Ficool

Chapter 58 - chapter 29 ( TAGALOG)

​ Kabanata 29: Puso sa Dilim

​Dahil sa determinado si ifugao sa pag pigil kay hustisya ay naging madalas ang kanilang labanan sa mismong bayan ng plaridel. 

​isa sa mga gabi, patuloy ang pagsiklab ng labanan sa mga madidilim na eskinita ng Plaridel, kung saan nagkasagupa si Hustisya at ang pwersa ng mga Kastila, ang kanyang determinasyon ay nag-aapoy tulad ng isang wildfire. 

Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa mga Kastila, muling bumaba si Ifugao upang pigilan ang kanyang paghihiganti. Lumapag siya sa harap niya, ang kanyang puting buhok ay kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan. 

"Tama na, Hustisya!" sigaw niya, ang kanyang tinig ay umaalingawngaw na puno ng determinasyon.

​Nag-apoy naman sa galit ang mga mata ni Hustisya ng muling makita si ifugao. "Bakit ka nanaman nanditong muli? Talaga bang gusto mong kalabanin ako?" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamuhi.

​"Hindi ako ang kalaban mo!" giit ni Ifugao habang nakahanda na ang kanyang mga kamay para sa pakikipaglaban. "Pareho nating nais tulungan ang ating mga kapwa Pilipino. Sinusuportahan ko ang layunin mo, ngunit hindi ang iyong mapanganib na pamamaraan! Hindi ito ang hustisya na kailangan ng Plaridel!"

​"Huwag mo akong turuan sa dapat kong gawin!" singhal ni Hustisya, alam nyang buo ang loob ni ifugao sa pagpigil sa kanya kaya naman hinahamon nya itong pigilan siya. "Kung seryoso ka talagang ipagtanggol ang mga kastila, subukan mong pigilan ako sa pagpatay sa kanila!"

​Muling nag-alab ang kanilang sagupaan na parang isang matinding sayaw ng mga mandirigma kahit na batid nila na walang silbi ang kanilang mga sandata laban sa isa't isa.

 Tanging malakas na pisikal na hampas lamang ang makakabasag sa kanilang matitibay na proteksyon sa katawan. Dinakma ni Ifugao ang braso ni Hustisya at ibinato siya sa lupa, ang kanyang katawan ay bumagsak sa semento nang may malakas na kalabog.

​Ngunit, kahit nakahandusay, kinalawit ni Hustisya ang mga binti ni Ifugao, dahilan upang matumba ito sa tabi niya. Nag-asinta siya ng isang malakas na pagtapak ng mga paa, ngunit hinarangan ito ni Ifugao gamit ang kanyang braso, at itinulak siyang palayo.

​Habang tumatayo si Ifugao, sumugod si Hustisya, at nagbigay ng matinding suntok sa dibdib ni ifugao na nagpatalsik sa kanya, gayunpaman hindi mya hinayaan na bumagsak sa lupa. Nang makabalanse, sumugod siya, at sinuntok ang mukha ni Hustisya, dahilan upang mapahandusay ang dalaga sa gilid ng kalye.

" Ayokong manakit ng babae kaya paki usap tumigil ka na! "

​tumayo agad ang dalaga at lumusob na halos kasingbilis ng kidlat, ginamit ni Hustisya ang kanyang telekinesis upang kumuha ng piraso ng bakal na nakaka kalat sa paligid, at inihampas ito kay Ifugao, na sinalag naman nito gamit ang kanyang kamay. 

Ang kanilang determinasyon ay lalong sumiklab sa bawat palitan ng mga atake at kitang kita ito sa kanilang mga mata, mababakas na wala sa kanila ang may planong sumuko. 

Muli silang nagpalitan ng suntok at sipa, ang kanilang mga galaw ay parang isang pagsasayaw sa digmaan, bawat atake ay sinasalubong ng isa pang pag atake.

​Ilang sandali pa ay nagtagumpay si Hustisya na hilahin si Ifugao gamit ang kanyang telekinesis, at ibinalibag siya sa isang pader, ngunit mabilis na tumalon pabalik si ifugao.

" Napakalakas niya talaga ' bulong nya sa isip niya. Sinipa ni Ifugao ang tiyan ni hustisya dahilan upang bumagsak ito sa lupa. 

