Ficool

Chapter 153 - Chapter 151: Grand finals

Mabilis na nag-collapse ang farm lane ng GOT-G at pushing din ang minions, nahati ang kanilang atensyon sa dalawang lane kaya hindi na sila nakipag-agawan sa FTT nang sinimulang kunin ng FTT ang overlord. Pinadala na nila ang mama dragon doon sa may clash lane kasama ang mga shadow vanguard at tuluyan na silang nag-push hanggang crystal. Nalinis man ng GOT-G ang minion wave ng FTT sa tatlong lanes, ngunit mayroon pa din namang mechanical minions si Boss at summons mula kay Just at Lucky. Naubos ang buhay ng crystal ng GOT-G at tuluyan na itong sumabog sa harap mismo ng kanilang mukha matapos silang ma-ACED!

Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at bumaba sa stage para pumunta sa break room. Kasalukuyan namang napunta sa dalawang commentators ang camera bago pinakita sa big screen ang highlights ng match.

Commentator Waver: "Ito yung gusto kasi ni Agudo, yung nakukuha niya yung mga resources para makapag-summon siya ng maraming monsters. Gusto ko talaga yung mabilis na pag-react ni Just doon sa may blue buff niya, pag-angat nung blue buff sabay smite." Saad ni Commentator Waver at napailing. "Grabe ang ganda."

Commentator Zia: "Hindi natin naramdaman yung control dito ni Augran sa buong jungle, noh? Augran/Yixing yung ginamit ng GOT-G at alam naman natin na match made in heaven 'tong dalawang 'to pero maaga kasing nasira ng FTT yung connection sa pagitan ni Lessen at Shadow kaya hindi sila makapag-dou at makapag-initiate ng teamfight."

Commentator Waver: "Yeah, at maganda rin yung ginawa ng FTT sa early. Sinasakop ng GOT-G yung jungle nila pero nadedefend din nila. Sagot lang sila ng sagot sa ginagawa ng GOT-G hanggang sa walang makuhang resources yung GOT-G at nung magka-item ang FTT doon na bumagsak ang kanilang towers."

Kasalukuyang 2-1 ang score at 2 points para sa FTT. Nagsimula ang 5 seconds countdown sa big screen at nang matapos iyon, pinakita sa big screen ang mukha ng mga players ng FTT at mapapansin naman na seryuso sila ngunit hindi nababahiran ng pressure. Lumakas ang tilian sa audience area nang ipakita si Jacian sa big screen at kalmado ito habang nakasandal sa gaming chair, nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa kanyang noise-cancelling headphones at ang kanyang kanang kamay naman ay nakalapag sa mesa habang marahan itong itinutoktok. Ilang sandali ang makalipas nang mag-angat siya ng mukha para tumingin sa camera ngunit agad ding yumuko at tumingin sa gaming phone, lalong lumakas ang tilian sa audience area pati narin sa VIP row kung saan naka-upo ang mga sikat na steamers at costplayers. Inangat nila ang hawak nilang mga merch ni Boss at kinaway iyon sa camera.

[Shit! Bakit ngayon ko lang napansin na gwapo si Boss?]

[Gwapo naman talaga si Boss basta h'wag lang siyang magsalita.]

[Pero mas lamang yung pagiging cute ni Boss.]

[Grabe, lakas ni Boss sa mga girls doon sa VIP row oh, halos lahat ng hawak na merch chibi niya.]

[Lakas ng tilian, daming admirers kahit trash talker. Ang gaganda pa naman ng mga steamers na 'yun. Ako nga send ng send ng gifts 'di ako nanonotice. [tornheart.jpg]]

Umayos ng upo si Jacian at bahagya niyang pinaglapat ang kanyang labi dahilan para lumabas ang kanyang nunal sa baba ng kanyang labi, pinapakinggan nila ang sinasabi ni Coach Dang sa kanilang noise-cancelling headphones na kasalukuyang pinapaliwanag ang kanilang plano at kukuning line-up.

"Kung kukunin natin si Shangguan at Musashi, kaya mo bang i-handle si Shangguan kahit wala kang double ultimate?" Tanong ni Coach Dang kay Jacian. Ginamit na nila si Dolia nung game 3 kaya hindi na sila p'wedeng mag-Dolia sa mga susunod nilang games. Tumango naman si Jacian kaya kinuha na nila si Shangguan at Musashi.

Napa 'oh' ang dalawang commentators dahil sa 2 picks ng FTT, alam nilang sobrang lakas ng dalawang hero na 'to sa kamay ng Great Demon King at monster mage dahil walang games na hindi nila naipanalo gamit ang dalawang hero na 'to. Ligtas din naman si Shangguan ngayong game dahil hindi na p'wedeng gamitin ng GOT-G si Liang at Princess Frost na magaling pumigil sa mga assassins. Kaya hindi kakabahan ang FTT dito.

