Ficool

Chapter 103 - Chapter 101: "GOOD LUCK! HONEYBAM DOU!!"

Maagang nagsama-sama ang FTT habang si Blue naman ay naka-antabay na gamitin ang kanyang ult para protektahan si Lucky. Magkakasama sina Just, Jacian at Gem na pare-parehong malalakas ang CC at dahil doon hindi naglakas-loob na lumapit si Sin at Linus. Maging sa pagkuha ng jungle creeps ay sinamahan nila si Just kaya mabilis nilang nalinis ang jungle area at nag-desisyong mag-rotate. Magaling magnakaw ng resources si Pei dahil malakas ang kanyang mobility at kung hindi nila lilinisin ng mabilis ang kanilang jungle siguradong mag-doudoubles si Sin at Linus para nakawan sila ng maraming resources.

Nang umabot sa 4 minute mark, nakuha ng TK ang tyrant at malaking kawalan ito para sa FTT. Ngunit hindi napansin ng TK na nag-rotate pala si Lucky at Blue para basagin ang tower nila sa clash lane.

Halos pantay lang din ang kanilang gold ngunit umabot na sila sa mid game at mayroon ng malakas na damage ang tatlong core ng TK, ngunit kung titingnan ang gold lead ay si Lucky parin ang nangunguna. Sa unang teamfight, nahuli ng combo ni Jacian at Gem ang marksman ng TK ngunit nasa critical na ang health ni Gem nang mag-retreat sila. Ngunit si Lucky ang naka-first blood at lamang siya ngayon ng item sa kanilang lahat.

Nang mag-enhance ang overlord/tyrant, nauna ang FTT sa overlord pit at nagtago sa mga damuhan, kinuha nila ang magandang pwesto at bush para walang mataguan ang TK. May masamang premonition ang TK sa ganitong sitwasyon kaya maingat silang nag-check ng bush para hindi sila mahuli.

Tanging si Just lang ang nakahawak sa overlord dahil nanatiling nakatago si Jacian at Blue sa damuhan. Hindi makita ng TK kung nasaan ang ibang members ng FTT kaya pinadala nila ang support para magbigay ng vision, hindi nila alam na nag-rotate si Gem para linisin ang wave ng minions sa clash lane. Lumabas naman si Jacian sa bush para linisin ang minion wave sa mid lane, kailangan hanapin ng TK ang posisyon ni Jacian at Gem para hindi makapag-combo ang dalawang 'to at hindi sila mahuli.

Ngunit hindi nagpapakita sa mapa ang mga players ng FTT maliban kay Just, na-reveal na ang posisyon ni Jacian nang linisin niya ang minion wave sa mid lane samantalang hindi parin nila makita si Gem. Kanina pa kinukuha ni Just ang overlord ngunit nang makitang parating na ang mga players ng TK ni-reset ni Just ang overlord.

Sin: "..."

Linus: "???"

Samantala, nagpakawala ng tawa ang dalawang commentators. 

Commentator Zia: "Grabe ang ating Great Demon King kuya Waver, 30% nalang ang buhay ng overlord parang kunting skills nalang at smite makukuha niya na 'yun ni-reset pa." Ani Commentator Zia habang nakatingin sa overlord na bumalik sa full health.

Tumawa si Commentator Waver: "Pero nand'yan narin kasi 'yung mga players ng The Kings at naisip ni Just na baka biglang nakawin ni Sin kaya ang ginawa niya ni-reset nalang."

Commentator Zia: "Pero hindi nila alam kung nasaan si Gem ah, si Gem kanina pa 'to sa clash lane eh bagsak na nga ang isang tower ng TK tapos ngayon hinatid pa 'yung mga minions sa high ground."

Ngunit hindi na i-pupush pa ni Gem dahil nag-recall ang support ng TK para linisin ang pinadala niyang minions. Nahanap na ng TK kung nasaan ang posisyon ni Gem kaya kinuha na nila ang overlord. Hindi parin umalis ang mga players ng FTT sa overload pit kaya para sa side ng TK nag-aalanganin sila kung kukunin ba nila ito ng mabilisan, alam naman nila ang kakayahan ni Just na magnakaw pagdating sa mga resources at objectives, kung ibibigay pa nila ang overlord mahuhuli sila pagdating sa gold.

Hindi sila nagmadali, nilinis din ni Linus ang mid lane bago bumalik sa overlord pit, dahan-dahan nilang kinukuha ang overlord habang tinitingnan kung naka-push ba ang minions ng FTT sa tatlong lanes.

Sumasayaw lang ang dalawang teams sa overlord pit na ngayon ay unti-unting kinukuha ni Sin. Ngunit hindi na nakapaghintay si Just, ginamit niya ang kanyang CC at nagulat ang limang players ng TK ngunit hindi dahil sa pag-initiate ni Just, kundi dahil nag-popped up ang notification sa taas.

