Ficool

Chapter 1 - THE BEGINNING OF ALL

NAKARAAN

Namuhay nang maayos, masaya, at payapa ang mga demon sa Demon realm. Sinusulit nila ang nalalabing mga araw bago ang Day of Justice.

Sa Day of Justice, saan man sila naroroon sa mundo, nakatakda silang mahulog sa impiyerno.

Sa kabila ng kanilang anyo at kapangyarihan, may pagkakaisa, batas, at paggalang sa isa't isa sa kanilang mundo. Taliwas sa paniniwala ng mga tao, ang mga demon ay magagandang nilalang na namumuhay nang tahimik—kawangis ng mga angel ngunit may mga sungay, at ang kanilang mga pakpak ay nakatago maliban na lamang kung sila ay lilipad. Sila ay minsang ng nagkasala ng mabibigat, ngunit umaasang magbago.

Mayroong walong kaharian sa Demon realm. Ang kauna-unahang kaharian ay ang Mortheval (Kingdom of all sins 1st)

Lila na kastilyo sa gitna ng anino at kaguluhan. Sentro ng pitong kasalanan. Tahanan ng Nexari, pinamumunuan ni Haring Azazel, dating Serapin at tagapangalaga ng propesiya. Ang pinakadakila at pinakarespetadong kaharian sa lahat—isang kahariang pinamumunuan ng isang makapangyarihang royal family—ang bantay ng kapayapaan.

Ang royal family na ito ay binubuo nina King Azazel, Queen Lilith, at ang kanilang nag-iisang anak—Princess Nyxara.

At ang pitong kaharian ang pinamumunuan ng seven sins.

Velhenna (Kingdom of wrath 2nd)

Isang maganda at makapangyarihang kaharian na may mahika at katapangan. Ang mga Velarri ay matitibay ngunit may malasakit. Pinamumunuan ni Satan na puno ng galak at lakas.

Ophirion (kingdom of greed 3rd)

Kaharian ng yaman at karangyaan. Tahanan ng matatalino at kaakit-akit na Aurigari. Si Mammon ang tagapangalaga ng kasaganaan at kayamanan.

Voracia (ingdom of glotony 4th)

Isang kahariang walang hanggang piging. Ang mga Gulmire ay may malalaking bibig at walang katapusang gana sa laman, mahika, at kaluluwa.

Oculis (kingdom of envy 5th)

Misteryosong indigo na kaharian na puno ng kagandahan. Ang mga Serpenari ay perpekto, at si Leviathan ay hinahangaan ngunit lagi paring naiinggit.

Erosia (kingdom of lust 6th)

Isang paraisong puno ng tukso, halimuyak, at makukulay na tanawin. Tahanan ng mga Succari na kayang akitin ang puso't kaluluwa ng kahit sino.

Somnoria (kingdom of sloth 7th)

Isang mala-panaginip na kahariang dapithapon, may lumulutang na mga isla. Tahanan ng Drowsari—mga demonyong laging natutulog at bihirang kumilos maliban kung kinakailangan.

Regalias (Kingdom of pride 8th)

Isang marangyang kahariang mala-Olympus sa ulap. Pinaninirahan ng mga dating anghel na Aetherion. Pinamumunuan ni Lucifer, ang fallen angel na sumunod kay azazel.

Ang mga kahariang ito ay mapayapa at tahimik. Ngunit ang kapayapaan ay hindi panghabangbuhay.

Isang araw, may isang lihim na nalantad mula sa kalangitan. Natuklasan ng mga angel sa Celestial Heaven ang isang sinaunang propesiya: isang princess ang isisilang na may pambihirang kapangyarihang may kakayahang iligtas ang lahat ng demon na nakatakdang hatulan sa Day of Justice. Hindi lamang siya isang tagapagligtas, kundi maaaring maging susi rin sa pagbabagong anyo ng Celestial Heaven at Demon realm.

