Kabanata 34: Ang Paghihiganti ni Hustisya
Tahimik ang gabi ngunit sa isa sa mga pasilidad sa labas ng Plaridel ay parang madilim na bilangguan—isang tagong libingan para sa mga nakakulong sa loob.
Ang mga pader nito, na gawa sa matigas na semento habang ang mga bintana ay sarado ng mga bakal at umaalingasaw sa amoy ng pawis na nagmula sa mahigit isang daang Pilipino—lalaki, babae, at maging mga bata, na nakaupo sa maruming sahig ng bawat selda. Nakatali ang kanilang mga kamay ng lubid na humihigpit sa bawat galaw.
Ang mga taong ito ng Plaridel ay ang mga inaresto dahil sa mga maling paratang, tinatakan bilang mga kasabwat ni Hustisya sa kanyang pakikipaglaban sa gobyerno ng mga kastila.
Dinakip at nakatakdang parusahan kahit na walang ebidensya, walang katiyakan at tanging ang galit lamang ng mga kolonyalista ang nagdala sa kanila rito. Umiiyak ang mga bata, mahina ngunit mabigat ang kanilang boses dahil sa takot, habang kumakapit sa kanilang mga magulang.
"Mama, natatakot ako," ang humihikbing bulong ng isang bata. Ang ina, na takot na takot din, ay yakap lang ang naibigay sa kanilang mga anak, mabilis ang tibok ng puso sa nararamdaman nilang pangamba.
Ang tanging magawa lang nila ay haplusin ang ulo ng kanilang mga anak habang pilit na ngumingiti, itinatago ang sarili nilang takot, samantalang ang mga ama ay tahimik na nakaupo, nag-aapoy ang mga mata sa galit ngunit wala silang kapangyarihang na magreklamo o palayain ang pamilya sa bilanguan na iyon . Ang tanging tanong na pumapasok sa kanilang isip ay kung bakit nangyayari ito sa katulad nila.
Sa labas ng pasilidad, mahigit limampung pulis ang nakabantay, nakahanda ang mga riple na tila ba nag aantay na lang ng utos na magpaputok mula sa itaas, mayabang ang mga mukha na may pagmamalaki sa kanilang awtoridad. Ang malabong ilaw ng pasilidad ay sapat lang para makita ang kaawa-awang kalagayan ng mga bihag.
Nang gabing iyon, sa ilalim ng buwan na nagbibigay ng maputlang liwanag, isang pigura ng tao ang lumapag sa bubong ng gusali. Dumating sa lugar si Hustisya, ang sugo ng plaridel na nakahandang tulungan ang mga taong nakakulong sa loob.
Walang bakas ng takot sa kanyang mga mukha at nakatayo nang matayog, ang kanyang pulang kapa ay umaalpas sa malamig na simoy ng gabi. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa determinasyon na pinag-aalab ng poot at layunin.
Alam niya ang panganib ng kanyang misyon, ngunit ang mga iyak ng mga bihag sa kanyang puso ay nagbibigay sa kanya ng tapang sa anumang pagsubok ang kanyang haharapin sa loob.
Gamit ang kanyang kapangyarihan bilang sugo, naglaho siya sa hangin, tumagos sa lapag na parang multo. Tahimik siyang dumaan sa kisame ng bubong, mabilis at walang ingay ang kanyang mga galaw.
Sa isang iglap, dumapo siya sa isang malaking bakal na biga sa itaas ng ikatlong palapag. Mula roon, nakita niya ang limang pulis na nagpapatrolya, nakasabit sa balikat ang kanilang mga riple, mga walang kamalay-malay sa panganib na papalapit sa kanila.
Alam ni Hustisya na kailangan niyang kumilos nang mabilis. Ang oras ay kalaban niya, at bawat segundo ay maaaring magdulot ng panganib sa mga bihag.
Nang magkaroon ng pagkakataon ay agad nyang inilunsad niya ang kanyang pag-atake, ginamit nya ang kapangyarihan niya upang manatiling hindi nakikita.
