Ficool

Chapter 96 - Chapter 94: Hinahamon ka ni Lan ng 1v1 nang naka-live broadcast.

Kakatapos lang ni Jacian maligo at matapos tuyuin ang kanyang buhok pumunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga ngunit nakaramdam siya ng gutom. Nagdesisyon siyang bumaba para pumunta ng kusina at kumuha ng makakain ngunit pagbaba niya sa hagdan nakita niya si Lucky at Gem na naka-upo sa living room. Naka-unat ang kamay ni Lucky na may hawak ng cellphone habang nakadungaw naman ang ulo ni Gem, maririnig ang boses na nanggagaling sa cellphone ni Lucky at halatang may pinapanood sila.

Hindi alam ni Jacian kung anong pinapanood nila ngunit base sa ekspresyon ni Lucky hindi nito nagugustuhan ang pinapanood, nakakunot ang kanyang noo at bahagya pang dinuduro ang screen, tumatango naman si Gem bilang pagsang-ayon.

Nang mapadaan si Jacian sa living room para pumunta sa kusina, naagaw niya ang atensyon ni Lucky at agad siya nitong tinawag. Nakakaramdam na si Jacian ng gutom ngunit pinili niyang lumapit dahil sa ekspresyon ni Lucky, animo'y may gusto itong ipakita sa kanya na hindi niya p'wedeng hindi makita.

"Holy shit! Napanood mo ba ang livestream ni Lan?" Nababakasan ng pagkainis na tanong ni Lucky.

Iniiling lang ni Jacian ang kanyang ulo para sagutin ang tanong nito. Hindi niya follow si Lan sa Hi! Streaming platform at hindi rin nila friend ang isa't isa sa kahit na anong social media platform. Wala naman siyang sasabihin kay Lan sa pamamagitan ng chat dahil araw-araw naman silang nagkikita sa base nung nasa base pa ito, hindi niya alam ang livestream account ni Lan kaya hindi siya updated kung live ito sa streaming platform.

"Shit! Tinrash talk ka niya sa livestream!" Inis na saad ni Lucky, binackward niya ang livestream at iniharap ang cellphone kay Jacian.

Kinuha ni Jacian ang cellphone sa kamay ni Lucky para panoorin iyon ng maayos. Makikita sa livestream na naka-upo si Lan sa gaming chair habang naka-ekis ang kanyang hita, naka-coat siya ng light brown at sando na kulay dilaw sa loob. Nakapatong sa kanyang ilong ang payat na salamin habang nasa gilid ng kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok na hindi naisama sa pagkakatali. Maganda ang itsura ni Lan at naka-make up pa ito ngayon na lalong nagpaganda sa hugis ng kanyang mukha, ganito 'yung klase ng itsura na magkakagusto sa kanya pareho ang mga babae at lalaki.

Humarap ito sa camera at ini-adjust ang webcam bago nagsalita, "Hello everyone, I'm Lan, former mid laner ng FTT." Pauna nito at ngumiti sa camera. "Gusto ko lang ipaliwanag na maraming mistakes nung game 2 kahit na nakuha ng FTT ang victory. Alam kong na-dissapoint kayo at na-dissapoint din ako dahil sa nangyari. But...anyway, katulad ng sabi niyo, hindi coaching ang mali kundi si Boss. Ang sabi niya malalim ang kanyang hero pool kaya confident akong pagamitin siya ng Gan&Mo pero ang kinalabasan, hindi siya marunong. Hindi niya alam kung paano giamitin si Gan&Mo at nagulat ako nang malamang ko 'yun. Ang dali lang ni Gan&Mo gamitin pero hindi niya alam, at dahil sa match na 'yun senermonan ako ng owner ng club at tinanggal sa pagiging coach, sa akin napunta ang sisi." Saad ni Lan at pinag-ekis ang kanyang mga hita. "Sige, sabihin na nating magaling si Boss magaling siyang mag-pentakill pero hindi lang naman kasi isa ang nasa loob ng canyon. Kailangan mo ng connection sa teammates mo para makuha niyo ang victory, pero nung game 2, hindi ko nakikita na may connection si Boss sa FTT. Nawalan ako ng gana sa results at maayos din naman na hindi na ako ang coach ng FTT, sobrang sakit sa ulo mag-handle ng player na katulad ni Boss. Mas marunong pa siya sa akin, ano pang saysay ko bilang coach kung mas marunong pa ang player, right? Ang sakit sa ulo." Nababahiran ng gigil ang boses ni Lan. Para bang naundog siya sa pader at gusto niyang gumanti ngunit hindi niya magawa kundi mangalit na lamang ang kanyang ngipin.

Ilang beses na iyong pinanood ni Lucky ngunit hindi parin humuhupa ang galit niya, sa tuwing maririnig niya iyon ng paulit-ulit parang gusto niyang sugurin si Lan para bigyan ng suntok.

