Ficool

Chapter 109 - Chapter 107: Magpapatayo ako ng gay bar sa loob ng base!

Sa unang match, nanalo ang FTT matapos nilang ipadala si Lucky sa crystal ng TK habang sila ay nasa teamfight. Nakapag-recall naman ang dalawang members ng TK ngunit sinukat ni Jacian ang timing na walang minion wave kaya nakapag-tower lock si Lucky kasama ang tatlong minions. Ang akala nga ng mga audience hindi kayang tapusin ni Lucky ang laban kasi napag-combo pa si Linus at 'yung support ngunit nakabili naman si Lucky ng resurrection on the spot at nang mawala ang effect nakapindot pa si Lucky ng isang basic attack at tumama sa tower bago siya namatay.

Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area hanggang sa makababa na ang mga players sa stage patungo sa kanilang break room.

Nakahawak pa si Lucky sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya, sobrang nakakakaba 'yung ginawa niya sa puntong umabot ng 185 ang kanyang heart rate. Bahagya pa silang nagkukwentuhan habang naglalakad patungo sa break room, binuksan ni Gem ang pinto at pumasok na sila sa loob para i-adjust ang kanilang mental state.

Tinanggal ni Jacian ang kanyang jacket at sumandal sa sofa habang hawak ang bottled water. Mayroon silang 10 minutes break at habang nagpapahinga, sinasabi ni Mrs. Sojurn ang susunod nilang line-up kung mag-baban ng hero na ginamit nila nung game 1 ang TK.

Kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabihan silang magsisimula na ang next match. Umakyat na sila sa stage para sa game number 2 at sinuot ang kanilang noise-cancelling headphones.

Matapos ang countdown sa big screen, nanatiling blue side ang TK at red side ang FTT. Nag-ban ng dalawang hero ang TK at hindi naman nakakapagtaka na nandun parin si Augran ngunit ngayon ay bago sa kanilang paningin ang hero na nakalagay sa second ban spot ng TK. Binan nila si Hou Yi. Sa lahat ng players ng FTT, hero ni Lucky ang laging hindi nakikita sa ban spot at hindi pa binaban, nahihinaan sila kay Lucky at para sa kanila magsasayang lang sila ng ban spot kung mag-baban sila ng marksman hero kapag FTT ang kalaban nila.

Ngunit sinong mag-aakalang si Lucky ang nakakuha ng first pentakill ngayong season ng PKL. Sunod-sunod narin siyang MVP at trending sa hot search ng Melon. Napuno ng kuryusidad ang mga teams sa PKL kung anong klaseng training ang pinapagawa ng coach kay Lucky, iniisip nila kung anong plano ng coach ng FTT. Bakit hinayaan nilang si Lucky ang maging core at hindi si Just? Si Just ang tumayong core ng team simula pa sa simula at madali lang talunin ang FTT dahil ang kailangan lang nila gawin ay patayin si Just, kapag napatay na nila si Just, magcocollapse narin ang mga teammates niya. Ngunit ngayon, si Just na dating core ng FTT ay naging shield na ngayon.

Hindi narin nila ma-target si Just dahil sobrang kunat ng mga hero na ginagamit nito at magsasayang lang sila ng oras kung papatayin nila ang support jungler. Gustuhin man nilang patayin si Lucky ay hindi rin nila kaya dahil sa lakas ng proteksyon ng FTT, idagdag pa ang kakaibang strategy na ginagamit ngayon ng FTT na hindi nila alam kung paano solusyonan. Ang akala ng maraming teams ay si Boss ang magiging core ng FTT dahil nagbayad pa ang club ng 5.5 million para bilhin si Boss, ngunit ngayon, gumastos ng 5.5 million ang club ng FTT para bumili ng player na gagawin lang support mage.

Sinubukan ba silang lukuhin ng management ng FTT? Nagbayad ba sila ng ganun kataas na signing fee para isipin nilang si Boss ang magiging core ng kanilang team? Dahil kung hindi si Just ang magiging core siguradong si Boss ang gagawin nilang bagong core, ngunit sinong mag-aakalang si Lucky ang ginawa nilang core ngayon. Hindi nila binibigyan ng atensyon ang marksman ng FTT dahil bukod sa hindi nito kayang gamitin ng maayos si Arli, hindi rin talaga ito malakas. Kaya hindi nila alam ang gameplay ni Lucky kung paano ito maging core. Ang kailangan lang muna nilang gawin ay i-ban ang signature hero nito at pag-aralan pagkatapos ng match. Wala na silang pakialam sa sasabihin ng mga fans dahil ang importante ay hindi masayang ang isang game.

