Ficool

Chapter 8 - Chapter 8

I woke up when I felt the space beside me empty, I opened my eyes.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko nakita sa Vlad sa tabi ko, tumayo ako ng kama at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako ng hagdan at naamoy ang mabangong pagkain na sigurado ako galing sa kusina, napangiti ako.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, pagpasok ko ng kusina ay nakita ko sya.

Nakatalikod sya sakin at inaasikaso ang niluluto nya.

He was half naked, the lion tattoo on his back exposing.

Damn, so hot.

Naramdaman nya yata ang presensya ko kaya lumingon sya sakin, he smiled.

His hair was messy and wet, naligo yata sya?

"Good morning, kitten." Lumapit ako sakanya, marahan nya ako hinila papunta sakanya.

"Good morning," I hugged him.

"I'll ask Irene that you will live here, when do you want to move in?" Napaisip ako.

"Maybe, sa Saturday? Masyadong biglaan kung bukas agad," Tumingala ako sakanya para tignan ang mukha nya.

Hanggang dibdib lang kasi nya ako, 5'8 lang ang height ko 6'5 naman sya.

"Aight," he kissed my forehead.

In-off nya ang stove gamit ang kaliwang kamay nya, naka yakap kasi ang kanang kamay nya sa bewang ko.

"What did you cook?" Taka kong tanong.

"Ramen," Napangiti ako.

"Patingin," nakangiti kong Saad sakanya.

Bahagya syang tumawa at binuksan ang lalagyan.

May usok na lumabas at tiningnan ko sa loob, bumungad sakin ang noodles at may boiled egg na nakahati sa ibabaw, exposing the yellow of the egg.

Napasimangot ako.

"Why?" Kunot noo nitong tanong sakin.

"Madaya, bakit hindi ganyan pag ako nagluluto?" Nakasimangot kong tanong.

Totoo naman kasi eh, ilang beses ako nag subok na magluto.

Ilang beses din ako pumalya, kaya tumigil ako.

Nauubos ang pasensya ko.

I'm never good at cooking like the other girls does, but I'm good at the other house chores just not cooking.

I heard him chuckled, "Why is that?"

"I'm not good at cooking," I admitted. Nakasimangot ko syang tingnan nang titigan nya ako.

Naturn off ba sya?

"Bat ganyan ka makatingin? Iiwan mo na ako kasi hindi ako marunong magluto?" Ma drama kong Sabi sakanya.

Napangiwi ako nang pitikin nya ang noo ko.

"Who said that?" Tinaas nya ang kaliwang kilay.

"Ako," bahagya akong lumayo sakanya at nagkunot noo.

"Silly, I won't leave you just because you can't cook," hinawakan nya ang braso ko at hinila pabalik sa bisig nya.

I hugged him as he hugged me, he caressed my head.

I can smell his manly scent, smell so good.

"I don't care if you can't cook, I'd be happy to cook for you forever," Aniya.

I giggled and buried my face in his neck, he chuckled.

Hapon na nang umuwi ako sa mansion nila Irene, suot ko ang hoodie ni Vladimir hinatid nya din ako.

Nagusap pa sila sandali sa labas bago umalis si Vladimir at pumasok naman na si Irene sa loob, kasalukuyan akong nasa kwarto ko Ngayon.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si irene, she's wearing her white formal attire with black heels and her light brown hair was tied in a ponytail.

Ngimiti sya sakin at umupo sa tabi ko, tiningnan ko lang sya.

"Vladimir told everything to me," aniya.

I bit my lower lip.

"Come on Maeve, it's okay," she held my hand.

"I'm gonna live with him," nakangiti itong tumango saakin.

"I trust Vladimir, I know he'll take good care of you," hinawakan nya ang balikat ko.

"Talaga?" Tiningnan ko sya sa mga mata.

"Maeve, I can see how much sincere he is to you. I'm so happy for you," napangiti ako.

"You can pack your things kahit bukas ka na lumipat," marahan syang tumawa.

"Seryoso ka ba?" Kunot noo kong tanong.

"Oo naman, Sana nga hindi ka na nya ibalik," napasimangot ako.

"Inaaway mo kasi ang mga anak ko," mapagbiro nitong irap saakin.

Natawa ako, "Eh bakit? Nakakagigil kaya."

"Ewan ko sa'yo," napailing ito at tumayo na.

"I'll cook downstairs, baba ka nalang ha?" Ngumiti ako sakanya bago tumango, lumabas naman na sya at sinarado ang pinto.

