Kabanata 38: Ang Huling Paghihiganti sa Dilim
Napuno ng mga sigaw ng sakit, galit, at kawalang-pag-asa ang gabi sa city hall ng plaridel, na dating simbolo ng awtoridad,
Nagpatuloy ang mga rebelde ng Anak ng Bulakan o mas kilala bilang Bagwis na makipaglban sa pwersa ng mga kastila kahit na marami sa kanila ay nakahiga na dahil sa pagod at ang kanilang mga katawan ay puno na ng dugo dahil sa walang awang pag atake ng mga tauhan ni Heneral Vicente Salazar.
Ang mga kristal na halimaw naman na parang mga demonyo mula sa ibang mundo, ay nagpatuloy sa kanilang walang humpay na pag-atake kay gilo.
Sa sentro ng labanan, matapang na hinaharap ng mag isa ang limang dambuhalang kristal na halimaw, nasasabayan nya ang mga atake ng mga ito ngunit mababakas sa kanyang katawan na nanghihina na rin ang kanyang puting apoy.
Ang kanyang mga kasamahan nya sa bagwis ay nakakalat sa paligid niya, ang ilan ay nakahandusay at walang buhay sa lupa,
Habang ang usok mula sa nasusunog na mga sasakyan ng pulis ay bumabagabag sa hangin, at ang amoy ng dugo ay humahalo dito.
"Gilo, nanghihina na ang pwersa natin! Manuti pa Iligtas mo na ang sarili mo at tumakas!" sigaw ni Diego, ang pinakamalapit niyang kakampi, habang hinihila niya ang isang sugatang rebelde palayo sa gulo.
Basag ang kanyang boses sa takot at pagod. "Hindi natin sila kaya! Namamatay ang ating mga tao!"
Ngunit ang mga mata ni Gilo ay nag-aapoy sa galit at paninindigan. Nakita niya si Alonzo, isa sa kaibigan nya sa bagwis na tinamaan ng kidlat ng kuryente mula sa isang kristal na halimaw.
Nanginginig ang katawan ni Alonzo bago bumagsak, bukas ang kanyang mga mata ngunit wala nang buhay. "Alonzo!" sigaw ni Gilo habang tila nagimbal sa nasaksihan.
Lumuhod siya sa tabi ng walang buhay na katawan ng kanyang kaibigan, nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinahawakan ang malamig na balikat ni Alonzo. "Hindi ka dapat namatay… wala sa inyo ang dapat na mamatay…"
Sa harap ng walang buhay na katawan ni Alonzo ay biglang sumabog ang galit ni Gilo na parang hindi mapigilang apoy.
"Kayo mga demonyong kastilal!" sigaw niya, kumulog ang boses niya sa buong city hall.
"Mata sa mata, buhay sa buhay! Ipapakita ko sa inyo ang tunay na parusa para sa inyong mga kasalanan laban sa amin!" Tumayo siya, nakakuyom ang mga kamao, at ang kanyang puting apoy ay nagliyab nang mas maliwanag kaysa dati na halos gumawa ng apoy na kasing taas ng gusali.
Sa isang iglap, nagbago ang kanyang katawan. Binalot siya ng puting apoy, na parang isang buhay na nilalang na sumusunog sa kanyang kaluluwa.
Lumaki ang katawan nya ng limang metro ang taas, naging makapangyarihan ang kanyang mga braso, nag-aapoy ang kanyang mga mata sa puting apoy.
Ang kanyang anyo ay kahawig ng isang dragon na hinubog mula sa alab, ang mga pakpak nito ay humahampas sa hangin. Sa bawat hininga, nagbuga siya ng puting apoy, at lahat ng tinamaan nito—pulis, barikada, maging ang mga ordinaryong bagay—ay nagsimulang maging bato.
"Gagawin kong kasing-tigas ng bato ang inyong mga katawan, mga demonyo!" sigaw ni Gilo, umaapaw ang kanyang boses sa paghihiganti.
Lumipad siya sa kalangitan, ang kanyang mga pakpak ay nagdulot ng malalakas na ihip ng hangin na nagpakalat ng alikabok at mga debris. Mula sa itaas, nagpakawala siya ng puting apoy sa mga pulis na kastila sa ibaba.
Sumisigaw ang mga ito sa matinding sakit habang ang kanilang mga katawan ay nagiging bato at bumabagsak sa lupa bilang mga walang buhay na estatwa.