Napansin ni ifugao ang kahinaan nya sa mga pisikal na atake, napaisip sya kung bakit ang ibang atake ng kalaban nya kayang basagin ang kanyang proteksyon sa katawan. 

Kinontrol ni Hustisya ang mga bato mula sa kalapit na lugar gamit ang kanyang isip, at ibinato ang mga ito kay Ifugao, na umiwas naman sa pamamagitan ng pagtalon.

 Patuloy ang labanan, ang kanilang mga katawan ay puno ng dumi at maliit na sugat, ngunit wala sa kanila ang susuko. 

Ang babaeng iniligtas nila mula sa mga Kastila ay matagal nang nakatakas, ngunit tila walang gustong tumigil sa sagupaan nila Hustisya at Ifugao.

​"Hustisya, may oras pa para itigil ito!" pakiusap ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pighati. "Ito ba talaga ang gusto mo?"

​"Ikaw ang pumili sa laban na ito, kumakampi ka sa mga kastila at lumalaban sa akin sa halip na tulungan akong iligtas ang mga tao ng Plaridel!" sigaw ni Hustisya.

Nagawa nyan masuntok ang mukha ni ifugao na nagpa atras dito. Ngunit mabilis na bumangon si Ifugao, agad na sinunggaban si hustisya at ibinato muli sa pader ng iskinita. ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa at sandaling napatigil sa pagbangon dahil sa pagod sa pakikipaglaban. 

Alam ni hustisya na may limitasyon ang enerhiyang taglay nya lalo pa kanina pa sya gumagamit ng kanyang abilidad na kontrolin ang mga bagay bagay sa paligid nya. 

​Sa gitna ng kanilang paglalaban muling umalingawngaw ang sirena ng mga pulis, na nagpatigil sa kanila na ituloy ang laban.

 "Hindi pa tapos ito, Ifugao!" sigaw ni Hustisya habang naglalaho sa dilim. 

"Sa susunod na makikialam ka, sisiguraduhin kong iyon na ang katapusan mo!"

​"Hindi ako susuko, Hustisya!" tawag ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng tapang.

​Naiwan siyang nag-iisa sa eskinita, ang katawan ni Ifugao ay nakaramdam ng pagod, ngunit ang kanyang puso ay nag-aapoy sa paninindigan. Batid niyang ang labanan na ito ay simula pa lamang ng mas malaking digmaan sa pagitan nila ni hustisya. 

​POV ni Georgia

​Ang umaga sa Plaridel ay sumikat nang may sigla, ang sinag ng araw ay humaplos sa aking balat habang inaayos ko ang aming market stall. Sa tabi ko, abala si Erik sa pag-aayos ng mga kaing ng isda, ang kanyang mga kamay ay maingat ngunit mabilis na isinasalin ang mga isda na ibinebenta namin.

Dalawang lingo na kaming magkasama, at sa bawat araw na lumilipas, isang kakaibang init ang bumabalot sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag, ngunit tuwing ngumingiti siya o tumutulong sa akin, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng tuwa. 

Hindi ko alam kung bakit namumula ang aking pisngi kahit maisip ko lang ang pagiging maalaga nya saakin. Ngayon, habang pinapanood ko siyang nagtatrabaho, napansin ko ang pawis na kumikinang sa kanyang noo, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, kinuha ko ang aking panyo upang punasan ito.

​"Erik, pinapawisan ka," sabi ko, sinusubukan kong itago ang panginginig ng aking boses. Inilapit ko ang panyo, ngunit tumingin siya sa akin, ang kanyang mga mata ay may halong pagkagulat at ilang sandali pa ay napa ngiti sa akin .

​"Salamat, Georgia," sagot niya, ang kanyang tono ay kaswal tulad ng dati, walang anumang mas malalim na emosyon. 

Kinuha niya ang panyo sa kamay ko at pinunasan niya ang sarili, na para bang walang espesyal na kahulugan ang aking ginawa, ewan ko kung napapansin nya pero gusto ko na asikasuhin sya. Gusto kong mapansin nya na kaya ko rin syang alagaan. 

