Ficool

Chapter 126 - Chapter 124: FTT vs. GOT-G

Umabot ng 25 minutes ang game 1 nang i-drag iyon ng FTT sa late game. Nakadalawang beses silang nag-defend at tanging crystal nalang ang natitira ngunit sa huli natalo parin sila ng GOT-G. Alam nila na hindi sila mananalo sa game 1 ngunit hindi rin nila inaasahan na kaya nilang paabutin sa 20 minutes ang laban. Dumating pa sa punto na hindi nila alam kung sino ang mananalo dahil pumantay sila sa gold, maging ang mga audience ay nag pigil hininga nang magkaroon ng kakaibang sayawan sa tyrant pit.

Nakaramdam ng panghihinayang ang mga fans ng FTT ngunit nabuhayan sila nang mapansing kayang talunin ng FTT ang GOT-G. Lalong lumakas ang sigawan ng mga fans ng FTT nang magsimula ang ban/pick phase ng game 2.

Hindi nagbago ang mga hero sa 4 ban spot ng GOT-G at nanatiling na kay Augran, Jing, Pei at Dolia. Sa side naman ng FTT ay nakaban si Heino na siyang signature hero ni Shadow at nagban din sila ng support at marksman.

Hindi binan ng GOT-G ang line-up ng FTT nung game 1 kaya sinabi ni Mrs. Sojurn na kunin ang mga hero na ginamit nila nung game 1. Hindi parin nagbago ang line-up ng FTT at mukhang may panibagong plano sila ngayon, ang mga audience ang kinakabahan dahil ilang beses ng nagamit ng FTT ang ganitong klase ng line-up at alam na ng GOT-G kung paano nila i-counter. Hindi parin nila makuha ang punto ng FTT kung bakit paulit-ulit nilang ginagamit ang ganitong klase ng line-up.

Nagsimula ang game 2 at makikitang nandoon nanaman ang FTT sa kanilang magic, sumasakit ang ulo ng mga audience dahil sa ginagawa nilang masalimuot na gameplay at kung sila ang GOT-G mahihilo sila sa kakatingin sa mini map at sa main screen. Sa bilis ng combo ni Just at Boss kung hindi titingin ang GOT-G sa mini map siguradong hindi nila mamamalayan yung mga maliliit na play na ginagawa ni Just at Boss. Ginagawa nanaman nila yung combo ng Li Bai at Da Qiao na ikinabagsak ng tower ng GOT-G sa clash lane.

Nag-spawn ang overlord/tyrant at makikitang nasa tyrant pit na ang limang players ng GOT-G ngunit hindi pa nila tuluyang kinukuha at tanging hinahatak lang nila palabas sa tyrant pit. Samantala, si Jacian at Gem lang ang naroon sa tyrant pit para magbigay ng vision sa kanilang teammates, hindi magawang kunin ng GOT-G ang tyrant dahil naroon si Jacian gamit ang hero nitong Da Qiao at alam nilang gagamitin lang ni Boss ang kanyang ult para tawagin ang kanyang mga teammates, kung kukunin nila nang tuluyan ang tyrant nang hindi nabubugaw si Boss malaki ang chance na ma-iisnatch pa ito ni Just.

Sinusubukan ng support ng GOT-G na bugawin si Jacian ngunit tamang iwas lang ang ginagawa ni Jacian at walang planong umalis sa tyrant pit.

Napalunok ang support ng GOT-G. "Hindi ko pa nabubugaw si Da Qiao, wala siyang planong umalis. Patayin na lang natin." Suhestiyon ng support.

Umiling si Shadow. "Kung susugurin mo si Boss tatawag yan ng teammates." Saad ni Shadow at nilinis ang minions sa mid. "Bawasan mo lang ang HP." Dagdag niya.

"Ako na." Segunda ni Lessen.

"Mag-ingat ka d'yan kay Da Qiao, naka-cooldown lahat ng skills ni Boss." Ani Shadow at tiningnan ang mini map.

"Bubugawin ko lang---oh shit! Nakita ako ni Gem!" Balak sanang i-gank ni Lessen si Jacian ngunit nakita niyang lumabas din si Gem sa tataguan niyang damo.

Shadow: "..."