Nang makita ng FTT na binan ng TK si Hou Yi lahat sila ay na-stunned. Maging si Mrs. Sojurn napa-angat ng kilay dahil sa pagkabigla.

Lucky: "............................."

Gem: "..."

Blue: "???"

Just: "."

Jacian: "?"

3 seconds later...

Lucky: "Holy shit! Binan nila ang signature hero ko!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Ibigsabihin n'yan natatakot na sila sa akin?" Lumilipad siya sa tuwa at humarap siya sa kanyang kanan para tanungin ang kanyang katabi ngunit napagtanto niyang maling direksyon ang nabalingan niya.

Walang gana siyang tiningnan ni Jacian.

Lucky: "!!!"

"Binan nila si Hou Yi hindi dahil malakas ka, binan nila dahil malakas ang proteksyon namin."

Lucky: "!!!!!" That's Bullshit!

Tumawa si Blue kaya lalong sumama ang mukha ni Lucky, humarap siya sa kaliwa kung nasaan si Gem na dapat ay dito siya haharap.

Kumapit siya sa braso ni Gem at nag-pout. "Babe~"

"Magsosolo ako sa farm lane ngayon." Saad ni Gem.

Tumawa uli si Blue.

Lucky: "..."

"Kapag hindi niyo pa tinigil 'yan magpapatayo ako ng gay bar sa loob ng base! Hurry, pick Chano!" Pagmamadali sa kanila ni Mrs. Sojurn.

Yung Referee na kanina pa nakikinig sa likod: "????" Hindi niyo ba alam na kanina pa nagsisimula ang recording?!

Nang matapos ang ban/pick phase nagsimula na ang game number 2. Kinuha ng FTT si Biron para sa clash lane, Agudo sa jungling, Ziya sa mid lane, Chano at Dolia naman para sa kanilang farm lane dou. Kayang mag-level up ni Ziya hanggang level 25 at kaya niya ring i-level up ang kanyang teammate, si Dolia naman ang hawak ni Gem na mayroong double ultimate kaya nirerefresh niya lang ang ult ni Lucky para makapag-summon pa ito ng maraming monster at mabilis makakapag-push.

Magaling mag-push ang hero ni Just at Lucky kaya unti-unting lumiliit ang mapa ng TK dahilan para mahirapan silang gumalaw. Marami naman ang nakuhang kills ng TK kumpara sa FTT ngunit pagdating sa gold, nangunguna parin si Lucky at hindi parin siya namamatay.

Makikita ang mabigat na ekspresyon sa mukha ng TK habang nakatingin sa screen. Hindi nila alam kung paano solusyonan ang ginagawang lane management ng FTT, binan na nila si Hou Yi at akala nila ay mapapadali ang match ngunit hindi nila inaasahan na napakadulas din ng Chano ni Lucky. Level 17 na ito at zero death, idagdag pa na mayroong itong double ultimate sa tulong ni Gem. Para sa side ng TK hindi sila makahanap ng tamang anggulo para ma-execute itong si Lucky. 

Nakuha ng TK ang enhance tyrant samantalang kinuha naman ng FTT ang enhance overlord at tower, tuloy tuloy ang paggalaw ng FTT sa mapa at hindi sila naghihintay ng ilang segundo para tingnan ang sitwasyon dahil tuloy-tuloy din ang pag-commmand ni Jacian. Samantalang, mabagal ang commander ng TK at naghahanap pa sila ng advantage para makita ang breakthrough point ng FTT, pinadala na kaagad ng FTT ang dragon sa clash lane at nag-recall para bumalik sa kani-kanilang lane. Tanging si Just lang ang hinayaan nilang nasa jungle ng TK para mag-clear ng minions.

Gusto sanang mag-push ng TK ngunit inaatake na ang kanilang high ground tower kaya wala silang choice kundi ang umuwi. Ngunit nasa mid lane parin si Linus para i-clear ang minions. Patungo si Jacian sa pwesto niya at nakahanda naman siya kung a-attack si Jacian ngunit ang hindi niya alam kanina pa nakatago si Just sa damuhan para mang-gank. Kumalahati kaagad ang HP ni Linus matapos tamaan ng skills combo at handa na siyang umalis ngunit nilapag ni Jacian ang kanyang ultimate. Malayo ang range ng ultimate ni Ziya kaya kahit isang tore pa ang pagitan nila naabot parin siya ng ultimate nito.

(FTT.Boss) Defeated (TK.Linus)

Apat nalang ang members ng TK kaya hindi na hinayaan ng FTT na mabuhay si Linus at tinapos ang laban nang mabasag nila ang high ground tower ng TK sa may mid lane.