Tumingin ako sa ibaba, biglang nahiya sa mga iniisip ko sa mga oras na iyon. Nagtaka ako sa mga pumapasok sa isip ko. Bakit ako ganito? Bakit ko ginawa iyon? Pakiramdam ko ay napaka tanga ko.

Hindi ko napapansin na nahuhulog ang loob ko sa bawat maliit na bagay na ginagawa niya, ngunit pakiramdam ko para sa kanya, isa lang akong kaibigan na nasa tabi niya.

 Ang kanya pinapakitang kabaitan, ang kanyang pag-aalaga—lahat iyon ay natural sa kanya. Ngunit para sa akin, may mahalaga ito at nagdadala ng kasiyahan sa dibdib ko na hindi ko maunawaan.

​Habang nagtitinda kami, napansin ko ang bawat maliit na detalye tungkol sa kanya—kung paano niya inayos ang mga isda upang maging mas maganda tignan, kung paano siya nakikipagbiruan sa mga kustomer nang may masiglang ngiti, kung paano nagliliwanag ang kanyang mga mata kapag nagbibiro sya para makipagtawanan, na para bang talagang nasiyahan siya sa aking mga sinasabi. 

Sa isang pagkakataon, isang maliit na batang babae ang lumapit sa aming stall, may hawak na limang-pisong barya. "Kuya, kahit maliit na isda lang po, para sa tanghalian namin ng kapatid ko. " sabi ng ponreng bata, .

​Agad na ngumiti si Erik habang pumipili siya ng ilang maliliit na isda mula sa kaing. "Heto, libre na 'yan, pasensya ka na kung heto lang amg pwede kong ibigay. ," sabi niya habang iniabot ito sa bata.

Napalitam ng tuwa ang malungkot na mukha ng bata habang tinatanggap ang mga isda, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa pasasalamat.

​"Salamat po, Kuya!" sigaw niya, at mabilis siyang tumakbo palayo. Tiningnan ko si Erik, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapangiti sa pinakitang kabutihan nito sa iba. 

Ngunit kasabay nito ay napaisip ako tungkol sa ikinikilos ko. Bakit pati ang pinakasimpleng pag gawa ng kabutihan niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko? Nakikita ko kung gaano sya kabuting tao na para bang ikinatutuwa ko ito. 

​Pagkatapos magtinda, nagpasya kaming bumili ng gulay at karne para sa tanghalian. Habang naglalakad kami sa palengke, huminto si Erik sa isang tindahan ng bulaklak. "Georgia, tingnan mo ang mga rosas na ito, hindi ba ang ganda?" sabi niya habang hinahawakan ang isang matingkad na pulang bulaklak. "Mas gaganda ang bahay ninyo kapag may bulaklak." Sambit nya na may ngiti sa mga labi. 

​Tumawa ako sa pagiging simple nya, ngunit dahil hindi ko makuha ang kanyang mga sinabi ay nagtanong ako sa kanya . "Sigurado ka ba, Erik? bakit ka naman bibili ng bulaklak? Hindi naman natin kailangan 'yan!" sabi ko. 

​"Para lang magdagdag ng kaunting kulay sa ating paligid sa bahay. " sagot niya, nakangiti habang binibili ang rosas. Inabot niya ito sa akin at pinaki usapan. "Ilagay mo sa isang plorera pag-uwi natin, ha?"

​Tumango lang ako, ngunit habang hawak ko ang rosas, tila isang mainit na bagay ang namukadkad sa aking puso. Naiimagim ko na ibinigay nya ito saakin bilang regalo kagaya ng ginagawa ng isang lalaking manliligaw ngunit kahit na isa lang iyong kalokohan ay bakit parang umaasa ako na gagawin nya iyon?

 Hindi ko maamin sa sarili ko, ngunit lalong napapalapit ang loob ko kay Erik, at natatakot ako na ako lang ang nakadarama nito.

​Pauwi, napansin ko ang isang matandang babae na nahihirapan sa isang basket ng gulay. Agad na nagmadali si Erik na lumapit dito para tumulong. "Nay, ako na ang magdadala niyan," sabi niya, kinuha ang basket at ineskortan siya sa kanyang bahay.