Makikita sa big screen na sabay nag-retreat sa damuhan si Lessen at Gem. Maging ang mga audience ay natawa dahil hindi alam ng dalawang players kung tatago ba sila o lalabas, sa madaling salita pareho silang takot sa isa't isa. Tank support ang gamit ni Gem at kahit gamitan ito ni Lessen ng skills combo alam niyang hindi niya ito mapapatay, kung bubugawin niya si Gem gamit ang kanyang skills combo magkakaroon ng opportunity si Boss na tawagin ang kanyang mga teammates at kapag nangyari 'yun kayang-kaya na siyang patayin ni Just dahil cooldown lahat ng kanyang skills. Malaki ang posibilidad na makukuha pa ng FTT ang tyrant at mahawakan ang control ng laro, kaya hindi pa ito ang oras ng teamfight.

Habang kinukuha ng GOT-G ang tyrant, ginamit ni Jacian ang kanyang flash sa hindi inaasahang posisyon ng GOT-G at ginamit ang kanyang ult sa mismong gitna ng mga players ng GOT-G. Nag-teleport doon ang apat na players ng FTT at ginamit kaagad ni Just ang kanyang ult, mas malakas ang damage ng ult ni Li Bai kapag sama-sama ang enemies at naka-untargetable effects pa siya kaya hindi siya natatamaan ng attack ng tyrant.

Dahil sa biglaang pag-teleport ng FTT, nagulat ang GOT-G at napagamit kaagad si Shadow ng kanyang flash para umalis at mag-playsafe ngunit hinabol siya ni Just gamit ang kanyang dalawang skill 1.

First blood!

Pagkatapos niyang habulin si Shadow gamit ang dalawa niyang skill 1 pinindot niya uli ang skill 1 para bumalik sa dati niyang p'westo. Samantala, gusto siyang habulin ni Lessen para iligtas si Shadow ngunit abot kamay niya na si Just nang mawala nalang ito bigla.

Sa unang teamfight sa tyrant pit, nanalo ang FTT at nakuha pa nila ang tyrant. Hindi naman malaking kawalan ang matalo sa unang teamfight at mawalan ng tyrant dahil kayang-kaya pa naman itong habulin pagdating sa kalamangan ng gold ngunit makikita sa mga players ng GOT-G ang bigat ng pressure. Ngayon nila napansin na sobrang aggressive ng FTT, hindi nila inaasahan na magagawa ng FTT ang ganun kagandang pag-initiate dahil alam nila sa kanilang sarili na kayang tawagin ni Boss ang kanyang mga teammates ngunit hindi nila naisip na sa paraang ganun.

Maging ang dalawang commentators ay namangha pati narin ang mga audience kaya nag-request sila ng replay. Makikita sa replay na gumamit si Jacian ng flash sabay ultimate, nag-teleport doon si Just at ginamit kaagad ang kanyang ultimate na may untargetable effects ngunit nag-flash out si Shadow, pagkatapos mawala ang untargetable effects ginamit kaagad ni Just ang dalawa niyang skill 1 para habulin si Shadow at ito ang target locked. Mapapansin sa replay na halatang pinagplanuhan ng FTT na si Shadow ang kanilang target, wala naring ibang paraan si Shadow para iligtas ang kanyang sarili at tuluyan nang napatay ni Just.

Sobrang squishy ni Li Bai kumpara sa ibang mga junglers dahil kinakailangan niya ng timing, positioning, at alamin ang cooldown. Squishy siya ngunit kung gagamitin siya kung ano ang tamang play na para sa kanya siguradong kakainisan siya ng enemies, dalawa ang skill 1 ni Li Bai at mabilis kumuha ng jungler creeps ang kanyang skill 2 na may untargetable effects din katulad ng kanyang ultimate. Kung gamay na gamay ng player ang hero na 'to masasabing bangungot ito sa enemies, dahil sobrang bilis ng cooldown ng skills ni Li Bai at sobrang lakas ng mobility. Bibihira lang ito gamitin sa tournament dahil wala namang pro players na gumagamit ng hero na 'to, maliban sa mahirap ang kanyang skills sobrang hirap din nitong gawaan ng line-up at cooperation sa team.

Sa lahat ng players at team sa PKL, si Just palang ang alam nilang gumagamit ng ganitong hero. Hindi lang commentators ang nabigla nung unang ilabas ng FTT si Li Bai para sa kanilang jungler, maging ang mga audience at viewers ay nagulat din. Nasanay silang puro tanky at fighter hero ang mga hero na laging ginagamit ng Great Demon King at hindi sila makapaniwala nang pumili ito ng Li Bai. Ngunit mas lalong hindi sila makapaniwala nang makita kung gaano kalakas ang Li Bai nito, kahit si Shadow ay kaya niyang i-solo kill.