Tahimik siyang lumapit sa unang guwardiya, mabilis na tinakpan ng isang kamay ang bibig nito habang hinawakan naman ng isa pa ang leeg para pilipitin na agad naman itong nawalan ng malay. Bumagsak ang gwardya sa sahig nang walang ingay, at lumipat na siya sa kasunod.
Sa loob ng ilang segundo, apat pang guwardiya ang natumba, marahang inilatag ang kanilang mga katawan sa lapag. Mabilis ang tibok ng puso niya, ngunit malinaw ang isip niya sa ano ang dapat nyang gawin.
Sumilip siya sa mga selda, at lalong bumigat ang dibdib niya sa kanyang nakita—nakatali ang mga pilipino, umiiyak na mga bata, mga matatanda na hirap huminga sa kanilang paghihirap.
Mabilis siyang kumuha ng susi mula sa bulsa ng isang guwardiya at binuksan ang mga selda, isa-isa.
"wag kayong gumawa ng ingay, dahan dahan lang kayo na lumabas sa fire exit" bulong niya sa mga bihag, mahina ngunit may awtoridad ang boses. "Tulungan ninyo ang isa't isa na makalabas. Ako na ang bahala sa mga Kastila." Tumango ang mga bihag, napuno ng pag-asa ang kanilang mga mata sa kabila ng takot.
Nagtulungan sila, inalalayan ang mga matatanda at bata habang tumatakas sila patungo sa fire exit ng pasilidad na walang bantay.
Samantala, muling lumusot si Hustisya sa sahig tla isang multo na dumadaan sa dilim. Lumapag siya sa ikalawang palapag, at ang tunog ng kanyang pagbaba ay nagpagulat sa tatlong guwardiya. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makilala siya, at sumigaw, "Si Hustisya!"
Inabot ng unang guwardiya ang kanyang riple, ngunit bago niya pa mahawakan iyon, ginamit ni Hustisya ang kapangyarihan niya. Sa isang kumpas lang ng kamay, nagawa nyang makontrol ang riple at tumama sa pader nang malakas.
Napahinto dahil sa pagkagulat ang guwardiya, at bago pa siya makakilos, sumugod agad si Hustisya. At sinuntok ang tiyan nito dahilan para mapaluhod ito. Isang mabilis na hampas sa batok ang nagpatulog at nagpabagsak sa pulis.
Sumugod ang pangalawang guwardiya, humataw ng baton patungo sa ulo ni Hustisya. Nagawa naman makaiwas ng dalaga nang walang kahirap-hirap, kumikilos ang katawan niya na parang hangin patagilid.
Hinawakan niya ang braso nito, pinihit at inihagis at isa namang malakas na sipa sa likod ang nagpatalsik sa isa pang pulis, at bago ito makabangon ulit ay hinawakan ni hustisya ang leeg nito at pinilipit dahilan para mawalan ito ng malay.
isang gwardya ang bilang umakyat at nagulat, agad nyang kinuha ang pistol sa bewang at nagpaputok. Ngunit mabilis na nagawa ng paraan si Hustisya—naglaho siya sa isang iglap na parang multo, at ang bala ay tumama lang sa pader.
Nagpakita siya sa likod ng pulis at agad na hinawakan ang braso nito at mabilis na binali. Sa sobrang sakit ay napasigaw ito ngunit pinatahimik agad siya ni Hustisya sa pagtakip ng kanyang bibig at pagpihit sa leeg, uoang patulogin siya tulad ng iba.
Sa loob ng ilang segundo, muling tumahimik ang ikalawang palapag. Huminga nang malalim si Hustisya, mabilis ang tibok ng puso niya, ngunit hindi natinag ang kanyang paninindigan.
Muli siyang tumagos sa sahig at lumapag sa ground floor—kung saan napapalibutan siya ng mahigit tatlumpung pulis.
Malawak ang ground floor, puno ng mga kahon at riple na handa para sa anumang pag-atake. Naalerto agad ang mga ito at mabilis na itinutok ang mga baril nila kay Hustisya, magkahalong galit at takot ang mababakas sa kanilang mga mukha, mayabang ang kanilang mga boses.