 Pinapanood ko siya mula sa malayo, ngumiti ako, ngunit lalo akong nalito. Bakit siya ganoon kabait kahit sa mga estranghero? Ano ba ang tingin nya sa sarili nya? Isang santo, bayani o baka iniisip nya na isa syang prinsipe sa mga kwento? Bakit ba napaka bait nya sa lahat ng tao? Pero alam ko na bawat ginagawa niya, kahit para sa iba, ay nagdudulot pa rin ng kilig sa akin.

​Pagdating sa bahay, nagpasya kaming maglinis bago magluto. Kinuha ni Erik ang walis at nagsimulang magwalis sa bakuran, habang ako naman ay naghuhugas ng pinggan sa kusina. 

Paminsan-minsan, sumisilip ako sa bintana, pinapanood siyang nagtatrabaho. Ang kanyang polo ay basa sa pawis, ngunit patuloy siya sa ginagawa nya na tila walang pagod. 

Nahuli niya ako pagtingin ko sa kanya at ngumiti lang saakin. "Georgia, tutulungan kita diyan kapag natapos na ako!" tawag niya mula sa labas.

​"Huwag na, kaya ko na ito!" sigaw ko pabalik, ngunit sa loob ko ay gusto ko syang tulungan ako sa bawat gawain. Bakit ako ganito? Bawat kahit sa maliliit na bagay na ginagawa niya, kahit isang simpleng alok na tumulong, ay nagpakaba sa aking puso. 

​Nang matapos siya, pumasok siya sa kusina, may dalang balde ng tubig. "Georgia, lagyan natin ng tubig ang plorera para sa bulaklak," sabi niya, at magkasama kaming naghanap ng isa. 

Habang inaayos namin ang rosas, nag-usap kami tungkol sa palengke, tungkol sa aming mga kustomer, at sa mga plano para bukas. Sa gitna ng aming pag-uusap ay nagbiro ako sa kanya, kaya naman bigla siyang tumawa nang malakas, ang tunog ng kanyang tawa ay parang musika sa aking pandinig. 

Tinitigan ko lang siya habang tumatawa na tila nakapokus lang sa mukha nito kaya nataranta ako nang mapansin niya ang pagtitig ko sa kanya.

​"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya, hinawakan ang kanyang pisngi.

​"H-Hindi!" Ma utal utal kong sagot, mabilis na tumingin sa malayo. "Wag mo akong pansinin, ang pangit kasi ng tawa mo!" biro ko, sinusubukang takpan ang aking kaba.

​"Aba, mas pangit nga ang mga biro mo!" ganti niya, at nagtawanan kaming dalawa. Ngunit sa loob ko ay patuloy akong naguguluhan. Bakit ko nararamdaman ito?

Gusto kong palaging malapit sa kanya, ngunit natatakot din ako malaman na hindi nya nararamdam ang mga bagay na nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot na rin ako aminin sa sarili ko na nahuhulog na ako nang husto kay Erik, natatakot sa sakit kung mabibigo ako sa una kong pag ibig.

​Pagtatapos ng POV ni Georgia

​Nang gabing iyon, habang natutulog karamihan ng tao sa Plaridel, isang hindi makatwiran bagay ang nangyayari sa Bulacan.

 Sa isang malawak na pabrika sa labas ng bayan, kung saan gumagawa ang mga manggagawa ng mga kabinet, mesa, at iba pang gamit sa bahay, dumaranas ang mga Pilipinong trabahador ang hindi makataong pagtrato bilang mang gagawa. 

Napakaliit ng kanilang sahod, halos hindi sapat para sa pang-araw-araw na pamumuhay, at ang mga Kastilang overseer ay walang awa sa kanilang mga kalagayan sa loob ng mainit na bodega, ipinagbabawal din sa mga manggagawa na umuwi sa kanilang pamilya. 

Marami sa mga tao ay pagod na, ang kanilang mga katawan ay nanlalata sa matinding pagtatrabaho buong araw, ngunit wala silang pagpipilian kundi sumunod. Itinuturing silang mga alipin sa lugar na iyon na walang karapatan tumigil sa pag gawa. 

​Sa loob ng pabrika, umalingawngaw ang ingay ng mga makina, na sinasabayan ng matitinding sigaw ng mga overseer. 

