Kabanata 58: Ang Muling Paghaharap.
Ang madilim na highway ng Cavite ay nabalot ng makapal na tensyon, na parang tinakda ng gabi mismo ang pagsiklab ng labanan. Sa gitna ng kaguluhan, muling nagtagpo sina Romeo at Martin, pagkatapos ng ilang buwang pagtatago ng pinuno ng katipunan sa heneral.
Ang huling pakikipaglaban nila ay naganap sa Maynila, kung saan natalo si Martin sa pagtatangkang pasukin ang isang hotel, dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Ang pagkatalong iyon, na dulot ng isang babaeng sugo, ay parang isang sugat sa kanyang pagkatao na hindi niya malilimutan. Isinumpa niya sa sarili na hindi na muling mangyayari iyon, at ngayon, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa galit at determinasyon. .
Determinado habang nakatayo si Martin, ang kanyang katawan ay nabalot ng itim na enerhiya na parang isang madilim na ulap. Habang Ang Ursarion, ang kanyang nakakakilabot na sandata laban sa mga kastila ay nakalutang sa itaas niya.
Makikita sa halimaw ang mga ulo ng mga batang Kastila na nakalabas parin sa balat ng halimaw habang sumisigaw sa takot, isang tanawing nagpapakulo sa dugo ni Romeo.
Habang nagmamasid sa paligid, napansin ni Martin ang isang bagay—ang babaeng naging dahilan ng kanyang pagkatalo noon ay wala sa paligid at hindi kasama ng heneral.
" Hindi ko yata makita ngayon ang babaeng sugo na sumira sa mga plano namin. Hindi nyo ba sya kasama ngayon, heneral? " tanong ni Martin, ang kanyang boses ay puno ng panunuya ngunit may bahid ng kuryosidad.
"Gusto ko sanang pasalamatan siya. Dahil sa kanya, agad kong nakita ang kahinaan ko na maaaring maging sanhi ng pagkatalo ko sa oras na ilunsad ko na ang isang digmaan laban sa espanya. "
"Nais ko siyang gantimpalaan—sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanya mula sa buhay bilang tuta ng Espanya, gamit ang kamatayan!" nakangiting sambit ni Martin na tila isang demonyo.
Dahil sa narinig ay biglang nanlisik ang mga mata ni Romeo, ang kanyang titig ay matalim na tila handang pumatay.
"Hindi mo na kailangang malaman kung nasaan siya," sagot niya, ang boses ay seryoso at puno ng determinasyon. "Sapat na ako para matalo ka sa laban na ito, Martin."
Tumawa si Martin, ang kanyang tawa ay umalingawngaw sa madilim na gabi. "Pinupuri ko ang tapang mo, munting heneral," sabi niya, ang tono ay puno ng pangungutya. "Pero linawin ko lang sa yo—wala akong intensyon na matalo. Hangga't hindi ko naitatatag ang bagong Pilipinas, hindi ako titigil sa rebelyong ito!"
Hindi naman nagpatinag si Romeo, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok kay Martin. "Walang saysay ang ginagawa mo, Martin," sagot niya, ang boses ay kalmado ngunit may diin. "Hindi ka magtatagumpay laban sa gobyerno ng Espanya. "
" Hindi mo rin alam kung paano magpatakbo ng isang bansa. Kung sakali mang magtagumpay ang kabaliwan mo, mas lalo lang maghihirap ang Pilipinas pagkatapos ng digmaan. Mawawala ang suporta ng Espanya, at alam mo ba kung ano ang mangyayari sa mga tao?"
Hindi binigyan halaga ni Martin ang mga nasabi ni romeo, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa. "Hindi ako naniniwala na mawawalan ng halaga ang lahat ng ginagawa ng katipunan," sagot niya.
"Sa oras na mapalaya ang bansa, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na tumuklas ng mga bagong bagay at paunlarin ang sariling bayan. Ang kalayaan ang magbibigay-daan sa tunay na pag-unlad!"
Napailing si Romeo na tila hindi makapaniwala sa sinasabi ni Martin. " Hindi ako makapaniwala na binabale-wala mo lang ang posibilidad na maghirap ang bansa? Magugutom ang mga tao na magiging dahilan para tumaas ang krimen sa bawat kalye sa bansa?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkadismaya.
