Ficool

Chapter 105 - Chapter 103: Am I homophobic? How come...I didn't know.

Naglakad si Just patungo sa kanyang mesa at kinuha ang kanyang cellphone na kanina pa tunog ng tunog, naka-oversized shirt siya at short na itim. Kalalabas niya lang sa bathroom pagkatapos niyang maligo. 

Binasa niya ang mga messages sa kanyang chat list habang naglalakad patungo sa kanyang kwarto, binuksan niya ang kanilang gc na professional crappy players nang makitang puro siya nanaman ang mention.

[RG.Water: Grabe naman 'yan @FTT.Just]

[RG.Water: Lakas ng Honeybam dou. I'm nervous (⁠~⁠_⁠~⁠;⁠) ]

[RG.Water: Bakit wala pa si Boss dito? Paki-add naman si Boss. @FTT.Just]

[GOT-G.Lessen: Sheesh, 'yan talaga Tin, may ka-dou @FTT.Just]

[GOT-G.Lessen: Sana all may ka-dou @FTT.Just]

[HUV.Kai: Lugi talaga kaming mga solo player.]

[TK.Sin: ? ]

[RG.Crowd: @HUV.Kai solo?]

[HUV.Kai: Sige ulitin mo pa.]

[GOT-G.Lessen: Paki-mention nga 'yung isa d'yan, alam ko nasa videokehan nanaman 'to hindi niya nanaman naririnig ang ring @FTT.Just paki-add si Boss.]

Binasa ni Just ang napakahabang chat sa kanilang gc at nagdesisyong i-message si Jacian. Pinatay niya ang kanyang cellphone at nilapag sa mesa, tinanggal niya ang kanyang relo at silver bracelet sa kaliwang pulsuhan at naglagay ng powder sa kamay. Umilaw ang kanyang cellphone at nag-popped up ang message kaya mabilis niya itong binuksan dahil baka nag-reply si Jacian ngunit nakita niyang chat lang sa kanilang gc. Makalipas ang 30 minutes nang makatanggap siya ng reply kay Jacian.

[Just Call Me Boss: Sorry, hindi ako naka-reply kaagad, nag-i ML kasi ako.]

[Just Call Me Boss: P'wede mo naman akong i-add.]

[Just: Mn.]

Matapos i-add si Jacian sa kanilang gc nag-send uli siya ng message kay Jacian.

[Just: Anong ginagawa mo?]

Makalipas ang 20 minutes nang mag-reply si Jacian.

[Just Call Me Boss: Queuing.]

[Just: Okay.]

Matapos niyang i-send iyon, hindi na nag-reply si Jacian, hindi rin nito na-seen ang message niya. Huminga ng malalim si Just at sumandal sa kanyang gaming chair, nag-scroll siya sa kanyang chat list at makikita ang napakaraming messages galing sa mga fans ang hindi pa na-seseen.

Bumalik siya sa home para mag-scroll sa kanyang news feed ngunit makalipas ang ilang sandali nang magkaroon ng '1' ang kanyang chat. Pinindot iyon ni Just ngunit nanatiling nakasulat parin sa makapal na ink ang kanyang message sa account ni Jacian. Galing iyon sa account ng kapatid niya.

[Jared Sojurn: Scroll scroll? Halatang walang ka-chat.]

Just: "?" Natigilan si Just ngunit bahagyang gumalaw ang kanyang daliri na nakalapat sa screen.

[Jared Sojurn: Aksidente mong na-heart ang post ko tungkol sa heart failure.]

Nag-send pa ito ng screenshot kung saan makikita ang ebidensya. Kapatid niya si Jared at mas bata ito sa kanya ng isang taon, nag-aaral ito ng medicine sa ibang bansa at busy sa research dahil nagbabalak itong mag-Ph.D. Hindi alam ni alam ni Just kung bakit active ito ngayon sa dami ng ginagawa nito.

Hindi siya nag-reply, pinatay niya ang kanyang cellphone at binuksan ang gaming phone para mag-livestream. Dalawang oras nalang ang kailangan niya at mafufull niya na ang quota.

Maaga pa nang magising si Jacian, humihikab pa siya habang hinahalo ang kape na kakatimpla palang at binitbit iyon patungo sa training room. Nag-iisa palang siya sa training room at madilim pa sa loob dahil naka-off lahat ng ilaw at nakababa ang mga kurtina, tanging gaming phone niya lang ang nakabukas at nagliliwanag sa loob. Makikita ang scrolling comments sa live chat at 18 minutes duration ng kanyang livestream.