"Bilisan ninyo! Napakabagal nyong mag trabaho, mga bwisit na indyo!" sigaw ng isang Kastila habang hinahampas ang mesa ng isang manggagawa dahil sa pagkakamali sa pag-assemble ng upuan. 

Ang lalaking manggagawa, nasa apatnapung taong gulang na nakayuko sa harap ng visor, ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot.

​"Patawarin po ninyo ako, señor," bulong niya, ngunit isang malakas na sampal ang nagpatalsik sa kanya sa sahig.

​"Wala kang karapatan na humingi ng tawad! Kailangan mong mag trabaho, kundi ipapalatigo kita sa guwardiya!" singhal ng Kastila. 

Nagpatuloy sa kanyang pag-iikot sa bodega, Sa kabilang dulo ng pabrika, isang dalaga ang umiyak habang kinikinis ang kahoy, ang kanyang mga kamay ay nanlalanta at may paltos na dahil sa paulit ulit na pag liliha ng mga kahoy. 

 "Tigilan mo ang pag-iyak! Binabagalan mo ba ang pagtatrabaho? Pwes dadagdagan ko ang oras ng dalawa pang oras at bawal kang magpahinga!" sigaw ng isa pang Kastila habang itinutulak siya, dahilan upang bumagsak ang babae sa lupa.

​Isang araw, dumating ang gobernador Heneral ng Bulacan, isang matangkad na Kastila na may malalamig na tingin. Kasama ang kanyang mga tauhan, ininspeksyon niya ang pabrika, tinitingnan ang mga basang-basa sa pawis at pagod na mga manggagawa.

 Sa isang sulok, napansin niya ang isang batang lalaki, halos labindalawang taong gulang lang ito at hirap na hirap sa pagbubuhat ng mabigat na tabla. 

"Ano ito? May bata na nagtatrabaho rito?" tanong niya, ang kanyang tono ay walang pagmamalasakit.

​"Señor, siya ay anak ng isang indio. Kailangan namin ng karagdagang tauhan para maka abot sa deadline; ang mga matanda nating tauhan ay masyadong mahina para magtrabaho ng matagal," sagot ng isang supervisor habang nakayuko ang ulo.

​"tama lang yan at kung kailngan ay dagdagan ninyo pa ang oras ng trabaho nila!" sigaw ng Heneral. "Kailangan nating gumawa ng mas maraming produkto. Hindi katanggap-tanggap sa mga cliyente kung mahuhuli tayo sa pag bibigay ng mga produkto! "

Tumingin sya sa mga mang gagawa at sumigaw. " Kung hindi kayo gagawa ng mas maraming produkto, magugutom ang inyong mga pamilya!" Ibinaba ng mga manggagawa ang kanilang tingin at tila napipi sa takot. Alam nila ang mga parusa sa pagsuway—pagkakulong, paghampas, o mas masahol pa.

​Sa isa pang seksyon, nagkamali ang isang manggagawa sa pag-assemble ng kabinet, at hinila siya ng isang Kastilang overseer sa harap.

 "Ilang beses ka pang magkakamali? Wala kang silbi!" sigaw ng Kastila habang itinutulak ang lalaki sa pader. Napasigaw ang manggagawa sa sakit, ngunit walang naglakas-loob na mamagitan. 

Kung gusto mo pang mabuhay, gawin mo nang tama ang trabaho mo!" banta ng Kastila, at umalis na para bang walang nangyari.

​Habang nagpapatuloy ang Heneral sa kanyang inspeksyon, dumating ang isang opisyal ng pulis, may dalang dokumento. "Heneral, report galing sa Plaridel," sabi ng opisyal, at iniabot ito.

​Binasa ng Heneral ang papel, at ang kanyang mukha ay nagbago mula sa kalmado patungo sa matinding galit.

 "Mga walang silbi!" sigaw niya, at kinusot ang dokumento. "Si Hustisya ay isa lang babaeng indyo pero hindi ninyo mahuli? Masyado nang nakaka apekto saatin ang kanyang mga kalokohan na ginagawa sa plaridel!" Ang kanyang boses ay umalingawngaw sa pabrika, nagdulot ng takot sa mga manggagawa.

