Ficool

Chapter 114 - Chapter 112: FTT vs. RG - BO3 series

Nagsimula na ang ban/pick phase ng game number 3 at makikitang nagbago na ang laman ng ban spot ng RG. Si Augran ang first ban at si Hou Yi ang second ban.

Nasa blue side na ang FTT ngayon dahil sila ang nanalo at mayroon silang karapatan kung anong side ang mapupunta sa kanila. Wala namang pinagbago ang mga hero na nakalagay sa ban spot ng FTT dahil binan parin nila si Arli at Loong.

Commentator Zia: "Tingnan mo, banned na si Hou Yi." Saad ni Commentator Zia at bahagyang tumawa.

Commentator Waver: "Kailangan eh, imagine yung ginawa ni Lucky. Grabe yung timing, saktong nawalan ng HP yung bar ng tyrant tumama 'yung ibon."

Commentator Zia: "Yeah, at napapansin narin natin na si Lucky talaga yung pinaka-nagimprove sa lahat ng mga players. Kasi siya rin ang nakakuha ng unang pentakill ngayong season, last season kasi ang alam kung naka-pentakill yung Yuhuan ni Kirsty. Sobrang legend ng Yuhuan ni Kirsty."

Commentator Waver: "Mm, grabe din kasi yung play ni Lucky, kuhang kuha niya kung kailan at saan siya gagamit ng skills kasama yung pwesto. Lagi kong pinapanood yung livestream ni Lucky eh at sabi niya, walang araw na hindi niya tinraining si Hou Yi."

Commentator Zia: "Ohh!... kaya pala, pero nagbunga naman eh. Ganun pala noh para lumakas, araw-araw mong i-training yung hero, akala ko kasi pagbili nung hero diretso kaagad sa rg."

Commentator Waver: "Talaga? Ganun ka? Kaya pala minsan meron akong kupal na teammate ikaw siguro yun." Pareho silang tumawa ni Commentator Zia.

Habang hawak ang folder bahagyang itinutoktok ni Mrs. Sojurn ang kanyang ballpoint pen sa gaming chair ni Just, tiningnan niya ang countdown ng pick at sinabing kunin si Chano. Makikita ang malaking tiwala ng FTT kay Lucky dahil sa kanya nakasalalay ang pace ng laro. Kinuha nila si Biron, Agudo, Milady, Chano at Ming.

Nag-swap sila ng kani-kanilang hero habang sinasabi ni Mrs. Sojurn ang kanilang plano.

"H'wag munang mag-teamfight hangga't hindi pa kompleto ang core items ni Lucky, iwasan niyo ang teamfight at focus lang sa tore. Just."

"Got it." Sagot ni Just.

Sa kanilang lima si Just ang pinaka-aggressive at kahit sabihin ni Jacian na h'wag munang mag-initiate ng teamfight hindi talaga ito kayang pigilan, wala rin naman silang choice kundi bigyan ito ng assist.

Sa kabilang banda, matapos ang ban/pick phase nagulat ang dalawang commentators dahil sa line-up ng FTT. Kung kanina maraming CC ngayon naman maraming summons, may mga summons ang mga hero na hawak ni Just, Jacian at Lucky, ang tatlong carry ng team. Ibigsabihin, pushing lang ang gagawin ng FTT dito at kung hindi babantayan ng RG ang kanilang lanes, siguradong lane management ang magiging breakthrough point nila.

Naka-banned din sa side ng FTT si Heino na kayang i-counter ang mga hero na may summons. Kakaiba ang mga nilalabas na line-up ng FTT ngayong season, sa round 1 at round 2 ng regular season gumamit sila ng line-up na malakas ang healing, gumamit din sila ng line-up na malakas ang CC at ngayon naman, naglabas sila ng line-up na maraming summons. Hind alam ng mga commentators kung paano gagana ang line-up ng FTT laban sa line-up ng RG na may burst kaagad.

Kumpara sa dalawang line-up, mas madaling paganahin ang line-up ng RG dahil may damage kaagad at mas malaki ang advantage nila pagdating sa teamfight. Ngunit sa side ng FTT, kinakailangan ng malakas na tacit understanding, map control, game awareness at magaling na commander. Mahina ang line-up ng FTT pagdating sa teamfight ngunit kung sila ang hahawak ng game's pace magiging underdog nalang nila ang RG.

Para sa side ng FTT, ang kailangan lang nila gawin ay basagin ang mga turrets ng RG para kahit magkaroon man ng teamfight mahahati ang atensyon ng RG.

"Boss, the command is yours." Ani Mrs. Sojurn at iniunat ang kanyang kamao.

