Sa pangatlong tunnel hole naman ay masasabing misteryoso ito sapagkat konti lamang ang dumaraan at masyadong tahimik. Naalala niya ang kasabihang "kakambal ng napakatahimik na lugar ang napakadelikado at nakakubling panganib." Kung saan ay mayroon ding tama ito basta parang 10% up to 50% lamang ang survival rate niya rito sapagkat wala siyang mahanap na clue rito habang ang pangalawang tunnel hole naman ay mayroong 30% up to 60% survival rate dito. So ang masasabing konklusyon ng binatang si Van Grego sa sitwasyon ng pamimili sa tatlong tunnel hole ay justifiable o makatarungan lamang sapagkat ang assumptions at intuition ay malaking factor na dapat ikonsidera lalo na sa sitwasyong ito.
Hindi na nag-aksaya pa si Van Grego ng oras at pumunta na sa loob ng unang tunnel hole. Nang malapitan niya ito ng tuluyan ay masasabi niyang malaki ang espasyo ng lugar nito ngunit mas malaki pa rin ang pangalawang tunnel hole. Napakadilim ng lugar kaya naman mabilis na ikinubli ni Van Grego ang kaniyang mga enerhiya sa loob ng kaniyang katawan upang masigurong hindi siya ma-sneak attack ng anumang nilalang sa lugar na ito. Gamit ang kaniyang divine sense at mas matalas na paningin ay masasabi niyang malinaw niyang nakikita ang buong kapaligiran na nilalakaran niya. Wala siyang makitang liwanag sa dulo nito na siyang nagpapahiwatig lamang na hindi pa siya nakakaabot sa dulo at may kahabaan ang nasabing tunnel hole. Ang maaari niyang gawin ay maglakad ng maingat at mabilis upang malampasan niya ang tunnel na ito.
Hindi maipagkakailang namamangha pa rin ang binatang si Van Grego habang nilalakbay at binabagtas ang nasabing tunnel hole sapagkat ang tunnel hole na ito ay masasabi ng binatang si Van Grego na tunay na isang obra at nakakamangha sa lahat ng lanscape holes na nakita niya. Hindi niya alam kung ano o sino ang gumawa nito sapagkat para isa itong napakahaba at malaking anyong lupa na binutas ng kung anumang pambihirang bagay na siysng nagsilbing daanan ng kung sinumang gustong oumasok ritp papunta sa isang panibagong lugar. Nakita rin ni Van Grego na matigas at matibay ang mga lupa sa iba't-ibang direksyon niya lalo na sa itaas o tuktok lamang ng kaniyang ulo.
Sa limang minutong paglalakad ni Van Grego sa loob ng tunnel ay masaya siya sa panibagong paglalakbay na ito at ngayon lamang siyang naka-experience ng ganitong klaseng paglalakbay. Ang tunnel hole na ito ay bibihira lamang kasi kaya medyo naninibago siya.
"Tick! Tack! Tick! Tack! Tick! Tack! ...!"
Ganon na lamang ang pagkabahala ni Van Grego nang mapansin ang kakaibang tunog sa kaniyang unahan kung saan ay daraanan niya pa lamang.
Doon na lamang napansin ng binatang si Van Grego ang kakaibang senaryo na ngayon niya lamang nakita.
Malayo pa lamang ay kitang-kita na ng binatang si Van Grego ang mga nagkikislapang berdeng kulay na lumiliwanag sa dilim. Napakatingkad nito at kaaya-aya sa mata kaya medyo natulala ang binatang si Van Grego sa senaryong ito.
"Wow, Napakaganda naman ng lugar na ito!" Hindi mapigilang maisatinig ito ng binatang si Van Grego na agad na tinakpan ng nasabing binata ang kaniyang bibig ngunit huli na.
Bigla na lamang lumitaw ang nangpupulahang mga hindi mabilang na mga pares na mata sa dilim na mistulang gutom na gutom ang mga ito. Nakatingin at nakaharap ang mga ito ngayon sa direksyong kinaroroonan ng binatang si Van Grego.
"O-oohhh ano ba namang kamalasang ito. Bakit ako nakasagupa ng mga ito huhu... naloko na!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pangamba at pagsisi sa kaniyang padalos-dalos na pananalita.