Sa kanyang desperasyon, isang plano ang nabuo sa isip ni Gilo. "Kung hindi ko kayang talunin ang kanilang heneral, papatayin ko na lang ang bawat kastila sa Plaridel!" bulong niya, nag-aapoy ang kanyang mga mata sa kalupitan.
"Gagawin ko silang permanenteng bato, isang monumento sa sakripisyo ng bawat Bagwis na namatay ngayong gabi!" Ang kanyang apoy ay nagliyab nang mas matindi, parang isang bagyo ng paghihiganti, at maging ang mga hindi kasali sa labanan ay nagsimulang tumakas sa takot.
lumupad sya papalayo sa lugar ngunit sa gitna ng kanyang pag-atake, tumawa lang ng malakas si Heneral Salazar mula sa kanyang posisyon sa pasukan ng city hall, kalmadong pinaanonood ang nangyayari.
Ang kanyang pag-uyam ay puno ng panunuya, na parang wala siyang pakialam sa kanyang mga tauhan. "Isang Indio na naglalaro ng apoy!" uyam niya, umaapaw ang boses sa kayabangan.
"Walang silbi ang mga pagsisikap mo laban sa akin, sugo ng Malolos! Masyadong maraming kastila sa bayang ito. Mauubos ang enerhiya mo bago mo pa sila lahat gawing bato." Umalingawngaw ang kanyang tawa, tinutukso ang bawat paghihirap ni Gilo.
"Talaga bang iniisip niya na may pakialam ako sa mga taong ginagawa niyang bato? Hangal! Marami pang papalit sa kanila na titira sa Plaridel" naisip ni Salazar.
Sa sandaling iyon, isang di-inaasahang atake ang tumama sa lugar kung nasaan ang heneral. Isang dambuhalang kalansay, labinlimang metro ang taas, ang bumulusok mula sa kalangitan, nagliliyab ang mga buto nito sa pulang apoy.
Iniwasiwas nito ang isang napakalaking scythe kay Salazar, nagpakawala ng pagyanig at bugso ng enerhiya na nagpayanig sa lupa. Ilang saglit pa ay umusbong ang mga kristal na patusok mula sa lupa na ginawang panangga nito at napuno ng usok ang hangin.
"Anong kabaliwan ito?!" sigaw ni Salazar, tumalon pabalik para umiwas sa isa pang hampas ng kalansay. Ang kanyang katawan ay nababalutan sa pulang kristal, na parang baluti na nagpoprotekta sa kanya.
Gamit ang kanyang kapangyarihan, ginawa niya ang kristal na panangga, hinarangan kalawit ng kalansay. Ang impact ng atake nito ay nagpayanig sa kanyang mga buto, at naramdaman niya rin ang hindi natural na lakas nito.
"Hindi ordinaryong kapangyarihan ang taglay nya. Ramdam ko ang negatibong enerhiya sa paligid nito," bulong niya sa isip.
Lumapag ang kalansay, nagliliyab ang pulang apoy nito sa dilim. Habang nabigla naman si Salazar, sa nilalang na nakita nya.
kinukutuban sya ng masama dahil nararamdam nya ang napakalaking enerhiya na nagmumula rito. "Anong klaseng sugo ang gumagamit ng ganito kalakas na kapangyarihang ?" bulong niya, nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Bigla, naramdaman niya ang isang malakas na presensya sa likod niya. Mabilis siyang lumingon, ngunit bago pa siya makakilos, isang matalim na sibat ang tumusok sa kanyang dibdib.
Nakatayo si Hustisya sa harap niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit at sakit. " Nakita rin kitang demonyo ka!" sigaw niya.
"pagbabayaran ninyo nang mahal ang lahat ng inyong kasalanan laban sa mga Pilipino!"
Ngunit sa halip na matakot, ngumiti si Salazar, na parang natutuwa sa paglabas ng kanyang kalaban. Ang kanyang tawa ay malamig at nanunuya.
"Isang daga na nagpapanggap na leon!" uyam niya ng makita si hustisya
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo sa plasa, Hustisya? Inihanda ko iyon para lang sa iyo!" Ang dibdib ni salazar kung saan tumama ang sibat ay nagsimulang maging kristal.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang matatalim na pulang cristal spike mula sa katawan ni Salazar, na parang mga punyal na handang sumaksak.
Bago pa matamaan ang mga ito si Hustisya, naglaho siya na parang hangin. Sa isang iglap, muli siyang lumitaw sa ibabaw ng ulo ng dambuhalang kalansay, ang kanyang pulang kapa ay umaalpas sa malakas na hangin.