​"utusan nyo ang tauhan natin na magpunta sa plaridel, gusto kong saliksikin nyo ang bawat sulok ng bayan!" utos niya sa pulis.

 "Hindi ko papayagan na magpatuloy ang babaeng iyon sa kanyang kawalang-galang saating awtoridad! Pakilusin ang lahat ng ating pwersa para sa isang malawakang paghahanap!"

 Sumaludo ang kanyang mga tauhan at umalis, handa nang isagawa ang kanyang utos.

​Kinabukasan, nagising ang mga tao sa Plaridel at sinalubong ang kanilang umaga ng kaguluhan. Dose-dosenang pulis ang dumagsa sa bayan, mula sa palengke hanggang sa mga lugar ng squatter.. 

Nagtayo ang mga sundalo ng mga barikada, at bawat bahay ay pinasok at sinaliksik. "Sinuman ang magtangkang tumutulong kay Hustisya ay haharap sa matinding parusa!" sigaw ng isang pulis sa harap ng mga tao na nanlalamig sa takot.

​Sa palengke, kung saan nagtitinda ang mga vendor ng gulay at isda, sumugod ang mga pulis. Isang matandang vendor, si Aling Rosa, ang unang hinuhuli ng mga ito. 

"Hoy tanda! may alam ka ba tungkol kay Hustisya?" tanong ng isang pulis, matalim ang boses.

​"W-Wala po, señor," utal ni Aling Rosa, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang kanyang basket ng isda. "Nagtitinda lang po ako rito."

​"Huwag kang magsinungaling!" sigaw ng pulis, hinablot ang basket at ikinalat ang mga isda sa lupa. "Alam naming may tumutulong kay Hustisya dito! Sabihin mo ang totoo, o kakaladkarin ka namin papunta sa presinto!"

​Umiyak si Aling Rosa, at nanginginig ang kanyang mga tuhod. "Wala po akong alam, maawa po kayo saakin!" sigaw niya, ngunit sinipa lang ng isang pulis ang kanyang basket, na nagpakalat sa mga isda sa sahig ng palengke.

Ang mga taong nanonood ay natigilan sa ginawa ng pulis ngunit walang naglakas-loob na mamagitan, natatakot na sila ang susunod na malapitan ng mga ito. 

​Sa kabilang dulo ng palengke, isang binatilyong nagtitinda ng prutas, si Juan, ang hinihila palabas ng palengke. "Ikaw, Juan, alam naming tinulungan ka ni Hustisya minsan!" sigaw ng isa pang pulis, hinila siya mula sa kanyang stall. "Nasaan siya nagtatago?"

​"W-Wala po akong alam! Tinulungan niya lang ako noong minsan akong ninakawan, paki usap maawa kayo saakin." pakiusap ni Juan, nanginginig ang boses. Ngunit hindi siya pinansin ng pulis, at kinaladkad siya patungo sa sasakyan ng pulis habang patuloy na sumisigaw, 

"Wala akong kasalanan!" Alam ng binata ang kahahatungan nyang parusa sa oras na maipasok sya sa kulungan ng mga kastila kaya naman ganun na lang ang kanyang pag iyak. 

​Sa isang squatter area sa gilid ng Plaridel, sinalakay ng mga pulis ang mga barung-barong, sinira ang mga pinto at ni-ransack ang mga gamit. 

Sumigaw ang isang ina, si Aling Nida, nang sunggaban ang kanyang labindalawang taong gulang na anak, si Ben. "Huwag ninyo siyang kunin! Bata lang siya!" iyak niya habang inaabot ang kanyang anak, ngunit itinulak siya ng isang pulis hanggang sa bumagsak siya sa lupa.

​"Nanay!" humihikbi si Ben, kinaladkad patungo sa sasakyan. "Wala po akong ginawa! Tinulungan lang ako ni Hustisya nang atakihin ako ng mga magnanakaw!"

​"Huwag kang magsinungaling! Maraming nakakita sa iyo na nakikipag-usap sa kanya!" sigaw ng pulis at sinampal ang bata, napaluhod ito sa lupa hanggang sa may tumulong dugo mula sa kanyang labi.