Napahiga ako sa kama at in-on ang phone ko.

August 26, 2027.

One month na pala, tapos na ang vacation ko.

July 26 kasi nang mag vacation ako, grabe hindi ko namalayan na 1month na pala kaming nagkakausap ni Vladimir?

Bukas ay paniguradong makaka receive na ako ng mission galing sa Frontlines, bumuntong hininga ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate iyon, I received a text.

From Vlad: Have you eaten?

I smiled and replied, "Not yet. You?"

May lumabas ulit na notification, it was alpha.

From Alpha: Labas.

Napakunot ang noo ko, problema nito?

Lumabas ako ng mansion at nakita si alpha na nakasandal sa may poste, nakasuot sya ng white hoodie at sweat pants, magulo ang buhok nito na may iba pang hibla na nakaharang sa noo nya.

Nang makita nya ako ay naglakad sya papalapit saakin, tinaasan ko sya ng kilay.

"Samahan moko," aniya.

"Saan?"

"Bibili ng napkin," umiwas ito ng tingin.

Napangiwi ako, "napkin? Bakit may regla ka ba?"

"Tangina, mukha bang ako ang gagamit?" Nakakunot ang noo nito.

"Eh sino ba?" Taas kilay kong tanong.

"Basta, daming tanong eh," Marahan nyang tinulak ang likod ko.

Naglakad nalang ako at nasa likod ko sya.

Sino ba kasi bibilhan nito ng napkin?

Dumiretso kami ni alpha ng convenience store, pagdating namin sa area ng mga napkin ay kakamot kamot ito ng ulo.

"May kuto ka ba?" Saad ko dito.

"Gago, anong kuto? Hindi ko lang alam kung anong brand bibilhin," aniya.

"Wala bang sinabi iyong bibilhan mo?"

"Sabi nya kahit ano daw basta all night tas with wings," napasapo ako ng noo.

Pagkatapos namin bumili ni alpha ay umuwi na ako, hindi nya na ako hinatid dahil tumanggi ako.

Nilibre nya naman ako ng chocolate eh, okay na iyon.

Ramdam ko din na may nakamasid samin dalawa kanina, binulong ko iyon sakanya Sabi nya sya na raw ang bahala.

Nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kusina at nakita ko sila Irene na kumakain na, nilagay ko ang chocolate sa freezer.

"Maeve, kain ka na Tara," pag Aya saakin ni kuya arseen.

Tumango ako at pumwesto sa tabi ni isaac, at nagsandok na.

Tinitigan ko lang sila na masayang nag uusap, maligalig na kinakausap ni yensen si irene.

Habang nakatitig si kuya arseen sakanilang dalawa at napapangiti, si isaac naman ay may kung ano anong tinatanong kay kuya arseen.

I looked at Irene.

I saw how happy she is, like her pain had healed.

How her eyes lighten up more than before, I'm happy to see her like this.

She has a happy family, loving husband and kind kids.

She won't let her kids feel abandoned, I know that.

Matapos namin kumain ay tinulungan ko si Irene magligpit ng pagkainan, si kuya arseen na ang naghugas kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

Dumiretso ako ng balcony, I lit up my cigarette and took a puffed.

As I exhaled the smoke, my phone on the table rang.

It was alpha, I answered the call.

"Ano?" Bungad ko dito.

"Grabe, angas ng Vladimir mo ah," napakunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Tinutukan ako ng baril," napaangat ang kilay ko.

"Bakit nya gagawin 'yon?" Taka kong tanong.

"Tanong mo sakanya kung bakit," pinatayan ako ng tawag ni alpha.

Napailing nalang ako, baliw talaga.

Siguro si Vladimir Yung naramdaman kong nakamasid saamin kanina.

I inhaled my cigarette and exhaled the smoke, I leaned against the railings.

Naalala ko nanaman sila Irene.

Siguro, in the future ganon din kami ni Vladimir?

But it can't be.

That made me back to reality.

Why am I dreaming those moments with him? When I'm only doing everything to be close to him to fulfill my mission?

Who am I to dream those? Who am I to expect a happy ending for us?

When I know I will ruin everything we have right now in the future?

How could I dream of those?

Bullshit.

Ano bang nangyayari sayo Maeve?

I'm letting my emotions handle me again, I should be focusing on my mission.

Not on this bullshit feelings.

I shouldn't be expecting happy ending for us, after all I'm his enemy.

More Chapters