Sa takot na lumakas ang kasamaan at si Princess Nyxara ay humigit pa sa kanilang kapangyarihan, nagdeklara ng digmaan ang Celestial Heaven. Ang tanging layunin nila: patayin si Princess Nyxara bago pa man magising ang kanyang kapangyarihan.

Habang nagpapatuloy ang madugong digmaan, isang mabigat na pasya ang lihim na ginawa ni King Azazel. Upang mailigtas ang kanyang anak, binura niya ang lahat ng alaala nito at itinago sa mundo ng tao. Doon, muli siyang isinilang bilang isang ordinaryong babae—si Zia.

Lumaki si Zia sa mundo ng tao—masaya, payapa, at simple ang kanyang buhay. Isa siyang matalino at mabait na dalaga. Mahilig siya sa mga halaman, nagmamalasakit sa mga hayop, matapang ngunit ayaw sa alitan. Natatakot siyang magkamali. Isa siyang malambot ang puso, madaling mapakiusapan, mapagmahal ngunit sensitibo at hindi agad nagtitiwala—maliban na lang kung gwapo o mayaman. Madalas siyang tulala, tamad pero may malasakit. Mayroon siyang simpleng pangarap: ang tumulong sa kapwa. Minsan sarcastic makapagsalita pero tahimik pag wala sa mood o nagtatampo.

Ngunit sa likod ng tahimik niyang pamumuhay, may dalawang puwersang palihim na kumikilos.

Hinahanap siya ng mga angel—upang wakasan ang banta ng propesiya.

Hinahanap din siya ng mga demon—upang muling gisingin ang princess, palakasin siya, at iligtas mula sa kapahamakan.

Habang lumilipas ang panahon, unti-unting naramdaman ni Zia na may kulang. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag—parang may bahagi ng kanyang sarili na nawala.

---

KASALUKUYAN

Dumating ang ika-18 kaarawan ni Zia. Ipinagdiwang niya ito kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Isang araw ng kasiyahan—puno ng tawa at pagmamahal.

Ngunit nang gabing iyon, habang siya'y natutulog, isang panaginip ang bumalot sa kanyang isipan.

Isang digmaan. Apoy. Sigawan. Mga anghel laban sa mga nilalang na may mga sungay at pakpak. Ang paligid ay nagliliyab—isang bangungot na tila tunay.

Napatigil si Zia. Naramdaman niyang nanginginig ang kanyang mga kamay. "Ano 'to...? Panaginip ba talaga 'to?"

Gumuho ang mga kaharian. Sa gitna ng kadiliman, may isang tore. Nakatayo siya sa tuktok nito. Sa isang iglap, ang lupa ay naglaho sa ilalim ng kanyang mga paa—at siya'y nahulog.

Mabilis. Malamig. Malalim.

"Anong nangyayari... Bakit parang totoo...?"

Tinangka niyang sumigaw, ngunit walang tinig na lumabas. Ang puso niya'y kumakabog, puno ng takot at pagkalito.

"Bakit hindi ako makasigaw...? Hindi ito normal…"

Ipinikit niya ang kanyang mga mata, pilit iniiwasan ang kinatatakutan. Ngunit bago siya tuluyang mawalan ng malay, may mga bisig na sumalo sa kanya.

Malamig. Mabigat. Ngunit may kakaibang lakas na nagpakalma sa kanyang nanginginig na katawan.

Dahan-dahang iminulat ni Zia ang kanyang mga mata. Sa harapan niya, isang aninong matangkad, may malalaking pakpak, at may aurang hindi niya maipaliwanag.

Nangusap ito—ang tinig ay malalim, banyaga, ngunit malinaw sa kanyang pandinig.

"Nagbalik ka na, Majesty. Matagal ka naming hinintay." Mga huling salitang narinig nya sa nilalang na sumambot sa kanya bago sya mawalan ng malay.

More Chapters