, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng tapang
Habang nagsasalita siya, ang dalawampung higanteng kamay na may baluti na bakal—mga sandata na gawa sa makapal na metal na may sukat na halos sampung talampakan ang taas—ay nakapalibot sa kanya, handang sumalag at umatake ano mang oras.
Ang mga kamay na ito ay nakalutang sa ere, gumagalaw nang mabilis na parang buhay na sandata.
"Mali, tapusin na natin ito, tanda!" tugon ni Indang, ang kanyang mga mata ay nanlilisik na parang apoy na nag-aalab sa galit, habang ang asul na kuryente ay sumasayaw sa kanyang katawan na parang mga buhay na ahas na gumagapang sa kanyang balat.
Hindi na siya ang ordinaryong babae na si Adelina, siya na ngayon ang personipikasyon ng galit at paninindigan ng mga Pilipino na nasaktan, na ang bawat hibla ng kanyang enerhiya ay nagpapakita ng matinding poot at desperasyon na protektahan ang kanyang pamilya.
Unang sumugod si Indang. Sa bilis na halos hindi makita ng mata—parang isang asul na kidlat na lumilipad ng mabilis na para bang isang bala ng baril na tumama sa semento. Habang nag-iwan naman ng malaking butas ang paa ng dalaga sa tinatapakan niyang daan, na nagpapalipad ng mga piraso ng lupa at alikabok.
Agad na ipinalipad ni Apyong ang kanyang limang higanteng kamay na gawa sa kanyang kapangyarihan upang harangan ang atake ng dalaga, ang mga ito ay gumagalaw nang mabilis na parang mga pader na bakal.
Ang bawat suntok ni Indang na tumama sa iron arms ni Apyong, ay nagdulot ng malalaking sira sa mga baluti nito—ang tunog ng metal na nababasag ay parang kulog, at ang mga pirapirasong bahagi nito ay lumilipad sa ere.
Lalo naman lumalaki ang enerhiya na syang nagpapagalaw sa wheelchair ni Apyong upang maioagpatuloy nya ang pag kontrol sa mga sandata nya. Gayunpaman, naramdaman niya ang matinding panginginig ng kanyang katawan dahil sa dami ng enerhiyang nagagamit nya. Pawis na pawis na ang kanyang noo, ang kanyang mga mata ay nakapikit sa konsentrasyon.
"Pambihira, wala talaga syang kapaguran lumaban. Hindi ito pangkaraniwan sa isang Sugo!" bulong ni Apyong sa kanyang sarili, ang kanyang boses ay may bahid ng pagkamangha at takot.
Alam niyang kahit noong unang beses silang naglaban na hindi madaling kalaban si indang, lalo na ngayon na pinapalakas ng galit ang kapangyarihan ni Indang.
Dahil sa pag-atake ni Felidemo sa pamilya ni Adelina ay nagkaroon ng matinding determinasyon ang dalaga at desidido na syang gamitin ang kanyang kapangyarihan sa laban na kanyang sinimulan na parang isang inang leon na handang ipagtanggol ang kanyang mga anak kahit ano pa ang maging kapalit.
Nang makita ni Indang na nagawa ni Apyong na salagin ang kanyang initial attack, lalo siyang nagalit, ang kanyang mukha ay namumula sa poot.
" Aba, totoo ngang matibay ang mga sandata mo ,tanda. Talagang iniinis mo ako. "
Gumawa siya ng mabilis na pag-ikot sa ere na at sinipa ang isa sa mga iron arms patalikod. Tumalsik naman ito at tumama sa pader ng gusali. Nagpayanig ito sa gusali na ngayon ay nababalutan ng makapal na usok at nagkalat sa paligid ang wasak na mga bahagi ng pader,
Samantala ang mga sundalo sa paligid ay nagtakbuhan sa takot. Wala silang magawa para makatulong dahil na rin kahit paputukan nila ng baril si indang ay hindi ito tumatagos sa balat ng dalaga.
Naging matatag naman ang mga kamay na bakal ni apyong at nakahanda parin oara proteksyonan sya laban sa mga atake.
Napansin ni indang na kahit mabagal kumilos ang mga sandata ni apyong ay epektibo naman ito bioang depensa.
"Huwag kang magtago sa likod ng mga bakal na 'yan, Apyong! Harapin mo ako at sabihin mo kung nasaan ang mga demonyong Kastila!" sigaw ni Indang, na halos basagin ang mga salamin ng buntana dahil sa pwersa ng awra nya na bumabalot sa paligid.