Natuwa naman si Lucky nang utusan siya ni Coach Dang na kunin si Luara dahil isa si Luara sa mga marksman na komportable siya dahil madali lang gamitin, liban pa doon nakakatalon-talon ito sa mga bato kaya hindi siya magigipit sakaling gumamit man ng assassins yung LS dou. Kinuha ng FTT si Lu Bu, Musashi, Shangguan, Laura at Zhang Fei. Samantalang, tank jungler naman ang kinuha ng GOT-G at pinili si Menki para kay Lessen, assassin mage naman ang kinuha ni Shadow at hawak niya ngayon si Mai Shiranui.

Mainit ang naging laban ng dalawang team sa game 4 at halos pantay lang ang kanilang gold. Kumpara kay Lucky at sa marksman ng GOT-G na si Thorn malakas ito kumpara kay Lucky kaya maagang nag-collapse ang farm lane dahil madalas namang nasa mid lane si Gem para samahan si Jacian, ngunit maaga din namang nag-collapse ang clash lane ng GOT-G dahil walang makakatalo kay Blue pagdating sa 1v1. Halos sabay lang nag-collapse ang parehong lane kaya mahirap pa 'ring hulaan kung sino ang mayroong advantage.

"P'wede mo na akong iwan dito, Gem." Saad ni Jacian sa kanilang noise-cancelling headphones. Nasa mid lane si Gem para tabuyin si Shadow nang makapag-clear naman ng maayos si Jacian at hindi ito ma-gank.

Gem: "...mn. Okay." Saad nalang ni Gem at bumaba sa farm lane para samahan si Lucky.

Tumawa naman si Lucky. "H'wag ka na kasi pumunta sa iba, babe. Nandito na nga ako."

"Shut up. I-defend mo ng mag-isa ang farm lane." Ani Gem at nag-u-turn para umakyat sa taas.

Blue: "???" Mukha bang kailangan ko ng assist?

Habang tumatagal ang match dumadami din ang nakukuha nilang kills at tumatagal ang death recap. Nag-spawn ang overlord/tyrant, nag-enhance ang overlord/tyrant, umabot ng 15 minutes ngunit sunuran parin ang kanilang gold. Dumating pa sa puntong nagkaroon ng teamfight ngunit pareho nilang na-ACED ang isa't isa, napakatagal pa naman ng death recap sa HoK at lahat sila ay naghihintay ng death recap sa big screen kaya pansamantala munang pinakita ang replay para malaman nila kung paano na-ACED ng dalawang teams ang isa't isa.

Umabot sa 20 minutes ang match at nag-spawn ang tempest dragon, mukhang makakakita nanaman sila ng mahabang sayawan ngayon sa may pit dahil pareho nang nag-iingat ang dalawang teams. Ang sino mang mamatayan ngayon ng isang player ay siguradong tuluyan nang matatalo dahil parehong naghahanap ng advantage ang dalawang teams. Pang mid game ang kanilang line-up ngunit sinong mag-aakalang umabot iyon sa late game?

Dadaanin nanaman nila ito sa mahabang sayawan hanggang sa mapilitan silang ilabas ang kanilang plano. Parehong crystal nalang ang nakatayo sa dalawang koponan kaya kinakailangan nila ng plano para kunin itong tempest dragon, paano nila makukuha ang tempest dragon na walang minion wave na patungo sa kanilang crystal? Mukhang parehong mahahati ang atensyon ng dalawang teams dito.

Nagsimula nang sumayaw ang GOT-G doon sa may pit at hinahatak ang tempest dragon palabas ng pit para hindi magkaroon ng vision ang FTT. Mabigat ang pressure sa GOT-G dahil dalawang smite ang mayroon ang FTT at ang isa ay hawak ni Gem, p'wedeng pasukin ni Gem yung tempest dragon para magbigay ng vision at sabay nilang gamitan ni Just ng smite, hindi makakapag-react ang GOT-G doon at p'wede rin nilang ituloy-tuloy ang teamfight dahil mayroon naman silang tempest vanguard.

Alam ng GOT-G ang magiging plano ng FTT kaya dahan-dahan nilang sasayawin itong tempest dragon at hindi bibigyan ng upportunity na makapasok si Gem. Ngunit makikita naman sa mini map na may kakaibang set-up na ginagawa si Just doon sa may clash lane.