Habang si Salazar, na ngayon ay nababalutan sa pulang kristal na baluti, ay agad na napalibutan ng kanyang limang kristal na halimaw, nakahandang protektahan siya.
"Sa wakas, lumabas ka na sa pinagtataguan mo, Hustisya!" sigaw niya, puno ng paghamak ang boses.
"Kung hindi ka nagpakita ngayong gabi ay nbalak kong ipamasaker ng mga tao sa squatter area at ikalat ang balita na ang mga Pilipino ang nagsimula ng rebelyon sa Plaridel!"
Nag-apoy ang galit ni Hustisya. "napakasama mong demonyo ka, Salazar!" sigaw niya, ang kanyang boses ay parang kulog na umuugong sa buong lugar
"Hindi ka karapat-dapat na mabuhay! Walang puwang ang mga halimaw na tulad mo sa mundong ito!"
Sumugod agad ang dalaga ngunit hinarangan siya ng limang kristal na halimaw, mabilis at di-natitinag ang kanilang mga katawan.
Sumalakay si Hustisya, ang kanyang kalawit na may talim sa dulo ay nagliliyab sa pulang apoy.
Sa bawat pag-indayog ay sinusubukan niyang wasakin ang mga kristal na halimaw, ngunit sa tuwing sisirain niya ang mga ito, nabubuo ulit ang kanilang mga nawasak na katawan na parang buhay.
Ilang saglit pa ay sabay-sabay na sumalakay pabalik ang mga halimaw, ang kanilang mga braso ay nagpakawala ng mga pulang kuryente na nagdulot ng mga pagsabog sa lupa.
"wawasakin ko kayo!" sigaw ni Hustisya, mabigat ang boses sa matinding galit. Inutusan niya ang dambuhalang kalansay na sumalakay.
nagliliyab ang maapoy na mga buto nito, at binalya ang dalawang kristal na halimaw. A sa sobrang lakas ng pag atake ay halos gumuho ang bahagi ng pader ng city hall, ngunit ilang sandali lang ay tumayo ulit ang mga halimaw, nanubuo ulit ang kanilang mga katawan.
Sinamantala naman ni hustisya ang pagkakataon na wala ang mga halimaw at agad na llumusob, lumitaw sya sa likod ni Salazar habang abala ang mga halimaw sa kalansay, nakahanda ang kanyang sibat para sumaksak.
"Mamatay ka, Salazar!" sigaw niya, ngunit bago pa tumama ang kanyang sandata, isang cristal spike ang bumalot mula sa kamay ni Salazar, hinarangan ang kanyang atake.
Bagamat nawasak ang kristal ay hindi tumagos ang talim ng sandata ni hustisya para magawang masugatan si salazar.
"Hindi ganoon kadali mo lang ako matatamaan, munting daga!" tumawa si Salazar na punong puno ng pagmamalaki.
"Nagsanay ako ng pakikipaglaban sa Espanya, habang ikaw ay away kalye lang ang alam! Walang pag-asa ang isang Indio laban sa isang tunay na mandirigma!"
Galit na galit na naghanda si Hustisya para muling umatake, nag-aapoy sa pula ang kanyang mga mata.
"Hindi ako titigil, Salazar!" sigaw niya, umaapaw ang boses sa galit.
"Papatayin kita at ang kasamaan mo, anuman ang mangyari!" Gamit ang kanyang kapangyarihan, pinapalutang niya ang mga debris sa paligid niya—mga wreckage mula sa sasakyan, bato, maging ang mga bumagsak na poste—at ibinato ang mga ito patungo kay Salazar.
Ngunit ngumiti lang si Salazar, kasabay ng pagtaas nya ng kamay ay nagtaasan mula sa ilalim ng lupa ang isang napakalaking pader na pulang kristal.
Nagawa nitong maharangan ang lahat ng ibinato ni Hustisya. Hindi nagoatinag si hustisya at muling komontrol ng bagay para umatake.
Isang lumilipad na kotse ang humampas at nadurog sa cristal wall na parang laruan. "Iyan lang ba ang kaya mo?" pag yayabang ni salazar. "Ang mga pambatang trick na iyan ay hindi gagana sa akin, Hustisya!"
Hindi nagpakita ng takot ang dalaga kahit na nabigo sya sa mga naunang atake nya at muling naglaho na parang multo.
