Ficool

Chapter 117 - chapter 59 ( TAGALOG)

Kabanata 59: Ang Labanan sa kawit .

Ang madilim na highway ng Cavite ay patuloy na nababalot ng makapal na usok at alikabok, habang ang labanan sa pagitan nina Romeo at Martin ay malapit ng umabot na sa sukdulan. Ang bawat sagupaan ng kanilang mga suntok at sipa ay gumagawa ng malakas na pagsabog, na parang mga kidlat na bumibiyak sa kongkretong kalye.

Ang lupa ay nayayanig sa bawat pag atakena ginagawa nila, at ang hangin ay puno ng tensyon na halos makapagpapigil ng hininga para sa mga nakaka saksi ng labanan. 

bagamat mahusay na nakakasabay si romeo sa mga atake ni Martin, ay alam nya sa kanyang sarili na hindi siya mananalo sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng mano mano at purong lakas.

Ang pekeng katawan ni Martin, na pinapakain ng enerhiya ng Ursarion, ay halos hindi natitinag sa bawat atake ni romeo. Ang bawat hiwa ng kanyang mga balisong ay mabilis na naghihilom, na parang ang katawan ni Martin ay gawa sa isang bagay na hindi namamatay.

Sa kabila nito, ang determinasyon sa mga mata ni Romeo ay hindi natitinag, at ang kanyang puso ay puno ng layunin na tuluyang pigilan si Martin bago pa maging huli ang lahat. 

 Tumalon si Romeo palayo, ang kanyang katawan ay nabalot ng nagniningning na enerhiya. "Ikalawang talim ng Kapayapaan: Akatsuki!" sigaw niya, habang ang libu-libong balisong sa kanyang paligid ay nagkumpol-kumpol, na bumuo ng apat na higanteng shuriken, bawat isa ay may limang metro na laki.

Ang mga shuriken ay umikot nang mabilis, tila mga buhawi ng bakal, at ang liwanag na nag mumula sa enerhiya ni Romeo ay nagbigay sa kanila ng nakakasilaw na ningning na kita sa boung lugar. 

 Kinuha ni Romeo ang isa sa mga shuriken, ang kanyang mga kamay ay humigpit sa hawakan nito. Sa isang malakas na sigaw, buong lakas niyang ibinato ito patungo kay Martin. " Humanda ka,martin!"

Bumulusok ang shuriken na parang isang talim ng kamatayan, at nakahandang tumama nang direkta sa katawan ng kanyang kalaban. Hindi naman nagpakita ng takot si Martin kahit na nakikita nyang papalapit ang atake ni romeo, at gamit ang kanyang mga braso, sinubukan niyang salagin ang shuriken. 

Subalit, laking gulat niya nang ang talim nito ay humiwa sa kanyang brasong pinang salag nya dito, na nagdulot ng malaking sugat na nagpabuhos ng itim na enerhiya mula sa kanyang katawan.

"Ano ito?" bulong ni Martin sa sarili, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigla. Napansin niya na ang shuriken ay nabalot ng matinding enerhiya, na nagbigay dito ng hindi pangkaraniwang talas at lakas.

"Gumagamit siya ng mas malakas na enerhiya upang gawing mas mapanganib ang kanyang mga sandata," sabi niya sa isip, ang kanyang ngiti ay unti-unting nawala.

Alam nya na dahil sa maraming enerhiya ang Ursarion ay kaya nyang mas malakasin ang katawan nya at mga atake pero hindi nya inaasahan na magagawang tapatan ito ng kalaban nya. 

Ngunit hindi rin nagtagal ang pagtagas ng enerhiya sa naputol na braso ni martin, agad na nabalot ng itim na enerhiya ang mga braso ni nya, at nagbalik ang naputol na bahagi at mabilis na tumubo muli, na parang walang nangyari. Kasabay nito ay tumawa siya na puno ng pang hahamak, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.

"Nakakalimutan mo na ba, Romeo? Hangga't may enerhiya ang Ursarion, ang katawan ko ay isang ganap na imortal!" anunsyo niya, habang ang kanyang katawan ay muling nagbago, na naging mas malaki at mas nakakatakot.

AnUrsarion sa itaas niya ay umuugong, ang mga ulo ng mga bata ay patuloy na sumisigaw sa takot, na nagpapalala sa bigat ng sitwasyon.

Hindi naman natinag si Romeo, bagamat ang kanyang puso ay nadurog sa bawat sigaw ng mga inosenteng bata. "Tama," sagot niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng determinasyon.

"Pero alam ko rin na malaki ang nawawala sa enerhiya mo sa bawat pagpapagaling ng katawan mo. Walang problema sa akin kahit hiwain kita ng tatlo o kahit sampung beses pa ng paulit ulit!" 

 Muling bumalik ang shuriken sa kamay ni Romeo, na parang may sariling buhay ang mga balisong. Isa-isa niyang kinuha ang natitirang tatlong shuriken, at sunod-sunod na inihagis ang mga ito kay Martin.

Mabilis na lumusob ang mga shuriken na parang mga bituin na bumabagsak mula sa kalangitan, handang wasakin ang lahat sa kanilang dinadaanan. 

 Hindi naman natakot si Martin. Sa halip, lumusob siya patungo kay Romeo, ang kanyang katawan ay mabilis na gumagalaw, na parang isang anino na kayang umiwas sa mga shuriken. 

Nagawa nyang maiwasan ang apat na shuriken ng napakadali at sa isang iglap, nakarating siya sa harap ni Romeo, ang kanyang kamao ay nakaamba na para sa isang malakas na suntok. 

Ngunit bago pa makatama ang kamao ni Martin kay romeo, isang higanteng balisong na may anim na metro ang haba, ang biglang tumama sa kanya mula sa likuran. Ang talim ay tumarak sa lupa, na nagpatigil sa kanyang paggalaw. 

"Akala mo ba mapipigilan ako nito?" sigaw ni Martin, ang kanyang boses ay puno ng galit. Sa isang iglap, napaligiran si Martin ng daan-daang balisong, na parang ulan ng mga talim na tumama sa bawat bahagi ng kanyang katawan.

 Ang bawat hiwa ay nagdulot pagtagas ng itim na enerhiya na umagos mula sa kanyang mga sugat, ngunit kahit na nasugatan ay hindi siya nagpatinag.

Patuloy syang nabalot ng itim na kuryente, na tila nagpapalakas pa sa kanyang katawan. "Sinabi ko na sa'yo, bale-wala sa akin ang mga ganitong pag-atake!" sigaw niya, habang ang kanyang katawan ay tila lumalamon sa mga balisong, na parang hinigop ng laman sa kanyang katawan. 

 "Nagulat ka ba?" tanong ni Martin, ang kanyang ngiti ay puno ng pagmamalaki. "Isa sa mga sugo na kasama ko ang may kakayahang lamunin ang anumang bagay—kahit tao—basta't madikit ito sa kanyang katawan. Hindi man ito masyadong epektibo sa labanan dahil sa mga limitasyon nito, pero sa tingin ko, mapapakinabangan ko ito sa ibang paraan." 

