Ficool

Chapter 167 - Chapter 165: Global competition

Niyakap ni Just ang kanyang bewang at hinalikan sa labi, hinalikan din nito ang kanyang pisngi bago siya binitawan. Tumayo na si Just at sinabi nitong matulog na sila dahil maaga ang opening ng global competition bukas.

Sa opening ng global competition, kailangan pumunta lahat ng teams ngunit hindi sila maglalaro lahat dahil match lang ng group A vs. B ang magaganap ngayong araw, sa group A, nand'yan ang FTT at Silence kasama nila ang isa pang team na nanggaling sa Brazil. Sa group B, nandun ang GOT-G, 7 Esports at Team JACK. Isang team lang makakalaban ng FTT ngayong araw dahil pagkatapos ng laban nila sa GOT-G, ang Silence naman at ang 7 Esports ang maglalaban at ang pinakahuli ay ang team na nanggaling sa Brazil at ang JACK. Magpapatuloy ang laban ng A at B bukas at sa susunod na araw.

Pagkatapos ng mahabang introduction ng tatlong host, umangat ang malaking trophy sa pinakagitna at pinakamataas na parte ng stage. Lahat ng spotlight ay tumutok sa kumikinang na malaking trophy at maririnig ang malakas na sigawan sa audience area. Umakyat na sa stage ang dalawang teams at umupo sa kani-kanilang gaming chair, group stage palang kaya hindi pa ganun kadami ang mga nanonood, puro fans lang ng FTT at GOT-G ang nasa venue at marami pang bakanteng upuan.

Ilang beses nang naglaban ang FTT at GOT-G sa PKL hanggang sa grand finals kaya hindi na nakakaramdam ng pressure ang mga players, parang nasa grand finals lang sila ng domestic habang nakatungtong sa champions arena. Mabilis na natapos ang ban/pick phase at kumuha lang ang FTT ng late game core at si Lucky ang mapagkukunan nila ng damage. Hindi nila ginagawang core si Lucky noon sa t'wing GOT-G ang kalaban nila, ngunit matapos makipag-1v1 ni Lucky kay Blue, Jacian at Just mas nag-improve pa siya at masasabing siya ang nawawalang rekado sa FTT. Yung gameplay ng FTT na parang may kulang ay nalagyan na ngayon.

Nanalo ang FTT sa game 1 sa loob ng 10 minutes at hindi na sila nagtaka na si Lucky ang MVP. Iba ang pakiramdam kapag nasa stage ng champions arena, kung noon kinakabahan sila kapag tournament sa group A ng PKL at nand'yan ang HUV at GOT-G, ngayon, iniisip nalang nila kung paano matatalo ang ibang region. Hindi na sila kinabahan nang makalaban nila ang GOT-G at kaagad nakakuha ng 2 points, kayang-kaya nila ito gawing 3-0 ngunit hindi nila ginawa at inextend ang series hanggang game 5. Kung magiging 3-0 ang score mawawalan ng malaking points ang GOT-G at posibleng sila ang makakakuha ng pinakamababang points, maaga silang mai-eliminate at kapag nangyari yun isang team nalang ng PKL at natitira sa global competition at iyon ang FTT. Ayaw naman ng FTT na basta nalang iwan ang mga kapatid nila sa PKL kaya pina-score nila ang GOT-G, binigay nila ang dalawang games para lang hindi maging 0 ang score ng GOT-G at hindi maagang ma-eliminate.

Hindi rin naman iyon nahalata ng kahit na sino dahil sa mga matches ng GOT-G at FTT ay laging salitan ang victory, ngunit ngayon maagang na-2-0 ng FTT ang GOT-G. Sa official live broadcast ng KWC, makikita ang scrolling comments at sinasabi nilang binigay lang ng FTT yung 2 games sa GOT-G, nag-aaway sila sa live chat at hindi iyon huminto hanggang sa may mag-comment na hindi naman appropriate kung hindi bibigyan ng score ng FTT ang GOT-G dahil parehong nanggaling sa iisang region ang dalawang teams at dapat lang na maghilahan sila pataas.

Pagkatapos ng match nila, parehong bumaba ang dalawang teams sa stage para pumunta sa break room. Ang susunod na maglalaban ay Silence at 7 Esports. Nagdesisyon si Coach Dang na manood muna ng match ng mga susunod na maglalaban dahil ang dalawang teams na ito ang makakalaban nila bukas at sa susunod na araw. Mas mabuting magkaroon na sila kaagad ng ideya para mas mapag-aralan pa nila ang ibang teams sa loob ng mahabang oras.

