Ficool

Chapter 142 - Chapter 140: Diba sabi ko retreat.

Hindi naman pinansin ni Gem ang sinabi ni Lucky at masinsinan silang nag-uusap ni Just kung sino ang kukuning support.

"Kung Dolia hindi mo naman kailangan ng double ultimate." Ani Gem habang nakatingin kay Just. "Kung Dyadia, kaya kitang bigyan ng heal kahit saan ka pumwesto."

"Mas safe ako sa Yaria." Sagot ni Just.

Lucky: "!!!" Holy shit! Mga traidor!

Nang sabihin yun ni Just naramdaman niyang inapakan ni Jacian ang sapatos niya sa ilalim ng mesa. Binalingan naman ni Just si Coach Dang.

"Coach, gusto ni Boss gumamit ng Yaria."

"My ass!" Angil ni Jacian at umayos na ng upo.

"Yaria mid, p'wede." Dagdag pa ni Blue.

"Bullshit! Papagamitin kita ng Yaria sa clash lane. Bilis, kunin si Yaria." Ani Coach Dang at binalingan si Just dahil siya ang pipili.

Pagkatapos nilang pumili ng mga hero nag-swap na sila ng kani-kanilang mga hero at ni-lock iyon. Pumunta na ang dalawang coach sa gitna ng stage para mag-shakehands bago bumaba para tumungo sa bench area.

Nagsimula ang game 5 at sa early game, sumama muna si Gem kay Lucky hanggang sa maabot nito ang level 4, gamit ni Lucky si Loong at hindi na ito madaling mapatay dahil mayroon na siyang ultimate na pantakas. Nagsimula nang mag-roam sina Just at Gem sa mapa nang magkaroon ng damage si Just, gamit ni Just si Luna at kinakailangan niya ng maraming gold kaya pati ang minions ni Jacian ay pina-farm na ni Just. Binugaw lang nila si Shadow sa mid lane para mapasok ang jungle ng GOT-G, mabilis na nawalan ng resources ang jungle ng FTT at ninakawan pa nila ng resources ang GOT-G.

Dahil sa dami ng nakuhang resources ni Just, siya nanaman ang gold leader. Tinarget ni Just si Lessen bago ang 4 minute mark kaya nang mag-spawned ang overlord/tyrant hindi nakaagaw ang GOT-G at libreng tyrant ay nakuha ng FTT. Basag na ang tatlong turrets ng GOT-G nang umabot sa 8 minute mark ang match samantalang kompleto pa ang turrets ng FTT.

Makikita kaagad ang kalamangan ng FTT at kayang-kaya nilang tapusin ito ng 10 minutes kung hindi sila magkakamali, ituloy-tuloy lang nila ang pag-punish sa GOT-G at masasakal dito ang GOT-G hanggang sa hindi na sila makalabas sa sarili nilang jungle. Ito ang mahirap kapag may Luna sa kabilang side dahil mauubos at mauubos lang ang resources kung hindi babantayan ang jungle, ito kasi yung gusto ni Luna, ang makakuha ng maraming gold para makabili siya ng mga items.

Makikita sa big screen na seryuso ang parehong players ng magkabilang team habang nakatuon ang kanilang atensyon sa kani-kanilang gaming phone. Kailangan nilang mas seryusuhin at mas pag-isipan ang kanilang plano dahil ito ang huling game ng series. Parehong 2-2 ang score ng dalawang teams at ang sino mang mananalo sa huling game na ito ay siyang makakasecured ng isang slot sa grand finals at ang matatalo ay mahuhulog sa lower bracket. Sa lower bracket, maglalaban pa ang HUV at RG mamaya pagkatapos ng laban ng FTT at GOT-G, ang sino mang matalo sa HUV at RG ay mai-eliminate at ang mananalo naman ay siyang kakalabanin ng mahuhulog sa lower bracket.

Nakakunot ang noo ni Jacian habang nakatingin sa screen ng kanyang gaming phone, lamang sila sa GOT-G ngunit hindi kakikitaan ng kalma ang kanyang ekspresyon. Pareho silang nasa baba ni Lucky kasama si Blue habang nasa clash lane naman sina Just at Gem malapit sa high ground ng GOT-G. Samantalang, hinihintay pa ng GOT-G na mabuhay si Lessen bago lumabas sa base at may 10 seconds pa itong death recap.

Nag-rotate sila at pumunta rin sa clash lane matapos linisin ang wave ng minions.

"Babasagin na ba ang high ground?" Tanong ni Blue.