" Hindi tayo ang magkalaban dito Indang! Kung sasabihin ko sa 'yo ang kinaroroonan ni Don Felidemo, magdudulot lang iyon ng mas malaking kapahamakan sa mga mamamayan ng cavite!" depensa ni Apyong, , habang mabilis na pinapalipad ang kanyang wheelchair palayo para sa pag iwas sa susunod na atake ng suntok ni Indang.
Nagpatuloy sa pag atake si indang na tila kidlat na tumatama sa mga bakal na kamay na inihaharang ni apyong. Maririnig ang ugong ng hangin dahil sa bilis ng pagbulusok ni indang
Nahihirapan si Apyong na makagawa ng atake dahil narin sa sobrang bilis ng pagkilos ni indang na halos nawawalan na sya ng pagkakataon na makapaghanda ng pag atake.
"Kasinungalingan! Malinaw na piniproteksiyonan mo lang ang iyong sarili at sa mga amo mong Kastila!" galit na galit si Indang, ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa poot.
Ikang saglit pa, dahil aa kayang salagin ni Apyong ang mga ginagawa nyang oag atake ay naisip nyang ibahin ang kanyang pag-atake.
Gumawa siya ng mga malalaking magic circle sa ere, ang asul na bilog na gawa sa kanyang enerhiya ay umiikot at kumikinang sa itaas nya, habang nagpapatuloy ang pag ikot ng mga ito ay lumitaw doon ang napakaraming bilog na enerhiya na parang mga bola ng kidlat.
" Ano ang mga bagay na yan? Kaya nya rin gamitin ang kanyang enerhiya para gawing sandata? "
Lumusob ang mga bola ng enerhiya ay tumama sa iron arms, na nagdulot ng pagkatunaw at pagsabog— sa sobrang init ng apoy halos natutunaw na ang metal na parte ng katawan ng mga higanteng kamay na sandata ni apyong.
Pinaulanan nya ang gusali kung nasaan si apyong na ngayon ay pinapaligiran ng mga sandata nya para pangalagaan sya. Ngunit unti unting napapansin nya na kahit ang mga baluting bakal ng mga sandata nya ay hindi kayang pigilan ang purong enerhiya na taglay ni indang.
" Nagulat ka ba? Tama, hindi kasama na itinuro ng espanya ang kaalaman tungkol sa pangalawang antas ng sugo state, kaya wala kayong kaalam alam sa tunay na pakikipaglaban. "
Halos mawasak ang gusali at nagsimulang kumalat ang sunog hanggang sa katabing mga gusali. Sinubukan naman na apulahin ng mga sundalo ang apoy pero nahihiraoan silang pigilan ito dahil masyado ng makapal ang usok sa paligid.
Naging desperado naman si Indang na makatama kaya ilang beses pa siyang nagbato ng mga enerhiya ng bola na naging sanhi ng pagkawasak ng ilang sasakyan sa base militar ng Cavite , marami na rin mga pader ang bumagsak, mga poste na nagtumbahan, at ang mga sugatang sundalo na sumisigaw ng saklolo.
Alam ng heneral na hindi sya titigilan ni indang kaya naman muli syang lumipad pra dumistansya. Hindi naman hinayaan ni indang na makalayo ito at agad na lumusob.
Habang umiiwas lang ang heneral sa mga atake ni Indang, mula sa kalangitan ay nakita ni Apyong ang pinsala sa paligid na idinulot ni indang, alam niyang kailangan niyang maging mas seryoso kundi mas marami pang mapapahamak na sundalo.
Ang mabilis na lumilipas ang oras kaya kinakailangan niyang manatiling buhay hanggang sa mawala ang spell ni indang, ang kanyang puso ay mabilis ang tibok dahil sa kaba.
"Pasensya ka na, Indang, ngunit kailangan kong gawin ito!" bulong ni Apyong, ang kanyang mukha ay puno ng pawis at determinasyon.
Inutosan niya sa lahat ng kanyang dalawampung iron arms na magsimulang umatake nang sabay-sabay.
" Hand of destruction "
Naging isang itim ang kukay ng kalasag ng higanteng mga kamay na nasa paligid ni Apyong, bawat isa ay may bigat na kayang magwasak ng ano mang bagay. Nagsimukang unatakr ito at ang mga suntok nila ay lumilikha ng malalaking butas sa semento, at pwersa na parang serye ng mga pagsabog.