Umupo sila sa bench area na para sa mga teams at coach at sakto namang nakaupo doon ang mga players ng MPG kasama ang kanilang coach at analyst. Mga naka-uniform sila ng blue and white ngunit naka-t shirt lang si LittlePrince habang ang team jacket nito ay nakasampay sa sandalan. Naka-ekis ang kanyang mahabang legs habang hawak ang pen na pinangguguhit nito sa iPad. Nang makita nito ang FTT kaagad nitong nginitian si Jacian.

Lucky: "!!!"

Umangat ang dalawang kilay ni Lucky at pinaglapat ang kanyang mga labi nang lingain niya si Just, hindi niya naman pinahalata na tiningnan niya si Just at kunwaring kinausap si Coach Dang na nasa likuran. Samantala, bahagya siyang siniko ni Gem at hinila paupo ng bench. Umupo narin si Blue sa tabi ni Gem at binuksan ang kanyang cellphone para aliwin ang sarili, hindi pa nagsisimula ang match dahil hindi pa natatapos ang 10 minutes break.

Tiningnan ni Jacian si LittlePrince at nginitian din ito pabalik, tinapik ni LittlePrince ang bench na katabi niya para ipahiwatig na doon siya umupo. Hindi naman nagdalawang isip si Jacian at simpleng umupo doon sa bench at binalingan si Just na nasa kanan niya.

"May tissue ka?" Tanong niya kay Just at pinunasan ang pawis sa leeg gamit ang likod ng kanyang palad.

Umiling naman si Just at hinugot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang team jacket. Sumandal na ito at nagsimulang magtipa. Umayos nalang ng upo si Jacian at bahagyang pinaypay ang kanyang t-shirt.

"Kailangan mo ng tissue?" Tanong ni LittlePrince at inabutan siya nito ng red box na kasing laki ng lalagyan ng posporo.

Ngumiti naman si Jacian at kinuha iyon. "Thanks, buti nalang meron ka." Aniya at binuksan iyon.

Ngumiti naman si LittlePrince habang nakatitig kay Jacian ngunit ilang sandali lang nang may mapagtanto siya. "Oh, nakalimutan ko, kailangan pala basain ng tubig 'yan." Mahinang saad niya.

Jacian: "???" Kinuha niya sa loob ng box ang malambot na puti na parang cotton at pinisil niya iyon gamit ang dalawa niyang daliri at thumb. Anong klaseng tissue 'to? Paano niya 'to gagawing pamunas ng pawis kung bilog?

"Let's go to the bathroom." Yaya sa kanya ni LittlePrince.

"No need." Saad ni Just at kinuha ang bottled water na nasa kanyang paanan, binuhusan niya ng kunti ang cotton na hawak ni Jacian at lumaki iyon nang kasing laki ng palad.

Tinupi iyon ni Jacian ng maayos at pinunasan ang kanyang leeg, hindi iyon tissue kundi wet wipes. "Thanks." Saad niya ulit kay LittlePrince bago siya sumandal.

Ilang sandali ang makalipas nang magsalita si LittlePrince. "Bakit hindi mo sinuot yung bracelet na binigay ko?" Tanong nito habang nakatingin sa kamay ni Jacian.

Nilinga ni Jacian si LittlePrince nang tanungin siya nito. "Ang sabi ni Coach hindi p'wedeng magsuot ng mga alahas." Sagot ni Jacian. Nakasulat sa rules na hindi p'wedeng magsuot ng mga bagay na nakakaattract ng atensyon, kaya laging nasa ilalim ng relo ni Just ang kanyang silver bracelet.

Napatango si LittlePrince. "Yeah, I forgot."

Ngumiti lang si Jacian kasabay ng maliit na tango bago itinuon ang kanyang atensyon sa stage. Magsisimula na ang match at makikita ang 5 seconds countdown sa big screen bago magsimula ang ban/pick phase. Makikitang nakangisi pa si Ning habang kausap nito ang Coach, sa haba ng ngisi nito parang wala ito sa global competition at parang nasa loob lang ng bahay habang hinihintay ang ban/pick sa rank game. Kilala nila si Ning at kahit anong level ng competition pa 'yan, group stage, knockout stage, grand finals... Hindi ito kakikitaan ng pressure at hindi rin nag-cocollapse ang mental state kahit ilang beses pa silang na-i-eliminate noon. Hindi pa nila nakitang nag-collapse ang mental state ni Ning, hindi rin siya mapili sa ka-teammates at kahit gaano pa kahina ang ibigay na teammates sa kanya, hindi siya magrereklamo at maglalaro lang siya kung ano ang tamang play para sa kanyang team. Sa madaling salita, si Ning yung tipo ng tao na laging nakatingin sa positive, sa itsura niya palang makikita kaagad na walang imposible. Isa sa mga kinaiinggitan ng mga pro players, ang mental state ni Ning.