" Oo, mga gahaman ang mga Kastila, pero matatalino sila. Nagagawa nilang patakbuhin ang bansa. Sa oras na mawala sila, paano mo mapupunan ang puwang na iiwan nila? Handa ka bang maghanap ng limang libong matatalinong tao na may propesyon para pamunuan ang bawat bayan, gayong ang alam lang ng karamihan sa mga Pilipino ay magtrabaho sa kompanya at pabrika?"
Napapikit si Martin, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng saglit na pag-aalinlangan. Pinag-isipan niya ang sinabi ni Romeo, ngunit agad siyang sumagot.
"Hindi ko kailangang alalahanin iyan ngayon," sambit nya.
"Naging mangmang ang mga Pilipino dahil inalisan sila ng karapatan sa edukasyon. Kung mapapalaya natin ang bansa, makakapag-aral na ang iba. Sa loob ng limang taon, magkakaroon na tayo ng mga propesyunal na kayang pamunuan ang bansa!"
"Kalokohan!" sigaw ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Sa loob ng limang taon, hahayaan mong maghirap ang bansa! Tiyak na mamamatay ang mga tao sa gutom! Hindi lahat kayang mabuhay sa binabalak mong bagong Pilipinas. "
"Kapag nawala ang mga negosyanteng Kastila, mawawalan nang trabaho ang maraming tao sa probinsya. Tiyak na magtutungo ang mga tao sa Maynila at magsisiksikan sa lungsod, pagmumulan iyon ng maraming problema at magkakaroon ng malaking kaguluhan." Dadag ni romeo.
"Sa binabalak mo ngayon martin, ikaw mismo ang magdadala sa Pilipinas sa pagbagsak nito!"
Hindi pa tapos magsalita si Romeo nang putulin siya ni Martin. "Hindi malaking sakripisyo ang limang taong kahirapan!" sigaw ni Martin, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy. "Ang Pilipinas ngayon ay pag-aari ng mga Kastila. Kailangan kong pabagsakin ang bansang ito bago muling itayo. At kasama sa proseso ng pagtatayo ay ang pagsisimula mula sa wala!"
Ipinilit nya na kailangan magsakripisyo ng lahat at gampanan ang kanilang mga papel. Alam nya na maraming mamamatay pero kailangan nila itong tanggapin dahil ito lang ang tanging paraan. Ipinilit nya na Ginagawa nila ito para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng lahing Pilipino.
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mukha ay puno ng pagkadismaya. "Dahil sa sinabi mo ay nalaman ko na wala kang konkretong plano tungkol sa pagpapatakbo ng bansa, Martin," sabi ni martin habang ang boses ay mabigat.
"Pinatunayan mo lang sa akin na dapat kitang pigilan hanggang sa huli. Wala na akong inaasahang magandang bagay mula sa isang terorista." nakapikit sa sambit ni Romeo.
Habang nagsasalita, naglabas si Romeo ng napakalakas na aura, at bumalot sa paligid ang makapangyarihang presensya. Ang kanyang mga balisong ay nagsimulang umikot sa kanyang paligid, na parang isang bagyo ng mga talim, naka handa itong salakayin si Martin ano mang oras.
Biglang tumalon si Peter sa tabi ni Romeo, ang kanyang mukha ay puno ng determinasyon. "Heneral, nakapuwesto na si Abby," ulat niya. "Nagawa ng mga tauhan natin na harangan ang buong highway para wala nang sibilyang makadaan at mapahamak."
Tumingin si Heneral Apyong kay Romeo, ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kumpiyansa. "Kung pagtutulungan natin si Martin, madali itong matatapos," sabi niya, ngunit agad siyang kinontra ni Romeo.
"Hindi masyadong epektibo ang kapangyarihan mo laban sa mga agresibong fighter tulad ni Martin," sagot ni Romeo, ang tono ay seryoso.
"Ako na muna ang bahala sa kanya. Harapin niyo na lang ang mga kasama niya."