Hinarap ni Indang ang pag atake nang walang pag-aalinlangan, ang kanyang katawan ay naging sobrang liksi at mas mabilis kaysa sa mga sandata ni Apyong.
Patuloy na namamangha si apyong sa pinapakita ni indang sa laban, higit pa ito sa inaasahan nya dahil tila hindi nakakaramdam ng pagod ang kanyang kalaban.
Nag-umpisa siyang gumalaw ng mabilis para umiwas at mag counter-attack, umiikot siya na parang hangin at na lagpasan ang ilan sa mga kamay na bakal.
Nagagawa nya rin masapak ang iba para mapabalik. Sa bawat counter attack, unti unting nababasag ang mga kalasag ng mga iron hand.
Sa sobrang bilis ng labanan, tila nagliliparan ang mga bakal na piyesa sa ere, maririnig ang pagkalansing at pagbagsak ng mga bakal na parte ng iron hand sa lupa.
Habang nagaganap ang labanan sa base militar, nakaupo sa upuan si romeo sa loob ng kanyang sasakyan, habang nasa buahe ay natanggap ni Romeo ang mga sunud-sunod na ulat ng kaguluhan na nagaganap sa military base.
Ang ulat ay tungkol sa isang hindi kilalang babae na may superhuman strength at asul na enerhiya. Inireport ng mga sundalo niya na umaatake ulit ang sugo na si Indang.
Agad naman na naintindihan ni Romeo ang sinasabi ng mga ito at alam niya na hindi simpleng bagay ang nangyayari.
" Ano naman ang pakay nya sa pag atake sa mismong base militar? "
Kinabahan si romeo at napuno ng pag-aalala at takot para kay apyong. Agad nyang inutusan ang mga tauhan nya na dumeretso sa lugar, umaasa syang hindi pa huli ang lahat.
"Ano bang nangyayari? Bakit siya gumagawa ng gulo?!" sambit niya habang nag-aalala, ang kanyang isip ay puno ng mga alalahanin.
Tumawag agad siya kay Peter, ang kanyang boses ay puno ng pagmamadali. "Ihanda mo ang unang squad! Pupuntahan natin ang base militar ng cavite!"
"Opo Heneral, ipapatawag ko pa ba ang lahat ng unit?!" tanong ni Peter, ang kanyang tono ay puno ng pagkataranta.
"Wala pa tayong alam kung gaano kalala ang nangyayari, sa ngayon isama mo lang ang mga pwedeng sumama sayo."
Samantala, sa base militar, ang huling pitong sandata sa dalawampung iron arms ni Apyong ay tuluyan ng nasira. Wala na syang proteksyon sa paligid pagkatapos ng ginawang atake ni indang.
Pawis na pawis si Apyong at nagsisimulang sumakit ang kanyang ulo—ang pagkontrol sa ganoong karaming metal arms ay labis na nakakapagod, na parang napupwersa ang utak nya sa kanyang ulo.
" Paki usap Indang! Huwag mong sayangin ang iyong buhay dahil lang sa galit!" sigaw ni Apyong, nagbabala sa dalaga, ang kanyang boses ay may lambing na parang ama na nag-aalala sa anak.
"Hindi ko sinasayang ang aking buhay! Nakikipaglaban ako para sa mga taong hindi mo kayang protektahan!" sagot ni Indang, ang kanyang boses ay tila huni ng kulog na puno ng poot at determinasyon.
Nagpakawala siya ng isang malaking bugso ng enerhiya, na parang isang asul na apoy na kumakalat sa buong lugar.
Ang aura nya ay tumama sa mga natitirang iron arms at nagpabasag sa mga ito na parang salamin.
Sa sobrang lakas ng pag-atake ay nadamay ang ilang mga kotse sa paligid na dahilan ng pagkasunog ng mga ito. Nagpapatuloy na nilalamon ng apoy ang mga gusali at ang usok ay tinatangay pataas ng hangin.
Dahil sa pagkasira ng mga sandata ni Apyong ay ginamit ni Indang ang pagkakataon para maka atake.
Alam niya na walang metal arms na nagpoprotekta sa heneral, tumalon siya at mabilis na lumapit kay Apyong, ang kanyang kamao ay nakahanda nang bumagsak sa ulo ng Heneral para tapusin ang laban.