Matapos panoorin, kunot-noong iniabot ni Jacian ang cellphone kay Lucky. Hindi siya nagsalita at tahimik na inisip ang mga sinabi ni Lan, sa tono ng pananalita ni Lan alam ni Jacian na matagal na itong gustong sabihin ni Lan sa kanya, matagal nang gusto ni Lan na ipakita ang inis sa kanya ngunit hindi nito magawa sa harapan ni Just. Halatang naghanap lang ito ng dahilan para ilabas ang hinanakit niya at yung game 2 pa ng match ang ginamit nitong dahilan. Hindi result ng game 2 ang kinaiinisan ni Lan kundi si Jacian mismo.

Sinubukang isipin ni Jacian kung na-offend niya si Lan noon ngunit wala naman siyang maalala na tinrash talk niya ito. Kung si Just ang dahilan kung bakit ito naiinis sa kanya bakit kailangan pang i-broadcast kung p'wede naman sabihin sa kanya sa personal. Napailing nalang si Jacian at napahawak sa kanyang tiyan nang makaramdam ng gutom.

"Napaka-immature naman." Saad ni Jacian at humakbang para pumunta sa kusina.

Umangat ang dalawang kilay ni Lucky at mabilis siyang pinigilan. "Saan ka pupunta? Hindi mo ba gagantihan si Lan? Parang sinabi niya narin na mahina ka, nahihinaan siya sa'yo, sinabi niya pang hindi malalim ang hero pool mo hindi mo ba siya i-tatrash talk?"

Napahinto si Jacian at nilinga si Lucky dahil sa sinabi nito.

Makahulugang ngumiti si Lucky at kinindatan si Jacian. "Diba magaling ka sa solo? Napanood ko ang mga solo mo noon sa mga pro at walang nanalo."

"So?" Hindi interesadong tanong ni Jacian.

"So, ipakita mo kung sino ka. Hamunin mo siya ng solo." Matapang na udyok ni Lucky. Kinabig siya ni Gem ngunit hindi niya ito pinansin.

"Bakit ko naman siya hahamunin ng solo? Hindi ko naman kailangan ng opinion niya, kung nahihinaan siya sa akin at iniisip niyang mababaw ang hero pool ko edi isipin niya. Pakialam ko ba sa iniisip niya kahit ipa-billboard niya pa ang basura kong gameplay kay Gan&Mo. Kung gusto niyang makipag-1v1 para ipahiya ako edi siya ang maghamon sa akin, sino ba siya para yayain ko ng solo hindi ko nga hinahamon si Chase na Great Demon King ng MPL siya pa na walang title." Walang prenong lintaya ni Jacian.

Parehong na-stunned si Lucky at Gem. Hindi nila in-expect kay Jacian na kilalang trash talk king ay may ganitong mindset, ang akala nila kanina sa oras na mapanood iyon ni Jacian ay hahamunin niya ng solo ngunit ngayon, nalaman nilang wala talaga siyang pakialam. Ngunit sa isa nanamang pagkakataon lumalabas nanaman ang pagiging trash talker ni Jacian, sayang lang dahil hindi na-record ni Lucky.

"Nakakagutom."

Pare-pareho silang napalinga sa hagdan nang makarinig ng salita, bumaba si Just sa hagdan at dumeritso sa living room nang makita sila. Hindi na nagsayang nang isang segundo si Lucky at kaagad na iniabot ang cellphone kay Just para panoorin ang livestream ni Lan. Nagsalubong kaagad ang kilay ni Just nang sabihin ni Lucky na livestream iyon ni Lan habang inaabot ang cellphone at mas lalong dumilim ang kanyang mukha nang magsimulang magsalita si Lan.

Wala na siyang balak pakinggan uli ang livestream ni Lan kaya dumeritso na si Jacian sa kusina para kumuha nang makakain. Pagkatapos niyang kumuha bumalik siya sa living room para doon kumain, umupo siya sa pinakadulong sofa na inuupuan ni Just kung saan doon siya laging nakapwesto at kumuha ng tubig sa water dispenser malapit sa flat screen TV.

Matapos panoorin ni Just, ibinalik niya ang cellphone kay Lucky. Sunod-sunod namang napamura si Lucky dahil sa ilang pagkakataon narinig niya nanaman ang sinabi ni Lan. Nakakaramdam siya ng inis sa puntong gusto niyang magsuka ng maraming mura.

Salubong ang kilay ni Just, madilim ang kanyang mukha at nilinga si Jacian na umupo matapos kumuha ng tubig sa water dispenser. Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at mabigat ang kamay na nagtipa.

"Anong gagawin mo, captain?" Tanong ni Lucky.

"Hahamunin ko si Lan ng 1v1."

Napahinto si Gem sa kanyang ginagawa.

Lucky: "..." Holy shit! Bago iyon sa pandinig niya.