Sumabog ang crystal ng TK at makikita ang VICTORY para sa side ng FTT. Nanalo sila sa pangalawang round ng regular season at nakakuha pa ng score na 2-0. Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at naglakad patungo sa match area ng TK. Nakipag-shakehands sila at tinapik ang balikat ng mga ito.

Ngumiti si Sin nang magharap sila ni Just. "Congrats, lakas niyo." Saad nito. Sa kanilang limang magkakaibigan na puro jungler, sila ni Just ang pinakamalapit sa isa't isa, pareho sila ng temperament at pareho din ng mindset.

Bahagya nilang niyakap ang isa't isa bago tinapik ni Just ang kanyang balikat at sinabi nitong magkita sila sa group A. Ngumiti naman si Sin ngunit sinabi nitong baka hindi sila magkikita sa group A, baka sa susunod na match nila ay sa playoffs pa.

Alam ni Just ang ibig nitong sabihin kaya nagpakawala siya ng mahinang 'mn' at niyaya niya itong kumain sa labas kapag mayroon silang oras.

Maririnig parin ang boses ng analyst sa arena para i-analyze ang kanilang match, naglakad na ang mga players ng FTT palabas sa back door bitbit ang kanilang gamit. Tapos na nila ang second round ng regular season at malalaman nila sa huling week ng month kung sino ang aangat, kung sino ang mananatili at kung sino ang babagsak.

Ngunit naging abala sila sa training nitong mga nagdaang linggo kaya bumawi sila ng tulog. Maging si Mrs. Sojurn ay hindi narin nakakauwi ng bahay, kaya matapos ang huling match nila sa second round ng regular season umuwi siya sa bahay nila para dalhin si Gretil sa base.

8 a.m palang ng umaga nang bumaba si Jacian sa first floor para pumunta sa kusina, sanay siyang walang tulog kaya hindi siya inantok kahit na sunod-sunod ang training nila nakaraan, tulog pa ang kanyang mga teammates dahil kakatapos lang ng match nila kahapon at wala rin silang training ngayon kaya sobrang tahimik sa loob ng base. Pababa siya ng hagdan nang makita niya si Just na mag-isang naka-upo sa sofa ng living room, naka-sandal ito habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Nakasuot ito ng oversized shirt na kulay dark blue at jogging pants, makikita ang manipis na pawis sa kanyang noo at basa ang ilang hibla ng kanyang buhok, sa harapan niya may nakalapag na bottled water na kalahati nalang ang laman, ang itim na relo at silver bracelet ay nakalagay sa kanyang kaliwang pulsuhan. Base sa itsura ni Just, halatang kakatapos lang nito mag-jogging.

Nag-angat ng mukha si Just nang maramdaman niya ang presensya ni Jacian, naka-black t-shirt si Jacian na short sleeve at black short dahilan para lumabas ang kulay pink niyang mga siko at tuhod. Nang makita siya ni Just binati siya nito ng 'good morning' Binati niya rin ito pabalik bago siya lumapit sa water dispenser para kumuha ng tubig, pagkatapos nun umikot siya para umupo sa sopang inuupuan ni Just.

Kagigising niya lang at nakakaramdam pa siya ng antok ngunit hindi narin siya makatulog kaya nagdesisyon nalang siyang bumaba para aliwin ang kanyang sarili. Humikab siya at ginulo ang kanyang buhok bago sumandal sa sofa. Sobrang tahimik sa loob ng base sa puntong maririnig kapag may nahulog na butiki galing sa kisame, tahimik din si Just na nakaupo sa tabi niya at tanging tunog lang ng keyboard nito ang maririnig na hindi naka-mute.

Tuliro si Jacian at bahagya siyang kumurap bago iniangat ang kanyang baso para uminom. Humikab ulit siya at bahagyang minasahe ang kanyang ilong.

"Nagsimula na ba ang match ng group C?" Tanong niya habang ginagawa iyon.

"Next week." Sagot ni Just. Matapos mag-send ng reply pinatay niya ang kanyang cellphone at nilapag sa mesa. Kinuha niya ang bottled water at uminom.

Napa 'mm' naman si Jacian. Magsasalita na sana siya nang makarinig ng busina sa labas ng base, ilang sandali ang makalipas nang umander uli ang motor patungo sa garage.

"Si Mrs. Sojurn?" Tanong ni Jacian.

"Mn." Sagot ni Just.

Ilang sandali ang makalipas nang, pareho silang napatingin sa pinto at akala nila ay si Mrs. Sojurn iyon ngunit nang bumukas ang pinto, pumasok ang isang magandang batang babae.

More Chapters