"Tapusin na natin ito!" sigaw ni Indang, ang kanyang mukha ay halos magdikit na sa kay Apyong, ang kanyang mga mata ay puno ng galit na parang apoy.
Ngunit bago pa man tumama ang kamao ni Indang, mabilis na lumabas ang isa pang iron arm mula sa lupa, at humarang sa atake ng dalaga na may malakas na tunog ng pagbangga.
Ngunit ang arm na ito ay hindi armored. Ito ay gawa sa purong ginto, na nababalot ng enerhiya na kumikinang na parang araw, at mas malakas ang pwersa nito kesa sa mga naunang sandata.
Napatalon palayo si indang para dumistansya. " Aba, may lakas ka pa palang natitira, tanda. Bakit ba hindi ka na lang sumuko? "
Kahit na inilabas ni Apyong ang isang bagong sandata na mas malakas sa mga metal arm ay alam niya sa sarili na masyado na siyang nakagamit ng enerhiya at ilang sandali na lang ay maaari na maubos ang kanyang lakas at umabot na sa kanyang limitasyon—ang kanyang paghinga ay mabilis, at ang kanyang mga kamay ay nanginginig.
" Hindi ako tatagal sa laban na ito, nahihirapan akong tapatan ang lakas nya " Bulong ni apyong sa isip.
"Hindi ko siya ituturo sa 'yo kahit anong mangyari, Indang. Hindi ako nagtataksil sa bayan. Ginagawa ko ito para protektahan ang Cavite sa posibleng pag-ganti ng mga Kastila laban sa bayan natin!"
" Kung papatayin mo siya, libu-libong Pilipino rin ang mamamatay bilang kapalit ng krimen na ginawa mo!" paliwanag ni Apyong, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo at kalungkutan.
Lumapag si Indang mula sa itaas ng isang gusali at taglay pa rin ang nag-uumapaw na enerhiya na parang nag aalab na apoy.
" Sinungaling, gusto mo lang akong takutin para tumigil."
Napabuntong-hininga si Apyong habang pinagmamasdan ang pinsala at nawasak na gusali sa paligid—mga bundok ng sira, usok na umakyat sa langit, at ang mga sigaw ng mga nasugatan.
"Indang! Itigil mo na ito, hangga't may pagkakataon pa," sigaw ni Apyong, ang kanyang tono ay pagod ngunit determinado.
Hindi nakinig si Indang at naglabas ng napakalakas na enerhiya tila nagagalit na apoy. " Tama na! "
Napapailing si apyong bakas ang pagkadismaya at kalungkutan. Naglabas sya ng matinding awra sa katawan.
Ilang saglit pa ay naglitawan muli ang higit dalawampung metal arm sa paligid ni Apyong at pinalusob papunta kay Indang.
Hindi naman natakot ang dalaga sa muling pag atake ni apyong, buong tapang nya na hinarap ang mga ito. Gamit ang bilis ay iniiwasan niya lang ang mga metal arm at isa-isang winawasak gamit ang malakas na suntok at sipa—ang bawat pagtama ng kanyang pag atake ay nagdudulot ng pagkawasak ng metal na bahagi ng iron hand.
"Bale wala sa kanya ang mga atake ko, hindi ko siya kayang pigilan kung hindi ako gagamit ng malakas na pag-atake," bulong ni Apyong, ang kanyang mukha ay puno ng pawis at pag-aalala.
Habang iniiwasan ni Indang ang mga metal arm ay biglang lumabas ang golden arm sa isang pader at siyang dumakma sa dalaga.
Hindi nya nagawang makaiwas pa at ibinaon siya sa isang gusali, na nagdulot ng malaking pagsabog ng alikabok.
Inakala ni Apyong na magagawa nito mapahinto si Indang pero ilang sandali lang ay biglang sumabog ang palapag ng gusali kung nasaan si Indang, na nagpapalipad ng mga piraso.
Nagulat si Apyong ng magawang mawasak ni Indang ang golden hand na pinaka-matibay na sandata ng heneral— napansin nya na ang gintong katawan ng sandata nya ay natunaw at nabasag dahil sa enerhiyang taglay ni indang.
"Inaakala mo ba talaga na makakaya mo akong mahuli? Minamaliit mo ba talaga ako?" tanong ni Indang, ang kanyang boses ay puno ng pang-iinsulto at galit.