"Hustisya! Sumuko ka na!" sigaw ng isang opisyal habang nakatutok ang riple sa ulo ni hustisya.
Ngunit ngumiti lang si Hustisya, malamig at mapanghamon ang tono ng boses niya. "Sumuko? Kayo ang dapat sumuko," sabi niya, umalingawngaw ang boses niya sa buong silid.
Sa isang kisap-mata, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang agawin ang mga riple mula sa kamay ng mga pulis. Lumipad ang mga ito sa buong silid at tumama sa mga pader at sa sahig.
Nagulat ang mga pulis sa nangyari at bago pa sila makakilos ay sumugod na si Hustisya sa mga ito.
Ang unang grupo ng limang pulis ay sumugod sa kanya, may dalang espada. Sinabayan lang sila ni Hustisya, dumausdos ang katawan niya sa pagitan ng kanilang mga atake na parang simoy ng hangin. Umiwas siya sa hataw ng mga espada at sinipa ang isa sa tiyan dahilan para mapabagsak siya.
Hinawakan niya naman ang braso ng pangalawang pulis at pinihit para ihagis patungo sa dalawa pang pulis na papalapit sa kanya para umatake.
Ipinagpatuloy nya ang pag atake, pinilipit niya ang leeg ng mga ito para mawalan ng malay, habang sumalpok naman ang kamao niya sa mukha ng isa pa, nabali.
Sa sobrang bilis ng kilos ng dalaga ay hindi man lang sya tinatamaan ng mga espada ng mga umaatakeng pulis. Nakakita sya ng pagkakataon na maagaw ang espada mula sa kamay ng pulis at inihagis sa bintana.
Hindi tumigil ang mga pulis sa pag atake, gumawa sila ng bilog na hanay sa paligid ng dalaga para hulihin ito. Ngunit hindi natakot si Hustisya at matapang na hinahamon ang mga ito, naglaho siya na parang multo at nagpakita sa likod ng isang guwardiya.
Sa paglitaw nya agad nyang hinawakan ang ulo nito at binali ang leeg ng pulis para mawalan ng malay. Lumipat siya sa kasunod na pulis at umatake ng tuloy tuloy, ang kanyang mga galaw ay tila isang sayaw ng mga anino—hindi kayang mahuhulaan at hindi kayang mapigilan.
Ilang sandali pa ay isa-isang bumagsak ang mga pulis—ang ilan ay sinipa sa tuhod, at ang ilan ay inihagis sa buong silid ng kanyang kapangyarihan. Umalingawngaw sa paligid ang kanilang mga sigaw, ngunit wala ni isa ang nakatakas sa galit ni hustisya.
"Imposible, natalo nya ang napakaraming tao ng ganun kabilis, hindi natin kaya ang halimaw na ito! "
Ang natitirang pulis ay nagtangkang tumakas, ngunit hindi ito hinayaan ni Hustisya. Sa isang kaway ng kamay, kinontrol niya ang mga pinto ng pasilidad para isarado ang mga ito at ikinulong ang mga pulis sa loob.
"Walang aalis," sabi niya na may malamig na boses. Muli siyang sumugod, ang kanyang mga kamao at sipa ay tumatama na parang kidlat, mabilis at walang awa.
Hindi aya tumigik hanggang hindi Bumabagsak ang mga pulis, ang ilan ay nagmamakaawa sa kanya ngunit nag-aapoy ang puso niya sa galit para sa mga inaabuso na Pilipino ng Plaridel.
Sa loob ng ilang minutong pakikipaglaban ay tumahimik na ang ground floor, puno ng mga pulis na walang malay.
Nagtapos ang labanan sa pasilidad nang gabing iyon at tuluyang nakatakas ang mga Pilipino patungo sa kani kanikang mga tahanan, nagyakapan sila habang napuno ng sigaw ng kagalakan ang paligid.
Naiwan si Hustisya sa gusali at tinitiyak na walang naiwan. Gayumpaman kahit na nagtagumpay ay mabigat parin ang kanyang puso dahil sa mga nangyayari sa kanyang bayan pero alam nya na kailangan nyang maging mas matatag at determinado kaysa dati dahil alam nya na marami pa ang mangyayari sa susunod na mga araw.