Hindi maiwasan ng mga fans ang hindi magtaka, bakit nagbago ng hero type si Just? Nakita rin nila kung gaano kalakas ang Jing at Pei nito ngunit totoo ang nakita nila, magaling mag-assasin's jungler ang Great Demon King. Ngunit nagtataka sila kung bakit ang bilis nitong natutunan gumamit ng assasin's jungler, maging ang kanyang mga teammates ay nagtataka rin. Ilang linggo palang sila nagpapractice na assassin ang gamit ni Just at kung iisipin hindi pa dapat ito ganun kagaling mag assasins. Ngunit ngayon, kapag sinabi ni Mrs. Sojurn na kumuha ng assasin hindi na nag-aalanganin si Just.

Nang umabot sa 8 minutes, makikita ang kalamangan ng FTT pagdating sa gold at lamang sila ng 8 thousands. Basag narin ang mga towers ng GOT-G dahil sa ginagawang pagtawag ni Jacian kay Just para i-clear ang minions. Si Just din ang gold leader at lamang siya ng 4 thousands gold kay Lessen, ilang beses niya ng napatay si Lessen at mapapansing mahihirapan nang kunin ni Lessen ang control niya sa map.

Makikita ang lugmok na ekspresyon ng mga fans ng GOT-G nang makitang nasa disadvantage na ang kanilang team, nasira ang rhythm ng GOT-G at makikitang nag-push na ang FTT sa clash lane kasama ang wave ng minions. Wala na silang balak patagalin pa ang laban at nag-tower lock para kunin ang victory!

Maririnig ang malakas na sigawan ng mga fans ng FTT habang winawagayway nila ang malaking banner. Nanalo sila sa game 2 at aabot ng game 3 ang series!

Parehong bumaba sa stage ang dalawang teams at bumalik sa break room para sa 10 minutes break. Naka-play naman sa big screen ang highlights para i-analyze ng dalawang commentators ang match. Makikita sa mid game na si Shadow ang target ni Just at halatang ayaw niya itong mag-level up, sinira niya ang rhythm ni Shadow dahilan para mag-collapse ang mid lane ng GOT-G. Butas ang mid lane ng GOT-G at nagkaroon ng daan ang FTT para pasukin ang kanilang jungle, naubos ang resources ni Lessen na naging dahilan para hindi siya maka-level up at makalabas sa sariling jungle. Ngunit dahil sa hatid na ginagawa ni Jacian nag-collapse din ang clash lane ng GOT-G at iyon ang kanilang naging breakthrough point para talunin ang GOT-G.

Mabilis na lumipas ang oras at makikitang bumalik na sa stage ang dalawang teams para sa game 3.

Iniangat ni Mrs. Sojurn ang kanyang team jacket hanggang siko at nag-scroll ng hero sa gaming phone ni Just. Nasa red side sila ngayong game at dalawang hero ang p'wede nilang kunin pagkatapos kumuha ng isang hero ang GOT-G. Plano ni Mrs. Sojurn na kunin ulit si Li Bai at Da Qiao ngunit ang hindi nila inaasahan binan ng GOT-G si Da Qiao.

Mrs. Sojurn: "???"

Jacian: "..."

Second ban spot ng GOT-G si Da Qiao matapos i-ban si Augran. Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area lalo na sa side ng FTT.

Commentator Waver: "Oh, banned si Da Qiao ah. Mukhang ayaw na ng GOT-G makita yung magic na hatid ni Boss."

Commentator Zia: "Kitang kita naman na iyon yung nagpahirap sa kanila game 1 palang. Pero kakaiba ang ban spot ngayon ah, ngayon ko lang nakita na nakalagay sa ban spot si Da Qiao. Very unusual."

Sa match area ng FTT, maririnig ang tawa ni Lucky. "Wow, ban si Da Qiao. Natakot na sila sa support mage mo Boss." Natatawang saad niya. "Hindi sila takot sa Shangguan pero takot sila sa support mage." Dagdag pa ni Lucky na ikinatawa ni Blue.

Ngumiti lang si Jacian habang itinutoktok ang kanyang mga daliri sa mesa. Binan naman nila si Liang at Princess Frost na magaling pumigil sa mga assassins jungler na malalakas sa meta ngayon. Sinad'ya nilang ilabas si Heino dahil alam naman nilang hindi gagamit ng Heino si Shadow ngayong game 3, alam ng GOT-G na assassin ang magiging jungler ng FTT at mahihirapang gumawa ng play si Shadow kung Heino ang kukunin niya dahil narin sa likot ng mga hero ng FTT. Hindi muna kumuha ng mid lane ang GOT-G at kinuha si Arli.

Sinagot naman iyon ng FTT ng Lam at Lady Zhen.

More Chapters