Tinitigan ni Apyong si Jana, ang sugo ng Tanauan, at biglang may naalala. "Romeo, ang batang babaeng iyan," sabi niya, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Kilalang vigilante siya sa Cavite. Hindi siya kailanman sumali sa mga rebelde noon nakakapagtaka na sumama sya sa Katipunan. Nakakalungkot lang dahil hindi siya masamang tao."
"Ganun ba? Sige, ikaw na ang bahala sa kanya," sagot ni Romeo. "Subukan mong makuha siya, para mailayo sa mga rebelde."
Tumingin si Romeo kay Peter, ang kanyang mga mata ay naghihintay ng sagot. "Kaya mo bang harapin ang lalaking nakasombrero? Base sa kanyang itsura mukha sya ang kilalang bigilanteng si red smoke ng maynila. " tanong niya.
Agad tumango si Peter, ang kanyang mukha ay puno ng tapang. " Walang problema, Heneral," sagot niya. Dahan-dahang naglakad palayo si Peter, itinuro nya ang lalaking nakasombrero na kasama ni Martin.
" Ikaw! bakit hindi tayo magpunta sa ibang lugar para mag laban, sa tingin ko mas ok kung lalayo tayo dito para hindi tayo maka abala sa laban ng heneral at ng pinuno nyo. " hamon niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. Tumingin si Martin sa kanyang kasamang lalaki, ang sugo ng Maynila na kilala bilang si red smoke. "Hindi ganoon kalakas ang tauhan ng mga heneral," sabi niya, ang tono ay mapang-uyam. "Ikaw na ang bahala sa kanya."
Ngumiti naman si red smoke, at sumunod kay Peter, handang harapin ang hamon. "Walang problema, ako ng bahala sa isang iyan. "
Tumingin si Martin kay Apyong, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng pag-aalala. "Malaki ang problema natin sa isa pang heneral na kasama nila, " sabi niya, ang tono ay may bahid ng takot.
"Malakas siya, kagaya ni heneral Romeo." Ngunit agad naman sumagot si Jana, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. "Ako na ang bahala kay Heneral Apyong," sabi niya. "Marami na kaming paghaharap noon, alam ko na kung paano siya labanan.".
Pumayag si Martin, at kasabay nun ay agad tumakbo si Jana palayo, handang harapin si Apyong. Nakita naman ni Apyong ang paglayo ni jana sa tabi ni martin, kaya't tinitigan niya si Romeo at nagpaalala.
"Mag-ingat ka, Romeo," sabi niya, bago lumutang ang kanyang wheelchair upang habulin si Jana at simulan ang laban.
Sa pag-alis ng kanyang mga kasama, muling naglabas si Martin ng itim na aura, nabalot ang paligid ng mabigat na presensyang naramdaman ng lahat ng nasa paligid nya.
Tumatawa ito habang tinatanong niya si Romeo, "Handa ka na ba, munting heneral?"
Hindi sumagot si Romeo sa tanong nito bilang pagpapakita na seryoso ito at hindi nakikipagbiruan. Sa isang iglap, nagpakawala siya ng napakaraming balisong, na parang ulan ng mga talim na lumusob patungo kay Martin.
Ngunit mabilis itong nailagan ni Martin, na parang walang kahirap-hirap. "Malaki ang inunlad ko simula nung una tayo maglaban, heneral l. " pagyayabang niya.
"Mas malakas na ako kaysa noong una tayong nagharap!"
Unti-unting nag-iba ang anyo ni Martin—ang kanyang balat ay naging itim na parang bakal, at lumalaki ang kanyang katawan, na parang isang higanteng halimaw.
Ngunit kahit na nagbago ito mula sa nakakatakot na halimae ay hindi nagpakita ng takot si Romeo. Seryoso siyang nakatitig, dahan-dahang naglakad habang hawak ang isang balisong sa kanyang kamay.
Halos madurog ang kongretong daan sa bawat hakbang ni Martin nang bumwelo siya at tumalon. Bumulusok ito palusob patungo kay Romeo, umamba ito habang ang kanyang kamao ay puno ng itim na enerhiya. " Tikman mo ito! "
Alam ni Romeo na hindi niya kayang sabayan si Martin sa mano manong labanan lalo na ang katawan nito ay parang hindi natitinag, at kahit tamaan niya ito, mabilis lang itong gagaling.