Dalawang oras lang ang tulog niya dahil inabot siya ng madaling araw kaka-ML at 3 a.m na nakatulog, nakita niya pa ang chat ni Just bago siya natulog at agad itong ni-reply-an, hindi niya lang alam kung nakita ni Just dahil pag-send niya nilamon na siya ng antok at mabilis na nakatulog. Alas singko siya nagising at pumunta sa training room para mag-live. Sobrang aga ng stream niya at mayroon lang siyang iilang viewers, ngunit hindi naman iyon pinansin ni Jacian, ang gusto niya lang ay mapuno na ang quota dahil malapit na ang end ng month.

Nilapag niya ang baso sa gilid at pumili ng hero, nasa ban/pick phase palang at saktong siya ang pipili. Pagkatapos niyang pumili ng hero tiningnan niya ang live chat para magbasa ng comments. Kaunti palang ang viewers niya ngunit walang tigil ang pag-scroll sa live chat dahil sa bilis magtipa ng mga Lolo niya.

[Shit! 6 a.m palang pero naglalive ka na?!]

[Sobrang aga naman masyado, Boss.]

[Inaagahan niya mag-live para hindi tayo maka-comment. Boss, trending ang Honeybam dou sa Melon.]

[Honeybam dou...]

[Kahit ang post ng FTTOfficial clip ng Honeybam dou! Meron ding mga pictures guys!]

[Bakit hindi niyo bisitahin 'yung PKL, mas maraming Honeybam dou pictures 'don.]

[Hala grabe kahit ang PKL nakikisabay sa Honeybam dou.]

[Na BL na. LMAO!]

Matapos basahin ang scrolling comments, humigop si Jacian sa kanyang kape at inilapag uli iyon sa mesa. Nakita ni Jacian kanina na nasa hot search ang Honeybam dou at 2 hours iyong top 1 sa Melon, mabuti nalang at dalawang oras lang dahil alam niyang tulog si Just nung mga oras na 'yun at sigurado siyang hindi nito nakita. Ngunit pag-scroll niya sa kanyang news feed kanina post kaagad ng PKL ang bumungad at naka-reels pa ang dou nila ni Just sa match ng TK. Siguradong makikita kaagad iyon ni Just kapag nagbukas ito ng kanyang account.

Seryusong tumingin si Jacian sa camera habang nasa match. "H'wag niyong sasabihin 'yan sa harapan ni Captain, homophobic 'yun. Kapag nagalit 'yun sa akin babawasan niya ang sweldo ko." Saad ni Jacian at humigop sa kanyang kape.

Hindi naman seneseryuso ni Jacian ang mga ganitong bagay dahil alam niyang katuwaan lang, hindi rin CP ang unang pumapasok sa isip niya kapag narinig niya ang Honeybam dou dahil para sa kanya iyon lang ang pangalan ng dou nila ni Just at maliban dun wala ng ibang ibigsabihin. Gusto niya lang bawasan ang mga nag-cocomment ng Honeybam dou dahil alam niyang homophobic si Just, makakaramdam na siya ng ilang kapag may sumigaw pa ng Honeybam dou tapos nand'yan sila ni Just.

_

Pagdating ng hapon nagkaroon sila ng practice match sa second-string at ginamit nila ang malaking training room ng second floor. Sa susunod na linggo na nila malalaman kung sino ang aangat at malalaglag, hindi naman tumagal ang kanilang practice match dahil kahit hindi ilabas ng PKL ang list ng mga teams na makakalaban nila sa group B ay alam na nila kung sino ang malalaglag sa group B.

Sa group A, nand'yan ang Team GOT-G, All-round PH, Pro-PH at EPG ayun sa group stage draw ng committee. Sa group B naman, nand'yan ang Team HUV, RG, S.COMP at MANIAC. Ang dalawang teams na nakakuha ng mataas na points sa bawat grupo ay aangat at ang dalawang teams naman na nakakuha ng mababang points ay malalaglag. Sa group A, nakakuha ng mababang points ang Team All-round PH at Pro-PH kaya mahuhulog sila sa group B, sa group B naman, nakakuha ng mababang points ang S.COMP at MANIAC kaya mahuhulog sila sa group C kung saan grupo ngayon ng FTT. Aangat sa group A ang HUV at RG at aangat din sa group B ang FTT at TK bilang dalawang teams nakakuha ng pinakamataaas na points sa group C.

Kapag nagsimula ang next round, ang kasama ng FTT sa group B ay Team All-round PH at Pro-PH na dalawang teams galing sa group A na nahulog sa group B, kasama din nila sa group B ang TK na kasama din nilang umangat galing sa group C.

Ibigsabihin, makakalaban ulit nila sa next round ang TK. Nagkaroon sila ng practice match ngayon para aralin ang strategy ng TK, kaya nilang i-punish ang TK ngunit kung maglalabas sila ng mga bagong hero na ipangtatapat nila sa TK nag-aalala si Mrs. Sojurn na baka sila naman ang pag-aralan ng ibang teams at walang magamit na hero pagdating sa playoffs. Kaya ang plano ni Mrs. Sojurn, si Lucky muna ang magiging core nila sa regular season para hindi mahirapan si Coach Dang pagdating sa playoffs.