 Natahimik sandali ang lugar, sandaling napapikit si Romeo para magbuntong hininga, ang kanyang mukha ay puno ng pagkadismaya. "Sanay na sanay ka talagang gumamit ng mga tao, Martin," sabi niya, ang kanyang boses ay mabigat.

 "Binulag mo sila sa mga pangako ng kalayaan, ngunit alam mo sa sarili mo na walang kapayapaan ang maidudulot ng ipinipilit mong rebelyon. Tanungin mo ang sarili mo—may natitira pa bang konsensya sa puso mo para sa mga taong ginagamit mo?" 

 Pinagtawanan lang ni Martin ang sinabi ni Romeo, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Totoo, ginagamit ko ang mga sugo para sa plano ko, pero hindi ko sila kailanman niloloko, dahil seryoso akong tuparin ang pangarap nila. " sagot niya.

"Ang iba sa kanila ay walang lakas ng loob para lumaban, kaya hinayaan ko silang gamitin ako upang matupad ang kanilang mga pangarap—ang palayain ang bansang ito mula sa mga Kastila!" 

 Muling nagkumpol ang mga balisong sa tabi ni Romeo, handa na sanang bumuo ng panibagong shuriken. Ngunit hindi na hinintay ni Martin na makumpleto ito ng heneral. "Tama na ang paglalaro, Heneral!" sigaw niya, habang nagpakawala siya ng napakalakas na enerhiya. 

Mula sa kanyang itim na aura, nabuo ang isang malaking sibat, na buong lakas niyang ibinato patungo kay Romeo. Agad na nagkumpol ang mga balisong upang protektahan si Romeo, ngunit nagulat siya nang nagawang mawasak ng sibat ang kanyang panangga at tumagos sa kanyang mga balisong. 

Dumeretso ang sibat patungo sa kanya, at sinubukan niyang pigilin ito gamit ang kanyang mga kamay.

Halos mapaatras siya sa lakas nito at ibaling ang dereksiyon nito papunta sa itaas, ngunit hindi nya inaasahan na sasamantalahin ni martin ang pagsalag nya sa sibat.

Segundo lang ang pagitan ay biglang lumitaw ang isang portal sa kanyang likuran. Mula rito, lumabas ang kamay ni Martin, na agad siyang sinakal nang mahigpit gamit ang braso.

"Hahaha, katapusan mo na, Heneral!" sigaw ni Martin, ang kanyang boses ay puno ng tagumpay. 

Ang mga balisong naman ni Romeo ay agad na sumaksak sa halimaw na katawan ni Martin, ngunit dahil hindi ito nakakaramdam ng sakit, bale-wala ang mga ito.

"Asar, hindi pwede ito" Bulong ni romeo sa isip." Pinilit ni romeo na kumilos at sinasak sa ulo si Martin. Pero kahit ang mga saksak sa ulo nito ay hindi nagpabagsak kay Martin, na nanatiling nakatayo parin.

Tumawa ito, ang kanyang ngiti ay puno ng pangungutya habang minamaliit amg heneral. Alam ni Romeo na delikado ang kanyang kalagayan sa mga sandaling iyon.

 Ang higpit ng pagkakasakal sa kanya ay unti-unting nagpapahina sa kanyang katawan, at ang kanyang hininga malapit ng maubos. 

"Ano na ang gagawin mo, Heneral? Kaya mo pa ba akong pigilan?" pagyayabang ni Martin, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. 

 Ngunit bago pa tuluyang malahutan ng hininga si Romeo, biglang may lumilipad na kotse na humambalos kay Martin, na nagpapatalsik sa kanilang dalawa. 

Ang malakas na impact ay nagpabitiw kay Martin, habang si Romeo ay bumagsak at gumulong sa lupa, hingal na hingal habang hawak ang kanyang leeg. 

"Tch, muntik na ako doon," bulong niya sa sarili, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala. 

"Naging masyado akong pabaya sa laban." 

 Kasabay ng pagtayo ni Martin na galit na galit, sumigaw siya sa sobrang pagkainis "Sino ang may kagagawan nito?!" Ang kanyang mga mata ay nagmamasid sa paligid at naghahanap ng sagot, habang ang itim na enerhiya sa kanyang paligid ay lalong lumakas. 

 Ilang saglit pa, isang napakalakas na presensya ang biglang naramdaman sa paligid, na parang isang mabigat na puwersa na humihila sa lahat pababa sa lupa. 

Ang mga sundalo at rebelde ay agad na natigilan, ang kanilang mga katawan ay halos hindi makagalaw sa bigat ng enerhiyang nararamdaman nila. 

"Napakalakas ng presensya," bulong ni Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka. " Ang presensyang ito kagaya ng sa viceroy" Nanlaki ang kanyang mata sa pagkabigla. 

"Kaninong nagmumula ang enerhiyang ito? Dumating ba si magellan?" Walang umiimik sa paligid, at ang lahat ay naghintay sa susunod na mangyayari. 

Sa gitna ng katahimikan, biglang may bumagsak mula sa kalangitan, isang pigura na nagdulot ng malakas na pagyanig sa lupa.

 Nang tumayo ito, nakita ng lahat ang isang babaeng may puting maikling buhok, nakasuot ng isang cyberpunk na jacket at pantalon, na may mga kadena sa kanyang mga braso na kalahating metro ang haba.

 Ang kanyang presensya ay sobrang napakalakas, na parang isang diyosa na bumaba mula sa langit. "Napakalakas ng loob ninyo para manggulo sa teritoryo ko," sabi ng babae, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad at galit.

 Ang kanyang mga mata ay nagliliwanag, at ang enerhiya sa kanyang paligid ay sumisindak sa lahat.

 Nagulat sila sa kanyang pagdating, ngunit kahit si Romeo ay walang ideya kung sino ang babeng ito. 

Alam niya lamang na isang sugo ito dahil sa kanyang presensya at ang enerhiyang taglay nito ay hindi pangkaraniwan. 

Subalit, sa kabilang banda, agad na napangiti si Martin na parang inaasahan niya ang sandaling ito. "Sa wakas, nagkita rin tayo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kasiyahan. 

"Ang sugo ng Kawit, ang tinaguriang Wild Daisy—si Indang

."Ngunit bago pa makapagsalita nang tuluy-tuloy si Martin, sa isang kisap mata ay biglang napunta si Indang sa harap niya, at sa isang mabilis na galaw, sinuntok siya sa tiyan. Sa lakas ng suntok ni Indang ay nagawa nyang mapatalsik si Martin ng halos dalawampung metro ang layo at gumulong sa kalsada tulad ng isang basahan.

Nagulat ang lahat sa bilis at lakas ng ginawa ni Indang, at kahit si Von, ang sugo ng Maynila, ay hindi makapaniwala. "Napakabilis niya," bulong ni Von. "Hindi ko man lang nasundan ang galaw niya—parang kidlat."

