Ficool

Chapter 90 - Chapter 88: Private Matters

Nang marinig ang mahabang lintaya si Just. Si Jacian na nasa gilid ay napa, "......." Hindi niya alam kung magugulat ba siya o ma-i-speechless. Bahagya niya lang naitabon sa kanyang mukha ang kanyang kamay. Ngayon lang siya nakakita na may nag-confess at sinabihang nonsense, hindi ba parang sobra naman 'yun? Not to mention na lalaki si Lan, mahirap sa posisyon niya ang kumuha ng lakas para mag-confess sa ka-same sexual. Kung titingnan hindi naman halata na bakla si Lan, para lang siyang lalaking malumanay, kahawig niya rin si Liang sa Honor of Kings dahil pareho silang hanggang leeg ang buhok at may suot na payat na salamin. Bagay na bagay sa appearance niya ang ugali niya kaya mahirap isipin na bakla siya.

Hindi rin alam ni Jacian na bakla pala si Lan hanggang sa ilang beses niya itong nahuli na nakatingin sa kanilang captain, kahit na hindi niya bigyan ng malisya pero halatang hindi rin naman tinatago ni Lan. Sa katunayan, pakiramdam ni Jacian mas tinititigan pa nito ang kanilang captain sa tuwing nakatingin siya, para bang pinapaalam nito sa kanya na gusto niya ang kanilang captain at hindi siya pwedeng maki-agaw. Ngunit hindi naman interesado si Jacian sa mga ganitong bagay at tinatrato niya ang kanilang captain kung ano dapat ang trato sa isang captain, lahat ng ginagawa niya kay Just ay walang kinalaman kay Lan ngunit mukhang na-misunderstood iyon ni Lan at pinagamit siya ng Gan&Mo para ipahiya sa harap ng maraming audience at viewers.

Hindi alam ni Jacian kung bakit siya nadadamay sa mga ganitong bagay, simple lang naman ang gusto niya. Maglaro ng online games at mang-trash talk, ngunit hindi niya inaasahan na madadamay siya sa ganitong drama. Ang akala niya walang drama sa e-sports at puro trash talkan lang ngunit ngayon, nadamay siya dramatically. Hindi alam ni Jacian kung matatawa ba siya o maiiyak, mukhang magiging mabigat ang tensyon sa pagitan nila kapag nagkita-kita silang tatlo sa base. Ipinawalang bahala nalang iyon ni Jacian at inalis sa kanyang isipan, ang isipin palang sa part na pinagseselosan siya ni Lan para kay Just, parang gusto niyang manigarilyo ngayon mismo.

Hindi na namalayan ni Jacian na narating na nila ang base. Dumeritso na siya sa kanyang dorm para maligo dahil amoy sigarilyo na pati ang damit niya, kumulo nanaman ang kanyang tiyan at dumeritso sa bathroom. Pagkatapos niyang maligo at magbabad ng kalahating oras, humarap siya sa lababo at nag-toothbrush. Dalawang beses siyang naglagay ng toothpaste at brinush ng maayos para mawala ang amoy ng sigarilyo, nagmumog siya at dinura ang bula sa lababo. Matapos maligo at mag-toothbrush saka lang nakaramdam ng fresh si Jacian, lumabas siya sa bathroom habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel.

Naglakad siya palapit sa sofa at umupo roon habang hawak ang kanyang tiyan. Kakatapos niya lang maligo ngunit makikita ang butil butil niyang pawis sa kanyang noo, sumandal siya sa sofa at ipinatong ang braso sa kanyang noo habang ang isa ay nakapatong sa flat niyang tiyan. Mariin siyang napapikit habang sumasagi nanaman sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ni Henry kaninang tanghali, sa katunayan ayaw niya ng makita si Henry, ayaw niya ng marinig ang kanyang Ina at akala niya nakalimutan niya na lahat simula nang lumipat siya dito sa base. Pinutol niya na ang nakaraan sa future ngunit nang maka-usap si Henry kanina, pakiramdam ni Jacian bumalik 'yung past. Pinaramdam sa kanya na meron siyang magaling na ama at iniwan siya ng kanyang Ina at sumama sa ibang lalaki para takasan ang 1.2 million na utang.

Idiniin ni Jacian ang pagkakahawak niya sa kanyang tiyan at pinilit na tumayo para kunin ang bottled water na nakalapag sa kanyang desk, binuksan niya iyon at uminom hanggang sa maging kalahati ang laman, umagos pa ang tubig sa gilid ng kanyang labi at pinahid niya lang iyon gamit ang likod ng kanyang palad. Hindi parin nawawala ang gutom niya, wala siyang gana kumain kaya nagdesisyon siyang matulog nalang at bukas na kumain, hindi naman siguro siya mamamatay kung isang araw na walang kain. Naglakad siya para tumungo sa kanyang kwarto ngunit biglang may kumatok sa kanyang pinto.