Habang nanonood sila, Panay naman ang sulyap ni LittlePrince kay Jacian. Nakasandal si Jacian habang yakap niya ang sarili, kinakagat niya ang ibabang labi habang nakatuon ang kanyang atensyon sa big screen. Seryuso siyang nanonood at hindi niya napapansin na kanina pa siya tinitingnan ni LittlePrince, samantala kanina pa iyon napapansin ni Just at kanina pa rin salubong ang makakapal niyang kilay.

Inayos ni Just ang mini fan na nakapatong sa kanyang tuhod at in-adjust iyon para itutok kay Jacian, tiningnan niya si LittlePrince at nakita niyang nilipat nito ang paningin sa kanya. Umangat ang dalawang kilay ni LittlePrince habang nababahiran ng ngiti ang kanyang mukha bago ibinalik sa big screen ang paningin.

Hindi naman nag-react si Just at piniling sumandal nalang sa upuan. Ilang sandali ang makalipas nang maramdaman ni Just na hinawakan ni Jacian ang kanyang kamay, tiningnan niya si Jacian at nakita niyang seryuso itong nakatingin sa stage, makalipas ang ilang segundo nang balingan din siya nito. Hindi nagsalita si Jacian at tinitigan lang si Just, ilang segundo silang nasa ganung sitwasyon bago ibinalik ni Jacian ang kanyang paningin sa big screen at nakangiting pinagsalikop ang mga daliri nila ni Just.

Madilim sa audience area at hindi sila maaninag ni Just kaya hindi tinanggal ni Jacian ang magkasalikop nilang mga diliri ni Just hanggang sa matapos ang game 1. Ngunit maya-maya lang umikot ang camera at tumutok ang mga spotlight sa audience area para kunan ng video ang mga players na nakaupo sa bench area. Sa loob ng isang segundo, nag-flash sa big screen sina Jacian at Just.

Yung director: ".........?"

Makikita sa big screen sina Jacian at Just na parehong nakasuot ng team uniform at parehong nakalapat ang likod sa sandalan. Hawak ni Jacian ang mini fan sa kanyang kaliwang kamay habang nakayuko samantalang seryuso naman si Just habang nag-cecellphone. Nasa ganun silang sandali habang magkahawak ang kanilang mga kamay at magkasalikop na mga daliri.

Maririnig kaagad ang malakas na sigawan galing sa mga audience kaya maging si LittlePrince na abala sa pag-drawing sa kanyang iPad ay napaangat ng tingin para tingnan kung anong nangyayari. Hindi pa nagsisimula ang game 2 pero maingay na ang mga fans na animo'y may nagpentakill. Ngunit natigilan siya nang makita ang nasa big screen, na-freeze ang kanyang ekspresyon sa kanyang mukha at makikita din iyon sa big screen dahil nasa tabi siya ni Jacian.

Napaglapat ni Lucky ang kanyang labi at kinikilig na pinaypay ang kanyang kamay habang nakaharang sa kanyang bibig ang nakasara niyang palad. Bahagya ring natawa sina Coach Dang at hindi mapigilang hindi mapangiti.

Sa kabilang banda, seryuso parin si Jacian habang nagpapahangin sa mini fan ngunit bahagya siyang natinag nang galawin ni Just ang kanilang kamay. Tiningnan niya si Just ngunit tinuro ni Just ang big screen gamit ang kanyang mga mata para ipahiwatig na tumingin siya doon, napatingin naman doon si Jacian at kaagad siyang nagulat nang makita sila.

Jacian: "..."

Kinagat niya ang ibabang labi nang dahan-dahan niyang ibaling ang kanyang paningin kay Just at hindi mapigilan ang hindi matawa. Babawiin niya sana ang kanyang kamay ngunit hinawakan iyon ni Just nang mahigpit.

Napatikhim naman si Lucky. "...Ako'y kinikilig~..." Kanta niya sa dalawa at nakangiting inakbayan si Gem. Nagtawanan naman sina Coach Dang at Blue habang nakatingin sa kanilang team jungler at mid laner.

Sa lakas ng kantyaw ng mga audience at ng kanilang teammates tuluyan nang nagpink ang mukha ni Jacian at hindi mapigilang yakapin ang tuhod ni Just. Nagpakawala si Just nang mahinang tawa at hinawakan si Jacian.

Hindi lang ang mga fans ang kinilig kundi pati narin ang mga staff na nakablack sa gilid at ang director na siyang kumuha ng video. Halos hindi sila makaharap sa FTT at pinili nalang na tumalikod para itago ang kanilang kilig.

More Chapters