"Indang? Sya ang sugo ng kawit? " Bulong sa isip ni romeo. 

 Habang pinagmamasdan ang dalaga ay naalala ni Romeo ang sinabi ni Laguna tungkol kay Indang, na itinuring itong pinakamalakas na estudyante niya.

 "Kung gayon, siya nga si Indang na naging estudyante ni laguna." sabi niya sa isip, habang pinagmamasdan ang babae. 

 Pinagmasdan ni Indang ang paligid habang nagpapatunog ng kanyang mga daliri sa kamay, sinusuri ang paligid na tila inaalam ang sitwasyon, ang kanyang mukha ay puno ng pagkainip. 

"Alam ninyo ba na nakakaperwisyo kayo? Badtrip talaga. " tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng sarkasmo. "Gusto ko nang umuwi, pero napakahaba ng trapik dahil sa kaguluhang ito!" 

Agad na tumayo si Martin at tumalon malapit kay indang ang kanyang tawa ay umalingawngaw sa kabila ng sugat sa kanyang katawan. "Totoo nga ang tsismis—malakas ka at napakalakas ng loob mo," sabi niya, ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga. 

"Ayaw kong sirain ang araw mo, at katulad mo, ayaw ko ring magsayang ng oras sa lugar na ito. Kaya bakit hindi ka muna sumama sa akin para makipag-usap?"

 "Makipag-usap?" sagot ni Indang, ang kanyang boses ay puno ng pangungutya. "Bakit naman ako sasama sayo? Sinabi ko na, wala akong interes makipag-usap sa kahit sino! Tigilan ninyo ang panggugulo sa lugar ko at umalis na sa teritoryo ko!" 

 Napangisi si Martin, na parang naaaliw sa tapang ng dalaga. "Napakahambog mo para kausapin ako nang ganyan," sabi niya. " Pero pagbibigyan ko ang iyong kagaspangan ng ugali, Nandito ako para imbitahan ka na sumali sa Katipunan. Alam ko na makapangyarihan ka, at kailangan ka namin sa laban!"

 Agad naman sumabat si Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Sandali! Hindi ka maaaring pumayag na sumama sa kanila, Indang!" sigaw niya, habang sinusubukang pigilan si Martin na makuha ang dalaga.

 "Hindi mo dapat hayaang malason ang isip mo sa mga ideya niya at panlilinlang" 

 Ngunit bago pa makatapos si Romeo, biglang sumugod si Indang, at sa isang mabilis na galaw, sinipa siya sa tagiliran. Ang lakas ng sipa ay nagpatalsik kay Romeo na gumulong sa kanya sa kalsada.

"Anong? "

Nagulat ang lahat sa kanyang bilis, agad na tumakbo si peter upang tulungan ang kanyang heneral. "Heneral Romeo, ayos lang kayo?" tanong ni Peter, habang inaalalayan siyang tumayo.

 "Ayos lang ako," sagot ni Romeo, hingal na hingal. "Nabigla lang ako sa ginawa niya."

Nanatiling nakataas ang kanyang kanang paa ni Indang habang tinititigan si Romeo, ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng pagkairita. "Sinabi ko na, wala akong interes makipag-usap sa kahit sino—lalo na sa isang basurang sundalo ng Espanya!" sigaw niya. 

 Naalala ni Romeo ang sinabi ni Laguna sa kanya, ayon dito ay galit si Indang sa mga sundalo, at alam niya na hindi siya nito pakikinggan. Gayunpaman, alam nya na hindi niya maaaring hayaang makumbinsi si Indang ng mga rebelde. "Pasensya na, Indang, pero gusto ko lang ipaalala na kung sasali ka sa mga rebelde, magiging kalaban ka ng gobyerno," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad.

 "Tch, ano naman ang pakialam ko sa gobyerno?" sagot ni Indang, ang kanyang tono ay puno ng paghamak. "Kalaban? Kailan ba ako naging kakampi nila? Wala akong pakialam kahit maging kalaban ko ang buong bansa! Kung ako lang ang masusunod, ako na mismo ang magwawasak sa gobyerno ng Espanya dito sa Pilipinas!" matapang na sagot ni indang. 

 Tumawa si Martin, at natutuwa sa narinig mula kay indang. "Sinabi ko na, pareho tayo ng layunin!" sabi niya, habang humakbang palapit kay Indang. 

"Sumama ka sa akin, maging miyembro ng Katipunan, at magtulungan tayong palayasin ang mga dayuhan sa ating lupain!"

 Napabuntong-hininga si Indang, habang hinawakan ang kanyang baba, na parang nag-iisip. "Palayain ang bansa? Magandang ideya ang palayasin sila dahil sa totoo lang naiirita na ako sa kanila," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng interes. 

"Matagal ko nang gustong wasakin ang mukha ng Viceroy ng bansang ito."

 Naramdaman ni Romeo ang maaaring panganib sa sinabi ni Indang, at agad siyang nagpakawala ng enerhiya, lumusob patungo kay Martin.

 Pinakawalan niya ang mga higanteng balisong, na umikot patungo sa kalaban. Subalit mabilis na winawasak ni Martin ang mga ito, bagamat nasasalag nya ang mga ito gamit ang suntok ay halos limang balisong ang sumaksak parin sa kanyang katawan, na nagdulot ng malalaking sugat na pinaglabasan ng itim na enerhiya na nagmula sa kanyang katawan.

 "Bwisit ka talaga!" sigaw ni Martin habang galit na galit. 

"Huwag kang makialam sa usapan naming dalawa!" dagdag ni martin. 

 "Tumigil ka!" sigaw ni Romeo, ang kanyang mga mata ay nagliliyab. "Hindi ako papayag na lasunin mo rin ang isip niya tulad ng ginawa mo sa iba!"

 Lumusob si Romeo patungo kay Martin, hawak ang isang balisong, ngunit bago pa siya makalapit, biglang humarang si Indang. 

Sa isang mabilis na galaw, sinalubong niya si Romeo at sinipa, mabilis naman napansin ito ng heneral na agad naman niyang nasalag. Sa sobrang lakas nito ay muling napatalsik si romeo. 

Nagtaka ang lahat sa ginawa ni Indang n pag atake kay romeo. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pagkalito. 

 "Alam mo, kabastusan na bigla kang aatake habang nag-uusap ang dalawang tao," sabi ni Indang, ang kanyang tono ay puno ng pangungutya. "Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal?" 

 Nagulat si Romeo nang mapansin ang nagliliwanag na mga mata ni Indang, na may tatak ng isang bulaklak. Sa isang iglap, naramdaman niya ang kanyang katawan na parang nagyelo, hindi sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. 

" Anong nangyayri sa katawan ko? "

Sa isang iglap napunta sa harap nya si indang habang nababalot ito mg nakakatakot na enerhiya. 