Alam nya na ang kailangan niya lang gawin ay manatling buhay at ubusin ang enerhiya ni Martin. Muling gumalaw ang higanteng pabo sa itaas ni Romeo, ang mga pakpak nito na gawa sa libu-libong balisong ay bumuo ng isang kalasag na nagprotekta sa kanya sa pag atake ng kalaban nya.
"Yahh!!"
Nang sumalpok ang kamao ni Martin sa panangga, isang napakalakas na pwersa ang naramdaman ng lahat, isang pwersa ang humampas sa kanila na halos magpaatras palayo kay Romeo. Napansin niya na unti-unting nadudurog ang mga balisong sa bawat suntok ni Martin.
" Asar, napakalakas nya."
Hindi tumigil si Martin sa ginagawa nyang pag atake, paulit-ulit niyang sinuntok ang pakpak ng pabo, na para bang determinado itong wasakin. Alam ni Romeo na hindi kakayanin ng kanyang pabo ang ganitong atake.
"Hindi na kakayanin ng panangga ko ang mga atake nya. "
Sa isang mabilis na galaw, muling bumwelo si Martin, at isang napakalakas na suntok ang tumama sa panangga at tuluyang nagoadurog sa kalasag na gawa sa mga balisong.
Hindi naman makapaniwala si Romeo nang masira ang kanyang panangga, higit pa ito sa kanyang inaasahan. "Paano?!" bulalas niya, ngunit alam nya na wala siyang oras para mag-isip.
Kasabay ng pagkadurog ng pakpak ng kanyang pabo, agad naman na lumusob si Martin patungo sa kanya, ang kamao nito ay ay handang durugin siya.
" Mahuhuli na kita, heneral! " Sigaw ni martin habang nakangiti na tila demonyo
"Kailangan kong gumawa ng paraan para malabanan sya. " Bulong sa isip ni romeo
Hindi nya kayang gumawa muli ng mtinay na panangga at kulang na rin sa oras para umiwas kaya naman walang nagawa si Romeo kundi sabayan ang atake ni martin.
Sa isang iglap, naglabas siya ng bagong hanay ng mga balisong, na bumuo ng isang malaking sibat at nuonh lakas na itinusok sa kamao ni Martin.
Nagsalpukan ang kanilang atake at gumawa ng pwersa, ang lupa sa paligid ay nanginginig sa bawat pagsabog ng enerhiya. Habang nagaganap ang pag taboy sa kanila ng pwersa ay agad na umikot nang mabilis sa paligid ang mga balisong na parang isang buhawi,
Sinusubuka ng mga ito na hiwa-hiwain ang katawan ni Martin. Subalit, ang bawat hiwa ng mga talim nito ay mabilis na naghilom at parang walang epekto.
"Hindi mo ako madadala sa ganyan!" sigaw ni Martin, habang ang kanyang itim na enerhiya ay bumuo ng isang malaking espada, na humiwa patungo kay Romeo.
Mabilis na umiwas si Romeo, ngunit ang lakas ng atake ay nagdulot ng malaking pagsabog, na nagpabagsak sa ilang puno at poste sa paligid.
Hindi naman basta magpatalo si Romeo. Ang kanyang mga balisong ay muling bumuo ng isang higanteng pabo, ngunit sa pagkakataong ito, mas malaki at mas maliwanag ito dahil sa asul ma enerhiya na bumabalot dito.
Lumutang muli ang daan daang balisong at ang mga talim nito ay umikot nang mas mabilis at lumusob patungo sa ursarion.
Alam ni Romeo na masyadong malaki ang halimaw na Ursarion para makaiwas ito sa isang pag atake. Gayumpaman kahit madali itong atakehin ay naroon parin ang mga ulo ng mga bata na sumisigaw dahil sa takot ngunit hindi nag alinlangan si Romeo sa kabila ng banta na matamaan ang mga ito.
Kahit na mahirap ay kinontrol niya ang kanyang atake at dumeretso sa mga bahagi ng Ursarion na walang mga ulo ng mga bata. Sinusubuka nyang sirain ang katawan ng halimaw sa pag asang mapalaya ang mga nakakulong sa loob nito.