"Kailangan na itong matapos," bulong niya sa sarili.
Makalipas ang ilang oras matapos ang labanan, sa opisina ng alkalde sa Plaridel, nagliyab ang galit na parang wildfire si Darus. Ang alkalde ng plaridel, isang matabang kastila na may mapagmataas na mga mata, nagngingitngit sya sa galit nang marinig ang pagkatalo ng kanyang mga tauhan at ang pagtakas ng mga bihag.
Humampas ang kamao niya sa kanyang lamesa na nagpabasag ang isang baso ng alak. "Paano ito nangyari?!" sigaw niya, umalingawngaw ang boses niya sa buong silid." Malilintikan ako sa gobernador-heneral kapag nalaman nya na nakatakas ang mga bihag" Galit nyang sambit.
"bwisit ka Hustisya! Hanapin siya! Huwag kayong titigil hangga't hindi siya nahuhuli!"
Tahimik na nakatayo ang mga pulis sa harap niya, nakayuko ang mga ulo sa takot. Ngunit bago pa makapagsalita muli ang alkalde, nagkaroon ng ingay sa labas ng opisina—mga sigaw, yabag, at tunog ng mga nababasag na bagay.
Napahinto ang alkalde dahil sa pagtataka, ang galit niya ay napalitan ng pagkabalisa.
"Anong nangyayari sa labas?" tanong niya, ngunit bago pa makasagot ang kanyang mga tauhan, biglang bumukas ang pinto, at isang takot na takot na pulis ang nagmamadaling pumasok.
"Alkalde! May kalaban na nakapasok sa city hall!" sigaw ng guwardiya, maputla ang mukha sa matinding takot.
"Sino?!" tanong ng alkalde habang aligaga sa takot. Ngunit bago pa makasagot ang pulis, kinuha siya ng isang hindi nakikitang puwersa at inihagis ang katawan niya palabas sa bintana, nabasag ang salamin nito habang siya ay nahulog mula sa ikatlong palapag.
Napuno ng pagkagimbal ng mga tao ang silid, umalingawngaw ang mga takot sa opisina. Sa isang iglap, sumara at nag-lock ang pinto, na parang kinokontrol ng isang hindi nakikitang puwersa.
"Ano ang nangyayari? Kumilos kayo at alamin nyo kung ano ang nangyayari!" sigaw ng alkalde.
Biglang namatay ang mga ilaw at nabalot ang silid sa dilim. Nanginginig ang alkalde at nanginginig sa takot. Pagkaraan ng ilang sandali, humalo ang mga sigaw ng kanyang mga tauhan sa pagbagsak ng mga kasangkapan—mga lamesa, silya, at mga katawan ng mga pulis ay tumatama sa mga pader.
Mabilis ang tibok ng puso niya habang pinakikingan ang ingay sa loob ng kwarto, ngunit wala siyang makita dahil sa matinding kadiliman. "Sino ka?! Hoy kayo! Protektahan niyo ako!" sigaw niya, ngunit hindi sumagot ang kanyang mga tauhan, biglang tumahimik ang lugar ng matapos ang kaguluhan sa loob.
Ilang segundo pa ang lumioas ay isang boses ang bumasag sa katahimikan ng dilim. "Magandang gabi, Alkalde," sabi ni Hustisya, malamig ngunit may pangungutya ang tono.
Nanigas ang alkalde sa kinatatayuan nya, namutla ang balat niya sa takot. "Sino ka?!" tanong niya, ngunit ang naging sagot lng ni hustisya ay isang nakakakilabot na tawa na umalingawngaw sa buong silid.
ilang saglit pa ay biglang bumukas ang mga ilaw, nakita nya si Hustisya na nakaupo sa kanyang lamesa, ang presensya niya ay parang mabangis na tigre na handang sumalakay.
Nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit, at ang kanyang ngiti ay isang punyal na handang tumarak sa sino man. Napaatras ang alkalde sa gulat hangang napatumba sa lapag, nanginginig ang mga kamay niya sa takot ng makita sa harap ang dalaga.