Bago pa makapag-isip si romeo ng gagawin, hinablot ni Indang ang balisong mula sa kanyang kamay at sinikmuraan siya.

 Kasabay nito, binuhat siya ng dalaga at ibinalibag sa lupa nang walang kahirap-hirap. 

 Hindi makapaniwala ang lahat sa ginawa ni Indang, at maging ang mahusay na heneral na si Romeo ay hindi makapaniwala sa kanyang lakas. "Anong klaseng tao syai?" bulong niya sa sarili. "Alam ko na kaya kong iwasan at lumaban, pero bakit hindi ko nagawa?" 

 Habang nakahiga, lumapit pa si Indang sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng kumpiyansa. "Hindi na ganoon kalakas ang enerhiya mo, Heneral," sabi niya. "Wala kang laban sa akin, kaya mabuti pa, humiga ka na lang diyan kung ayaw mong patayin kita." 

 Biglang sumigaw si Peter, galit na galit, at lumusob patungo kay Indang upang iligtas ang kanyang heneral. Nabalot siya ng baluti na gawa sa buhangin at nagtangkang suntukin si Indang. 

Subalit walang bahid ng pag-aalala sa mukha ng dalaga. Humarap lang siya kay Peter at itinaas ang kanyang kamay. "Silence!" sambit niya. 

 Bago pa makaabot si Peter para tulungan si romeo ay biglang bumagsak ang kanyang baluti na gawa sa buhangin, na parang nawalan siya ng kontrol dito.

 "Anong nangyari? Ang mga buhangin ko?" bulong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkalito. 

 Nagulat siya nang biglang lumusob si Indang sa harap niya at agad na sumuntok. Nasalag niya ang suntok nito at napatalsik.

Sa pag balnse nya para manatiling nakatayo ay agad nyang sinubukan na utusan muli ang kanyang buhangin, ngunit laking gulay nya dahil hindi ito gumalaw ayon sa gusto nya. 

"Bakit hindi ko makontrol ang sarili kong kapangyarihan?" tanong niya sa isip, ang kanyang puso ay puno ng pagkabahala. Bago pa siya makapag-isip, lumusob si indang at tinuhod siya sa sikmura, na nagpaluhod sa kanya sa lupa.

 Alam niya na delikado ang kanyang sitwasyon, kaya sinubukan niyang tumayo, ngunit hinawakan ni Indang ang kanyang balikat. "Paralyze," sambit niya.

Sa isang iglap ay biglang nanigas ang katawan ni Peter na parang wala syang kontrol dito at hindi makagalaw.

" Ayoko ng ganito, para akong nambubully ng bata. " 

Lumakad si Indang sa kanyang harap, ang kanyang mga mata ay puno ng kumpiyansa. "Masyado kang malayo sa antas ko," sabi niya. "Hindi nyo man lang kayang protektahan ang sarili nyo sa mga magic spell., kaawa awang mga tao."

Inamin nya sa kanila na magpipigil sya sa pag atake para di makapatay lalo na pinagbabawalan syang pumaslang ng tao at abusuhin ang kapangyarihan nya. Pero alam nya na hindi titigil ang mga ito kung hindi nya patutulugin sila isa isa. 

 Itinaas ni Indang ang kanyang paa, handang ibagsak ito sa ulo ni Peter. Gustuhin man ni peter na iwasan ito, hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. "medyo masakit ito, tiisin mo na lang !" sambit ni Indang. 

 Ngunit bago pa maibagsak ang kanyang paa, biglang sinunggaban siya ni Romeo, na itinulak siya palayo gamit ang katawan. 

"Itigil mo yan! " Sigaw nito.

Hingal na hingal si Romeo, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon.

Nagulat si Indang, na parang hindi niya inaasahan ang paggalaw ni Romeo at malabanan ang kanyang spell.

 "Aba, hahaha, hindi ko inaasahan na kaya mong labanan ang paralyze spell ko," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng paghanga. 

"Tama nga, hindi ko dapat minamaliit ang isang heneral na katulad mo." 

 Piniplit ni Romeo na igalaw ang kanyang katawan, at napansin niya na nabalot siya ng isang mahika , sa sandaling iyon ay naisip nya na maaaring isa ito sa mga kakayahan ni Indang.

 "Paralyze? Iyon kaya ang abilidad nya? " Bulong ni Romeo sa isip.

Nakangiti habang naka pamewang lang si indang sa harap ni romeo, ang kanyang katawan ay nabalot pa rin ng napakalakas na enerhiya. 

"Wala akong balak na kalabanin ka," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad. "Gusto ko lang ipaalala na hindi mo dapat hayaang malason ng mga rebelde ang isip mo." 

 Napabuntong-hininga si Indang, ang kanyang mukha ay puno ng pagkainip. "Wala akong pakialam kung nandito kayo para labanan ako o hindi," sagot niya. "Pero dahil sumuway ka sa babala ko na wag ng tatayo sa kinahihigaan mo kanina ay desidido na akong patayin ka."

Itinaas niya ang kanyang kamay, at alam ni Romeo na handa na itong umatake sa kanya Agad nagkumpolan ang mga balisong sa itaas ni Romeo, na bumuo ng isang dambuhalang pabo. Ngunit bago pa ito makumpleto, sumigaw si Indang, "Silence!" 

Kasabay ng pag-ilaw ng tatak sa kanyang mga mata, naglaho ang liwanag ng pabo, at ang daan-daang balisong ay bumagsak sa lupa, na parang mga patay na ibon.

 Nagulat si Romeo sa nangyari. "Anong klaseng kakayahan ang meron sya?" tanong niya sa isip.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Indang at agad na lumusob patungo sa kanya, gamit ang kanyang mga kamao at sipa. Sinubukan ni Romeo na makipagsabayan, at sa kabila ng kanyang pagod, nagawa niyang iwasan ang mga atake ni indang. 

"Nakakagalaw na ako ng maayos," sabi niya sa isip, habang sinusubukang salubungin ang mga galaw ni Indang.

" Hindi kaya may oras lang ang abilidad nya na iparalisa ang kanyang kalaban? " Bulong nya sa isip. Habang naglalaban, napansin ni Romeo na ang kakayahan ni Indang ay kayang paralisahin ang kanyang kalaban sa maikling panahon. Gayunpaman, humanga siya sa husay ng dalaga—ang kanyang mga galaw ay parang isang bihasang mandirigma, na kayang iwasan ang bawat suntok at sipa niya na parang naglalaro lamang.

"Mahusay ka heneral, pero napakaluma ng istilo mo ng pakikipaglaban. "

Unti unting natatamaan na si romeo ng mga atake ni indang at hindi na nya ito masalag o masabayan. Hanggang sa isang malakas na sipa ang tumama kay Romeo, na nagpalipad sa kanya at ng patama sa isang sasakyan. 

" Kagaya ng inaasahan ko, malakas nga sya. " Sambit ni romeo at agad syang tumayo at tumalon para lumusob dahil alam nyang hindi sya pwedeng basta dumepensa. 