Alam na ni Van Grego ang nilalang na ito. Ito ang Alluring Night Green Bats. Isa ito sa mga martial beasts na lalong mapang-akit o maakit ang mabibiktima ng mga ito sa pamamagitan ng kanilang naggagandahang mga laway na nakadikit sa mga walls o mga pader. Sa pamamagitan rin nito ay naitatago rin ang kanilang presensya dahil sa kulay berde rin ang kaniyang kulay ng kabuuang anyo ng nasabing paniki. Hindi naman mapaminsala ang kanilang mga atake ngunit kapag nakagat ka ng mga ito sa alinmang bahagi ng iyong katawan lalo na ng mabibiktima nito ay maaaring ma-paparalyze nila ang katawan ng kanilang bibiktimahin kasunod roon ang temperaryong pagkahina ng daloy ng enerhiya mo sa katawan. Tatlong beses ang laki nito sa mga ordinaryong mga paniki ngunit kahit hindi man ito gaanong kalakihan at maliit man ito kumpara sa mga naglalakihang mga martial beasts ay bawing-bawi naman ang mga ito sa larangan ng paramihan o sa quantities. Ang kakayahan ng mga ito ay kayang magpatumba ng mga naglalakihan at naglalakasang mga halimaw na Martial Beasts. Kaya masasabing napakadelikado pa rin ng mga ito sa oras na masagupa mo ang mga ito.
Nakakabahala talaga ang mga Alluring Night Green Bats dahil na rin sa dami nila. Hindi man sila masyadong malalakas ngunit sa dami nila ay siguradong malaki rin ang tsansang mahulog sa bitag ang mabibiktima nito lalo na ang maging personal na pagkain ng mga halimaw na Alluring Night Green Bats. Unti-unting pahihirapan kasi ng nasabing halimaw na Alluring Night Green Bats ang mabibiktima nito lalo na sa panahon ng pagreproduce o pagbubuntis ng mga babaeng Alluring Night Green Bats upang pagkunan ng pagkain at lakas ang mismong katawan ng mabibiktima nito.
Hindi kasi maipagkakailang ang imbak na pagkain nito ang pangunahing layunin ng mga Alluring Night Green Bats na gawin kapag panahon na ng pagrereproduce ng bagong mga lahi ng mga ito. Hindi kasi maaaring mawala o mapuksa ang lahi nila. Gagawin ng mga halimaw na Alluring Night Green Bats ang lahat para maka-sirvive ang mga lahi nila para sa bagong henerasyon nila kahit pa kainin o isakripisyo ang buhay nila para sa bagong henerasyon ng lahi nila.kapag gabi sila umaatake pero kung sa loob ng tunnel na ito ay halos araw-araw silamg nambibiktima ng makita nilang mga nilalang na dumaraan dito.
Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak! Squeak!
Walang awang sinugod ng hindi mabilang na Alluring Night Green Bats ang direksyon mismo na kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Naglilikha pa ito ng hindi mabilang na tunog ng animo'y uhaw na uhaw na halimaw. Nagsusumigaw ang mga hindi mabilang na tunog ng halimaw na Alluring Night Green Bats ng kamatayan.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Van Grego at nagsagawa ng mabilisang skill.
"Air Skill: Blazing Air Shield!"
Mabilis na nabalutan ng kakaibang enerhiya ng hangin ang palibot na bahagi na kinaroroonan ng binata na siyang mabilis ikinatalsik at ikinapinsala ng Alluring Night Green Bats.
Ang naunang grupo ng mga Alluring Night Green Bats ay bagamat napinsala ay siya rin namang pag-iwas ng mga sumunod na mga kalahi nitong mga paniki sa pamamagitan ng paghati ng mga ito dalawang direksyon na pinalilibutan ng pananggang gawa sa makapal na protective layers ng hangin.
"Hindi ko aakalaing napakatalino pala ng Alluring Night Green Bats na ito kahit na ang lakas ng mga ito ay maikukumpara lamang sa Martial Chief Realm Beasts hanggang Lord Realm Beasts ang bawat isa sa mga ito. Nakakalungkot lang isipin na sa dami ng mga ito ay mahihirapan talagang palakasin ang bawat isa sa mga ito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang na puno ng panghihinayang ngunit makikita rin ang paghanga o pagkamangha habang iniisip ito. Likas na isa ang mga uri ng mga halimaw na lahing paniki ang pinakamaraming bilang kung kaya't ang distribution ng mga mabibiktima nila ay naibabahagi sa napakaraming parte kung kaya't hindi maiiwasang halos pantay-pantay ang mga Cultivation levels ng mga ito.