Inilapag niya ang bottled water sa mesa na nasa harap ng sofa at binuksan ang pinto. Nakita niya si Just na nakatayo sa labas habang may bitbit na mangkok, may takip iyon at may plato sa ilalim kung saan ito nakahawak para hindi mapaso. Nang makita siya ni Just bahagyang kumunot ang noo nito at nagtanong kung ayos lang siya, umiling naman si Jacian at binuksan ng malaki ang pinto para papasukin siya.

Pumasok si Just at inilapag sa mesa ang dala nito. Sumunod si Jacian at tahimik na umupo sa sofa. "Nagdala ako ng sopas. Kainin mo habang mainit pa." Saad ni Just at inabot sa kanya ang kutsara.

Kinuha iyon ni Jacian at binuksan ang takip ng mangkok, sa sobrang gutom niya hindi na tumunog ang kanyang tiyan nang maamoy ang paborito niyang sopas. Nakita niyang kinuha lang ni Just ang cellphone nito sa bulsa at sumandal sa sofa habang nag-i-scroll. Tiningnan siya ni Just at sinabi nitong hihintayin siyang matapos kumain. Sumagot lang siya ng mahinang 'mm' bago sumandok sa sopas.

Nang kumain siya ng isang kutsara, nilinga niya si Just na nasa kanyang gilid na abala sa pag-scroll habang nakakunot ang noo. Hindi alam ni Jacian kung anong tinitingnan nito ngunit mababakas ang pagkainis sa mukha nito, nang maramdaman ni Just ang kanyang titig bahagya siya nitong nilinga. Nawala na ang inis sa mukha nito.

"Mn?" Tanong ni Just nang makitang nakatingin siya.

Iniiling lang ni Jacian ang kanyang ulo."...wala naman." Sagot niya bago nagbawi ng tingin at yumuko para sumandok uli. Samantala, ipinagpatuloy na ni Just ang kanyang pag-scroll ngunit hindi na nababahiran ng inis ang kanyang mukha, bahagya lamang nakasalubong ang kanyang kilay.

Sa sobrang gutom ni Jacian, walang hinto ang kanyang pagsandok at mabilis niyang naubos ang sopas. Saka lang nawala ang sakit ng kanyang tiyan nang maramdaman niya ang init ng sabaw sa kanyang sikmura. Inayos niya ang plato at mangkok at maayos na inilagay ang kutsara sa gilid, sinabi niya kay Just na siya na ang babalik nun sa kusina ngunit tumanggi si Just. Nilagay ni Just sa airplane mode ang kanyang cellphone bago pinatay at nilapag sa mesa.

Pagkatapos, tiningnan niya ang buhok ni Jacian. "Wala ka bang blower?" Tanong niya at kinuha ang towel na nakasampay sa leeg nito.

Tiningnan ni Jacian ang kanyang desk kung saan niya nilapag ang kanyang blower nakaraang araw, hindi siya sanay gumamit nun at matapos gamitin ng isang beses inilagay niya iyon sa desk, plano niya sanang ibigay sa teammates niya dahil hindi niya naman nagagamit.

"Meron, pero hindi ko ginagamit." Sagot niya at hinila ang basa niyang buhok.

Tumayo si Just at kinuha iyon, sinaksak niya iyon sa extension bago bumalik sa sofa. Hindi nagsalita si Jacian at ipinihit lang patalikod ang kanyang katawan nang umupo si Just sa likuran, bahagya siyang natulala nang hawakan ni Just ang kanyang buhok at sinimulan itong tuyuin. Naramdaman niyang bumigat ang kanyang dibdib at uminit ang kanyang ilong. Mama niya ang laging nagtutuyo ng kanyang buhok gamit ang towel, iyon ang pinakagusto niyang ginagawa ng mama niya dahil nakakaramdam siya ng warm kapag hinahawakan ang kanyang buhok. Pagkalipas ng ilang taon ngayon nalang uli naranasan ni Jacian 'yung pakiramdam na inaalagaan, sumakit ang kanyang lalamunan at uminit ang kanyang ilong, lumunok siya at napabuntong hininga sa kanyang puso. Naramdaman niyang bumagal ang galaw ni Just.

"Jacian." Tawag nito.

"..mm?"

"Nung nasa labas ako ng gate kanina, may nakita akong dalawang tao na lumabas ng gate bago ka lumabas, kilala mo ba sila?" Seryusong tanong ni Just at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Napansin ni Just na gusot ang damit ni Jacian sa may bandang dibdib at halatang pwersahan itong dinakot, gusto niyang itanong 'yun kanina ngunit nag-alanganin siya dahil alam niyang ayaw ni Jacian na pinapakialaman ang kanyang private matters. Ngunit ngayon hindi niya mapigilan kundi itanong uli.

"Mga collector sila ng utang." Sagot ni Jacian. Umayos siya ng upo matapos matuyo ang kanyang buhok. "May utang ang pamilya namin na 1.2 million at ilang taon ng hindi nababayaran, sumama sa ibang lalaki ang mama ko para tumakas at ang...ang step-father ko minsan lang umuwi sa boarding house. Hindi sila kasal at ang utang ng mama ko sa kanya lang nakapangalan kaya may karapatan ang step-father ko na hindi magbayad." Kwento ni Jacian. "...pero tumakas ang mama ko kaya..." Saad niya at nilinga si Just. "...kaya sa akin napunta ang utang." Aniya.