Ipinaalala ni indang na kaya nyang manikulahin ang kanyang taglay na enerhiya dahil sa pag gamit ng pangawalangvantas ng sugo state o "spirit bound ", kaya naman hindi na nya kailangan gumamit pa ng abilidad dahil maaari nyang gamitin ang kanyang enerhiya bilang sandata.
Sumuntok si Indang sa hangin at nagpakawala ng malakas na pwersang umabot kay Apyong. Sa sobrang lakas ay nagawa nitong patalsikin ang heneral, na halos magpagulong sa kanya. Dumaosdos din palayo ang wheelchair nya pagkatapos nyang bumagsak sa lupa.
Napangisi si Indang puno ng pagmamalaki habang naglalakad papalapit. Natawa siya habang iniinsulto ang kahinaan ng matanda.
" Mukhang ginamit mo na ang lahat ng enerhiya mo sa huling atake, tanda. "
Ang pagkontrol sa isang sandata ay labis na gumagamit ng napakaraming enerhiya kaya alam niya na halos nagamit na ni Apyong ang lahat ng enerhiya niya sa laban. Halata sa mukha ni apyong ang pagod, ang kanyang paghinga ay mabilis na tila naghahabol ng hininga habang pawis na pawis.
Muling lumutang ang wheelchair at mag isang lumapit sa heneral para tulungan makabangon si Apyong at makaupong muli. Napapikit na lang si Apyong at puno ng pagkadismaya, ang kanyang mga mata ay malungkot.
" Tama ka, alam ko naman matatalo mo ako sa labanang ito. "
Inamin na niya may limitasyon ang pag-gamit niya ng mga metal arm at hindi niya kayang maglabas ng maraming sandata ng magkakasunod na beses.
"Hindi ako isang mandirigma na hinasa na makipaglaban ng mano-mano kaya kung bale wala sa'yo ang mga metal arm ay wala na akong kaya pang gawin sa laban na ito," sabi niya, ang boses ay pagod at sumusuko.
"Tch, kung ganun sumuko ka na at sabihin sa akin kung saan ko matatagpuan ang hayup na kastilang si Felidemo!" sigaw ni Indang.
Sabay-sabay naglaho ang mga metal arm sa paligid kasabay ng pagtaas ng kanang kamay ni Apyong bilang pagsuko.
"Sige sumusuko na ako. Ikaw na ang panalo pero hindi ko maibibigay ang gusto mo kahit patayin mo pa ako," sagot niya, ang kanyang mukha ay kalmado ngunit puno ng prinsipyo.
Nagalit lalo si Indang sa narinig at muling umamba ng suntok pero bago pa niya mabitawan ang suntok ay bigla ng humarang ang napakaraming balisong na bumuo ng isang higanteng pabo para protektahan si Apyong—mga balisong na kumikinang at gumagalaw na parang buhay, na nagiging pader na bakal.
Napahinto si Indang sa nakita at naramdaman ang presensya sa kanyang likod.
Nagulat siya pagtalikod niya ay sumalubong ang isang brasong humawak sa kanyang leeg. Napatid siya nito at nagawang ihampas sa lupa na may malakas na tunog, na nagdulot ng butas sa semento.
Nagulat si Indang sa nangyari pero agad niyang sinipa si Romeo na ngayon ay nasa anyo bilang sugo ng Batangas. ang kanyang katawan ay nakabalot ng enerhiya, at ang kanyang mga mata ay seryosong nakatitig lang sa dalaga.
Tumalon siya palayo at bakas pa rin ang pagkabigla, hindi niya napaghandaan ang atake at hindi inaasahan na mahuhuli ng kalaban. " Bakit hindi ko napansin ang pagdating nya? Wala akong naramdamang panganib kaya hindi ito pinansin ng kapangyarihan na pumoprotekta saakin." Bulong nya sa isip.
Hindi pa man nakakatayo ng maayos ay nakalutang na sa paligid ni Indang ang mga balisong at handa ng tumama sa dalaga, na gumagalaw na parang mga ibon.
"Tch, isa nanamang aso ng Espanya," sabi ni Indang, ang kanyang tono ay puno ng paghamak.
Muling nagpakawala ng aura si Indang habang umiilaw ang mga mata dahil sa labis na enerhiya pero nagulat siya ng humarang ang mga balisong at gumawa ng isang pader na humaharang sa pagitan nila.
