Ficool

Chapter 162 - Chapter 160: Tinatrato ko ng maayos 'yan, niluluhuran ko pa nga 'yan.

Habang nagkukwentuhan sila ni Chase sa living room, bumaba naman ang iba niyang teammates at nagulat sila nang makita si Chase sa base. Humaba ang kwentuhan nila at kinain narin yung meryenda na dala ni Chase. Linggo ngayon kaya wala silang training, wala rin si Coach Dang sa base at umalis ito kasama ang kanilang lead coordinator.

Kinagabihan, nagkayayaan pa silang mag-inuman at si Blue na ang kumuha ng alak sa fridge at dinala iyon sa break room ng second floor. Madilim sa loob ng break room dahil nakapatay lahat ng ilaw at tanging liwanag lang na nanggagaling sa TV screen yung nagbibigay liwanag. Matapos silang yayain ni Blue at salinan ng maraming alak ang kanilang baso, si Lucky kaagad ang unang nalasing, kinaway naman ni Chase ang dalawa niyang kamay para tanggihan si Blue. Tumayo siya at naglakad patungo sa pwesto ni Jacian para kumain ng pulutan.

Lasing narin si Just at kanina pa ito kumakanta na sinasabayan naman ni Lucky, nakatulog na nga si Lucky at bagsak na ito sa sofa. Samantala, tuloy parin yung inuman ni Blue at Gem sa kabilang mesa.

Tahimik na nagkukwentuhan sina Jacian at Chase tungkol sa laban nila sa Riyadh para sa global competition, nabanggit din ni Jacian yung tungkol sa MPG ngunit sinabi ni Chase na normal lang naman na matalo, pero yung natalo na hindi lumaban, yun ang hindi normal.

Napailing lang si Jacian, kumuha siya ng pulutan at nilagay iyon sa kanyang bibig, sumandal siya sa upuan habang hawak ang bottled water. Sumandal din si Chase sa upuan habang nakatingin sa TV screen, ngunit hindi niya maiwasan ang hindi mamangha sa boses ni Just.

"Ang ganda pala ng boses ni God J." Saad niya.

Tiningnan din ni Jacian si Just na ngayon ay kinakanta ang Sugal by Dionela. Nakasandal ito sa sofa habang naka-ekis ang kanyang hita, hawak niya ang mic sa kanyang kaliwang kamay at hawak niya naman ang baso ng alak sa kanang kamay na kalahati nalang ang laman.

"Bakit puro sad love song yung kinakanta ni God J? Parang hindi mo ata tinatrato ng maayos."

"Tinatrato ko ng maayos 'yan, niluluhuran ko pa nga 'yan." Diretsong sagot ni Jacian, hindi tuloy mapigilan ni Chase ang hindi siya batuhin ng pulutan.

Lumalim na ang gabi at maging si Blue ay bagsak narin, nagpaalam naman si Just na lalabas nang makatanggap ito ng tawag. Pinatay na ni Jacian ang TV at sounds at binuksan ang ilaw sa break room. Mga nakayuko na sa mesa ang kanyang mga teammates kasama ang mga balat ng kinainan nila, nagdesisyon si Jacian na mamaya niya na gigisingin ang mga ito at samahan muna si Chase na lumabas para hintayin ang driver nito.

Suot ni Jacian ang hoodie jacket ni Just na kulay blue at isinuksok ang kanyang kamay sa bulsa dahil sa sobrang lamig, madaling araw na kaya ramdam niya ang hamog na tumatama sa kanyang mukha na parang rain shower.

"Kailan ang alis niyo?" Tanong ni Chase habang nakatingin siya sa kanyang cellphone para sabihin sa kanilang driver na naghihintay na siya sa labas.

"First week ng November." Sagot ni Jacian.

Tumango si Chase. Ilang sandali lang silang nagkwentuhan ni Jacian dahil dumating narin ang team van.

"'Yan na pala, alis na ako." Ani Chase na tinanguan niya.

Kumaway siya kay Chase bago tuluyang umalis ang team van. Pagbalik niya sa base, ginising niya ang kanyang mga teammates at inalalayan ito pabalik sa kanilang mga dorm. Buti nalang at hindi pa tuluyang nalasing si Just dahil kusa itong bumalik sa kanyang dorm, dahil kung hindi baka magkaroon pa siya ng injury dahil sa bigat nito.

