Ficool

Chapter 146 - Chapter 144: Semi-finals

First blood!

Si Boss kaagad ang unang nagpadanak ng dugo at kung babalikan sa replay, kasama ni Boss sina Lucky at Gem sa farm lane ngunit tanging si Lucky lang ang makikita dahil parehong nakatago sa brush si Boss at Gem. Nakahanda naman ang support ng RG na protektahan si Water ngunit si Water ang naging target locked ni Boss, nagawa namang mag-teleport ng clash laner ng RG gamit ang hero nitong Liu Bang ngunit nahuli ito at hindi na nagawang protektahan si Water.

Kaagad namang binigyan ng heal ni Gem si Jacian dahil kalahati nalang ang natira sa kanyang HP matapos tamaan ng damage ni Liu Bang.

Bumalik sa mid lane si Jacian habang nag-pupush ng tower si Lucky at Gem sa farm lane, hindi nila iyon nagawang pabagsakin dahil nandun ang support at dumating pa si Crowd para itaboy sila.

Commentator Zia: "Wala pang tyrant pero mainit na kaagad ang ating dalawang koponan, at nakuha narin ang first blood. 1000 ang lamang ng FTT dahil nakuha ni Just yung blue buff ni Crowd kanina at nakuha pa nila yung first blood. Parang kakaiba yung FTT ngayon..."

Commentator Waver: "Oo, kung mapapansin natin si Water wala namang kinakatakutan yan. Kahit marksman yan wala yang takot sa early, kay Just lang takot yan. Pero ngayon, na-first blood si Water at kitang-kita naman natin na hindi pa kumikilos si Just. Ang mid laner, marksman at support lang ng FTT ang nag-initiate ng fight sa farm lane pero mabilis na naipit si Water kahit na nand'yan si Zhang Fei, nag-teleport si Liu Bang, hindi nila kaya yung damage na meron yung tatlong players ng FTT."

Commentator Zia: "Yeah, at mahirap 'to para kay Water kasi pushing din yung farm lane at kailangan linisin ni Crowd yung mga minions dahil kung hindi niya lilinisin babagsak yung tower."

Lamang si Lucky ng gold kay Water dahil mas marami siyang nakuhang minions at kasalukuyan narin siyang naglilibot sa kanilang jungle para kunin ang maliliit na resources.

Nag-playsafe muna si Water at binigay lahat ni Crowd ang laman ng kanyang jungle para lang maka-level up si Water at magka-item. Umabot sa 4 minute at nag-spawn na ang overlord/tyrant, nag-aalanganin ang RG kung makikipag-agawan ba sila sa FTT para kunin ang objectives dahil hindi pa namamatay si Just at sobrang ganda ng early niya, meron narin siyang mga items kaya mahapdi narin ang kanyang damage. Ngunit kung hindi sila makikipag-agawan at hindi makakuha ng objectives mahuhuli sila sa gold at hindi sila makakabili ng mga items.

Pinakita sa big screen ang heart rate ng mga players at makikitang tumataas pa ang heart beat ng side ng RG, maging ang heart rate ni Water ay tumaas ng 180 at naka-exercise mode na iyon, hindi tumaas ng ganito ang heat beat niya nung nakalaban nila yung GOT-G. Maging ang dalawang commentators ay nagulat.

Commentator Zia: "Woah... grabe yung pressure ni Water, alam niya na kapag namatay siya sa gitna ng laban na 'to magsisimula na silang mawalan ng kontrol sa mapa."

Nagsimula nang kunin ng FTT ang tyrant at kinuha nila lahat ng brush na p'wedeng taguan, walang ma-pwestuhan ang mga players ng RG lalo na si Water dahil hindi nila makita si Boss sa mapa, hindi nila alam kung saan nagtatago si Boss.

"Wala si Shangguan." Saad ng kanilang mid laner habang patungo sa tyrant pit ngunit nagulat siya nang biglang may bumato sa kanya na ink! "Shit! Nandito siya sa akin!"

"Liu Bang! Liu Bang!" Tawag ni Water. Kaagad namang nag-teleport si Liu Bang sa kanilang mid laner para sagipin ito ngunit hindi sapat ang oras at kaagad itong namatay. Sinisimulan na ng FTT na kunin ang tyrant ngunit nawalan sila ng isang player. "Kukunin pa ba natin ang tyrant?"

"Retreat." Command ni Water nang subukang habulin ng kanilang clash laner si Boss. "Parating si Just kapag hinabol mo si Boss hindi kita kayang bigyan ng assist." Aniya.