"Sinabi sa akin ni General Apyong ang kahinaan ng iyong abilidad kaya sa tingin ko hindi na ito gagana sa akin," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay matatag at may autoridad.
Napangisi naman si Indang at sinabi na kahit nalalaman nila ang kondisyon ng abilidad niya ay hindi kayang makipaglaban ni Romeo ng habang nagtatago sa kanya.
"Yun ba talaga ang akala mo?"
Naglabas ng napakalakas na aura si Romeo at lumitaw ang libo-libong mga balisong na bumuo ng isang napakalaking kabalyero—isang higanteng pigura na gawa sa mga balisong na nakabaluti, na may sukat na halos dalawampung talampakan, na nagdudulot ng anino sa buong lugar.
Nairita si Indang sa nakita at nag-alinlangan na umatake, ang kanyang puso ay biglang napuno ng pagdududa. " Tch, malapit na matapos ang oras ng buff ko. Magiging limitado ang lakas at paggalaw ko sa loob ng tatlong minuto. " Bulong nya sa isip.
"Tama na Indang, itigil mo na ito. Malapit na rin matapos ang oras," sambit ni Apyong, ang kanyang tono ay nagpapakita ng pagkapagod.
Pero buong tapang pa rin na naglalabas ng aura si Indang habang sinasabi na kaya niyang talunin ang mga ito sa loob ng dalawang minuto.
"Kung iniisip niyo na hanggang dito lang ang kaya ko pwes nagkakamali kayo, kaya ko kayong patayin kung gugustuhin ko."
"Alam ko at naniniwala akong magagawa mo yun pero alam ko rin na hindi mo itutuloy iyon. Hindi dahil hindi mo kaya ito kundi dahil hindi ka masamang tao," sagot ni Apyong, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa.
Napadabog ng paa si Indang habang sinasabi kay Apyong na hindi niya na kailan man makukuha ang dalaga sa mga matatamis na salita. Hindi man siya isang berdugo pero mayroon siyang layunin na dapat matupad—ang protektahan ang pamilya at mga tao sa kanyang bayan.
" Hindi mo kayang pangalagaan sila, pwes ako ang gagawa nito para sa kanila. "
Pumikit si Apyong at muling humingi ng tawad kay Indang dahil sa kahinaan niya. Inamin niya na alam niyang nagiging agresibo si Indang dahil sa mga nangyayari sa Cavite at kahit na isang gobernador-heneral si Apyong ay wala siyang magawa para pangalagaan ang lahat ng tao sa Cavite.
"Gayunpaman, muli kong sinasabi sa'yo na hindi mo ako kalaban, hindi ganun kasimple ang gusto mong mangyari, wala akong karapatan magdesisyon at isakripisyo ang buhay ng mga tao."
Ipinaliwanag niya na sinubukan naman nila na hulihin si Don Felidemo pero pinag-utos agad ng central na palayain ito. Tatlong gobernador-heneral ang naki-usap sa pagpapalaya sa kanya at nakarating agad ito sa viceroy.
"Kapag nagpumilit pa ako na ipakulong siya ay maaari nila akong tanggalin sa pagiging gobernador-heneral at mapupunta sa mga Kastila ang pamumuno sa Cavite."
Tumingin siya kay Romeo at sinabi kay Indang na kagaya ng dalaga ay naging mapangahas din ang heneral ng Batangas tungkol sa kaso ni Don Felidemo. "Kagaya mo gusto niya rin na maparusahan si Don Felidemo pero hindi yun isang simpleng bagay."
Nagulat naman si Romeo sa nalaman at agad na tinanong kung bakit niya gustong maghiganti kay Don Felidemo. Ang kanyang mukha ay puno ng pagkalito.
" Ano? Kaya ka ba nang gugulo dahil sa kastilang si felidemo? "
Ipinaliwanag ni Apyong ang sitwasyon kay Romeo at ang dahilan kung bakit sila inaatake ni Indang. "Kagaya mo ay may kasalanan din si Felidemo kay Indang at gusto nitong makuha siya para parusahan sa sarili niyang paraan."
Dahil sa narinig ay biglang naglaho ang mga balisong sa paligid kasabay ang paglaho ng enerhiya ni Romeo, na parang nawala ang kanyang galit. "Tama, taga-Kawit ka nga pala at malamang ay nalalaman mo ang kasamaan ng Kastila sa inyong bayan."