Sa huling linggo ng October, nagtraining sila sa loob ng limang araw. Halos wala silang tulog at pahinga lalo na si Lucky dahil nakipag-1v1 siya kay Jacian, Blue at Just. Malalakas ang makakalaban nila ngayon lalo na't nand'yan ang CP na apat na beses nang naging World champion at ang MPG na kasalukuyang domestic champion ng KPL. Malalakas ang dalawang teams na 'to kaya hindi lang sila ang nanginginig kundi pati narin ang ibang region. Marami na 'ring post ang mga netizens sa e-sports circle lalo na ang mga Chinese fans na hindi na 'raw sila magtataka kung ang CP at MPG ang dalawang teams na maglalaban sa grand finals.

Maraming nagalit dahil doon kaya hindi pa man nagsisimula ang global competition ay mainit na kaagad ang mga fans sa iba-ibang region. Umalma kaagad ang mga fans ng MKL at KME dahil sa pagyayabang ng KPL at nagsimula na silang magkagulo sa post ng mismong HoK Esports, umabot pa iyon sa Weibo kaya nag-top 1 sa hot search. Malakas ang MKL at KME sa HoK nung hindi pa kasama ang KPL sa global competition, unang na-released ang HoK sa China at halos 9 years pa bago nilabas sa global server, kaya hindi kaagad binigyan ng invitation ang KPL para maging pantay ang laban. Laging nag-dodominate sa KWC ang MKL o Malaysia Kings League at KME, the Major East League na laging Korea-Japan ang champion, pero nang magkaroon ng slot ang KPL, lagi na silang nasa baba. Hindi narin sila nakakasama sa grand finals dahil last season ang KMW ang isa rin sa nag-improve at nakalaban ng CP sa grand finals, at walang ibang team kundi ang Team BBQ na galing sa Europe.

Bagaman, kung mapapansin, hindi nagsalita ang KMW para patulan ang KPL at nanatiling tahimik. Mayroon ding dalawang slot ang KMW at nand'yan parin naman ang BBQ na nakaabot sa grand finals last season at ang Team Silence kung saan si Ning ang captain.

Mainit kaagad ang e-sports circle sa social media, ngunit katulad ng KMW, nanatili 'ring tahimik ang PKL. Sa katunayan, maging sina Coach Dang, Jacian, Just at ang buong FTT hindi narin sila mabibigla kung magiging China vs. China sa grand finals, dahil kung hindi nila matalo ang CP mas lalo na ang MPG. Sobrang lakas ng MPG ngayon sa puntong mapapahiya ang mga teams na makakalaban nila. Sobra kung mandurog ang MPG at maging sina Ziling at Reyi na players ng WH ay sira parin ang mental state hanggang ngayon. Pero ang good news doon, hindi marunong mang-trash talk yung mga players ng MPG. Hindi rin sila mayabang kaya hindi double yung sakit.

Bago sila natulog sinend ni Coach Dang sa kanilang gc yung mga kailangan nilang dalhin dahil baka may makalimutan sila lalo na ang kanilang passport. Sinabi ni Coach Dang na i-double check yung kanilang baggage at h'wag magdala ng power banks, batteries, o kung ano-anong tools para hindi sila matagalan sa checked baggage.

[Lucky: Noted, Coach!]

Reply ni Lucky kay Coach Dang. Si Lucky ang pinaka-excited sa kanila at siya rin ang naunang nag-impake ng bagahe, nagbiro pa si Blue at sinabing, "Tingnan mo, una kang mag-impake, una ka 'ring uuwi." Saad ni Blue kay Lucky na tinawanan nila. Sinamaan naman siya ni Lucky ng tingin.

Sa sumunod na araw, maaga pa silang nagising para bumyahe patungo sa airport. Maraming media ang nakasunod sa kanila para kunan sila ng litrato, puro kislap ng camera ang tumatama sa kanila kaya napayuko si Jacian dahil sa sobrang silaw. Lumapit sa kanya si Just at inakbayan siya nito, inangat din ni Just ang kanyang hoodie at naglakad na sila patungo sa eroplano.

Si Lucky ang pinakanatuwa sa kanila at walang tigil ito sa kakapicture, samantalang, nakahanda naman si Gem na matulog at nakasuot na ng blind fold. 9 to 10 hours ang lipad ng eroplano kaya wala silang ibang ginawa kundi ang matulog.

Nilagay ni Just ang kanyang cellphone sa kanyang bag at binalingan si Jacian, nakasandal lang ito sa upuan habang pumipikit-pikit. Kinuha naman ni Just ang blind fold na kulay peach sa bulsa ng kanyang hoodie at binigay iyon kay Jacian. Kinuha iyon ni Jacian atsaka humikab.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tanong ni Just at sumandal sa kanyang upuan.