Nag-retreat ang mga players ng RG at sabay namang bumalik si Jacian at Just patungo sa tyrant pit para kunin iyon. Hindi na nagawang makipag-agawan ng RG at umuwi muna sila para magpa-full health.

Nakuha na ng FTT ang tyrant at 5 thousand ang lamang nila sa RG, unti-unting bumagsak ang mga towers ng RG at may 4 deaths narin si Water. Sinubukang i-defend ng RG ang red buff dahil kanina pa nila ito hinihintay na mag-spawn para kay Water ngunit kahit iyon ay hindi na pinalampas ng FTT.

Hindi maiwasan ng mga viewers ang hindi makaramdam ng lungkot at makikita ang walang tigil na scrolling comments sa official live broadcast ng PKL.

[Anong nangyari sa RG? Bakit parang sila yung nadudurog ng FTT? Ito ba yung sinabi ni Lucky na babawi sila ngayon sa RG kasi durog sila last season?]

[Mukhang makukuha pa ata ng FTT yung game 2, hindi sila nadurog ng ganito nung nakalaban nila yung GOT-G.]

[Sa true, nagawa pang i-drag ng RG yung match hanggang 20 minutes yung laban nila sa GOT-G at nakuha nila yung game 2 pero ngayon, bakit parang mas nalalakasan ako sa FTT kaysa sa GOT-G?]

[Manahimik ka d'yan, mas malakas ang GOT-G. Naghihintay nalang sila ngayon kung sino yung makakalaban nila.]

[???]

[Hindi kasing lakas ng FTT yung GOT-G pero pagdating sa strategy at plano mas may tiwala ako sa FTT kasi kahit nasa disadvantage na sila kayang kaya parin nilang i-comback. Lalo na pagdating sa pag-defend.]

[Mas malalim na tacit understanding nalang ang kulang sa FTT, matatalo na nila yung GOT-G next match.]

[Makukuha ng FTT yung game 2, imposibleng ma-drag pa 'to ng RG hanggang late game at makuha ni Water yung mga items niya. Wala na eh, butas na yung mid at farm lane.]

[Hindi rin kasi maayos yung naging pag-assist kay Water, di magaling yung clash laner wala paring tatalo kay Ning.]

[Simula nung nawala si Ning sa RG hindi na nagdodominate yung RG. Wala naring pentakill si Water sa mga nagdaang season at halos top 3 nalang yung pinakamataas na naaabot ng RG, kahit anong hero pa ata ang gamitin ni Water.]

[Grabe nakakamiss yung LifeSaver Connection.]

Nakaramdam ng lungkot ang mga fans ng RG habang pinapanood kung gaano kadurog si Water ngayong season, ang Filipino shooter ng PKL ay hindi man lang makalabas ng kanyang bala. Hindi pa nagkaroon ng 4 deaths si Water nung si Ning ang kanilang clash laner, signature hero ni Ning si Liu Bang at lagi niya itong ginagamit para protektahan si Water sa puntong kapag nakita nila si Liu Bang ay si Ning kaagad ang pumapasok sa isipan nila. Walang ibang nakakagamit ng maayos kay Liu Bang maliban kay Ning. Kahit gaano pa ka-agresibo ni Water sa teamfight, kayang kaya nitong protektahan si Water at mayroon silang malalim na tacit understanding, kaya hindi matanggap ng mga fans ang pag-alis ni Ning para pumunta sa ibang division. Nawalan ng LifeSaver Connection ang RG at doon nagsimula ang pagbagsak ng kanilang team, malakas naman si Crowd dahil isa siya sa mga top-tier junglers ng PKL ngunit hindi sapat yung lakas niya para protektahan si Water, at liban pa doon wala silang malalim na tacit understanding ni Water katulad nung kay Ning.

Malungkot ang mga fans ngunit nang tumagal, ang lungkot na nararamdaman nila ay naging galit at tinawag na traidor si Ning, galit din si Water nung time na yun kaya mas lalong nagalit ang mga fans kay Ning. Humina ang RG sa PKL at nagsimulang lumagas ang kanilang mga fans para lumipat sa ibang teams, ngunit lumipas ang ilang season na walang paramdam si Ning, ngayon lang nagkaroon ng update ang account ni Ning at nalaman nilang captain ito ng Team Silence sa European division. Nang malaman ng mga fans ng RG na sasali ang Team Silence ngayong season nakaramdam sila ng excitement at gusto nilang manalo ang RG para makarating sa global competition. Gusto nilang makaharap ng RG ang Silence para ma-realize ni Ning na pinagpalit niya ang ginto sa basura.