Ang bawat hiwa ng mga balisong ay nagdulot ng malakas na sigaw mula kay Martin, na parang nararamdaman niya ang sakit na tinatamo ng kanyang Ursarion.
"Matalino ka talaga heneral pero hindi mo ako matatalo gamit lang yan! " sigaw niya, habang ang kanyang itim na enerhiya ay bumuo ng isang malaking bola ng enerhiya na itinapon niya kay Romeo.
Mabilis naman na bumuo si Romeo ng isang kalasag ng mga balisong para mapigilan ito. ngunit ang pagsabog nito ay nagdulot ng malaking pinsala sa paligid, na nagpabagsak sa ilang mga sundalo at rebeldeng malapit sa kanila.
Sa gitna ng labanan, ang mga mata ni Romeo ay nagliliyab sa determinasyon. Alam niya na kailangang ubusin niya ang enerhiya ni Martin, gusto nya sanang atakehin muli ang ursarion ngunit sa pagkakataon na iyon napansin nya na dumami ang mga nakalabas na ulo sa katawan ng Ursarion kaya naman nag aalinlangan na syang ulitin ang pag atake dahil sa takot na baka tamaan ang mga tao na ginagawang human shield ni Martin.
Nahihirapan man na mag desisyon ay alam nya na kinakailangan nyang kumilos, pinakawala niya ang lahat ng kanyang balisong, na bumuo ng isang malaking krus sa kalangitan, na nagbigay ng nakakasilaw na liwanag.
"Tapusin na natin ito, Martin!" sigaw niya, habang ang krus ay bumagsak patungo kay Martin.
Sa kabilang bahagi ng labanan, si Peter ay nakipaglaban kay Red Smoke Von, ang sugo ng Maynila. Ang pulang usok na inilabas ni Von ay parang isang makapal na ulap, na mabilis na bumalot sa paligid ni Peter.
Ang usok ay nagdulot ng pagkahilo sa isang normal na tao ngunit mabilis na naghanda si Peter, ang kanyang buhangin ay umikot na sa kanya at humarang sa usok.
"Hindi mo ako madadala sa ganyan!" sigaw ni Peter, habang ang kanyang buhangin ay bumuo ng isang malaking pader.
Subalit, gayunpaman bilang nag bago ng anyo ang pulang usok ni Von at naging isang higanteng golem.
ang katawan ng golem ay maskulado at may taas ito na higit sampung talampakan.
Nakilala si red smoke von bilang isang vigilante sa Maynila na biglang sumusulpot at nawawala, kilala na isang mabigat na kalaban na walang kahit na sino ang nakahuli.
"ikaw ang tanyag na red smoke, tama? Noon pa man nanalitaan ko na ang iyong ginagawa sa Maynila. "
" Isa ka sa tumutugis sa mga mapang abusong kriminal at tagapagtanggol ng mga mahihirap pero kung totoo nga iyon, bakit sumali ka sa mga terorista?" tanong ni Peter, habang ang kanyang buhangin ay bumuo ng mga sibat na tumusok patungo sa golem.
"Alam ko na galit ka sa mga Kastila noon at sa pang aabuso nila, pero bakit sumama ka sa Katipunan para mang gulo at pumatay ng mga inosente?"
Ngumiti lang si Von, ang kanyang sombrero ay bahagyang tumagilid. "Ayoko sanang sumali sa mga baliw na tao at may sariling layunin ng paghihiganti, kagaya ni martin, " sagot niya, ang tono ay mabigat. "Pero wala akong pagpipilian. Wala akong kapangyarihan na tapusin ang paghihirap at pang-aabuso sa bayan ng maynila, ito na ang pinakamadaling paraan para magawa kong mailigtas ang mga tao. "
Napailing si peter dulot ng pagkadismaya at hindi kayang tanggapin ang sagot ni von.
"Hindi mo kailangang gumawa ng krimen para makuha ang gusto mong pagliligtas sa mga tao!" sagot ni Peter, habang ang kanyang buhangin ay bumuo ng isang malaking kamao na sumuntok sa golem.
