Ficool

Chapter 128 - Chapter 126: God Boss

Kakapasok palang ni Jacian sa e-sports circle ngunit hindi siya makapaniwalang tinawag kaagad siyang 'god' at makuha ang title na 'thepklmonstermage' Hinalungkat pa ni Jacian ang tungkol doon ngunit nalaman niyang post iyon ng mismong PKL, inedit lang ng fan ang mga highlights ng Pov niya at ginawang compilation.

Sa post ng PKL maraming nagalit na netizens kung bakit nabigyan kaagad ng title si Boss gayong kabago-bago palang nito sa e-sports, nasa regular season palang sila at hindi pa nakakapaglaro sa playoffs pero nabigyan na kaagad ng title si Boss? hindi pa tapos ang isang season pero nabigyan na kaagad ng title si Boss! Maliban sa title nito nakuha niya pa ang respeto para matawag na God Boss!

Nagalit ang mga fans ng ibang teams at pinaglalaban nila na dapat si Kirsty ang monster mage dahil matagal na siyang nasa e-sports circle!

[Joke ba 'to? Si Boss ang monster mage ng PKL! Antanga naman!]

[Anong klaseng official 'to, yung ibang players na mas nauna kay Boss hindi nakakuha ng ganyang title tapos siya na bago lang biglang may title kaagad?!]

[Binayaran 'to! Ganyan naman ang FTT, puro pera ang labanan! Kaya rin siguro ang taas ng signing fee ni Boss binayad niya siguro yung kalahati para makuha yung title na yan.]

[Sa taas ng signing fee ni Boss syempre hindi papayag yung owner na wala siyang makuhang title!]

[Hahaha ridiculous! Monster mage tapos di marunong mag Gan&Mo? Sinong ginagago niyo? @PKL @FTTOfficial @FTT.Boss]

[Hindi! Dapat talaga si Kirsty d'yan!]

[Unfair! Kawawa naman ang ibang pro players na matagal nang nasa e-sports! Hindi man lang sila nakakuha ng title tapos si Boss naging monster mage na! Siya pa ang nakakuha ng R7 para maging god ng PKL?!]

[Walang kwenta! Nakakatamad ng manood ng PKL tournament!]

[Trash! Hindi sa tagal ng players sa e-sports circle para makakuha ng title! Nasa galing 'yan! Trash!]

[Ano namang kinalaman ng tagal sa e-sports para makakuha ng title?! Kahit magdalawang dekada ka pa sa e-sports kung basura yang gameplay mo hindi ka parin makakakuha ng title! Kahit lumuhod ka pa sa harapan ng mga committee!]

[Pinatunayan lang ni Boss na mas magaling siya kaysa sa mga nauna! Yang si Kirsty antagal nang nasa e-sports at ang tagal niya naring nagkakalat ng basura!]

[Isa pa, hindi PKL ang nagbigay ng Res-pito kay Boss para tawaging God Boss, si Great Demon King po! I repeat si Great Demon King po @FTT.Just 👈 visit this account.]

[Binigyan talaga ng R7 eh, Res-pito]

[Mga inggit! Sinabi lang yan ng PKL dahil sa galing ni Boss sa regular season at natalo nila ang GOT-G. Wala pa namang All-star event para sa botohan kung sino ang tunay na monster mage. Mga OA!]

[Hahaha! Mga baliw! Galit na galit pa dahil bakit binigyan ng PKL ng R7 si Boss para tawaging God Boss eh si God J ang nagbigay ng title na yun!]

[Ang tanging sinabi lang po ng PKL ay ThePKLMonsterMage sa taas ng picture ni Boss. Mga takot kay God J, halata naman na galit sila kay Just pero hindi nila magawa kaya binuntong nila yung galit sa PKL. Mga takot pala kayo kay Great Demon King eh.]

[Pailbhasa durog kay Great Demon King yang Kirsty niyo. LMAO!]

[Kahit hindi sabihin ng PKL kitang-kita naman na si Boss talaga ang monster mage!]

[Honeybam dou layag!]

[God Boss!]

Nasa living room sila ngayon habang binabasa ni Lucky ang mga bardagulan sa comment section ng PKL. Sumakit ang ulo ni Blue dahil sa away ng mga fans at parang gusto niyang manigarilyo para kumalma.

Napapailing si Lucky matapos basahin ang ilang mga comments at nilinga si Jacian, nakaupo naman si Jacian sa sofa habang nakatayo si Gretil sa tabi niya at paglalaruan ang kulay pink niyang buhok.

"Ganyan talaga ang mga fans, sobra pa ang natanggap ni Captain d'yan nung binigyan siya ng title na Great Demon King." Ani Gem habang naglalaro ito ng PUBG.

Tumango si Lucky at iniangat ang kanyang paa para ipatong sa mesa ngunit binato siya ni Gem ng masamang tingin kaya mabilis niyang binaba.