Hahamunin ni Just si Lan ng 1v1?! Alam naman nilang lahat kung gaano kagaling sa solo ang kanilang captain dahil nanalo na ito sa Global individual competition ng tatlong beses at kasama iyon sa history ng e-sports. Maraming pro players ang naghahamon ng solo kay Just at karamihan ay taga-ibang region ngunit ni-reject silang lahat ni Just. Hindi siya nakikipag-solo sa mga pro maliban nalang kung tournament ito. Alam nila iyon at ng mga fans na nasa HoK community, ngunit ngayon, hahamunin ni Just si Lan ng solo? Gaano kadaming pro ang maiinggit kapag hinamon ni Just si Lan ng solo nang naka-live broadcast.

Bagaman, gustong makita ni Lucky ang solo ni Just at Lan dahil gusto niyang makitang durog si Lan ngunit kung yayayain ni Just si Lan ng solo, hindi ba parang lalabas na espesyal si Lan? At kapag nangyari iyon sisikat si Lan bilang unang pro na niyaya ng isang Great Demon King ng solo.

Mabilis na pinigilan ni Lucky si Just bago pa ito makapag-send ng message kay Lan. "Captain, kapag hinamon mo ng solo si Lan iisipin niyang galit ka sa kanya." Pagdadahilan ni Lucky.

Hindi pa nakakasagot si Just nang tumunog ang cellphone ni Lucky. Tiningnan ni Lucky ang notification na nag-popped up at hindi maiwasang mapamura.

Tiningnan siya ni Gem ng masama dahil doon pa siya mismo sumigaw malapit sa tenga nito. Nag-sorry siya kay Gem at tiningnan si Jacian na kumakain.

"Jacian, hinahamon ka ni Lan ng 1v1 nang naka-live broadcast!" Bulalas ni Lucky.

Gem: "." Hinawakan niya ang kamay ni Lucky na may hawak ng cellphone at iniharap sa kanya para basahin ang post ni Lan.

Nagsalubong ang kilay ni Just dahil sa narinig at binalingan si Jacian na kanina pa kumakain, nilunok lamang ni Jacian lahat ng pagkain sa kanyang bibig at uminom ng tubig.

"Ang sabi ni Lan hihintayin ka niya." Dagdag pa ni Lucky.

Kinuha ni Jacian ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at ni-log in ang kanyang alt account.

Napalunok si Lucky. "Makikipag 1v1 ka talaga?"

"Hindi ba hinahamon niya ako?"

Lucky: "..."

Tumunog uli ang cellphone ni Lucky at isa nanamang notification. [Lan is now live] Iniharap ni Lucky ang kanyang cellphone sa kanila para ipakita ang livestream ni Lan. Makikita sa main screen ang lobby at halatang wala pang balak maglaro si Lan, sa lower left naman ng screen kung saan makikita ang mukha ng streamer naka-upo si Lan sa gaming chair habang nakatingin sa camera, nagbago na ang suot niya at mas lalo siyang naging attractive, walang tigil naman kakasend ng gifts ang mga viewers. Ilang sandali ang makalipas nang magsalita si Lan para sabihing hinihintay niya si Boss.

Sa isang linya ni Lan, sapat na iyon para magkagulo sa live chat.

[Totoo ba 'tong nakikita natin? Hinahamon ni Lan si Boss ng 1v1?]

[Grabe, mukhang mainit ngayon sa base ng FTT. Sabi ni Lan kanina tinanggal siya sa pagiging coach dahil kay Boss eh.]

[Naku mahirap 'to. Mainit na laban 'to guys kahit hindi tournament.]

[Parehong malakas na mid laner, paano ba 'yan.]

[GOT-G.Shadow: Yan ang gusto ko may pinapatunayan. [tornface.jpg]]

[TK.Linus: All in, kay Boss. [LMAO.jpg]]

Nang makita ang comment ng dalawang mid laner ng malalakas na teams, halos mabaliw ang mga fans sa sobrang excited. Walang tigil sa kaka-scroll ang live chat at naroon narin ang ibang pro ng mga teams sa PKL. Kahit si Captain Water na marksman ng RG ay naroon din para mag-comment.

Nagulat si Lucky habang nagbabasa sa live chat, 5 minutes palang ang live ngunit meron na itong 60k viewers at 1k comments. Marami siyang nakikitang pro sa live chat at naghihintay ng match. Hindi alam ni Lucky kung paano mag-react, hinarap niya lang ang kanyang teammates para sabihin ang sitwasyon sa livestream room ni Lan.

Sa gitna ng magulong live chat makikita ang username ni Lucky nang mag-comment ito.

[FTT.Lucky: Let's start then. - Boss]

Kasabay 'nun, nag-popped up sa main screen ng game lobby ni Lan ang friend request galing sa isang user. Ini-accept iyon ni Lan at makikita ang chat na sinend ni Jacian.

[Let's See What You've Got: Goodluck.]

More Chapters