(FTT.Lucky) Defeated (Tyrant)

Si Lucky kanina pa pala kinukuha ang tyrant sa may ibaba!

Pagkakuha ni Lucky ng enhance tyrant nagkaroon ng damage ang mga players ng FTT at sinukat ni Just ang timing kung kailan siya magkakaroon ng damage pagkatapos nag-initiate kaagad siya. Sakto-sakto dahil pagkabagsag ng ult ni Just sa overlord pit kung nasaan si Sin at Linus nagkaroon siya ng extra damage at 'yun ang oras kung kailan na-slain ni Lucky ang tyrant. Hindi lang iyon tyrant, enhance tyrant pa iyon kaya malakas ang damage.

Mabilis namang nag-react ang TK at nagbigay kaagad ng shield ang kanilang support, sa isang iglap nagkaroon ng teamfight sa may overlord pit. Ngunit makikita sa mini map na patungo sa clash lane ang marksman ng TK habang si Lucky naman patungo sa mid lane para basagin ang kanilang high ground.

Ngunit full health pa ang second tower ng FTT kaya walang choice ang marksman ng TK kundi ang umuwi para mag-defend. Umuwi rin si Lucky para magbigay ng assist dahil kasalukuyan nang nag-reretreat ang kanyang mga teammates matapos mamatay si Jacian sa kamay ni Sin at Linus. Binasag ng TK ang second turret ng FTT sa mid lane ngunit hindi narin nila i-pupush at nag-recall para umuwi.

Umabot ng 15 minutes ang laban nila at nakahanap na ngayon ng magandang play ang TK. Binigay nila lahat ng resources kay Arli at ito ngayon ang nagpapasakit sa ulo ng mga players ng FTT, hindi nila mahuli si Arli at nag-build pa ng tank item si Sin para protektahan ang kanilang marksman. Malakas si Mai Shiranui at Arli kaya walang choice ang FTT kundi ang mag-defend.

Sa katunayan, dapat 10 minute mark pa tapos ang laban ngunit nakapag-teamfight pa ang FTT kaya hindi rin nakahanap ng magandang play ang TK para i-punish ang mga players ng FTT. Masyadong malakas ang lane management ng FTT kaya nasira ang rhythm ng TK, ngunit ngayon nasa high ground na ng FTT ang TK at kasalukuyang binabasag ang high ground sa mid lane.

Nabasag ng TK ang tatlong high ground ng FTT at ngayon ay i-pupush na nila hanggang crystal.

"Kaya bang mag-defend?" Tanong ni Lucky at napalunok habang nakatingin sa tatlong wave ng minions.

"Kaya 'yan, clear muna ang minions." Sagot ni Jacian.

Mabilis namang nilinis ni Gem ang mga minions dahil sobrang bilis mag-clear ng skill 2 ni Liang. Nagsimulang mag-push ang TK kaya nagsimula naring mag-defend ang FTT.

Nag-defend sila hanggang sa maubos ang minions at mga skills, halos kalahati nalang ang buhay ng crystal nila ngunit wala ng minion wave ang TK at wala narin silang mga ultimate, pare-pareho silang nasa critical health kaya hindi narin i-pupush ng TK kahit na kalahati nalang ang buhay ng crystal ng FTT. Umuwi muna sila para magpa-full health.

Malakas na sigawan ang maririnig sa audience area sa side ng FTT at maging ang dalawang commentators ay hiningal dahil sa intense.

Commentator Zia: "Okay, successful defense para sa side ng FTT."

Commentator Waver: "Grabe, tatlong wave na ng minions 'yun nakapag-defend pa." Hindi makapaniwalang saad ni Commentator Waver. "Kinikilig yung fans ng FTT eh, nung kumalahati 'yung buhay ng crystal tapos nabugaw pa 'yung mga members ng TK ang lakas ng sigawan."

Commentator Zia: "Oo, kahit tayo medyo napasigaw din. Pero ang tanong, kaya pa bang mag-defend ng FTT? Para sa side ng FTT, kailangan nilang mag-ingat dahil wala na silang high ground towers, crystal nalang ang nakatayo. Isang maling galaw ng FTT tapos na sila dito."

Umabot ng 20 minutes ang laban at matapos umuwi ang mga players ng TK, nilinis nila ang minion wave at hinatid ang mga minions patungo sa crystal ng FTT, handa na silang tapusin ang laban.

Nagsimulang mag-defend ang FTT hanggang sa huling hantungan, nagawa pa nilang linisin ang minions ngunit matapos silang ma-ACED tinapos na ng TK ang laban.

Maririnig ang malakas na sigawan sa kaliwang parte ng audience area kung nasaan ang mga fans ng TK, winawagayway nila ang mga banners kasama ang mga chibi.