Ngumiti si Jacian. "No problem, Coach." Kalmadong saad niya at nakipag-fist bump.

Mabilis na natapos ang shake hands ng dalawang coach at sa isang kisap ng mata, nagsimula na ang game number 3.

Pinatong ni Jacian ang apat niyang daliri sa screen at dinrag ang icon para pumunta sa mid lane, si Yixing parin ang kalaban niya sa mid lane na magaling mag-control ng teamfight, naubusan narin ng mage hero ang RG dahil maraming mage hero ang kayang i-counter ni Milady. Mag-aassasin mage sana ang mid laner ng RG at nakahanda nang kunin si Mai Shiranui pero nung lumabas ang Milady pick ng FTT hindi na nila tinuloy, kung kukunin ng RG si Mai Shiranui hindi ito makakapag-farm ng minions dahil malakas ang CC effects ng summons ni Milady at mahihirapan si Mai Shiranui na maghanap ng tamang posisyon.

Ito ang unang beses na lumabas si Milady sa PKL. Hindi ito madalas piliin dahil napakadali nitong i-counter gamit ang mga hero na malakas ang mobility at may burst kaagad, katulad nalang ng line-up ng RG, nasa kanila si Han Xin na maraming dash at napakadali lang para sa kanya na patayin itong si Milady kahit nasa baba pa ng tower. Pero kahit may Han Xin sa RG hindi parin nag-dalawang isip ang FTT na kunin si Milady, kahit na RG.Crowd pa ang IGN ng jungler sa kabilang side hindi parin sila nag-dalawang isip.

Hindi tuloy maka-upo ng maayos ang mga fans ng FTT dahil sa pick ni Boss na Milady. Hindi ba nakita ng FTT na si Crowd ang jungler ng RG? Isang top-tier jungler si Crowd at isa rin sa mga kaibigan ni Just, saan nila nakuha ang confidence na kunin si Milady? Mas gaganahan pa sana sila kung Liang ang pinili ni Boss, pero Milady?

What the...Anong tingin niya kay Crowd substitute?

Ngunit tuwang-tuwa naman ang mga lolo ni Boss dahil sa Milady pick, alam naman nila na pagdating sa hero mas maraming alam na technique si Boss pagdating sa mga hero na umaasa lang sa summon.

Sa ban/pick phase, nang tanungin ni Mrs. Sojurn kung kaya niyang i-handle si Milady ngayong match, sinabi ni Jacian na, "Lumaki na ako d'yan." Tumawa naman si Lucky dahil naalala niyang naging Top 1 Global Vexana user nga pala ang kasama nila. Alam ni Lucky na nag-iiba ang hero na may summon sa kamay ni Boss dahil napatunayan niya na yun sa loob ng tatlong taon niyang panonood ng livestream ni Boss. Alam niyang mas magaling pa itong mag-push ng tower kumpara sa kanya.

Sure enough... sa early game palang hindi na kaagad nakakapag-farm ng maayos ang mid laner ng RG at lagi itong umuuwi dahil ubos lagi ang HP, naka-ilang dalaw narin si Crowd sa mid lane para i-gank si Jacian ngunit laging dumadating si Just para sagipin ito, wala namang choice si Crowd kundi ang i-clear nalang ang minions.

[Honeybam dou!]

[H'wag ang Honeybam ko, sabi ni God J. HAHA!]

[Grabe, nalilimitahan yung galaw ni Crowd.]

[Haha malapit nang bumagsak yung tower sa mid!]

[Pinagtulungan ba naman ng Agudo at Milady.]

[FTT sana, gusto kong bawiin 1k ko. Talo game 1 eh.]

[All in sa FTT.]

Nang mag-spawn ang overlord/tyrant tuluyan nang bumagsak ang mid lane turret ng RG. Nauna sa tyrant pit ang RG at mabilis nila itong kinuha, sa side naman ng FTT nasa overlord si Just, Blue at Gem habang nagpapabagsak naman ng turret si Jacian at Lucky. Dahil sa lakas ng summons ni Milady at Chano napabagsak nila ang turret sa loob lang ng dalawang segundo.

Kalmado ang mapa dahil nasa magkabilang side ang dalawang team at hanggang ngayon ay wala paring nakakakuha ng first blood. Mararamdaman ang tensyon sa dalawang koponan at walang may gustong malagay sa alanganing sitwasyon, ngunit mapapansin din na kakaiba ang pinapakita ng FTT. Maging ang dalawang commentators ay pinagpapawisan.

