Ficool

Chapter 10 - Chapter 9

Break na namin kaya naglalakad ako ngayon papuntang canteen. YAY for me!! Gutom na gutom na kasi ako. Kaya pagdating ko dun, agad kong tinignan lahat kong ano-ano ang mga products na binebenta nila per stall. Nang maka pili ako, agad akong pumila sa kanila.

Nag-order ako ng spaghetti, 2 slices of pizza, a hamburger, a slice of blueberry cheesecake at yung large nila na buko juice. YUMMY!!! Ini-imagine ko pa lang na nasa harap ko na ang mga inorder ko, natatakam na ako.

After a few minutes of waiting, they gave me the food that I've ordered. Grabe sila dito, hindi uso sa kanila ang self serve. Bibigyan ka lang nila ng number at bahala na sila na i-deliver ang inorder mo na pagkain sa table mo. Samantalang sa Japan, hindi pwede ang ganyan. Talagang bahala ka na maghintay at makipila sa gusto mong pag bilhan. Oh well, after all this is an ELITE SCHOOL. What do you expect? Puro mga prinsesa at prinsipe ang mga nandito.

Nang ma-ideliver lahat ng order ko. Hinanda ko na ang sarili ko. I’m super excited. 

KAINAN NAAAA!!! 

ITADAKIMASU (Let's eat)!!

Sinimulan ko nang kainin ang mga pagkain sa harap ko. Di pa ako nakaka-tatlong subo ng spaghetti ko ng may istorbo. ANAK NG PITONG PUT PITONG TUPA!!!! May mga grupo ng kalalakihan ang lumapit sa table ko. KAINIS AH!!!! I'm eating peacefully here!!

"HOY NERD! UMALIS KA NGA DYAN SA LAMESA NA MIN. HINDI NABABAGAY ANG KATULAD MO DITO. BASURA!!! " Sabi nong mukhang unggoy.

'Patience Rain . PATIENCE! Just be calm okay? Hmm? Calm down. Ayaw mo ng gulo diba? Kaya kalma ka lang' Pagpapa-kalma ko sa sarili ko.

"H-huh? E-eh kasi. . . .nauna na a-ko d-dito eh. Tyaka ang dami pang bakanteng lamesa oh!!" Nauutal na sabi ko sa kanila. Sheyt. Trying hard mga chong. Ang hirap umakting.

"WE DON'T CARE!!!!! Wala kang karapatan na pagsabihan kami kasi hamak na MAHIRAP at NERD ka lang!!! " Sigaw pa din nong isa sa akin.

"P-pero--" ako

*boogghhhsss*

Di ko pa natatapos ang sinasabi ko ng ta-bigin nong isa ang mga pagkain ko at nahulog lahat sila. 

Na patigil ako. 

My breath stopped there for a while.

'Hayaan mo na lang Rain! You will just buy another later. PATIENCE pa. KONTI PA!!! KAYA MO YAN!!!AYAW MO NG GULO' Pag-aalo ko pa sa sarili ko while imaginaningly patting my own self on my back.

Hinayaan ko lang na kumuyom yung kamay ko to slightly vent my anger without anyone noticing. Pero hindi pa rin ako umaalis doon kaya mukhang nainis na talaga ang mga maligno na nasa harap ko. 

Actually hindi naman talaga sila ganun ka pangit. It’s just that, he dressed themselves so UNIQUELY, kaya masakit sila sa mata. 

Nagulat na lang ako ng biglang yung isa sa kanila, hinila ang damit ko sa may bandang leeg na dahilan kung bakit ako napatayo dahil na siguro sa liit kong ito at SINAMPAL AKO!!

PUTANG INA NAMAN ANG MGA GAGONG TO!!

Di ko na kayang magpigil. Papatulan ko na talaga ang mga ito. Ang sakit ng pisngi ko! How dare them. Alam ko na sa ngayon, namumula na iyon. 

Dinura ko sa gilid ang dugo na medyo namuo sa bibig ko kasi nakagat ko ng hindi sinasadya ang dila ko dahil sa sampal na binigay niya sa akin dahil sa pagka-bigla. Not minding the out of character prior from what I am portraying in front of them as I look so fierce and anyone can see my anger writing on my face as my hair covers the side of my face. Sabay punas sa aking bibig gamit ang likod ng aking kanang kamay.

"KUTABARE BAKAYAROU (Fuck you stupid bastard)!!" I spat at the one who slapped me.

I was about to punch that bastard using the hand that I used wiping the blood on my face when someone did it ahead of me. Pagtingin ko kong sino, Nakalimutan ko ang galit ko. LAGOOOTTTT!!!!! Si Kuya Stone.

Tsk.

'Kawawa naman kayo!' Sambit ko sa isipan ko.

Si Kuya Stone na lang ang maghihiganti para sa akin. And with that I slightly step back while I slightly smirk toward these soon to be dead bastardos na ikinatanga ng mga nasabing tao ng napatingin sila sa akin.

Puro nagtataka siguro sila ng bakit sinuntok ng isa sa mga sikat na tao dito ang isa sa kanila. 

****************************************************************************************************

Lunch Break na, kaya ang mga miyembro ng Steel gang ay pumunta na sa canteen. Nang makarating na sila doon, hinanap agad nila kong nandito ba si Rain.