Tinanggal ng FTT ang kanilang noise-cancelling headphones at bumaba ng stage para pumunta sa break room. Nang marating nila ang break room, si Lucky kaagad ang unang nagsalita. Umupo siya sa tabi ni Gem at napapilantik sa hangin.

"Sayang, muntikan na tayong nanalo." May panghihinayang na saad niya.

Inilapag naman ni Gem ang bottled water sa mesa. "Sobrang imposible manalo gamit ang ganong line-up laban sa line-up ng TK na malakas kaagad ang burst." Kalmadong sagot ni Gem.

"Shit! Ang ganda nung pag-defend natin dun, wala pang nakakapag-defend na may shadow vanguard, tatlong wave ng minions at limang enemies!"

Bahagyang tumawa si Lacey dahil sa sinabi ni Lucky at ginatungan pa ang sinabi nito dahilan para mas lumapad ang ngiti ni Lucky.

"Bumawi nalang tayo next match." Saad ni Jacian habang tinutuklap ang patch. Tinanggal niya ang kanyang jacket at dinikit sa magkabilang balikat.

Nang makita siya ni Lucky, hindi nito maiwasan ang hindi pagkunutan ng noo. "Bakit lagi mong pinapalitan 'yung patch mo? Effective 'yan hanggang 8 hours."

"Hindi na effective sa akin eh, hanggang 30 minutes lang." Wala sa sariling sagot ni Jacian at inihulog ang basura sa bulsa ng kanyang bag. Sinuot niya uli ang kanyang jacket at zinip iyon hanggang dibdib.

Nang magsimula ang next match, pumunta na ang dalawang teams sa arena para sa susunod na laban. Maririnig ang malakas na sigawan nang umakyat sa stage ang Team TK at pumunta sa kanilang match area, samantala, nang umakyat ang FTT sa stage biglang may tumaas ng malaking banner sa audience area at sumigaw ng malakas.

"GOOD LUCK! HONEYBAM DOU!!" Sigaw ng babeng fan habang hawak ang umiilaw na banner, nakasulat ang linyang sinigaw nito sa hawak nitong banner at kumikinang iyon sa buong arena.

Jacian: "!!!"

Sa lakas ng sigaw nito, lumingon sa deriksyon niya ang mga players ng FTT na kakaakyat palang sa stage ngunit saglit lamang nila itong tiningnan.

Jacian: "..."What the fuck men.

Nagulat si Jacian ngunit mabilis din siyang nag-adjust at binigyan si Lucky ng makahulugang tingin, nakita niyang nakatingin din sa kanya si Lucky at binigyan pa siya nito ng pamatay na kindat.

Sumama ang mukha ni Jacian sa puntong gusto niyang durugin si Lucky, ngunit pinigilan ni Jacian ang kanyang sarili at tahimik na umupo nang marating niya ang kanyang gaming chair. Sinuot nila ang kanilang noise-cancelling headphones habang hinihintay ang ban/pick phase.

"Sino 'yung Honeybam dou na sinigaw nung babae kanina?" Narinig nilang tanong ni Just sa kanilang noise-cancelling headphones. Nakasandal si Just sa gaming chair habang kumukurot sa powder na nakapatong sa mesa.

Bahagyang na stunned si Jacian at napasinghap. Nilinga ni Just si Lucky at Gem dahil sa kanilang lima ay ang kanilang farm lane dou lang naman ang maraming CP fans.

Umayos naman ng upo si Lucky. "Hindi mo alam? Yun ang tawag sa dou niyo ni Boss, diba Boss?" Saad niya at ngumiti, hindi naman nagsalita si Jacian kaya napasimangot si Lucky. "Hindi ba cute? Ako ang gumawa nun, nakakainis lang, dapat Honeybun 'yun eh na-typo lang ako kaya naging Honeybam. Hindi ko na tuloy mabago." Dagdag pa ni Lucky.

Gustong hampasin ni Jacian ng gaming chair si Lucky para tumahimik ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, ngayon lang din napagtanto ni Lucky kung sino ang kasama nila kaya na-stunned siya na animo'y ginamitan ng CC at nanlalaki ang mga matang pinaglapat ang kanyang mga labi.

Si Mrs. Sojurn na kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan nila ay napa-'oh?' Tiningnan nito si Just at Jacian. "Kayo pala ang Honeybam dou?"

Jacian: "..."

Lucky: "............"

"Hindi ko in-expect na mas maganda ang CP niyo kumpara sa GemLuck." Dagdag pa ni Mrs. Sojurn.

Jacian: "???"

Awkward na pumikit si Jacian dahil sa hiya kay Mrs. Sojurn, sino nga uli ang taong 'to? Mama 'to ni Just! Siya ang nahihiya para sa kanilang captain, hindi ba alam ni Lucky na homophobic ang kanilang captain? Kung alam lang nila kung paano sinabihan ni Just ng 'nonsense' ang confession ni Lan.

More Chapters