"Sumali rin ako sa mga rebelde noon, pero pinagsisihan ko iyon nang makita ko ang mga karumaldumal na krimen na ginagawa nila—ang mga rebelde ay pumapatay ng mga inosenteng taong walang kinalaman sa alitan ng mga Pilipino at kastila!"
Dito ay nabanggit ni Peter na naging kriminal siya noong sumali sya sa mga rebelde, ngunit sa kabutihang palad ay dumating si Heneral Romeo sa kanyang buhay.
"Isang bata lang siya at walang mag aakala na may maitutulong sya sa katulad ko pero saksi ako sa kanyang nagawa. Tinulungan niya ang mga tao, binigyan niya ang mga tulad kong sugo ng diwata ng pag-asa. Inilayo niya kami sa landas ng kasamaan, hindi niya kami hinayaang magpadala sa emosyon at maging berdugo."
Inabot ni Peter ang kanyang kamay kay Von. "Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, Von, at alam ko na hindi pa huli ang lahat para sayo. " sabi niya, ang boses ay puno ng sinseridad. "Kaya nais kong tulungan ka. Sumama ka sa amin, tutulungan ka ni Heneral Romeo."
Ngunit biglang sumigaw si Von, ang kanyang mukha ay puno ng galit. "Tama na!!"
"Maraming Pilipino ang humihingi ng tulong!" sigaw niya. "Maraming dumaranas ng paghihirap! Kung kaya ng pinagmamalaking mong heneral na tumulong, bakit marami parin ang namamatay na mga Pilipino? Bakit marami parin ang inaabusong mga kababaihan?"
Galit na galit nyang tinitigan si Peter. "Dapat ba akong magtiwala sa mga tuta ng Espanya? Sa mga kasinungalingan ninyo?" tanong niya, habang ang pulang usok ay lalong lumakas, na parang isang nagngangalit na bagyo.
"Bulok na ang sistema sa bansang ito, at kailangan ko si Martin para pabagsakin ang gobyerno. Wala akong pakialam kung ginagamit niya ako—ito na lang ang tanging paraan na nakikita ko para makamit namin ang kalayaan!"
Nabalot ng pulang enerhiya si Von, at lumusob siya patungo kay Peter. Nagulat na lamang si Peter sa bilis nito, ngunit ang kanyang agad naman syang pinangalagaan ng baluti ng buhangin mula sa isang itak na itinapon ni Von.
Nakakuha naman ito ng pagkakataon na makalapit pa kay peter at nagawa siyang sipain sa ulo, na nagdulot ng pagkawala ng balanse niya. Napahawak na lang siya sa lupa upang hindi tuluyan bumagsak,
Nakita nya ang muling pag bwelo ni von para umatake ngunit mabilis niyang ginamit ang kanyang buhangin para itaboy si Von at pigilan ito.
Nang tumalon si Von palayo, agad na umatake ang pulang golem, ang mga kamao nito ay puno ng enerhiya.
Hindi naman basta nagpatalo si Peter—mula sa buhangin, nabuo ang isang higanteng alakdan at kinontrol ito, ang buntot nito ay tumusok patungo sa golem.
Ang dalawang higanteng nilalang ay nagsalpukan, ang bawat atake ng mga ito ay nagdulot ng malalakas na pagsabog sa paligid.
Ang buhangin naman ni Peter ay bumuo ng mga sibat, kamao, at kahit mga talim ng espada na sinubukang hiwa-hiwain ang golem, ngunit ang pulang usok ay nanatiling matatag at mabilis na nagbabago ng anyo para harangan ang bawat atake.
Sa kabilang dako naman ng highway na naging battle field, nakatayo sina Jana at Heneral Apyong at nagpatuloy sa kanilang labanan, parehong hindi gumagalaw mula sa kanilang kinatatayuan.
Ang mga galamay sa likod ni Jana ay umatake na parang mga ahas, ang bawat dulo ng mga ito ay kasing-talas ng espada, habang ang mga higanteng kamay ni Apyong, na gawa sa kanyang enerhiya, ay lumutang sa ere, nakahandang salubungin ang mga galamay.
Ang apat na higanteng kamay, na may taas na sampung talampakan, ay lumusob nang sabay-sabay, ang bawat suntok ay nagdulot ng malakas na pagyanig sa lupa.