Sa loob ng venue, maririnig ang malakas na sigawan ng mga fans habang nag-pupush ang FTT sa high ground ng RG. Nasa harap na ng crystal ng RG ang FTT at nagsisimula na itong i-defend ng RG. Hindi kakikitaan ng pag-asa ang mga fans ng RG dahil 6 na ang deaths ni Water at nasaksihan nila kanina kung gaano ka-agresibo ang Honeybam dou at si Water talaga ang naging target nila, sobrang lakas ng damage ni Just at kanina pa nila nakikita na umaangat si Water tuwing gagamitin ni Just ang kanyang ult. Malakas ang ult ni Musashi at literal na mapapatalon ang mga hero na sino mang magamitan ng ult nito, walang mobility si Hou Yi na naging dahilan para hindi maka-survive si Water. Hindi niya rin magamit ang kanyang ult dahil may CC immune ang skill 1 ni Musashi at walang kwenta kung gagamitin niya ang kanyang ult.

Sa huling teamfight sa harap ng crystal ng RG, namatay si Water nang i-tower dive siya ni Boss at hindi niya na nagawang magpa-full health sa may spawn point, kakaapak niya palang ngunit nakasunod sa kanya si Shangguan na untargetable at tumama lahat sa kanya ng ink.

(FTT.Boss) GODLIKE! (RG.Water)

(FTT.Just) Unstoppable! (RG.Crowd)

ACED!

Na-ACED ang RG at tuluyan nang pinabagsak ng FTT ang kanilang crystal.

VICTORY!

Nakuha ng FTT ang game 2 at makikita naman sa audience area kung gaano kasaya ang kanilang mga fans habang winawagayway nila ang black and gold banner. Hawak din ng mga streamers at costplayers ang kanilang mga chibi habang naka-upo sa VIP row.

Halos mabingi si Lucky sa sigawan ng mga fans nang tanggalin niya ang kanyang noise-cancelling headphones. Hindi ganito kalakas ang sigawan sa tuwing sila ang naglalaro sa nagdaang season at puro pangalan lang ni Just ang sinisigaw ng mga babae nilang supporters. Ngayon nalang ulit siya nakarinig ng ganito kaingay para i-support sila.

Tinanggal ni Jacian ang kanyang noise-cancelling headphones at kinindatan si Just.

Just: "..."

Tumayo na sila at bumaba ng stage para pumunta sa break room. Samantalang, binabalikan naman ng dalawang commentators ang highlights ng game 2 para mas maintindihan ng mga fans kung bakit natalo ang RG.

Malakas ang damage ng FTT ngunit malakas din naman ang shield ng RG para protektahan si Water. Nakuha ng RG si Zhang Fei na tinatawag ng mga Chinese gamer na 'group of shields', nakuha rin ng RG si Liu Bang na mabilis mag-assist, mayroon din silang Menki na isa pang shield na hawak ni Crowd, halos puro shield ang kinuha ng RG para lang maka-survive si Water ngunit hindi kinaya ng kanilang shield ang talim ng FTT.

[Kaya naman sana ng line-up ng RG, ang mali lang yung humahawak. Kasi ginamit narin ng FTT yung ganitong line-up nung regular season, halos lahat puro shield at si Lucky lang yung may malakas na damage pero nakaya naman ng FTT at naka-pentakill pa si Lucky.]

[Yeah, wala kasi sa oras gumamit ng ult yung Liu Bang. Hindi marunong ng timing.]

[Bobo yung Liu Bang. Nakakapikon talaga 'tong clash laner ng RG, bakit kasi pina Liu Bang pa 'yun, sayang yung pick. Hindi na sila p'wedeng mag Liu Bang next game.]

[Meron pa namang Marco Polo at Yaria yung RG, h'wag kayong mag-alala guys, makakabawi pa yan.]

[Oo, pero meron pa ring Feyd, Luna, Pei, Lam, si Just.]

[Meron pa ring Mai Shiranui, Shi, Nuwa, si Boss.]

[LMAO!]

[Wala na, kung hindi pa rin ilalabas ng FTT si Arli sa ban spot, wala ng pag-asang makakabawi ang RG, dapat agahan na nilang mag-surrender.]

[Akala ko ba ipaparealize pa nila kay Ning na pinagpalit niya yung ginto sa basura ba't parang mas lalong narealize ni Ning na tama ang desisyon niya.]

[Yeah, tapos sobrang pressure na ni Lucky. Umabot sa 180 yung heart rate niya, ito na ata yung pinakamataas niyang heart rate. Calm as water nga eh kaya Water yung IGN niya, ba't parang kulog?]

More Chapters