Kitang-kita rin ng binatang si Van Grego ang mga nakakalat na mga buto o labi ng mga nangamatay na halimaw sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay dulot ito ng grupo ng mga Alluring Night Green Bats sa lugar na ito. Talagang nakakamangha ito. Ngunit ang mas nakakamangha at nagpagimbal sa kaniya ay ang sumunod na pangyayari.
Muling sumugod ang napakaraming bilang ng halimaw na Alluring Night Green Bats sa direksyon ni Van Grego kaya pinantiliniya ang kaniyang sariling Air Skill na nakapalibot sa kaniya. Ngunit ganon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang hindi siya ang sinugod kundi ang mga naunang nangamatay sa pagsugod sa binatang si Van Grego kani-kanina lamang.
Dito ay nagulat si Van Grego na ang mga nangamatay na mga Alluring Night Green Bats sa lupa ay mabilis na naging buto na lamang ang natira sa lupa. Simot na simot ang mga laman at enerhiya nito sa katawan nito kani-kanina.
Ngunit ang mas nagpagimbal sa binatang si Van Grego ay ang biglang paglakas ng Cultivation Level ng mga bilang ng mga halimaw na Alluring Night Green Bats sa kasalukuyan.
"Totoo ba ito?! Hindi ko aakalaing napakatalino rin pala ng mga halimaw na Alluring Night Green Bats na ito. Para lumakas ng biglaan ay kakainin nila ang mga bangkay ng mga nangamatay nilang kasamahan upang lumakas pa sila. Isa itong malaking cheating!!!!!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito lubos na aakalaing magiging ganito ang sitwasyon. Tunay ngang hindi dapat balewalain ang napakaraming bilang ng mga Alluring Night Green Bats dahil sa pambihirang katangian ng mga ito lalo na sa mabilisang paglakas ng mga ito. Talagang walang sayang sa halimaw na Alluring Night Green Bats. Kain kung kain, Simot kung simot. Para sa binatang si Van Grego ay isa itong greatest cheat ng quantity level type na mga halimaw lalo na ng uri ng mga paniki.
Walang sinayang ang mga hindi mabilang na lahi ng mga Alluring Night Green Bats at mabilis na sinugod muli ang direksyon ng binatang si Van Grego kung saan ay sinubukan nilang sirain ng sapilitan ang panangga ng nasabing binata na gawa sa kaalaman nito sa konsepto ng hangin ngunit nabigo lamang ang mga ito.
Clang! Clang! Clang! Clang! Clang! Clang! Clang! Clang! Clang! Clang!
Hindi mabilang na mga halimaw na Alluring Night Green Bats ang mabilis na nangamatay at tumalsik ng marahas sa iba't-ibang direksyon kung saan ay walang buhay na lumagapak sa lupa. Halos tatlong beses ang dami ng nangamatay na mga halimaw na Alluring Night Green Bats sa kasalukuyan kaysa noong unang pag-atake na ginawa nito.
Agad namang umiwas ang ibang mga sumunod na mga halimaw na Alluring Night Green Bats upang hindi mapinsala ang mga ito sa mapaminsalang panangga ng binata na gawa sa hangin.
Muli na namang naulit ang proseso ng ginagawa ng halimaw na Alluring Night Green Bats sa mga nangamatay nilang kasamahan. Walang awa nialng kinain ang mga nangamatay na kasamahan nila. Tuluyan na ring nagbreakthrough ang mga Alluring Night Green Bats mula sa Martial Chief Realm Beast to Martial Lord Realm Expert papunta sa Martial General Realm Expert to Martial Emperor Realm Expert.
"Pesteng mga grupo ng halimaw naman ito, talagang ultimate cheating ang ginagawa ng mga ito hmmp! Kapag nagpatuloy ito edi maaaring magbreakthrough pa ang mga ito sa mataas na boundary!" Sambit ng binatang si Van Grego habang medyo may inis at halong pangamba sa boses nito. Ito talaga ang pinakamahirap na nakalaban niya. Mas kumonti nga ang magigjng kalaban niya pero ang lakas ng mga ito ay halos grabe din ang tinaas at pag-improve ng Cultivation Level ng mga ito. Nararamdaman ng binatang si Van Grego na mahihirapan siyang kalabanin ang mga ito.