"Bakit ka nandito?!" tanong niya, nanginginig ang boses sa takot.
Tumawa lng si Hustisya na may malamig at mapanghamak na tono. "Bakit ako nandito? Hindi ba inuutusan mo ang mga tauhan mo na hanapin ako? Kaya, dumating ako para kumustahin ka," sabi niya, parang yelo ang boses na dumurog sa tapang ng alkalde.
Nang mapagtanto nito na hindi siya mananalo sa laban, mabilis na tumayo ang alkalde at kinuha ang pistol sa loob ng kanyang lamesa, ngunit bago niya pa iyon mahawakan, inagaw iyon ng kapangyarihan ni Hustisya at inihagis sa labas ng bintana. Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na salamin, at habang hindi makapaniwala ang alkalde sa nangyari, nanlalaki ang mga mata sa gulat at takot dahil alam nya na wala na syang takas laban kay hustisya.
"Wala nang makakatulong sa iyo ngayon, ginoong Alkalde," sabi ni Hustisya, umaapaw ang boses sa tagumpay. Kinontrol niya ang isang baril mula sa mga nakakalat na armas sa sahig, at lumutang iyon patungo sa kanyang kamay.
"Paano mo gustong simulan ang parusa mo?" tanong niya, habang iniikot ang baril sa kanyang mga daliri.
Nanginginig ang alkalde habang nakatutok ang tingin ng kanyang mga mata sa armas. "Hindi mo ako pwedeng saktan!" sigaw niya ng my pagkdesperado ang boses. "Ako ang alkalde ng Plaridel! Mananagot ka sa kalapastanganang ginawa mo! Ang batas lng ng Espanya ang tanging naghahari sa bansang ito"
Ngunit bago pa siya matapos na makapagsalita, hinampas ni Hustisya ng mukha niya ng baril dahilan para mapatumba sat dumugo ang ilong ng alkalde.
"Wala akong pakialam sa batas ng Espanya!" sigaw niya, nagliyab ang galit niya sa buong silid.
Agad naman nagalit ang alkalde at tahasan syang sinigawan " wala kang karapatan na saktan ako dahil isa ka lang mababang Indio."
Nanlaki ang mata ni hustisya s galit dahil sa pag-insulto ng alkalde sa mga Pilipino, at muli nyang inihampas ang baril sa mukha nito.
Hinawakan niya ang kuwelyo nito, at sumigaw, "Hindi ako Indio! Ako ay isang Pilipino!"
Sinisi niya ang mga kastila na tulad nito sa pagbibigay sa mga Pilipino ng mababang pagtingin sa lipunan, sa pagtrato sa kanila na parang basura, at pang-aabuso sa kanila sa sarili nilang lupain.
"Ang daming Pilipino ang nagdurusa dahil sa mga tulad mo, at iyan ang hindi ko mapapatawad kahit kailan!"
Kinaladkad niya ang alkalde at inihagis sa gilid, tumama ito sa isang kabinet na agad na nabasag ang mga salamin.
Tumaas ang boses niya dahil sa matinding galit na nararamdaman habang binabanggit ang pagkamuhi tungkol sa kawalan ng hustisya sa Plaridel.
"Walang karapatan ang mga kastila na mamuno sa Plaridel! Para sa mga Pilipino lang ang bayang ito!" sigaw niya, habang ilang beses nyang sinipa sa tiyan ang alkalde bilang pag paparusa.
Kinondena niya ang hindi makatarungang pagtrato sa mga Pilipino at mga pinapatupad na patakaran na lalong nag papahirap sa mga mahihirap sa plaridel.
Muli nyang sinabunutan ang matanda at inihampas sa ibabaw ng mesa nito, patuloy syang naglalabas ng sama ng loob at sinabi na maraming ama ang nakulong sa mga gawa-gawang kaso para sa mga krimen na hindi nila ginawa.
Pinili ng alkaldr na tumayo para sana tumakas pero agad syang sinuntok ng dalaga habang nagngingitngit na sinasabi dito ang sinasapit ng mga ina at babae na nilapastangan ng mga demonyong kastila.