"Yun siya oh!!" Maximus exclaimed excitedly ng makita niya si Rain.

"Tara, lapitan na natin siya." sabi naman ni Stone.

Bago pa sila makalapit kay Rain, may nauna na sa kanila. Sa kilos pa lang nila, masasabi mo nang binubully nila si Rain.

"Shit! Tara lapitan na natin si Rain. Tulungan natin siya!" sambit ni Maximus at akmang pupuntahan ang kinaroroonan ni Rain ng pigilan siya ni Arvin.

"Shhhhh. . .wag! Hintay muna tayo saglit. Siguro naman wala silang gagawin kay Rain. Or else—" Arvin said threateningly.

"P-pero--" Maximus

Nang makita nilang tinabig nila ang pagkain ni Rain, akmang susugod na si Stone pero pinigilan nila ito.

"Bitiwan nga ninyo ako. ANO BA!!" Sigaw ni Stone habang pumipiglas.

Hindi na nila pinigilan si Stone ng makita nilang sinampal nung leader si Rain. Bagkus, sinamahan pa nila ito. Agad na sinuntok ni Stone ang sumampal kay Rain, kaya naman ay hindi niya napansin na susuntukin na pala ni Rain ang sumampal sa kanya. Gaganti na sana ang mga kasama nang sumampal kay Rain ang kaso, naunahan sila nina Maximus.

Wala na silang pakialam kong magtaka man ang mga tao sa canteen kung bakit nila ginagawa ito kasi in the first place, they’re not involved. In the first place, they “should not” be acquainted with Rain. Hindi dapat nila ito kilala.

"Tarantado ka ah, anong karapatan mong sampalin siya!!" Sambit ni Stone na may halong galit habang di tumitigil sa pag-suntok sa mukha ng sumampal kay Rain. Tumigil lang siya ng may humawak sa balikat niya.

"Tama na yan!" Kalmadong sabi ni Sky na siyang humawak sa kanya.

Sa sobrang lamig ng boses niya. Napatigil bigla si Stone at kinilabutan lalo na nang tingnan niya ang mukha nito. Slowly and reluctantly, he let go and moved a little bit further from them.

"S-salamat Sky." Nakangising sabi nong sumampal kay Rain sa pag-aakalang para sa kanya ang pagtigil ni Sky sa mga kasamahan niya. 

Ngunit hindi niya alam. 

Pinigilan lang ni Sky ang kanyang mga miyembro dahil gusto niyang siya mismo ang gaganti sa mga ito.

****************************************************************************************************

Galit na galit ako sa mga ito dahil sa ginawa nila kay Rain. Ano ang karapatan nila na gawin yun? Langaw nga di ko pinapadapo sa kapatid kong ito tapos ang mga ito sasampalin lang si Rain? LINTIK LANG ANG WALANG GANTI. PUTANG INA!!!!

Kaya bago pa makaalis ang mga ito kasi ang akala nila pinigilan ko ang aking mga miyembro kasi gusto ko silang tulungan ay pinag-susuntok at pinag-sisipa ko ang mga ito.

"HOW DARE YOU! Ang lakas ng loob niyong sampalin si Rain eh langaw nga di ko pinapadapo dyan eh. Tapos kayo? SASAMPALIN NIYO LANG!!!! Huh? Papatayin ko kayo! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ko habang sige lang ako sa pagsuntok at pagsipa sa kanila.

The calm and cool Ais Skytler that everyone knows was gone. Pinalitan na siya ng demonyo niyang katauhan na lumalabas lang kong mga mahal niya sa buhay ang nakasalalay which only his members, friends and family knows.

"Sa susunod, di na kayo sisikatan ng araw kapag uulitin niyo pa ito." Sabi ko sa kanila using my coldest voice that I can portray at itinigil ko na ang pananakit ko sa kanila ng medyo nailabas ko na ang galit ko sa kanila at napansin ko na rin na hindi na sila makakilos at makapalag pa dahil sa sakit at panghihina na nararamdaman nila. 

Then, linapitan ko si Rain na inakbayan ni Arvin. Hinila ko lang siya papuntang counter nang walang imik. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin na pawang nakatingin kay Rain na puno ng inggit at pagtataka.

Sumusunod sa akin ang mga miyembro ko. Hinayaan lang namin na pumili si Rain ng kahit anong gusto niyang kainin at binili ang mga yun para na din kahit paano mawala ang inis ni Rain sa mga sumampal sa kanya. Kasi alam ko na nag-titimpi lang ang kapatid kong ito. Which makes me angry even more.

He can do whatever he wants to. He can be so impulsive because after all I’m here to be his backer. I can cover him up kahit ano pa ang gawin niyang problema. I can solve any problems that he’d done. It’s not a problem for me. Wala akong pake kung lumabas man na relationship namin na magkapatid kami. Pero ngayon, nagtitimpi lang siya kahit anopang kahayupan ang gawin ng mga gagong nag aaral sa paaralan na to. 

Pinapanood ko lang siya na pumili ng pagkain niya habang panaka-nakang tumatawa dahil sa panunukso ng mga miyembro ko kay Rain nga every stall yata ay may ipapabili siya, at hindi lang isang produkto mind you, habang unti-unting pinapakalma ang aking sarili.

'This situation will never gonna happen again. I promise.' Sambit ko sa sarili ko.

More Chapters