Ilang segundo lang ay muling lumitaw sa likod ni Salazar ang dalaga, hawak ang kanyang sibat na nagliliyab sa pulang apoy. Ngunit ang mga kristal ni salazar ay parang buhay na sandata na mabilis bumabalot sa kanya para pangalagaan sya.
Agad na hinarangan ng cristal ang atake ni hustisya at gumapang agad ang pulang kuryente na dumaloy sa sandata nya. Nagpatalsik ang dalaga dahil sa kuryente at bumagsak sa lupa.
Nanlaki ang mata nya at hindi makapaniwala na nagawa syang tamaan ng kuryente. Napagtanto nya na dahil mas nakakahigit ang kaoangyarihan ni salazar ay kaya syang tamaan nito at sugatan.
Alam nya na kaya rin syang mahawakan ni salazar kung hindi sya mag iingat. May tatlong segundong pagitan bago ulit sya makagamit ng kapangyatihan kung saan naglalaho sya na parang multo at ang limitasyon ng kapangyarihan na iyon ang nagbibigay ng pangamba kay hustisya na lumapit pa lalo na nababalot ng kuryente ang kanyang kalaban. Napasuntok sya bigla sa lupa dahil sa pagkadismaya,
" Isa ka lang bata ka na maaari kong paglaruan sa labanan, Hustisya," sabi ni Salazar, ang kanyang ngiti ay umaapaw sa kayabangan. "Hinahangaan ko ang tapang mo, ngunit para sa akin, isa ka lang ligaw na daga sa digmaang ito. Indio!"
Sa kabila ng kanyang mga kabiguan, tumanggi si Hustisya na sumuko. "Huwag mo akong tawaging Indio! Papatayin kita!" sigaw niya, ang kanyang boses ay pinaghalong galit at paninindigan.
Naglaho siya ulit sa hangin at lumitaw sa iba't ibang direksyon sa paligid ni Salazar—sa likod, sa tabi, sa harap para umatake ng walang humpay.
Ngunit sa bawat pag atake nya ay nagagawang harangan ng mga kristal ni Salazar ang kanyang sibat na parang may sariling isip ang mga ito.
Sinuntok ni Salazar ang lapag na syang nag paangat sa napakaraming cristal spike. Nagawa namang iwasan ito ni hustisya at ilang sandali pa ay nagulat sya ng may dambuhalang kamay na gawa sa kristal ang sumuntok sa kanya sa likod.
Nagawa pa nyang makabalanse pero agad na naglabasam sa lapag nya ang mga cristal apike kaya naman wala na syang magawa kundi ang maglaho sa hangin para umiwas.
Nagawa man nyang maiwasan ito pero hindi nya inaasahan na malalaman ni salazar ang kanyang galaw. Sa paglitaw nyang muli ay sumalubong ang kamay ni salazar at nagawang makahawakan nito ang leeg mg dalaga.
Dahil nga sa nababalot ng malakas na enerhiya ng kalikasan si Salazar ay hindi magawa ng dalaga na maglaho ulit na parang multo para tumakas. Humigpit lalo ang pagkakahawak ng kamay ni salazar sa lalamunan ng dalaga at hindi makahinga.
"Napakadali lang hulihin ng isang daga na tulad mo!" tumawa siya, umaapaw ang boses sa panunuya. "Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo na maglaho para tumakas?"
Nagpumiglas si Hustisya at pinipilit na kumawala sa pagkakasakal, sinipa nya ang mukha ni Salazar, ngunit nagulat si hustisya ng makita habang na naging pulang kristal ang ulo ni salazar na parang isang hindi mababasag na maskara.
"Anong klaseng kapangyarihan ang meron sya?!" bulong niya, nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Ngumiti si Salazar, na parang natuklasan niya ang kanyang sikreto. "Ang mga kapangyarihan ng mga sugo na tulad natin ay may mga kahinaan na madaling makita," sabi niya nang may kumpiyansa.
"Maaari nating hawakan ang ibang mga sugo nang walang pinsala, kahit pa ang kanilang mga katawan ay gawa sa apoy o kuryente. At sa kaso mo, Hustisya, mukhang hindi ka pwedeng maglaho kapag hinahawakan ka ng ibang sugo!"
Galit na galit na sumigaw si Hustisya, "Hindi ko kailangang tumakas, Salazar! Papatayin kita sa lugar na ito!" Sa isang iglap, nagpakawala siya ng napakalakas na bugso ng enerhiya, at isang napakalaking anino ang lumitaw sa mula ilalim nila.