Dalawang beses namang sinuklay ni Jacian ang kanyang pink na buhok at nilagay doon ang blind fold. "Mm, niyaya kasi ako ni Xiaowang sa rg." Sagot niya. Madaling araw na siya nakatulog at maaga pa silang umalis kaya saglit lang yung tulog niya.

Inangat naman ni Just ang kanyang kamay at hinawakan ang blind fold na nasa noo ni Jacian at binaba iyon para takpan ang kanyang mata.

Jacian: "???"

Nag-pout si Jacian dahil sa ginawa ni Just kaya lumabas ang hugis ng cute niyang labi at hindi mapigilan ni Just ang hindi pisilin ang gilid ng magkabila niyang labi. Sa laki ng kamay at haba ng mga daliri ni Just, kayang-kaya niyang takpan ang buong mukha ni Jacian.

Jacian: "..." Bahagya siyang natigilan dahil sa ginawa ni Just. Hindi niya rin namalayan sa kanyang sarili na nagawa niyang gawin 'yun sa harap ni Just. Holy shit! Siya pa ba si Boss?! Hindi mapigilang tanong ni Jacian sa kanyang sarili. Isa siyang trash talker! Pero hindi niya namalayang nagpacute siya sa harapan ni God J?!

Bahagyang tumikhim si Jacian, hindi nalang siya nagsalita at sumandal sa kanyang upuan. Sumandal din si Just at pumikit para matulog, ngunit ilang sandali lang nang maramdaman niyang kinapa ni Jacian ang kanyang tiyan hanggang sa mahawakan nito ang kanyang kamay na nakapatong doon.

Ngumiti si Just. Pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri at bahagyang hinila para ipasok sa bulsa ng kanyang hoodie.

"Bakit ang clingy mo ngayon?" Mahinang tanong ni Just ngunit nanatili siyang nakasandal habang nakapikit. Hindi sumagot si Jacian ngunit naramdaman niyang bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Just, hindi niya mapigilan ang hindi bumangon at dumukwang para halikan ang labi ni Jacian, hinalikan niya rin ang nunal sa baba ng labi nito bago siya bumalik sa pagkakasandal nang may ngiti.

Tanging pagkurap lamang ng mga mata ang nagawa ni Jacian, hindi siya gumalaw, mabagal lang ang kanyang paghinga ngunit ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang gawin iyon ni Just. Ilang sandali ang makalipas nang tanggalin ni Jacian ang kanyang blind fold para tingnan si Just, nakasandal ito sa upuan habang nakapikit. Mula sa kanyang p'westo, kitang kita niya ang magandang side profile nito pati narin ang makapal nitong kilay na makitid sa dulo. Naka-jacket si Just ng gray at suot din nito ang itim na relo at silver bracelet.

Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ni Just bago niya binaba ang kanyang blind fold, bumalik na siya sa pagkakasandal sa upuan at pumikit para ipagpatuloy ang kanyang tulog.

Makalipas ang napakahabang oras nagising sila dahil sa announcement sa loob ng eroplano.

["As-salamu alaykum"]

["Welcome to King Khalid International Airport in Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. The local time is 1 p.m."]

["Please fasten your seatbelts and remain seated until the aircraft comes to a complete stop.]

Tinanggal ni Jacian ang kanyang blind fold para tingnan ang oras at kasalukuyang 6 p.m ang oras sa kanyang cellphone dahil naka Philippine time pa iyon. Ngayon niya lang napansin na una ng 5 hours ang Pilipinas sa Saudi Arabia. Pinatay niya na ang kanyang cellphone at binalik kay Just ang blind fold na peach.

Pagbaba nila ng eroplano, maraming staff ng airport ang makikita sa labas para ituro sa kanila kung saan papunta sa immigration, customs, at baggage claim.

Pagkatapos ng proseso, sinundo sila ng isang van patungong Boulevard Riyadh City. Ang mismong management ng KWC ang nag-organized kaya hindi na nila kailangang maghanap ng kahit na anong transportation. Dinala sila ng team van sa isang hotel na para lang sa mga pro players at doon sila tutuloy hanggang sa matapos ang global competition. Marami nang tao sa lobby at halatang marami na 'ring teams ang nauna sa kanila, sinabihan sila ni Coach Dang na pumunta muna sila sa front desk para itanong kung saang floor ang mga players ng PKL.

May mga tao sa front desk at kasalukuyang kinakausap ng babae kaya naghintay muna sila hanggang sa matapos yun, hindi alam ni Jacian kung anong team yun dahil hindi pa naman sila nakasuot ng uniform. May kasama silang dalawang matatabang lalaki na kasing taba ni Coach Dang at isang babae na maraming dalang clear book at abala ito sa tawag.

More Chapters