Epektibo naman ang mga galamay ni Jana, na mabilis na humarang sa bawat atake, na parang isang lambat na sumasalo sa bawat pag atake ni Apyong.
Sinubukan ng mga kamay na dakmain si Jana, ngunit ang kanyang mga galamay ay mabilis na gumalaw, na parang mga latigo na itinaboy ang mga kamay.
Habang abala si Jana sa pagharang, isang galamay mula sa kanyang likod ay lumusob patungo kay Apyong, na parang isang sibat na handang tumagos.
Ngunit bago ito makarating, lumitaw ang isa pang higanteng kamay, na dinakma ang galamay at pinigilan ito. Ang pagsabog ng enerhiya sa pagitan ng dalawang pwersa ay nagdulot ng malakas na hangin sa paligid.
Napabuntong-hininga si Apyong, ang kanyang mukha ay puno ng pagkadismaya. "Hindi ko inaasahan na makikita kita dito, Jana," sabi niya habang ang kanyang boses ay puno ng panghihinayang.
"Nangako ka noon na hindi ka gagawa ng ano mang krimen at Umaasa ako na hindi ka kailan man sasali sa mga rebelde."
"Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko!" sigaw ni Jana, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Oo, sinubukan kong hindi makapatay ng inosenteng tao pero hindi ko sinabi na hahayaan ko lang ang pang-aabuso ng mga Kastila! "
" Palagi mong sinasabi na tinutulungan mo ang Cavite, pero wala akong nakikitang kapayapaan sa bayan, Walang nagbabago!" Inamin ni Jana na wala siyang pagpipilian kundi sumali sa Katipunan dahil ito lang ang kanyang naisip na paraan.
"Nangako ka sa akin noon na may magbabago sa cavite, Apyong," sabi niya, ang kanyang mga mata ay puno ng hinanakit.
"Isang pagbabago na makakapagbigay ng kapayapaan sa mga Pilipino. Pero nagpapatuloy lang ang mga kastila sa pang-aabuso!"
Agad naman sumagot si Apyong para paliwanagan si jana. " Alam ko na nangako ako sainyo at sinusubukan ko itong gawin sa cavite. " Sagot nito.
Pero biglang sumigaw si jana. " Pero nabigo ka! Wala kang magawa para mabago ang lahat at iyon ang totoo. '
Gustohin man sumagot ni apyong ay wala syang nagawa kundi mapayuko dahil alam nya sa sarili na hindi perpekto ang kanyang mapapalakad bilang heneral ng cavite.
"Alam ko naman na mali ang ginagawa ni martin pero kung ang rebelyon ang magbibigay sa bansang ito ng kapayapaan ay handa akong mamatay para sa rebelyong ito. "
Kinontra ni Apyong ang mga sinabi ni Jana. "Mali ang paniniwala mo na ang ginagawang plano ni martin na rebelyon ang sagot sa kapayapaan, ng bansang ito, " sabi niya, ang tono ay puno ng diin. "Magdudulot lamang ito ng kamatayan at kaguluhan. Maraming madadamay sa planong walang katiyakan!"
Napahawak si Jana sa kanyang ulo, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng pagkalito.desperasyon at pag aalinlangan Alam niya sa sarili na ito na lang ang tanging paraan na nakikita niya.
" Hindi, kapag wala akong ginawa ay walang magbabago sa buhay namin. Bukas, pagkagising ko, patuloy pa rin ang pang-aabuso sa Tanauan," sabi niya, ang boses ay puno ng bigat ng kalooban.
" at alam ko na wala akong kapangyarihan na tapusin ito mag-isa, hindi ko kayang iligtas ang pamilya ko mag isa." malungkot nyang sambit.
Sumigaw si Apyong, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad. "Hindi pa huli ang lahat, Jana!" sabi niya.
"Oo, nabigo ako sa ilang pangako ko at alam ko na hindi ko kayang kontrolin ang desisyon ng bawat tao sa cavite. Hindi ko kayang bantayan ang bawat Pilipino sa bawat bayan. Pero pinipilit ko pa ring tumulong sa abot ng makakaya ko."