Napapikit si Romeo habang sinasabi na hindi kagaya niya ay wala siyang personal na galit kay Don Felidemo pero nais niya itong maparusahan. Bilang heneral ay kailangan maipatupad ang batas at dapat maparusahan ang sino mang lumalabag dito.
"Gayunpaman, kagaya ng nabalitaan mo ay nakalaya siya ng walang utos na nagmumula kay Heneral Apyong. Hindi ito basta simpleng bagay na pwedeng basta na lang pagdesisyunan lalo na gamit ang karahasan."
" Wag nyo akong lokohin, isa kayong mga heneral pero wala kayong kayang gawin? " Pang hahamak ni indang.
Nagalit si Indang sa dalawa at tinawag na mga walang silbi ang mga heneral. Para sa kanya ay kung wala silang magawa para mahuli ang isang Kastila ay sino pa ang kaya nilang tulungan.
Nasambit niya rin sa dalawa na kung hindi nila kayang magpakulong si Don Felidemo ay siya na ang kikilos para matigil na ang kasamaan ng Kastila at maibalik ang dating payapang buhay ng mga taga-Kawit Cavite.
Nauunaeaan ni apyong ang sinasabi ng dalaga. Gayunpaman, alam ni Apyong na walang mapupuntahang maganda ang gagawin niyang gulo kundi isang kapahamakan lamang para kay Indang at sa Kawit.
Ipinaliwanag ni Apyong dito na nananatiling ligtas ang mga Pilipino dahil sa proteksyon ni Apyong pero sa oras na ideklara ng central na isang terorista ang mga taga-Kawit ay kikilos ang sundalo ng viceroy para patayin ang lahat ng mga Pilipino.
"Tch, kalokohan. Hindi ko naman idadamay ang mga Pilipino sa Kawit. Ako lang mag-isa ang papatay sa hayup na Kastila na iyon," Iritableng sagot ni Indang habang ang kanyang boses ay determinado.
Napabuntong-hininga si Romeo at ipinaliwanag na hindi isang makatwirang tao ang viceroy. Sa oras na may mga rebeldeng nangugulo sa isang lugar ay tinitiyak niya na may mapaparusahan. Ipinaalam niya na sa oras na mamatay si Don Felidemo sa kamay ng taga-Kawit ay pipilitin niyang palabasin ang may sala sa kahit anong paraan.
"Marahil alam mo na kada buwan ay may binibitay na mga Pilipino sa utos ng viceroy, kahit na inosente ang mga Pilipino ay hinahayaan niya itong mamatay lahat para gawing pain para palabasin ang mga rebelde sa araw ng pagbitay," dagdag ni Romeo,
Ipinaliwanag ni Romeo na sa oras na pumatay si Indang ay malaki ang tyansa na humuli ang viceroy ng mga Pilipino na nagmula sa Kawit para pagbintangan bilang rebelde.
Isang baliw ang viceroy at gagawin niya ang lahat para lang mahuli ang mga kalaban niya. "Naganap na ito sa Pampanga, Maynila at marami pang lugar sa bansa ng ilang beses at hindi imposibleng ulitin nya ito sa Kawit."
Muling naki usap si Apyong na wag gumawa ng isang mapangahas na bagay na tiyak pagsisisihan nila sa huli, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsusumamo.
" Gusto nyo akong tumigil at manahimik habang nanganganib ang mga tao sa bayan ko? "
Hindi matanggap ni Indang ang mga paliwanag ng mga ito at sinabi na hindi niya kayang manahimik na lamang sa mga nangyayari.
Ipinaalam niya na may mga taong nasira ang buhay dahil sa mga ginawa ng mga Kastila. "Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nilang kasamaan, hindi ako magbubulag-bulagan kagaya niyo lalo na may mga buhay na maaaring mamatay kapag nanatiling buhay ang mga kagaya niyang demonyo!" galit na sambit ni Indang, ang kanyang luha ay nagsisimula nang tumulo dahil sa galit.
" Alam ko, nauunawaan kita at hindi kita huhusgahan kong nagagalit ka man. "
Bumuntong-hininga si Romeo at humakbang palapit kay Indang habang sinasabi na nauunawaan niya si Indang sa mga pinaglalaban nito. Ipinaalam niya na galit rin ang binata sa mga nangyayari at nadidismaya pero may limitasyon ang kaya nilang gawin.