Dinakma nya ang ulo ng alkade at inihampas sa mesa habang umiiyak na ipinapaalala sa matanda ang sinapit ng mga bata na maagang naulila dahil sa mga makasariling kastila na walang pakialam sa buhay ng mga tao.
"Pakiusap, tama na, itigil mo na ito," pagmamakaawa ng alkalde.
Paulit-ulit siyang sinuntok ng dalaga, ang kanyang galit ay isang hindi mapigilang bagyo. Hindi sya tumigil hanggang hindi nya nakikitang dumudugo ang mga parte ng katawan nito. Ilang saglit pa ay inihagis niya ito patungo sa bintana. Hindi na makapalag ang alkalde at hindi na makapagsalita, duguan ang mukha nito at halos lantang gulay na ang katawan.
Lumapit si Hustisya, nag-aapoy ang mga mata sa poot. "Ano pa ang magagawa mo sa kalagayan mo ngayon ginoong Alkalde? Hindi mo na mababawi ang mga inagaw nyong buhay mula sa mga Pilipino. Ang natitira na lang na pwede mong ibigay ay ang iyong buhay para makuha ng mga Pilipino ang tunay na hustisya," sabi niya ng may malamig at walang awa ang boses.
Hinawakan niya ang leeg nito at kinaladkad siya palabas ng bintana. Sa isang iglap, lumutang si hustisya paitaas, hawak-hawak ang alkalde. Umakyat siya nang mataas sa kalangitan. Matatanaw sa itaas ang boung Plaridel na naiilawan ng liwanag ng buwan.
"Pa-pakiusap, Ma-maawa ka, huwag mo akong patayin," pagmamakaawa nito habang umiiyak.
Ngunit lalo lang lumaki ang galit ni Hustisya ng marinig ang pagmamakaawa nito
"Napakaraming Pilipino ang nagmakaawa para sa kanilang buhay araw araw dito sa bayan ng plaridel pero hindi ka kailan man nakikinig sa kanilang mga daing!" sigaw niya.
"Inabuso mo kami, pinagsamantalahan mo kami, inagaw mo ang mga karapatan namin, at pinapatay mo ang mga Pilipino nang walang awa sa sarili naming lupain!"
Sumumpa siya sa harap nito na hindi siya titigil habang may natitirang kastila sa Plaridel. "isinusumpa ko na ibabalik ko ang Plaridel sa mg pilipinilo at wawakasan ang kasamaan ng mga demonyong kastila na katulad mo. " sigaw niya, binalot ang kanyang katawan ng isang madilim na aura, parang nagngangalit na apoy sa hangin. Nagliliyab ang kanyang mga mata sa galit at paninindigan.
"Ako ang magdadala ng hustisya sa Plaridel, at ikaw ang unang magiging kabayaran ng pagkakasala ng inyong lahi!"
Nakatitig lang sya sa alkalde ng walang emosyon ang mga mata, hanggang sa binitawan niya ito at bumulusok ang katawan nito mula sa halos isang daang metro taas, nahuhulog na parang basurang laruan. Ilang saglit pa ay bumagsak ito sa lupa, duguan at walang buhay.
Pagkaraan ng ilang sandali, bumaba si Hustisya, nagpakita sa tabi ng bangkay ng alkalde. Blangko ang kanyang mukha, walang emosyon, habang patuloy na umiikot ang madilim na aura sa paligid niya.
Biglang, may isang mahinang enerhiya, parang iapirito, ang umangat na nagmula sa katawan ng alkalde at pumasok sa katawan ni hustisya.
Muling nagliyab ang kanyang mga mata, at sa harap ng bangkay nito, nanumpa siya: "Magbabayad ang lahat ng may sala at walang makakapigil sa paniningil na gagawin ko."
Naglaho si Hustisya na parang hangin, iniwan ang pinangyarihan. Nagtapos ang gabi nang matagumpay ang kanyang misyon, ngunit alam niyang ito ang simula ng mas matinding yugto sa kanyang laban.
wakas ng Kabanata.