Inalok ni Apyong si Jana na sumama sa kanya. "Alam ko na mahirap, pero may pag asa pa at kailangan ko ng tulong, kaya nating magkaroon ng pagbabago sa Tanauan," sabi niya.
"Tulungan mo ako, Jana, at tutulungan kita. Nangangako ako, sisikapin natin na maging posible ang kapayapaan." mahinahong sambit ni apyong.
Ngunit biglang sumigaw si Jana, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. "Sinungaling!" sigaw niya, habang nagtakip ng tenga. Isang napakalakas na enerhiya ang lumabas mula sa kanya, na nagpabalot sa kanyang mga galamay ng mas malakas na pwersa.
Ang mga galamay ay nagsimula muling lumusob, binalot ang mga higanteng kamay ni Apyong, at sa isang iglap, dinurog ang mga ito hanggang sa maglaho sa hangin. "Hinding-hindi ako sasama sa'yo!" sigaw ni Jana, hinihingal at galit na galit.
"Masyado nang malaki ang sugat na iniwan ng mga Kastila sa puso ko. Ang mga kaibigan ko, ang ama ko, pati ang kapatid ko ay kinuha saakin ng mga demonyong mga kastila! "
"Kahihiyan ang maging tuta ng Espanya bilang honorary Spaniard, isinusumpa ko ang mga katulad mong traydor!" Muling lumusob ang mga galamay patungo kay Apyong, ang bawat hampas ay nagwasak sa kalsada sa paligid. Ngunit mabilis na lumutang si Apyong gamit ang kanyang enerhiya at umiwas sa mga atake.
Ang kanyang wheelchair ay nagniningning, at muling naglabas siya ng mga higanteng kamay, na ngayon ay mas malaki at mas mabilis.
Ang mga kamay ay umatake nang sabay-sabay, sinusubukang dakmain si Jana, habang ang kanyang mga galamay ay humarang, na parang nagsasayaw na kapangyarihan sa gitna ng gabi.
Sa labas ng labanan, naka pwesto sina Abby at ang iba pang mga sundalo sa gitna ng highway at abala sa pagpapalayo ng mga sibilyan mula sa lugar. Alam niya na magiging mapanganib ang labanan, at ang bawat segundo ay mahalaga upang maiwasan na may madamay ang mga inosente.
Naging mahaba ang trapik sa lugar dahil doon nabumabagal ang pag papalikas at habang pinapakilos niya ang mga sundalo, tinitigan niya mula sa malayo ang labanan, ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala para kay Heneral Romeo.
"Nawa'y magtagumpay ka, Heneral," bulong niya, habang nananalangin. Alam niya na si Martin ang sentro ng kaguluhang ito, at ang pagkakahuli sa kanya ang tanging paraan upang matapos ang plano nitong rebelyon.
Ngunit ang nakikita niyang labanan ay nagpapakita ng isang malaking hamon para sa lahat.
Sa gitna ng kaguluhan, ang mga sundalo ni Romeo ay unti-unting napapahina, ngunit ang kanyang determinasyon na mahuli si martin ay hindi natitinag.
Alam niya na ang labanang ito ay hindi lamang para sa kanya, kundi para sa mga inosenteng buhay na nakasalalay sa kanyang tagumpay.
Ang mga balisong niya ay muling bumuo ng isang malaking krus, na nagniningning sa kalangitan, handang tapusin ang laban sa gabing iyon.
Habang si Martin, bagamat nasugatan, ay agad na tumayo muli, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit. "Hindi mo ako matatalo kahit anong gawin mo, Romeo!" sigaw niya, habang ang Ursarion ay unti unting nagbago ng anyo at naging mas malaki at mas nakakatakot.
Napayukom ng kamao si romeo sa sobrang galit dahil sa nakitang pagpapalit anyo ng Ursarion. Nababalewala ang kanyang pagsisikap na patagalin ang laban at hintaying maubos ang enerhiya ng kalaban nya dahil nararamdaman nya na tila ba lalo lng lumalakas ang Ursarion habang tumatagal ang laban nila.
Alam nya na ang labanan nila ay malayo pa sa katapusan, at ang bawat segundo ay nagdudulot ng mas malaking panganib para sa lahat.
End of chapter.