Natuwa naman si Lucky dahil lagi niya nang maramdaman ang pakiramdam ng pagiging MVP. Lumakas narin ang marksman niya kaya hindi na nag-aalala si Mrs. Sojurn na gawin siyang core ng team.

Pagkatapos ng kanilang practice match nagkaroon lang sila ng maiksing discussion bago tiniklop ni Mrs. Sojurn ang kanyang clear book. Tiningnan niya ang mga players ng FTT.

"Wala kayong dapat ipag-alala sa All-round PH at Pro-PH dahil hindi naman kayo natalo sa mga practice match niyo sa kanila. The Kings lang talaga ang kailangan pag-aralan." Saad ni Mrs. Sojurn at nilagyan ng takip ang ballpoint pen. "P'wede na kayong mag-training, malapit narin ang end ng month, siguraduhin niyong na-full niyo 'yung 15 hours quota." Pagkatapos nun, umalis na si Mrs. Sojurn.

Umalis narin sina Lucky para mag-livestream kahit na matagal niya ng na-full ang kanyang quota, sinabi nitong tutulungan niya si Gem na punuin ang 15 hours quota nito.

Sina Just at Jacian nalang ang naiwan sa training room kasama ang ilang mga staff na inaayos ang mga wires. Tinanggal ni Jacian ang noise-cancelling headphones sa kanyang leeg at nilapag iyon sa mesa, pinatay niya rin ang gaming phone at inayos iyon para hindi na mahirapan ang mga staff.

Maya-maya lang narinig niyang nagsalita si Just.

"Na-full mo na ba ang quota mo?" Tanong ni Just at iniabot sa staff ang kanyang equipment, kinuha naman iyon ng staff atsaka umalis.

Tumango si Jacian. "Mm. Nag-live ako kanina." Sagot niya.

"Mn. Napanood ko."

Huminto si Jacian atsaka nilinga si Just, ilang segundo ang makalipas at pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng gamit.

"Ang sabi mo homophobic ako." Biglang sabi ni Just habang nakatingin sa kanya. Mababakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang nasa bulsa ng jacket ang kanyang kamay, tinatanong niya ang kanyang sarili, "Am I homophobic? How come...I didn't know."

Jacian: "..."

Kinuha na lahat ng staff ang mga gamit sa mesa kaya tuluyan niya ng tiningnan si Just.

"Kung hindi ka homophobic bakit sinabihan mong nonsense ang confession ni Lan?" Tanong niya habang nakasandal sa mesa, nakapatong sa mesa ang kanyang palad para suportahan ang kanyang sarili.

Kumunot ang noo ni Just, salubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin kay Jacian.

"Sinabihan kong nonsense dahil hindi ko siya gusto." Deritsong sagot ni Just.

Bahagyang natigilan si Jacian dahil sa kanyang narinig, naningkit ang kanyang mga mata sa kanyang isipan dahil naintindihan niya ang gustong iparating ni Just. Ibigsabihin, kung gusto ni Just ang lalaking nag-confess sa kanya hindi niya sasabihin ng nonsense, naiintindihan niya. Naintindihan niya ang gustong iparating ng kanilang captain, wala namang kung anong ekspresyon ang makikita sa kanyang mukha at tinanguan lang si Just.

"Mm." Sagot niya at umalis sa pagkakasandal para ayusin ang gaming chair. Pagkatapos nun, lumabas na siya sa training room at naiwan si Just.

Sa loob ng training room, nakatingin si Just sa baba habang nakaupo sa gaming chair. Napabuntong hininga siya at isinandal ang kanyang ulo.

Sa mga sumunod na araw, natapos na ang match ng group D at naglabas na ng update ang PKL kung sino ang magkakagrupo para sa next round. Hindi nga sila nagkamali, kasama nila ang All-round PH, Pro-PH at TK sa group B. Magiging madali ang laban nila next week dahil kahit matalo sila ng TK, sigurado silang makakakuha sila ng clean wins sa dalawang teams.

Nag-doubles sina Jacian at Just, ganun din si Lucky at Gem, samantala nag-sosolo Q naman si Blue sa Chinese server. Pagkatapos ng ilang match, nagdesisyong magtrio sina Jacian, Just at Blue. Nag-Q silang lima para hindi maburyong si Gem dahil kailangan pa nitong habulin ang kanyang quota ngayong month, may 10 hours pa ito kailangang punuin.

Sa sumunod na araw, binigay na ng PKL ang kanilang schedule next round. Second week ng month ang schedule ng FTT dahil first week ang match ng group A. Natapos ang buwan at na-full na ni Gem ang kanyang quota dahil sa tulong ni Lucky.

More Chapters