Muling iniangat ni indang ang kamay nya. "Slow!" sambit ni Indang. Sa isang iglap biglang naramdaman ni Romeo na bumabagal ang kanyang katawan, na parang hinila ng isang hindi nakikitang puwersa. 

Hindi niya maigalaw nang maayos ang kanyang mga braso at paa, at nakita niya ang papalapit na suntok ni Indang at dahil sa kabagalan ng kanyang katawan, hindi niya ito nasalag, at ang suntok ay tumama nang direkta sa kanyang mukha, na nagpatumba sa kanya sa lupa.

Puno naman mg pagkadismaya si indang. " Ang hirap nito, gusto kita patulugin pero hindi ko pwedeng lakasan ang suntok ko dahil baka mamatay ka. "

 Habang nakahiga, hindi makapaniwala si Romeo.

" Higit pa ito sa inaasahan ko, alam ko na kailangan kong ilagan ito pero bakit hindi ko ginawa? " Bulong ni romeo sa isip. 

 Naramdaman niya ang kanyang katawan na bumalik sakanyang kontrol ngunit ang takot ay nanatili sa kanyang puso. "May kakayahan din siyang pabagalin ang galaw ng kalaban," bulong niya sa isip. Sinubukan niyang tumayo, ngunit kasabay ng pag taas ng kamay ni indang ay biglang naramdaman ni romeo ang isang malakas na puwersa.

"Gravity. Fear. Weak," sambit ni Indang. Isang mabigat na puwersa ang humila sa katawan ni Romeo pababa sa lupa, at nang tinitigan niya si Indang, naramdaman niya ang matinding takot na nagpatindig sa kanyang balahibo. 

" Anong nangyayari? "

Nalilito ang isip nya at walang ibang naririnig kundi ang napakabilis na tibok ng kanyang puso.

Ang kanyang mga tuhod ay nanginginig, at ang kanyang mga braso ay nanghihina, na parang nawalan siya ng lakas. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot," bulong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigla. 

"Hindi ko kayang labanan ang katulad niya." 

 Lumapit si Indang sa kanya, hawak ang isang balisong na hinablot niya mula sa kamay ni Romeo. "Ano kaya ang pakiramdam kung ang sarili mong sandata ang papatay sa'yo?" tanong niya, habang idinikit ang talim sa leeg ni Romeo. 

Sa kabila ng panganib, walang naging aksyon si Romeo—ang kanyang katawan ay parang nagyelo sa takot at mahika. "Nagtataka ka ba kung bakit hindi ka makagalaw, Heneral?" tanong ni Indang, habang hinawakan ang ulo ni Romeo at sinabunutan siya.

 "Ang kakayahan ko ay magbigay ng mga buff at debuff sa mga tao sa loob ng sampung segundo hanggang isang minuto, depende sa gusto ko. Dahil mas malakas ang enerhiya ko kaysa sa'yo, wala kang laban sa akin."

" Isa akong bihasang mandirigma, sinanay sa malupit na paraan, kaya bale-wala sa akin ang mga katulad mo."

 Alam ni Romeo na wala siyang magagawa sa kanyang kalagayan, lalo na't malaki ang nabawas sa kanyang enerhiya mula sa laban kay Martin.

 Ngunit bago pa siya tuluyang mapatay, biglang sumigaw si Apyong mula sa malayo. "Indang, hindi mo siya pwedeng paslangin!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.

 "Kung gusto mong mamuhay nang payapa sa Cavite, hindi mo pwedeng kalabanin ang gobyerno kahit gaano mo pa ito kinasusuklaman!" 

 Napabuntong-hininga si Indang, at ibinaba ang balisong. Tinitigan niya si Apyong, ang kanyang mga mata ay puno ng paggalang ngunit may bahid ng pagkainip. "Malaki ang respeto ko sa mga matatanda, tandang Apyong," sabi niya. "Mabait ako sayo dahil sa ilang pabor na nagawa mo para saakin pero kung maki-alam ka, wala akong magagawa kundi idamay ka."

"Nangako ka na hindi mang gugulo, itigil mo na ito. " Sambit ni apyong.

"Nah, kayo ang nanggugulo sa bayan na ito kaya bakit parang kasalanan ko pa ang mga nangyayari ngayon? " Tanong ni indang. 

 Hindi natinag si Apyong, ang kanyang wheelchair ay lumulutang sa ere para lumapit sa kinroroonan ni indang. "Hindi mo kami kalaban, Indang," sagot niya. "Nandito lang kami upang pigilan ang mga rebelde na nagbabalak manggulo sa Kawit." 

 Tinitigan ni Indang ang paligid, at binitiwan si Romeo. Humarap siya kay Martin, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. "Teka, totoo ba na binabalak ninyong manggulo sa bayan?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagdududa.

 Sumagot naman si Martin sa tanong nito, ang kanyang tono ay puno ng kumpiyansa. "Wala kaming intensyong masama sa mga Pilipino rito sa kawit," sabi niya.

 "Ang gusto lang namin ay wasakin ang city hall—ang pugad ng katiwalian at mga makasalanang Kastila. Naririnig namin ang bawat sigaw ng mga Pilipino sa bayan mo, at nais naming iligtas sila." 

 Ngunit bago pa makatapos si Martin sa pagsasalita, isang balisong ang biglang tumarak sa kanyang noo, ang balisong na ito ay ibinato ni Indang. 

Kahit bale-wala ito sa pekeng katawan ni Martin, hindi niya ikinatuwa ang ginawa ng dalaga. "Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?" sigaw niya, galit na galit.

 "Nandito kami para tulungan kang palayain ang Kawit!"

 Nagpakawala naman si Indang ng matinding aura, na nagdulot ng takot sa lahat ng naroon. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nagniningning, habang itinataas ang kanyang kamay. "Weak. Paralyze. Sleep," sambit niya. 

 Isa-isang nagbagsakan ang mga rebelde at sundalo sa paligid, maging sina Von at Jana ay napaluhod, pinipilit na hindi bumagsak.

 "Anong nangyari? Bakit inaantok ako?" bulong ni Jana, habang ang kanyang mga galamay ay nanghihina.

 Subalit hindi naman tinatablan si Martin ng mahika ni Indang. " Nagawa nyang mabalot ng spell ang napakaraming tao. " Bulong ni martin. 

"Napakalakas ng loob mong pumasok sa teritoryo ko," sabi ni Indang habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik. 

Lumakad siya patungo kay Martin, ang kanyang presensya ay napakalakas, na parang pinapaalam sa lahat ang kanyang kapangyarihan. 

"Wala akong pakialam sa kung anong katwiran ang pinaniniwalaan mo. Huwag na huwag mong pakikialaman ang Kawit!"

 Naramdaman ni Martin ang takot sa unang pagkakataon, ang kanyang lalamunan ay parang natuyo. Pakiramdam nya ay isang nakakatakot na halimaw ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan. 