"P'wede." Sagot ni Jacian kaya sinimulan na nilang basagin ang high ground sa loob ng maiksing segundo habang hindi pa nabubuhay si Lessen. Nag-push narin sina Just at Gem sa farm lane kaya nahati ang atensyon ng GOT-G, nabasag ang dalawa nilang high ground ngunit sakto namang nabuhay si Lessen.

"Retreat muna, walang minions." Command ni Jacian. P'wede naman nilang pasukin ang GOT-G sa loob ng kanilang crystal ngunit hindi lang naman ito basta GOT-G, kundi GOT-G na ilang beses ng naging domestic champion, marami ng napagdaanang matches at ilang beses ng nag-defend. Kung susugurin nila ito at mag-tatower locked siguradong may mamamatay sa kanila at hindi rin nila sigurado kung mauubos nila ang crystal dahil buhay ang limang players ng GOT-G na kayang kaya mag-defend. Kung pipilitin din nilang pasukin ang crystal malaki ang posibilidad na p'wede pa silang ma-ACED ng GOT-G. Kaya nagdesisyon kaagad si Jacian na mag-retreat. Ngunit nagulat si Jacian nang mag-initiate si Just ng teamfight.

"Fuck!" Hindi maiwasang mura ni Jacian. "Captain, retreat!" Command niya ngunit pinagtumpukan na si Just ng mga players ng GOT-G, pero mabuti nalang malakas ang mobility ni Luna. Ngunit hindi pa iyon sapat para makatakas si Just kaya mabilis silang nag-assist.

Ngunit hahayaan ba namang makatakas ng GOT-G si Just? Napagamit pa flash ang marksman ng GOT-G para habulin si Just.

(GOT-G.Thorn) RAMPAGE! (FTT.Just)

Hindi sapat ang assist ng FTT para mabuhay si Just at dahil nakasapi si Gem, kasama din siya sa namatay. Maraming nagulat dahil hindi nila inaasahan na ganun lang nakabilis napatay ng GOT-G si Just sa dami ng gold na nakuha nito, at ang masaklap pa nadamay din si Gem.

Maging ang dalawang commentators ay nagulat at napahinto sa pagsasalita ngunit nagtuloy-tuloy ang teamfight hanggang sa makarating sa mid lane ng FTT.

ACED!

Na-ACED ang FTT ngunit dalawang players nalang din ng GOT-G ang natitira at iyon ay si Thorn na marksman kasama si Shadow. Binasag nila ang high ground ng FTT sa may mid lane at deri-deritso sa crystal hanggang sa sumabog iyon.

VICTORY!

Nanalo ang GOT-G sa huling game at 3-2 ang naging score, halatang hindi rin nila inaasahan na babaliktad ang laban dahil nababahiran ng sobrang tuwa ang kanilang mga mata at nag-fist bump sa isa't isa.

Samantala, sa kabilang banda, tuliro ang mga players ng FTT habang nakatingin sa madilim nilang gaming phone. Nandun na sila sa harap ng crystal at ang kailangan nalang nila ay hintayin na makarating ang minion wave at makukuha na nila ang victory ngunit bumaliktad pa ang laban. Sayang. Iyon ang salita na makikita sa mukha ng FTT.

Napakurap si Jacian. Tinanggal niya ang noise-cancelling headphones at binalingan si Just na nasa tabi niya.

"Diba sabi ko retreat." Hindi maiwasang sambit niya kay Just.

Si Lucky kaagad ang unang nag-react at kung gaano niya kabilis tinanggal ang kanyang noise-cancelling headphones ganun niya naman kabagal nilapag habang nakatuon ang kanyang atensyon sa kanilang captain at mid laner. Binangga naman ni Gem ang kanyang braso kaya nailapag niya iyon sa mesa.

"Nahuli ka ng command." Kalmadong sagot ni Just.

"Paanong nahuli ako ng command, naka-retreat na kaming apat." Sabat naman ni Jacian.

Kaagad tumahimik ang mga teammates nila dahil sa sagutan nilang dalawa, mabuti nalang at maingay sa stage kaya hindi sila marinig. Kasalukuyang kinakausap ni Ms. Phara ang mga players ng GOT-G kasama ang kanilang coach para i-congrats dahil sa pagkapanalo at secured na sa grand finals habang sa side naman ng FTT ay may nagaganap na 1v1 sa pagitan ng mid laner at jungler.

Nahinto lang sila nang dumating si Coach Dang at sinita sila nito. "Enough, late ang noise-cancelling headphone ni Just kaya hindi niya kaagad natanggap ang command mo." Saad sa kanila ni Coach Dang. Napansin iyon ni Coach Dang kanina kaya pumunta siya sa mga referee para i-check ang equipment ni Just at napagtantong late ang noise-cancelling headphones ni Just kaya hindi nito narinig kaagad ang command ni Jacian. Tiningnan ni Coach Dang si Just para ipahiwatig dito na h'wag ng magsalita.