Tiningnan niya nalang ulit si Jacian. "Tsaka, nagalit sila dahil doon sa sinabi ni Cap Tin. Feeling ko nga ginawa lang nilang dahilan yung caption ng PKL para magalit sa post ni Cap Tin. Kasi nung binigyan ng title ng PKL si Ning hindi naman nagalit yung mga fans ni Alone eh, alam kasi nila na pinost lang talaga ng PKL. Pero yung mga fans ni Kirsty ngayon hindi ko maintindihan." Saad ni Lucky at binalingan si Jacian. "Ano sa tingin mo, Boss?"

Sa kabilang banda, napangiwi si Jacian nang bahagyang mahila ni Gretil ang kanyang buhok habang tinitirintas nito.

"Anong klaseng ekspresyon yan? Nandidiri ka ba?" Naguguluhang tanong ni Lucky.

"Nahila ni Gretil ang buhok ko." Sagot niya. 

"Ano?" Inosenteng tanong ni Gretil at kumuha ng sanrio para itali ang tinirintas niya. Umiling naman si Jacian ngunit sinabi ni Gretil na h'wag siyang gumalaw.

Jacian: "..."

"Wow...ang ganda!" Namamanghang ani Gretil matapos niyang gumawa ng tatlong tirintas sa buhok ni Jacian. "Barbie!" Tuwang-tuwa aniya.

Jacian: "..."

Tumawa naman sina Blue, Lucky at Gem habang nakatingin sa buhok ni Jacian. Humagikgik ng tawa si Gretil at humawak sa sofa para tumalon-talon.

Nasa ganun silang sitwasyon nang bumukas ang pinto at pumasok si Just, tinanggal nito ang suot na jacket at sinampay sa nadaanan niyang sofa para kumuha ng tubig sa water dispenser. Basa ng pawis ang buhok nito at makikita ang manipis na pawis sa kanyang leeg. Tumataas baba ang kanyang adam's apple habang lumalagok siya sa bottled water.

Sa kabilang banda, nasa magkabilang gilid ni Gem sina Lucky at Blue para manood sa nilalaro niya. Naglakad si Just at kinuha ang kanyang jacket na nakasampay sa sofa para pumunta sa second floor ngunit huminto siya nang makita ang buhok ni Jacian.

Inangat ni Jacian ang kanyang mukha nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya si Just.

"Sinong gumawa niyan?" Tanong ni Just habang nakatingin sa nakatirintas niyang buhok.

Nakangiti namang hinawakan ni Jacian ang kanyang buhok at sinabing kapatid niya.

Tumango si Just. "Cute." Saad nito bago pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa hagdan.

Jacian: "???"

May mahalagang pinuntahan si Mrs. Sojurn kasama ang kanilang lead coordinator at ngayon lang sila nakabalik, pagbalik ni Mrs. Sojurn sa base sinabihan sila nitong darating ngayon si Coach Dang para ilibre sila sa labas. Abot tenga kaagad ang ngiti ni Lucky nang malamang ngayong gabi sila kakain sa labas! Ilang araw na silang nakatambay sa base at maliban sa review na ginagawa nila sa loob ng ilang oras wala na silang ibang ginagawa at sobrang nababagot na sila sa loob ng base. Ilang beses silang niyaya ni Lucky na gumala at libre niya ngunit wala namang sumasama sa kanya kaya wala siyang choice kundi ang mabagot sa loob ng base.

Hapon na nang dumating si Coach Dang at nagbigay kaagad ng suhestiyon si Lucky kung saan sila kakain ngunit sa mga nabanggit nitong restaurant hindi siya natuwa at pakiramdam niya hindi siya masasatisfied. Hinayaan niya nalang na si Coach Dang ang maghanap ng lugar.

"Fiesta ngayon sa barangay natin, diba?" Tanong ni Jacian habang nagtitipa sa kanyang cellphone, naglakad siya palapit sa water dispenser para kumuha ng tubig.

Kuminang ang mga mata ni Lucky na siyang kanina pa nakapalumbaba sa sofa habang nag-iisip kung saan sila p'wedeng kumain. Nang marinig ang sinabi ni Jacian mabilis niya itong nilinga. "Fiesta ngayon? Paano mo nalaman?"

"Sabi ni Chase, nasa court sila ngayon para manood ng basketball." Sagot niya habang nakaturo sa kanyang cellphone, nasa kalagitnaan siya ng pagtitipa para replyan si Chase.

"Mamista nalang kaya tayo? Maraming palabas ngayon sa barangay, masaya yun." Saad ni Blue.

"Oo! Tsaka mag-street food tayo, antagal ko ng hindi nakakakain ng street food." Himutok ni Lucky. Binalingan nito si Just na nasa tabi niya. "Cap Tin, what do you think?"

"Mn." Sagot ni Just.

"Let's go! Mamista tayo guys!"

Pag-alis nila sa base, narinig nila ang iyak ni Gretil dahil gusto nitong magpakulay ng buhok katulad kay Jacian ngunit hindi pumayag si Mrs. Sojurn. Narinig nilang tinawag nito ni Just habang nakatayo ito sa pinto ngunit hindi na nilinga ni Just at naglakad na sila paalis.