" Magkaiba tayo ng sitwasyon. Gayunpaman handa akong tumulong sa'yo Indang, gumagawa ako ng paraan para mahuli siya pero hangga't hindi pa iyon nangyayari ay wag kang gagawa ng mga komplikadong bagay."
Hindi naman naniwala si Indang sa mga sinabi ni Romeo at galit na humawi ng kamay sa hangin. Para sa kanya ay bale wala na ang lahat ng mga bagay na kayang gawin nila hangga't patuloy na nagpapaalipin sa mga Kastila ang mga ito.
Hindi naman natuwa si Romeo sa sinabi ni Indang at lumapit pa sa dalaga para sigawan ito. "Tama na! Kapag ipinagpatuloy mo pa ito ay mas malaki ang mawawala sa'yo, sa akin, sa ating lahat. Hindi katangap-tangap na magtiis sa kalupitan nila pero ito ang dapat natin gawin para lang hindi na mas dumami pa ang mamamatay," sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa frustasyon.
Sa galit ni Indang ay sinapak niya si Romeo sa mukha dahilan para mapahakbang ito paatras habang galit na sinasabi na wala itong pakialam.
"Wala kang alam sa mga nangyayari sa amin, pinabayaan niyo na maganap ito sa amin at gusto mong hayaan ko na lang ang mangyayari sa pamilya ko?"
Napatigil si Romeo ng makita ang luha sa mga mata ni Indang habang matapang na sinasabi na wala na siyang pakialam sa lahat. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyari basta mailigtas na lang niya ang pamilya niya—ang kanyang boses ay nanginginig sa emosyon, at ang kanyang mga kamay ay nakakuyom.
Bigla naman nagalit si Romeo dito at lumapit para hilahin para kwelyuhan ito at sigawan. "Iniisip mo ba talaga na hindi ka namin nauunawaan? Gusto kong makisimpatya at tulungan ka pero bago yun ay pagkatiwalaan mo muna kami sa ginagawa namin," sigaw ni Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala at frustasyon.
Pero hinawi lang ni Indang ang kamay ni Romeo at nakipagsigawan dito. "Magtiwala? Hiningan mo ako ng pagtitiwala?" sigaw nito, patuloy na tumutulo ang kanyang luha.
"Pinabayaan niyo mamatay ang pamilya ko noon, walang tumulong sa amin, lahat kayo ay nagbulag-bulagan sa pagluluksa namin. Naging ulila ako dahil sainyo at hindi ko na hahayaan pang may mawala sa pamilya ko."
Naglakad siya patalikod at tumalon paakyat sa itaas ng isang gusali. Matapang siyang tumingin kay Romeo at sinabihan ito na walang kayang tumulong sa kanila kundi ang mga sarili nila.
"Wag mo kaming pigilan sa gusto naming gawin dahil nais lang naming mabuhay."
Hindi na nagawa pang makasagot si Romeo o tangkain na pigilan si Indang dahil nakakaramdam siya ng matinding awa sa dalaga.
Para sa kanya ay wala siyang karapatan na pangunahan ang desisyon ng dalaga dahil gusto lang nitong pangalagaan ang pamilya nito. Gustuhin niya man tumulong ay maging siya ay walang kayang gawin laban sa mga Kastila kagaya ni Felidemo.
Tumalon si Indang palayo para umalis sa lugar at wala silang nagawa kundi hayaan na lang ito makaalis. Napayuko na lang si Apyong at napabuntong-hininga, ang kanyang mukha ay puno ng kalungkutan.
Humakbang palayo si Romeo na tila malalim ang iniisip pero bago pa siya makalayo ay biglang nagsalita si Apyong para paalalahanan ang binata. "May mga bagay na kailangan natin ng matinding tapang ng loob para magsakripisyo at kasama sa mga iyon ang ilang taga-Kawit," sambit ni Apyong, ang kanyang boses ay malungkot.
Napangisi na lang si Romeo bakas ang pagkadismaya. "Hanggang dito na lang ba talaga ang kaya nating gawin para sa kanila?" tanong ni Romeo habang ang kanyang tono ay puno ng pagkabigo.
"Wala tayong pagpipilian, hindi natin kayang protektahan ang lahat ng mga tao," malungkot na sambit ni Apyong.
End of chapter.