Hindi narin naman nagsalita si Jacian at pumunta na sila sa gitna ng stage para kausapin si Ms. Phara. Hindi na nila namalayan kung paano natapos ang maiksing interview at kaagad na silang pumasok sa team van para bumalik sa base, plano pa sana ni Coach Dang manood ng match ng RG at HUV ngayon dahil nahulog sila sa lower bracket at kung sino ang mananalo sa pagitan ng RG at HUV ay iyon ang makakalaban nila sa lower bracket. Ngunit nagdesisyon si Coach Dang na bumalik nalang muna sa base at doon panoorin ang match.

Sa buong byahe, nakasandal lang si Jacian sa kanyang upuan habang nakatitig sa labas ng bintana, katabi niya parin si Just na abala sa pagcecellphone. Tahimik ang team van ngayon at maging si Lucky ay nakikiramdam sa dalawa, hindi makapaniwala si Lucky, ngayon niya lang narinig si Just na pumatol sa ka-teammates dahil natalo sila at siya ang sinisi. Hindi naman ganito ang sitwasyon tuwing natatalo sila at na-i-eliminate dahil sanay na sila sa ganung pakiramdam, hindi naman maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot dahil normal lang makaramdam ng lungkot sa tagal ba naman ng training, puyat at pagod, sobrang nakakadrain at lalong nakakapanghina kapag natalo lang at na-eliminate.

Ngunit katulad nga ng sinabi ni Coach Dang, late ang noise-cancelling headphones ni Just at mukhang nagkaproblema ang equipment ng PKL kaya ganun ang nangyari, pero kung titingnan ni Lucky si Just din ang sisisihin niya dahil sa pagkatalo nila ngunit ang sabi nga ni Coach Dang, late ang noise-cancelling headphones ni Just at hindi nito natanggap kaagad ang command ni Jacian kaya walang dapat na sisihin. Siguradong, pinangunahan kaagad ng inis si Boss dahil siya ang commander ng team at alam nila kung gaano kahirap mag-isip ng strategy at plano para lang maging maayos ang daloy ng game nila pero sa huli napunta lang sa wala.

Makalipas ang mahabang oras at makarating na sila sa base, umakyat si Jacian sa second floor para pumunta sa kanyang dorm. Dumeritso kaagad siya sa CR para maligo at pwersahang tinuyo ang kanyang buhok gamit ang towel. Paglabas niya sa CR tumunog ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa kaya nilapitan niya ito. Ang message galing kay Coach Dang ay naka-flash sa screen.

[Coach Dang: Bumaba na kayo dito sa living room, nag-order ako ng late night snacks. Kumain tayo habang nanonood ng match sa lower bracket.]

Pinatay ni Jacian ang kanyang cellphone at binuksan ang pinto ng kanyang dorm para pumunta sa living room, ngunit pagbukas niya nakita niyang nakatayo si Just sa labas.

Huminto si Jacian at tiningnan si Just bago siya humakbang sa gilid para doon dumaan ngunit hinawakan ni Just ang balikat niya at sinama siya papasok sa loob. Sa lakas ni Just hindi na nanlaban si Jacian at piniling maglakad patungo sa kanyang mesa at sumandal doon, habang si Just naman ay sinara ang pinto.

Nakasulat sa mukha ni Jacian ang nararamdam niya ngayon, kahit anong pilit niyang itago at pakalmahin ang kanyang sarili ay hindi niya magawa at nananaig parin ang pagkainis.

Naglakad si Just palapit sa kanya, inangat ni Just ang kanyang kamay para hawakan ang magulo niyang buhok ngunit kinuha ni Jacian ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at naglakad patungo sa sofa. Huminga ng malalim si Just, binaba niya ang kanyang kamay at naglakad din patungo doon at umupo sa tabi ni Jacian.

Sumandal si Jacian sa armrest ng sofa at pinadausdos doon ang kanyang sarili dahil sa pagod, hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagod at gusto niya nalang dalawin ng antok dito, dala siguro ito ng mahabang laro nila at pag-commmand niya kanina. Hindi niya pinansin si Just at pinikit ang kanyang mga mata.

Maya-maya lang, dinilat ni Jacian ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang hinawakan ni Just ang kanyang kamay, ngunit hindi niya iyon binawi at hinayaan lang na hawakan ni Just.

"Babawi ako next match, kasalanan ko ang match ngayon." Mahinang saad ni Just.

More Chapters