Nagawa pang mangabilang bahay para lang pumatay." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Sino'ng mag-aakala na may ganitong klaseng halimaw na sobrang lakas ng loob. Mas bagay para sa binatang si Van Grego na tawaging Trespasser Maggot o Shameless Maggot dahil sa hindi papaawat na uod na ito.
Agad na napatalon ng mataas si Van Grego dulot ng hindi niya inaasahang muling pag-atake ng halimaw sa kaniyang pwesto mismo.
"Pesteng halimaw naman ito ho, inatake agad ako." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang sabay batok sa kaniyang sarili. Naalala nga niyang hindi pala nagsasalita ang halimaw na ito. Puro kalokohan ang nasa isip niya kaya iwinaksi niya ang knaiyang mga iniisip
Agad niyang pinabalik sa kaniyang wrist ang kaniyang sariling pagmamay-ari na Book Artifact.
SPPPLLLAAAAAAASSSHHHHHHHHHH!!!!!!
Isang mabilis na pagtalsik ng kulay na itim na laway na siyang asido ang biglang lumipad papunta sa direksyon ng binatang si Van Grego ang naramdaman ng binatang paparating sa kaniya.
"Kung minamalas ka nga naman oh!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang at mabilis na umiwas sa paparating na atake ng Black Bladed Maggot sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas paatras bago pa siya tamaan ng nakakamatay na asido ng nasabing halimaw.
"Kung iiwas lamang ako ng iiwas ay siguradong ako pa rin ang madedehado. Ang atake ng halimaw na ito ay mapaminsala. Ayoko pang matunaw at mamatay dahil sa makamandag na asido nito." Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin niya ang asidong meron ang halimaw. Bilang Grandmaster Alchemist at may kaalaman sa mga uri ng asido ay alam niyang isa ito sa napakamakamandag na asido. Hindi lamang nakakatunaw ng bagay ito kundi nagsisilbi din itong lason sa sinumang tamaan nito.
Sa lagay ng sitwasyon ito ay masyadong nasa downside ang binatang si Van Grego. Ang kontrol sa lupa at makamandag na asido ay isang kalakasan ng halimaw ngunit wala siyang makitang kahinaan ng halimaw.
Agad na nagsagawa si Van Grego ng Water Creation Technique upang subukan ang maaaring kahinaan ng Black Bladed Maggot na ito.
"Water Creation Technique: Blue Luan Spear!"
Agad na nagmaterialize ang isang malaking sibat na kung saan ay kulay asul ito.
"Tikman mo tong pesteng halimaw ka!" Sambit ni Van Grego habang makikitang nagtagis ang ngipin nito.
Whooosh!!!!!!!
Isang mabilis na pag-swing ang ginawa ng binatang si Van Grego habang mabilis din nitong pinabulusok sa direksyon ng Black Bladed Maggot.
BAAAAAANNNNNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa lugar na kinaroroonan ng dmabuhalang uod. Nakakadiri ang anyo ng halimaw para sa binatang si Van Grego. Wala siyang pagpipilian kundi mag-test out ng mga bagay-bagay para malaman niya kung ano ang kahinaan nito.
Nang mawala ang usok ay bumungad sa paningin ng binata ang ganong ayos pa rin ng halimaw na Black Bladed Maggot.
Hindi maipagkakailang labis na nagulat ang binatang si Van Grego sa kaniyang nasaksihan. Tunay na hindi makapaniwala siya sa kaniyang nakikita. Halos sampong porsyento ng kaniyang lakas ang ibinigay niya roon pero wala man lang epekto ito sa halimaw?! Isang palaisipan ito sa binatang si Van Grego kung saan ay nakaramdam siya ng agam-agam. Ang atake niya kasing ito ay kayang paslangin ang isang Martial Ancestor Realm Beast ngunit sa loob ng Tombstone Battlefield habang nilalaban niya ngayon ang halimaw na Black Bladed Maggot ay mistulang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikitang resulta ng kaniyang atake. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Malakas ang Fire at Water Attribute sa lugar na ito kung saan ay walang restrictions na naganap liban na lamang sa mas compact ang space at masyadong misteryoso at marahas ang hangin o airflow dito liban doon ay balot ng misteryo ang buong lugar na ito.
Napuno ng bagabag si Van Grego sa kaniyang sariling kakayahan. Tila isang napakalaking pader ang halimaw na Black Bladed Maggot na kailangan niyang tibagin.