Commentator Waver: "Sa tuwing ipapaubaya ng FTT yung objectives sa RG bumibilis yung tibok ng puso ko eh. Isipin mo objective ibibigay ng libre, hindi sila makikipag-agawan at halatang wala silang balak makipag-agawan. Minsan talaga mas nakakatakot kapag hindi nakikipag-agawan sa objectives, kasi objectives 'yan, isa sa pinakamahalagang resources sa ating laro para maipanalo ang match tapos hindi kukunin at ibibigay lang ng libre."

Commentator Zia: "Oo, pero part kasi yun ng plano."

Commentator Waver: "Kaya nga eh, at mas nakakakot kung hindi nakikipag-agawan sa objectives kasi ibigsabihin may ibang plano yan. So para sa RG, kailangan nilang isipin kung anong plano ng FTT. Mas mahirap yun kaysa mahabang sayawan sa tyrant pit."

Commentator Zia: "Yeah, at makikita na nga natin na naiwan si Boss sa clash lane samantalang nasa farm lane na ang apat niyang teammates."

Saktong pumunta sa clash lane si Crowd napabagsak na ni Jacian ang kanilang second turret. Hindi alam ni Crowd kung nasaan si Jacian dahil nilalapag niya lang ang kanyang summons sa baba ng turret habang nakatago siya sa damuhan.

Nang umabot sa 10 minute mark nagkaroon ng teamfight sa may farm lane at mabilis na bumaba ang HP ng mga players ng FTT dahil sa lakas ng dash at damage ni Crowd. Wala namang namatay sa mga players ng FTT at nag-retreat lang pabalik sa kanilang base ngunit hinabol parin sila ng RG.

Samantala nasa high ground ng RG si Jacian habang nililinis ang minions, apat na players lang ng FTT ang nasa crystal habang parating ang limang players ng RG kasama ang tatlong wave ng minions at tatlong shadow vanguard at isang mama dragon. Nanatili paring nasa high ground ng RG si Jacian para i-clear ang minions.

Nang makita niya ang sitwasyon sa kanilang crystal, nagtanong siya, "Kaya niyo bang mag-defend?"

"Di kaya, Jacian. Kailangan ka talaga dito." Sagot ni Just.

"Sige, clear ko lang 'tong minions tapos uwi ako kaagad." Aniya at mabilis na nilinis ang minions bago pinindot ang recall.

Pagbalik niya, inunahan kaagad ni Lucky ng summon para i-clear ang minion wave. Napagamit na si Jacian ng flash para lang i-assist si Just nang makitang dinikitan ito ni Crowd, ginamit niya kaagad ang kanyang ult para limitahan ang galaw nito at bawasan ang HP. Napa-smite narin si Just para lang mamatay si Crowd at nagawa naman nilang mapatay ito.

(FTT.Just) Defeated (RG.Crowd)

Dahil sa dami ng summons ng FTT mabilis nilang nalinis ang minion wave at shadow vanguard, ngunit napatay si Blue ng malaking dragon nang harangan niya si Lucky. Nakapag-ult naman si Lucky at skill 1 at nagawang mapatay ang clash laner ng RG at iwasan ang attack ni Water.

Kalahati nalang ang buhay ng crystal ng FTT ngunit dahil wala ng minion wave ang RG hindi sila makapasok at napupunta pa sa mga summons ang kanilang damage. Namatay ang mid laner ng RG at namatay din si Gem. Dalawang players nalang ang natira sa RG at tatlong players sa FTT, gumamitan ni Jacian ng ult si Water para limitahan ang galaw nito at sinabayan ni Lucky ng skill 1 kasabay ng movement. Humarang ang support ngunit nahuli ito ng 0.2 seconds dahilan para tumama parin kay Water ang attack ni Lucky.

(FTT.Lucky) Defeated (RG.Water)

Umangat ang pwet ni Lucky sa kanyang kinauupuan nang mapatay niya si Water, napatay naman ni Just ang support.

ACED!

Sa isang kisap ng mata, nagawa nilang ma-ACED ang RG!

"Holy shit! ACED!" Sigaw ni Lucky sa kanilang noise-cancelling headphones.

"Push sa mid lane! Push sa mid lane!" Command ni Jacian.

Nag-push silang tatlo sa mid lane ng RG at binasag ang turret, samantala nauna na ang minions sa clash lane patungo sa crystal ng RG at kasalukuyan na itong pinapabagsak. May 5 seconds pa para mag-respawn si Crowd na siyang unang namatay sa RG, napabagsak nila ang high ground sa mid lane ngunit sakto namang nabuhay si Crowd.

Nag-summon na kaagad si Jacian ng maraming mechanical minions patungo sa crystal ng RG ganun din si Lucky.

Kalalabas lang ni Crowd ng spawn point nang umilaw ang kanilang crystal at sa isang kisap ng mata sumabog iyon.

VICTORY!

More Chapters