Sinalubong kaagad sila ng malaking ferris wheel na umiilaw ng kulay puti at hindi maiwasan ni Lucky ang hindi mamangha, hindi na siya napigilan at niyaya si Gem na sumakay doon.

Nilinga silang tatlo ni Coach Dang. "Kayo? Maglalakad-lakad ba kayo? Maghahanap lang ako ng table." Saad ni Coach Dang at nilibot ang paningin sa pwesto kung saan makapal ang usok dahil sa dami ng nag-iihaw.

"Sasama na ako sa'yo Coach." Ani Blue. Siya na ang nag-presentang bibili ng alak gamit ang pera ni Coach Dang kaya pumayag narin si Coach Dang.

Anim silang pumunta roon ngunit sa isang kisap ng mata, silang dalawa nalang ang naiwan. Maingay sa court dahil may larong basketball, maingay din sa labas dahil sa hiyawan ng mga pasaheros na nakasakay sa ferris wheel at maingay ang buong paligid dahil sa mga naglalaro ng color games at mga taong padaan-daan habang may bitbit na pop corn.

Pinaglapat ni Jacian ang kanyang mga labi at pinasadahan ng tingin ang buong paligid, nilinga niya si Just na kanina pa tahimik sa kanyang tabi.

"Captain, may bibilhin ako. Pupunta ka ba kina Coach Dang o sasama ka sa akin?" Tanong ni Jacian.

"Samahan na kita." Malamig na saad ni Just na tinanguan naman ni Jacian.

Nakaharap si Just sa kanyang cellphone habang naglalakad sila ni Jacian, maraming tindera ang umaalok sa kanila ngunit deritso lang silang naglakad hanggang sa huminto si Jacian sa isang bukas na tindahan. Puro ipit ng pambata ang tinitinda sa bukas na tindahang iyon at hindi maiwasan ng Ali ang hindi magtaka. Hindi naman pinansin ni Jacian ang tingin ng Ali at tinuro ang kanyang buhok na tinirintas ni Gretil kanina para itanong kung may tinitinda silang ganun.

Tumango ang tindera at kumuha ng panibagong lalagyan na puno ng tirintas at nilapag iyon sa mesa. Kumuha si Jacian ng apat na tirintas na kulay pink at pinaplastic iyon. Gustong pakulayan ni Gretil ang kanyang buhok katulad sa kanya dahil gusto nito ng pink na tirintas ngunit hindi pumayag si Mrs. Sojurn, pinalo nito si Gretil kaya iyak ito ng iyak kanina pag-alis nila. Wala namang magagawa si Jacian maliban sa ibili ito ng tirintas na kulay pink, mahaba iyon at saktong sakto sa buhok ni Gretil kaya sigurado siyang magugustuhan niya ito.

Samantala, nakatayo lang si Just sa gilid habang nagtitipa sa kanyang cellphone, hinihintay niya si Jacian na ngayon ay binabayaran ang tindera. Pagkatapos niyang bumili naglakad na ulit sila ni Just paalis.

Tinanong ni Just kung anong binili niya kaya kumuha siya ng isa at nilabas iyon sa plastic.

Just: "..."

Alam niya ang nasa isip ni Just kaya mabilis siyang nagpaliwanag. "Para 'to sa kapatid mo." Sagot niya.

Tumango si Just. "Magkano? Babayaran ko." Binuksan niya ang kanyang SweetTalk ngunit pinigilan siya ni Jacian. Sinabi ni Jacian na gusto niyang ibili ng ganun si Gretil para may pasalubong siya at siguradong matutuwa ito. Hindi narin nagpumilit pa si Just at pinagpatuloy nalang nila ang paglalakad.

Tinanong ni Jacian kung may bibilhin si Just ngunit umiling ito, tinanong niya rin kung gusto nitong kumain ng pop corn ngunit inilingan ulit siya ni Just. Sinabi naman ni Jacian na gusto niyang kumain ng cotton candy kaya pumunta sila roon para bumili, dalawang cotton candy ang binili niya kaya si Just na ang tumanggap sa barya dahil puno ang dalawa niyang kamay.

Nang madaanan nila ang nagtitinda ng pop corn, napaisip si Jacian at nagdesisyong bumili, matagal na nung huli siyang nakakain nito kaya gusto niyang tikman ulit. Si Just na ang nagbayad dahil sa dami ng hawak niya bago nila pinagpatuloy ang paglalakad, nang madaanan nila ang nagtitinda ng hamburger, kuminang ang mga mata ni Jacian at nagdesisyong bumili rin.

"Wait lang, Captain. Bibili lang ako ng hamburger." Saad niya at mabilis na inubos ang cotton candy. Bumili siya ng dalawang hamburger at sinimulan itong kainin matapos niyang maubos ang pop corn.

More Chapters