Mula rito, isa pang dambuhalang kalansay ang lumabas mula sa kinatatayuan nila at nagliliyab ang mga buto nito sa pulang apoy. Sumugod ito at parehong nilamon si Salazar at si Hustisya sa mga panga nito.
Tumalon ito palabas sa anino at muling lumapag sa lupa. ilang sandali lang ang lumipas ay muling lumitaw si Hustisya sa labas ng bungo habang ang kanyang sibat ay nagliliyab sa pulang apoy.
Nabalot sya ng oulang awra habang bumebwelo sa pag atake. Sa buong lakas niyang ibinato sa bungo ang kanyang sandata kung saan nakulong si Salazar.
Tumusok ang sibat at tumagos papasok sa bungo kung saan nagdulot ito ng isang napakalaking pagsabog at nagpabalot ng makapal na usok sa lugar.
Nang maglaho ang usok, biglang natigilan si Hustisya nang makita ang isang tumpok na pulang kristal na bumabalot sa leeg ng kalansay. Napagtanto niya na pinrotektahan ni Salazar ang sarili niya gamit ang kanyang kristal laban sa kanyang atake.
"Isa ka talagang demonyo, bwisit kang hayop ka !" pagmumura niya.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Salazar mula sa kristal, walang galos, punong puno ng kayabangan.
"Mas hahanga ako sayo kung may bago ka pang ipapakita sa akin sa laban na ito, Hustisya!" tumawa siya.
"Nagsisimula pa lang akong mag enjoy at sa tingin ko mas magiging mas masaya ang laban na ito kung may kaunting hamon!"
Bigla, isang plano ang nabuo sa isip ni Salazar. "Paano kung ipa masaker ko ang bawat Pilipino sa Plaridel ngayong gabi?" uyam niya, umaapaw ang boses sa masamang balak.
"Hindi ba't mas magiging kapanapanabik iyon?"
Galit na galit nasumigaw si Hustisya, "Huwag mong idamay ang mga Pilipino rito, Salazar! Sa atin ang labanang ito!" Nag-apoy ang kanyang mga mata.
Ngunit tumawa lang si Salazar. "Ang Indio ay Indio," uyam niya. "Ang kasalanan ng isang Indio ay kasalanan ng lahat ng Indio. Kung hahayaan kong mabuhay ang mga Pilipino sa plaridel na naniniwala sa isang vigilante na tulad mo, ay balang araw ay magrerebelde sila at gagawa ng krimen sa bayan ko. Kaya mas mabuting patayin ko na lang ang bawat Pilipino sa Plaridel... Kasama mo !"
Nag-apoy ang kanyang mga mata ng napakalakas na emerhuya at nagpakawala siya ng bugso ng enerhiya. Kasabay nito ay nalabasan ang mga kristal sa kinatatayuan ng kalansay at unti unting binabalot ang katawan nito.
Habang nababalot sa cristal ay naglabasan naman doon ang halos isang daang halimae na kristal na agad na pumila na parang mga sundalo. nagliliyab ang kanilang mga mata sa pulang kuryente at humihiyaw.
Umalingawngaw ang tawa ni Salazar sa buong city hall. "Ano ang gagawin mo ngayon, Hustisya?" hamon niya. "Nakikita mo ba ang mga kristal na halimaw sa harap mo? Mapipigilan mo ba silang patayin ang mga Pilipino?"
"Wag na wag mong gagawin yan, Salazar!" sigaw ni Hustisya. Alam ni hustisya na mahihirapan syang pigilan ang mga ito lalo na limitado ang kanyang oras sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan at sa oras na magsimula ang masamang binabalak ni salazar ay magreresulta ng pagkamatay ng napakaraming tao sa plaridel.
Tumawa nang mas malakas si Salazar, na parang isang demonyo na naghahanda para sa isang napakasamang plano. "Iligtas mo sila, kung kaya mo!" uyam niya.
Ang gabi sa Plaridel ay naging isang yugto ng digmaan na puno ng galit, sakripisyo, at kapangyarihan. Si Hustisya na hinihimok ng poot at determinasyon ay patuloy na lumalaban para makuha ang hustisya ng kanyang kababayan.
Lalong nagiging komplikado ang labanan, ang kapalaran ng Plaridel ay nakasalalay sa kanyang mga kamay ni hustisya habang ang dugo at pagdurusa ay nakaambang ihatid sa lupain nito.
Wakas ng Kabanata.