Nakaramdam sya ng pag aalinlngan at hindi niya sigurado kung kaya niyang labanan ito. "Kung gayon, walang problema," sabi niya, ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig. 

"Hindi na namin itutuloy ang pag-atake sa kawit kung iyan ang gusto mo. Pero ang mahalaga ngayon ay ang sagot mo—sasama ka ba sa Katipunan para palayain ang bansang ito?"

 Agad sumabat si Romeo para pigilan ito. ang kanyang boses ay puno ng desperasyon. "Hindi ka maaaring sumama sa kanya, Indang! Hindi matutuwa si Laguna kung sasali ka sa mga rebelde!" 

 Napatigil si Indang mg marinig ito at tinitigan si Romeo. "Teka, kilala mo si Master laguna?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.

 "Oo, kaibigan ko si Laguna," sagot ni Romeo. "Sinabi niya saakin na nag-aalala siya sa kalagayan mo at sa mga maaari mong gawin. Alam mong hindi nya magugustuhan kung sasama ka sa mga rebelde. "

 Napailing si Indang, ang kanyang mukha ay puno ng hinanakit. "Pinalayas niya ako, at ngayon sinasabi mo na nag-aalala siya sa akin?" sabi niya. "Wala na akong pakialam sa mga sasabihin niya, lalo na't hindi man lang niya ako pinuntahan , halata naman na wala talaga siyang pakialam sa akin!"

 Ipinaliwanag ni Indang na mula nang umalis siya sa poder ni Laguna, namuhay na siya nang mag-isa, at malaya na siyang magdesisyon sa ano amg tatahakin nyang landas. 

"Kung sasali man ako sa mga rebelde, wala nang magagawa si master Laguna," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pait. 

 Natuwa si Martin sa narinig mula kay "Magaling!" sabi niya, habang lumalapit kay Indang. "Tama ang desisyon mo. Ipapakita natin sa mga Kastila ang kaya nating gawin bilang mga Pilipino!"

 Tinangkang hawakan ni Martin ang balikat ni Indang, ngunit agad nitong sinampal ang kamay nito. 

"Pwede ba, huwag mo akong hahawakan!" sambit ni Indang, ang kanyang mga mata ay nanlilisik. 

Ipinaliwanag niya na hindi siya kontra sa pagpapalaya ng Pilipinas, at matagal na niyang gustong mangyari iyon.

"Nagsanay ako para mapangalagaan ko ang sarili ko laban sa kanila, pero nadismaya ako nang pagalitan ako ni Master at balaan akong huwag kalabanin ang gobyerno. Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko na nasayang ang lahat ng pinagpaguran ko!"

 Sumabat si Martin, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. "Huwag kang mag-alala, Indang. Matutupad ang pangarap mong kalayaan kung sasama ka sa Katipunan!".

 Napaisip si Indang, ang kanyang kamay ay nasa baba habang nag-iisip. "Hindi masamang ideya ang sumali sa Katipunan," sabi niya. "Maaari ko itong gamitin para maisagawa ang mga gusto ko. Pero may isang kondisyon ako ." 

. "Kondisyon?" tanong ni Martin, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka.

 "Sabihin mo, anong gusto mo?" tanong ni martin sa dalaga. 

"Gusto kong maging pinuno ng Katipunan," sagot ni Indang, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.

 Nagulat si Martin, at ilang sandaling bumalot sa paligid ang katahimikan. "Pinuno ng Katipunan?" tanong niya, hindi makapaniwala. "teka, sinasabi mo bang gusto mong maging isa sa mga opisyal ng Katipunan?"

 "Mali, hindi lang basta opisyal," sagot ni Indang. "Gusto ko na ako ang maging Supremo. Kung gagawin mo akong pinuno, sasama ako sa Katipunan." pamagbirong sambit ni Indang

 Sandaling nanahimik si Martin, at ilang saglit pa, tumawa siya nang malakas. "Hahaha, napakabilis mo talagang mag-isip!" sabi niya. "Pinapabilib mo ako sa tapang mo, pero hindi makatwiran na basta ka na lang maging pinuno. Alam mo naman siguro ang sinasabi ko."

Napabuntong-hininga si Indang, bakas ang pagkadismaya. "Kung hindi mo ibibigay ang posisyon ng Supremo, wala na tayong dapat pag-usapan," sabi niya.

 "Mahirap para sa akin na sumunod sa isang pinuno, lalo na't mas malakas ako kaysa sa'yo ng maraming beses."

 Hindi nagustuhan ni Martin ang sinabi ni Indang, at bakasa sa kanyang mukha ang hindi oag sang ayon. "Kahit makapangyarihan ka, Indang, mas malakas ako kaysa sa'yo, at karapat-dapat akong maging pinuno ng Katipunan," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng galit.

" Hahahahaha, yun ba talaga ang tingin mo? Hahaha. " Natawa si Indang, na lalong nagpagalit kay Martin. "Pasensya na sa pagtawa ko, " sabi niya, ngunit ang kanyang tono ay puno ng pangungutya. 

"Pero sa buong Pilipinas, tatlong tao lang ang nakikita kong kayang talunin ako: ang Master ko, ang Hari ng Mindanao, at ang baliw na mangkukulam ng Capiz."

 Naglakad palayo si Indang, habang ipinapaliwanag na napag-aralan niya ang iba't ibang paraan ng pakikipaglaban mula sa iba't ibang bansa. "Bale-wala sa akin ang labanan ang mga basagulero tulad ninyo," sabi niya. "Kung gugustuhin ko, kaya kong talunin ang buong Katipunan sa loob ng kalahating oras. 

Natatawa ako sa ideyang maglilingkod ako sa mas mahihina sa akin , nakikita mo ba ang sarili mo? Hindi mo nga kayang palabasin ang ikalawang antas ng sugo state. " 

 "Napakahambog mo rin pala! Bata. " sigaw ni Martin, galit na galit. 

 Biglang nakaisip si Indang ng ideya. "Teka, ganito na lang," sabi niya, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa kasabikan.

 "Bakit hindi tayo maglaban para patunayan kung sino sa atin ang mas malakas? Kung matalo mo ako, susunod ako sa lahat ng iuutos mo. Pabor ito sainyo dahil kaya kong patayin ang viceroy na pinakamalakas na kalaban nyo. Pero kung ako naman ang manalo, huwag na huwag kang magpapakita sa Kawit, at huwag mo na akong kakausapin pa!" 

 Nakangiti si Indang, habang nagpapatunog ng kanyang mga kamao. "Magandang kasunduan, di ba?" Nagpakawala si Martin ng napakalakas na aura, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. "Hindi ko tatanggihan ang hamon mo!" sigaw niya. 

"Pagsisisihan mo ang pangmamaliit sa akin, Indang!" Halos madurog ang kalsada sa bawat hakbang ni Martin habang bumuwelo siya para umatake.

 Lumusob siya patungo kay Indang, ang kanyang kamao ay gigil na nakaamba. Ngunit imbis na umiwas, sinalubong ni Indang ang suntok, ang kanyang kamao ay nabalot ng nagniningning na enerhiya. 