Bahagyang nagulat si Just. Tinitigan niya ai Jacian na animo'y hindi makapaniwala.

Ngumiti si Jacian at bahagyang yumuko. "Actually...naging streamer ako para mabayaran ang utang. Hindi talaga ako ganito pero pinili kong maging troll para makahakot ng viewers. Marami naman akong nakukuhang gifts pero tama lang para sa living expenses." Pagpapatuloy ni Jacian. "Kaya ko naman bayaran, pero kapag brown out kinukulang ako sa budget kaya nagdedeliver ako ng mga parsel para meron akong kita." Saad niya at napabuntong hininga sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit niya kinukwento ito kay Just ngunit hindi niya mapigilan nang makita niyang gustong malaman ni Just. "...captain." Tawag niya at tiningnan si Just. Tiningnan din siya ni Just pabalik. "Nung time na nandun ako sa tulay, nag-away kami ng step-father ko. Sinira niya ang mga gamit ko kasama ang computer, gaming chair, sinira niya lahat ng gamit na ginagamit ko pang-stream. Alam mo, yun lang 'yung inaasahan ko para kumita ng pera. Kapag nawala 'yun hindi ko na alam ang gagawin, sobrang pagod na ako ng ganung buhay at pakiramdam ko wala ng pag-asa kaya...kaya wala akong choice." Nang sabihin iyon ni Jacian, bahagyang humina ang kanyang boses dahil sumakit nanaman ang kanyang lalamunan. Naramdaman niyang uminit ang kanyang ilong pati narin ang kanyang mga mata at alam niyang pangingilidan na siya ng luha. Pinigilan ni Jacian ang kanyang emosyon at kinuha ang bottled water sa mesa.

Tahimik naman si Just habang nakikinig, nang marinig niya ang basag na boses ni Jacian hindi niya mapigilang hindi iunat ang kanyang kamay para hawakan ang likod nito. Dahil sa ginawa ni Just, nangilid ang luha ni Jacian at humarap sa kabilang deriksyon.

"Yung mga sugat mo nun, step-father mo ba ang ang gumawa?" Mahinang tanong ni Just.

Pumatak ang luha ni Jacian sa kanyang kaliwang pisngi at sinagot ang tanong ni Just ng basag na '..mm.' Nanatili siyang nakaharap sa kabilang deriksyon at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang braso.

"...s-sorry...h-hindi ko mapigilan.." Garalgal na sambit ni Jacian.

Nang makita ni Just ang bigat na nararamdam nito, hindi niya na napigilan at hinawakan ang balikat ni Jacian para iharap sa kanya. Sinubnob niya ito sa kanyang dibdib at niyakap habang hinihimas ang likod.

"Ilabas mo lang, hindi naman napipigilan 'yan."

Nang sabihin iyon ni Just, bumugso ang emosyon ni Jacian na ilang taon niyang pinipigilan at mabigat na pinakawalan ang iyak. Tahimik lang umiyak si Jacian dahil kaya niyang umiyak ng walang tunog ngunit hindi niya mapigilan ang bigat ng kanyang paghikbi. Hinawakan ni Just ang kanyang buhok at hinaplos 'yun, nanatili namang nakabaon sa kanyang dibdib ang mukha ni Jacian habang tahimik itong umiiyak.

Hindi mapigilan ni Just ang hindi mapabuntong hininga sa kanyang puso. Bagaman, alam niyang may malaking problema si Jacian dahil siya mismo ang nakasaksi ng senaryo ngunit hindi niya akalin na ganito kabigat, bata pa si Jacian ngunit meron nang responsibilidad ang naghihintay sa kanya. Walang sinong 11 years old ang makaka-survive kapag iniwan ng magulang, not to mention na may babayaran pang 1.2 million, baka kahit sinong taong may edad ang makarinig nun mababaliw kung hindi malakas ang mentality.

Nakaramdam ng manhid si Just. Yumuko siya para tingnan si Jacian ngunit naramdaman niyang hindi na ito gumagalaw. Tinawag niya ito at napagtantong nakatulog na. Alam niyang walang tulog si Jacian buong gabi dahil inutusan ito ni Lan na i-master si Gan&Mo. Ayun kay Lan dalawang oras lang ang extra training ni Jacian para i-master si Gan&Mo ngunit nakita ni Just sa naka-paused na video sa laptop ni Lan na 10 hours ang compilation ng gameplay. Hindi natulog si Jacian at nag-practice lang buong gabi.

Makikita ang maitim niyang eyebags sa kanyang mga mata pati narin ang putla ng kanyang mukha. Bahagya pang tumulo ang luha nito sa gilid ng mga mata kaya pinunasan iyon ni Just. Tulog na ito ngunit tumutulo parin ang luha, ramdam ni Just kung gaano ito kalungkot ngayon.

More Chapters