Kahit na marami ang naroon sa lugar at nakakapanuod sa mga pang aabuso na ginagawa ng mga pulis ay walang naglakas-loob na tumulong. 

​Sa isa pang barung-barong, isang dalaga, si Clara, ang dinakip din ng mga pulis. "Ikaw, alam naming kasabwat ka ni Hustisya!" sigaw ng isang pulis, mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. "Nasaan siya nagtatago?"

​"Wala po akong alam! Pakiusap, estudyante lang ako!" iyak ni Clara, kinaladkad at itinulak sa sasakyan kasama ang iba pang mga dinakip. Sumisigaw ang kanyang ina habang hinihila ang mga pulis,

 "Anak ko! Huwag ninyo siyang kunin!" ngunit sinipa siya ng isang pulis, at bumagsak sa lapag, wala syang nagawa kundi mapaiyak habang nagmamakaawa sa mga tao na tulungan ang anak nya.

​Sa tabi ng ilog, kung saan naglalaba ang mga babae, dumating ang mga pulis. Isang babae ang hinuhuli nila habang naglalaba ito sa ilog. "Ikaw, Mila, alam naming tinulungan ka ni Hustisya!" sigaw ng isang pulis, hinila siya mula sa ilog, basang-basa ang kanyang damit.

​"Wala po akong alam! Iniligtas niya lang ako mula sa mga lasing!" iyak ni Aling Mila, ngunit hindi ito nakinig at agad na kinaladkad siya na halos matalisod sa putik. 

Habang kinakaladkad ang babae at biglang sumigaw ang kanyang walong taong gulang na anak, "Mama!" tumakbo ito upang yakapin siya, ngunit hinarangan siya ng isang pulis, at itinulak ang bata pabagsak sa lupa.

​"Tigilan mo ang pag-iyak! Walang karaoatan ang mga kriminal na kaawaan!" sigaw ng pulis, at pwersahan na kinaladkad si Aling Mila patungo sa sasakyan. 

Ang mga babae sa tabi ng ilog ay nanlalamig, nanginginig ang kanilang mga kamay sa nasaksihang pang mamalupit ng mga kastila ngunit walang naglakas-loob na mamagitan, takot sa mga baril ng pulis.

​Sa plasa ng Plaridel, na minsang naging lugar para sa tawanan at kuwentuhan ng mga tao, ay ngayon ay umalingawngaw ang sigaw ng pulis at iyak ng mga Pilipino.

 Isang sampung taong gulang na bata, si Kiko, ang umiyak habang kinaladkad ang kanyang ina palayo. "Mama! Huwag ninyo siyang kunin!" sigaw niya habang kumakapit sa braso nito, ngunit sinipa siya ng isang pulis at walang awa na kinakaladkad palayo. 

​"Tulungan ninyo kami! Nagmamakaawa ako!" Pagmamakaawa ni kiko ngunit walang sumagot dito. Ang mga tao sa plasa ay na papailing na lang, ang kanilang mga mata ay puno ng takot. Maging ang mga minsan nang tinulungan ni Hustisya—mga vendor, magsasaka, estudyante—ay inaresto.

Walang ibang maritinig sa lugar kundi ang pagmamakaawa ng mga pilipino, ang kanilang mga boses ay punong-puno ng desperasyon dahil alam nila ang naghihintay na parusa sa kanila ngunit walang gustong makinig sa sigaw nila.

​Binalot ng takot ang buong Plaridel, ang puso ng mga pilipino ay napupuno ng takot at kawalan ng pag-asa. Malinaw sa mga nangyayari na ang mga Kastila ay naghari sa buong Plaridel, at ang mga Pilipino na naroon ay parang mga alipin lang sa sarili nilang lupain.

 Sa gitna ng kaguluhan, nanatili ang isang tanong ng karamihan: Nasaan si Hustisya? Kailan siya babalik upang iligtas ang mga umaasang mga Pilipino? Humihiling ng kaligtasan ang mga tao, ngunit sa mga sandaling iyon, kahit ang anino ni Hustisya ay hindi nila nakikita. 

" Nasaan ka hustisya, paki usap tulungan mo kami. " Dasal ng isang bata habang nakaluhod at nakatingala sa langit. 

​Pagtatapos ng kabanata.

More Chapters