Commentator Zia: "Dahan-dahan lang itong sasayawin ng GOT-G dahil alam nilang may binabalak ang FTT, pero kayang-kaya itong madaliin ng GOT-G para mailabas yung plano ng FTT. Pero relax lang yung FTT, alam nila, i-rereset niyo 'yan."

Commentator Zia: "Yeah, at sa mga nagdaang matches ng FTT halos lahat ng objectives kinukuha nila ng dahan-dahan, hindi lang kasi objectives yung nakikita nila pati yung tatlong lanes kailangan din nilang bantayan kaya hindi lang dapat sa main screen nakatingin pati yung mini map dapat tinitingnan din. Kung p'wede lang hatiin yung paningin, yung isa na kay Just. Tingnan mo, lahat sila nasa pit pero si Just pumunta sa clash lane para linisin yung minion wave."

Tumawa si Commentator Waver: "Nag-aalanganin din kasi yung GOT-G kung kukunin nila ito ng mabilis kasi kahit wala si Just, nand'yan naman si Gem na meron ding smite."

Commentator Zia: "Pero may ginagawang set-up yung FTT, pagandahan ng set-up 'to guys."

Umabot ng 3 minutes ang sayawan sa tempest dragon ngunit ang mahabang sayawan doon ay nauwi sa teamfight, nagsimula ang teamfight sa tempest dragon nang mag-initiate ng teamfight si Gem, mabilis namang nag-react ang GOT-G at kaagad nag-counterattack. Ngunit ginamit ni Lucky ang kanyang ultimate para protektahan ang kanyang teammates at halos kumalahati ang HP ng mga players ng GOT-G, nakuha ng GOT-G yung tempest dragon at tinuloy-tuloy ang teamfight ngunit sinong mag-aakalang napaka-agresibo ni Lucky ngayong game? Halos maubos ang HP ni Lessen na siyang nasa unahan mabuti nalang at meron siyang shield at heal mula sa kanilang support.

Unang namatay si Gem sa FTT matapos niyang protektahan si Jacian ngunit napatay din naman ni Jacian si Lessen na siyang naka-slain kay Gem. Nasa high ground na ng FTT ang teamfight at mukhang i-pupush na ito ng GOT-G hanggang crystal ngunit binalot sila ng gulat nang marinig ang salitang, 'Our Crystal is under attack!'

Mga players ng GOT-G: "???????!"

Audience: "!!!"

Ngayon lang nila napansin na kanina pa pala nandun sa kanilang crystal si Just habang sila ay abala sa teamfight! Hindi nila napansin na kanina pa pala sila nakikipag-4v5 sa FTT. Holy shit! Apat na players lang pala ng FTT ang kalaban nila kanina?!

Hindi makapaniwala ang GOT-G.

Lumakas ang sigawan sa audience area nang ipakita si Just sa main screen habang mag-isang tinatrabaho ang crystal ng GOT-G, pinakawalan ng GOT-G ang shadow vanguard ngunit nag-tower locked na si Just at pinasabog iyon.

VICTORY!

Panalo ang FTT sa game 4 sa hindi nanamang inaasahang set-up, nakuha nanaman ni Just ang pagiging Master Thief matapos niyang nakawin ang crystal ng GOT-G. Kasalukuyang 3-1 ang score at 3 points para sa FTT, isang panalo nalang sila na ang domestic champion.

Samantala, hindi makapaniwala ang GOT-G habang nakatingin sa madilim nilang gaming phone kung saan nakasulat ang salitang DEFEAT. Hindi nila inaasahan na sa ganun lang matatapos ang game, nasayang yung ganda ng plano nila at nandun na eh, nandun na sila, akala nila malapit na pero malayo pa.

Ngunit hindi naman nila madedeny ang kanilang pagkatalo dahil kitang-kita iyon sa big screen na detalyadong set-up ang ginawa ng FTT para lituhin sila. Ang ginawa lang ng apat na players ng FTT, pinatagal lang nila ang teamfight at nagpahabol sa GOT-G para magkaroon ng mahabang oras si Just na kunin ang crystal. Hindi naman napansin ng GOT-G kaya nanalo sila.

[Grabe Master Thief! Anong nangyari sa GOT-G?]

[Mas mahalaga daw kasi yung tempest dragon at teamfight kaysa sa crystal, sabi ng GOT-G.]

[Ang hina pala ng game awareness ng GOT-G. Mga walang mapa! Hindi pa nila napatay lahat ng players ng FTT doon sa teamfight eh apat lang naman kalaban nila dun.]

[Wala na, 3-1 na ang score, FTT na talaga 'to para sa domestic champion. Deserve din kasi, ang lakas nila ngayon.]

More Chapters