Ang pagsalpok ng kanilang mga kamao ay nagdulot ng malakas na pagsabog, na nagpapatalsik sa mga labi sa paligid. 

 "Yahh!" sigaw ni Indang, habang nakipagsabayan kay Martin. 

Ang bawat suntok at sipa ni Martin ay sinalubong niya nang walang takot, kahit na halos siyam na talampakan ang taas ng kalaban nya. 

Ang kanyang mga galaw ay mabilis at walang mintis na parang isang bihasang mandirigma na sanay sa labanan. Alam ni Martin na gumagamit si Indang ng enerhiya upang palakasin ang kanyang mga atake, kaya umaasa siyang mauubusan ito ng enerhiya.

" Malakas talaga sya pero alam kong lamang ako dahil kapag tumagal ang laban na ito ay mauubusan na sya ng enerhiya. " Bulong ni martin sa isip. 

Ngunit habang tumatagal ang laban, napansin niya na tila hindi nababawasan ang enerhiya ng dalaga—kalmado itong nakikipagsabayan, napakabilis parin nito at nakangiti lang na parang nag-eenjoy sa labanan. 

" Naiinis ako sa kanya pero walang duda na pambihira talaga sya kung lumaban. "

Tumalon si Indang patungo kay Martin, at dahil nasa ere ito, nakakita si Martin ang pagkakataon na umatake. Naglabas siya ng enerhiya, na nagbuo ng isang malaking sibat. "Katapusan mo na, indang! "

Binalak niyang ihagis ito kay Indang, ngunit agad iniharang ng dalaga ang kanyang kamay. "Silence!" sigaw niya. Nagulat si Martin nang biglang malusaw ang kanyang sibat. Sa sobrang gulat, hindi niya na nasalag ang sipa ni Indang, na tumama nang direkta sa kanyang ulo. Halos mawasak ang kanyang ulo, at unti unting siyang naglalakad paatras.

Hindi na sinayang ni Indang ang pagkakataon—mabilis siyang umatake, at sinipa si Martin sa dibdib, na nagpatumba sa kanya sa lupa. 

 Pagkatapos bumagsak sa lupa, tumalon palayo si Indang, nagpagpag ng dumi sa kanyang kasuotan. "Hindi mo kailangang magpigil sa laban natin," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pangungutya. "Kung iyan lang ang ipapakita mo, mabuti pa, tigilan na natin ito."

 Unti-unting bumangon si Martin, ang kanyang katawan ay gumagaling mula sa mga pinsala. Imbis na matakot, natuwa si Indang. "Aba, bihira ang kayang pagalingin ang sarili nang ganoon kabilis," sabi niya, namamangha. 

"Tiyak na maraming enerhiya ang ginagamit mo diyan." Tumawa si Martin, muling nagmalaki. "Ang katawan ko ay isang imortal na sandata," sabi niya. "Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapatay!"

 Napangiti si Indang, na parang naaaliw. "Oh, imortal ka pala? Napakainteresante," sabi niya. 

Naglabas si Martin ng itim na aura at patuloy na nabalot ng itim na kuryente. "Ang katawan ko ay perpektong kombinasyon ng lakas at bilis—isang tunay na katawan ng mandirigma!" sabi niya, binalaan si Indang na huwag itong magmalaki at matapang na sinabi na kahit si Laguna ay walang laban sa kanya. 

 Imbis na matakot, humikab si Indang sa gitna ng mga pananakot ni Martin. 

"Ang dami mo masyadong sinasabi, huwag mo nang patagalin ang usapan," sabi niya. "Kailangan ko pang matulog nang maaga." 

 Nainsulto si Martin sa kanyang sinabi. "Anong sabi mo?" sigaw niya. 

 Itinaas ni Indang ang kanyang kamay, at walang takot na ibinunyag ang kanyang kapangyarihan bilang partida. "Ang kakayahan na binigay saakin ng diwata ng Kawit ay magbigay ng buff at debuff sa mga tao sa paligid ko," sabi niya. "Epektibo ito sa labanan, pero tatlong beses ko lang magagamit ito sa isang tao at kailangan ko ng tatlong minuto para muling i cast ang spell sa parehong tao. "

"Pero kahit na may kahinaan ito, hindi mo pa rin ako matatalo. Sampung porsyento pa lang ng enerhiya ko ang ginagamit ko, at kung hindi mo ikakasama ng loob, gusto kong ipakita sa'yo ang kalahati ng lakas ko."

 Tumawa si Martin, minamaliit ang sinabi ni Indang. "Ipakita mo kung ano ang kaya mong gawin dahil bale wala iyan sa taglay kong kapangyarihan!" sigaw niya, buo ang tiwala sa kanyang imortal na katawan. 

 Ngumiti si Indang, at naglabas ng napakalakas na aura. Nagliwanag ang kanyang mga mata, at nabalot ng nag-aalab na enerhiya ang kanyang katawan. "Sa mga bansang Kanluranin, ang sugo state ay may tatlong antas. " sabi niya. "At ipapakita ko sa'yo ang ikalawang antas." Nabalot ng liwanag ang kanyang katawan, at lumitaw ang mga nagliliwanag na tattoo sa kanyang balat—mga bulaklak na parang buhay na nagliliwanag.

" Ito ang sprit bound. " 

Magkaroon sya ng nagliliwanag na tela sa kanyang kasuotan. 

"Sobrang lakas ng presensya nya"

Nagulat ang lahat sa nasasaksihan, maging si romeo ay naramdaman ang pamilyar na enerhiya. "Tama, naramdaman ko na ito noon," bulong niya.

"Nang makita ko ang aking diwata sa panaginip." 

 Hindi makapagsalita si Martin, namamangha sa nakita. Alam niya na hindi ito pangkaraniwan, at lalong naging determinado siyang makuha si Indang para sa Katipunan.

 Tinitigan siya ni Indang, at ngumiti. "Interesado akong malaman kung totoong imortal ka," sabi niya, habang bumuwelo para umatake. "Speed up," bulong ni Indang. 

 Sa isang kisap-mata, napunta siya sa harap ni Martin, ang kanyang kamao ay agad na nakaamba. 

"Hindi, napakabilis niya!" sambit ni Martin sa isip. 

 "Power up," bulong muli ni Indang. Sa isang suntok sa hangin ang pinakawalan ni Indang, at ang puwersa nito ay halos bumura sa katawan ni Martin. Kumalat ang pwersa aa paligid ay ang pagsabog ay nagpatalsik sa mga bagay sa paligid,

 

Nadurog amg mismong kalsada dahil sa pwersa. Hindi makapaniwala ang mga nakasakai at nagulat sa lakas ng pag atake ni indang. 

"Imposible, tinamaan mya si Martin ng ganun kadali? "

Nang humupa ang usok, nakita nila na makatayo parin ang kalahati ng katawan ni Martin, ngunit ilang saglit pa ay nabalot ito ng itim na enerhiya. 