GRRROOOOOOOAAAAARRRRRR!!!!!!
Nagpakawala ng malakas na ingay ang nakakakilabot na bunganga ng halimaw na Black Bladed Maggot kung saan ay mabilis itong nagpakawala ng pambihirang skill nito.
Dito ay mistulang umulan ng hindi mabilang na mga itim na laway nito sa himpapawid lalo na sa lugar na kinaroroonan ng biantang si Van Grego.
"Naloko na, parang may masamang balak ang halimaw na ito ngunit hindi ako dapat sumunod sa blind tactics nito." Sambit ni Van Grego habang ikinakalma ang sarili at iniwasan ang mga umuulan na asido sa kaniyang pwesto.
Nagpalipat-lipat si Van Grego ng pwesto kung saan ay matagumpay niyang naiiwasang madampian ng kahit anong asido na bumabagsak sa kaniya ngunit maya-maya pa ay hindi niya inaasahang matapakan ang isang asido.
Imbes na matunaw ay mistulang dumikit at tumigas ang itim na likido sa inaakala niyang asido.
"Kung minamalas ka nga naman o!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mabilis na nagsagawa ng panibagong Technique.
Agad na nagmaterialize sa kanang kamay ng binata ang isang dambuhalang panangga na gawa sa apoy. Ang mga paparating na atakeng tatama sana sa kaniya ang mabilis na nasangga at natunaw sa apoy. Hindi siya nangangamba sa itim na likidong asidong bagay na binabato sa kaniya ng halimaw na Black Bladed Maggot. Isang Apoy na mula mismo sa Red Fury Dragon ang kaniyang ginamit kung saan ay mabilis na natutunaw ang mga itim na kulay na asido.
Masasabi ng binatang si Van Grego na hindi niya hahayaang matalo lamang siya ng ganitong klaseng halimaw. Ang kailangan niya lamang gawin ay tuklasin at hanapin ang weak points ng halimaw at mapapaslang niya na ito.
Gamit ang Red Fury Dragon Fire ay mabilis na sinunog niya ang nakadikit na asido sa kaniyang suot na boots. Hindi niya aakalaing mayroong espesyal na kakayahan ang asido ng halimaw. Nakadepende din pala ito sa density ng pag-atake nito. Sa dami ng asidong pinaulan sa kaniya ay nagiging pandikit pala ito at mabilis na tumigas ang asidong ito kung saan ay mata-trap ang sinumang makakatapak ng atake nito. Kaya pala hindi nito inatake noon ang Ferrocious Earth Worm dahil hindi magagamit ang ganitong taktika rito ngunit hindi niya dapat ipagwalang-bahala ito sapagkat isang kahinaan niya rin ito. Hindi naman kasi siya isang uod at mahina lamang ang konsepto ng lupa na alam niya na hindi pa nakakatungtong sa threshold ng level 1 na isang setback sa kaniya. Ang maaaring gawin niya lamang ay matutunang maging mahinahon at wag maging padalos-dalos lalo na sa kalaban niyang hindi niya alam kung paano niya ito matatalo.
"Dapat kong mahanap ngayon ang kahinaan ng halimaw na ito. Siguradong bukas o sa makalawa ay susugod na ang mga halimaw rito. Hindi maganda kung tatakbo ako dahil suusndan pa rin ako ng halima na ito!" Sambit ng binatang si Van Grego habang gulong-gulo ang isip nito kung paano niya kakaharapin ang problema niyang ito. Malaking problema kung hahayaan niyang sundan siya ng halimaw na ito sa ibang lugar na pupuntahan niya dahil sigurading ma-aatract nito ang ibang halimaw na malalakas. Siguradong himala nalang talaga ang kaniyang maaasahan kung mabubuhay pa siya sa bagsik ng mga ito.
Agad na nagsagawang muli ng Creation Technique ang binatang si Van Grego habang makikita ang nag-aalab nitong determinasyon sa kaniyang mukha. Hindi niya hahayaang hindi matapos ang araw na ito na hindi niya napapaslang ang halimaw na ito. Wala na siyang pagpipilian pa kundi ang mag all-out na sa labanang ito at paslangin sa anumang pamamaraan ang halimaw na ito. Hindi siya makakaligtas sa lugar na ito na sumusunod ang halimaw na hindi niya alam kung ano ang kahinaan nito.