Unti-unti itong nagbubuo muli, na parang luwad na hinuhulma. "Aba, kaya mo ngang mabuo ulit," sabi ni Indang, na parang naaaliw. Hinintay nito na mabuo ang katawan ni Martin habang naka ngisi dito puno ng pagmamalaki. 

 "Bwisit kang babae ka! Hindi ko ito..." sigaw ni Martin, ngunit bago pa siya makatapos sa pagsasalita , muling sumuntok si Indang, winasak ang kanyang katawan sa pangalawang pagkakataon.

Limang beses pang nang paulit ulit ito, sa bawat pag sisikap ni martin na mabuo ang katawan nya ay sunod sunod na winasak ni indang ang katawan ni Martin, ang bawat pagtama ng suntok ay gumagawa ng malakas na pagsabog na tila mga bomba, hanggang sa tuluyang hindi na gumaling ang katawan ni martin at nakahiga na lamang sa lupa.

 "Teka, nag-uumpisa pa lang akong mag-enjoy!" sabi ni Indang, ang kanyang boses ay puno ng pang-aasar. "Bilisan mo na ang pagpapagaling sa katawan mo. "

 Hindi makapaniwala si Romeo sa nakikita, nagagawa ni indang na matalo ang kalaban na kahit sya ay hindi nya kayang mahuli. Naalala niya bigla ang sinabi ni Laguna na balang araw, si Indang ang magiging isa sa pinakamalakas na sugo sa Pilipinas. 

"Tunay ngang napakalakas niya," bulong niya, habang pinagmamasdan ang mga tattoo sa katawan ni Indang.

Napa isip sya na hindi talaga biro ang taglay ng mga sugo na nakaabot na sa ikalawang antas mg sugo state. Ito amg dahilan kung bakit hindi itinuturo ng espanya sa mga pilipino na isang sugo ng diwatang kagaya kung paano ito makakamit. 

Biglang naramdaman ni Romeo ang presensya ni Martin mula sa itaas ng Ursarion. Mula sa katawan ng halimaw, unti-unting nabuo ang bagong katawan ni Martin.

 "Paano ka naman napunta diyan?" sambit ni Indang, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka. " Oh.. Hindi, mukhang sa simula palang isang pekeng katawan na ang kaharap ko. " 

 "Bwisit kang babae ka!" sigaw ni Martin habang galit na galit. "Pagbabayaran mo ito!" 

 Sumabat naman bigla si Romeo, binunyag nito ang sikreto ng Ursarion. "Ang kinakalaban mo ay isa lamang sa mga sandata niya," sabi niya. "Ang totoong katawan ni Martin ay nasa loob ng halimaw na iyan." 

ipinaliwanag ni Romeo kay indang na ang ursarion ay pinanggagalingan ng kanyang enerhiya na ginagamit upang magkaroon ng napakaraming enerhiya at para makontrol ang pekeng katawan nya na nilalabanan nila.

 "Oh, kaya pala napakarami niyang enerhiya kahit nasa awakening stage lang ang kaya nya," sagot ni Indang, na parang naaaliw. "Kung wawasakin ko ang nakakadiring halimaw na iyan, mawawalan siya ng power source, tama?" 

 Agad siyang pinigilan ni Romeo. "Hindi mo pwedeng wasakin ang Ursarion!" sigaw niya. "Naglalaman ito ng libu-libong tao, at kung wawasakin mo ito, mamamatay sila!"

 Tumawa si Martin, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki. "May tatlong libong tao ang nasa loob ng Ursarion, na nagbibigay sa akin ng enerhiya!" sabi niya. "Kung gusto ninyong talunin ako, kailangang wasakin ninyo ang Ursarion—kasama ang mga tao sa loob nito!"

 Napasuntok sa lapag si romeo sa sobrang pagkamuhi. "Napakasama mo talaga, Martin!" sigaw ni Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit. 

 Napabuntong-hininga si Indang at sandaling nanahimik. "Wala akong nakikitang problema kung mawasak ang Ursarion," sabi niya, ang kanyang tono ay walang bahid ng emosyon. "Hindi ko kasalanan kung mamamatay ang mga tao sa loob nito. Mga biktima sila ni Martin, at wala akong kinalaman diyan."

Naglabas ng nakakakilabit na awra si indang, ang kanyang enerhiya ay naiipon aa kanyang braso n til handa ng atakehin ang halimaw n Ursarion. 

Pinilit ni romeo na kumilos at sinigawan si indang para pigilan. " Hindi mo pwedeng idamay ang mga inosenteng tao. "

" Tumahimik ka, kapag hindi ko sya pinatay ay ako ang papatayin nya."

Umilaw ang lupa sa ilalim ni Indang, at nabuo ang isang markang bulaklak. Itinaas niya ang kanyang mga kamay habang ang kanyang mga mata ay nagliliwanag.

"Stone curse," sambit niya.

Ilang saglit pa ay unti-unting nagiging bato ang mga mata ng Ursarion, at ang sumpa ay unti unting kumalat sa buong katawan nito. 

Habang nagaganap iyon ay halos hindi makapaniwala si Martin sa nangyayari sa kanyang halimaw. "Imposible! Umeepekto ang sumpa sa Ursarion ko!" sambit niya.

Nakita nya ang mata ni indang at nahulaan na ito ang nagbibigay ng sumpa sa kanyang ursarion, alam nya na hangat nakikita ni indang ang ursarion ay patuloy na kakalat ang sumpa.

Alam rin ni Martin na hindi niya maaaring hayaang maging bato ang Ursarion dahil naroon ang tunay na katawan nya, kaya naglabas siya ng mga portal, inutusan nyang tumakas ang mga rebeldeng tauhan nya.

Ang ilan dito ay pinipilit na makapasok sa portal kahit na nanghihina. Subalit nakikita niya rin na marami sa kanyang mga kasama ay natutulog pa rin sa kalsada, at dahil sa sitwasyon nya ay wala siyang kakayahang iligtas sila. 

"Bwisit ka, Indang!" sigaw niya. "Hindi ko ito makakalimutan!" Isang malaking portal ang lumitaw, at unti-unting pumasok ang Ursarion dito upang tumakas.

 Lalong nainsulto si Martin nang makita niyang nakangiting kumakaway si Indang, na parang inaasar siya. "Paalam!" sigaw ni Indang. "Sana malinaw sa'yo ang kasunduan natin—huwag ka nang magpapakita sa Kawit! Sa oras na lumabag ka, sisiguruhin kong mamamatay ka!"

"Pagbabayaran mo ito, isinusumpa ko, magbabayad ka! " 

 Galit na galit si Martin, isinusumpa ang dalaga habang tumatakas siya sa portal. Naramdaman niya ang labis na kahihiyan sa kanyang pagkatalo sa kamay ng sugo ng Kawit—ang Wild Daisy, si Indang. 

 End of chapter.

More Chapters