Ficool

Chapter 258 - Chapter 87

Dalawang araw na ang nakakalipas ng mahimatay ang binata dahil sa labis nitong pagkasaid ng enerhiya at sa napakarami nitong sugat. Ngunit kapansin-pansin na medyo mas naging maganda ang pangangatawan ni Van Grego at naglalabas ito ng medyo malakas na awra. Labis rin ang pagod na naramdaman ng binata kung kaya't ganon na lamang ang naging katindi ang pagtulog nito.

Sa dalawang araw na ito ay walang senyales ng pagkagising ang binata. Mistula itong natutulog ng mahimbing kung saan ay masasabing comatose ito sa nagdaang mga araw. Wala na rin namang bakas ng sugat na natamo ang binata. Mistulang may nag-iba sa katawan nito na hindi maipaliwanag. Wala na ang bakas ng mga pinsalang natamo niya mula sa Heavenly Dao Tribulation Kung saan ay nakakapagtaka.

Sa mahimbing na pagtulog ni Van Grego ay hindi alintana ang nangyayari sa labas ng mundo maging sa kaniyang maliit na lugar sa kaniyang kaloob-looban na tinatawag na Sea of Consciousness. Ang mga dahon ng kakaibang halaman noon ay napalitan na ang mga ito ng iba't ibang kulay kung saan ay ang mga ito ay mga uri ng mga natutunan niyang elemento kung saan ay napakagandang tingnan. Ang nag-aapoy na dahon ay mistulang nakakabighani ang epekto nito sa sinumang makakakita nito. Napakaganda ng mga ito na siyang kung titingnan mo ang mga ito ay mistulang mga balahibong apoy ng isang nilalang na tinatawag na Phoenix. Nag-aapoy kasi ang mga ito at walang bakas ng pagkamatay o pagkaupos ng apoy. Napakatingkad at napakaganda. Isang branch lamang ito ngunit nakakamangha na ang isang Martial Ancestor Realm Expert na katulad ng binatang si Van Grego ay nagkaroon na ng mga kaalaman sa iba't-ibang mga apoy kasama ang natutunan nitong konsepto ng apoy. Isa ito sa natural niyang Attribute liban na lamang sa hindi niya pa nakikita o nabubuksan ng binata ang kaniyang pambihirang Physique na isang Perfect Wood Attribute Physique na hindi naman ito pinagtutuunan ng pansin ng binatang si Van Grego dahil alam niyang hindi pa ito ang tamang oras para makita niya ito o ma-unlock.

Lumipat naman tayo sa isang branch kung saan naririto naman ang nagagandang iba't ibang uri ng kulay asul kung saan ay nakakamangha ang kulay nito. Kung ang mga dahon ng iba't ibang uri ng apoy ay maihahalintulad sa walang hanggang pagkakaapoy nito katulad ng fires of life, ang mga dahon ng Elemento ng tubig ay maikukumpara naman sa walang hanggang pagdaloy ng buhay. Mistulang waalng katapusang agas ito. Mas payapa ito tingnan kumpara sa apoy na mabagsik ang personalidad o katangian nito. Nakakamangha ang isang dahon na sobrang tingkad kung saan ay ito ang kabuuang kaalaman at konsepto ng binatang si Van Grego patungkol sa isang pambihirang Saint Beast na walang iba kundi ang Blue Luan.

"Ang isang branches naman ay mistulang puno lamang ito ng parang buradong dahon na walang iba kundi ang konsepto ng hangin. Pare-pareho lamang ang mga kulay nito at walang pinagkaiba liban na lamang sa dalawang dahon nito. Napasakit lang isipin ito sapagkat hindi ito maihahalintulad sa lakas ng kaniyang konsepto ng apoy at tubig.

Makikitang ang dalawang dahon na ito ay ganoon pa rin ang kulay ngunit medyo kulay abo ang isa at ang isa ay medyo maitim na dahon. Ang mga ito ay Black Falcon Beast at ang huling malakas na halimaw na nakuha niya ang kakayahan nito na walang iba kundi ang Fiery Hawk Beast. Walang espesyal sa mga ito liban na lamang sa pambihirang Movement Technique ng mga ito na siyang pinakagusto ng binatang si Van Grego. Lubos na namamangha siya rito sapagkat sino ba naman ang hindi gugustuhing magkaroon ng mga pambihirang mga movement Technique sa mga ito. Hindi man malalakas ang mga ito ngunit sa larangan ng bilis at liksi ay nangunguna ang mga Martial Beasts na mga ito. Ang napakalalang encounter niya sa mga ito na hindi niya makakalimutan ay ang pakikipaglaban niya sa halimaw na Black Falcon. Halos buwis buhay rin ang pakikipaglaban niya rito para napaslang ang nasabing halimaw. Liban sa mga movement Technique ng mga ito ay wala na siyang panggagamitan ng mga ito. Nakakapanghinayang lang sapagkat hindi niya natutunan ang buo at malalim na konsepto ng halimaw bago ito malagutan ng hininga.

Sa isang sanga naman ng misteryosong halaman ang fragmented leaves kung saan ay mga walang laman. Hindi alam ng binata kung anong klaseng halimaw o bagay ba ang maaaring makapagbigay sa kaniya ng malakas na attainments patungkol sa konsepto ng Space. Isang palaisipan pa rin kung paano niya mapapalakas ang kaniyang kapangyarihan patungkol dito. Isa pa ay napakamisteryoso ng mga impormasyong may kinalaman sa Space kagaya ng mga Space Channels, Space Holes, Space Dimension at ang mga misteryosong Space Nova at mga blackholes na siyang pinakakinatatakutan ng lahat ng mga nilalang sa alinmang mga mundo.

Ngunit ngayon ay kapansin-pansin na mayroong pagbabagong nagaganap sa isang sanga nito. Isang dahon rito ay mayroong ripples ng mga kakaibang enerhiya maikukumpara sa mga kulay pilak o puting liwanag na naglalakas ng electric charges. Ang dahon ay nagmistulang nagkakaroon ng panibagong kulay na pilak. Napakagandang tingnan sapagkat nagkakaroon ng sparks ang mga enerhiyang nagmimistulang nagbabanggaan. Napaka-bizzare ng pangyayaring ito ngunit walang kaalam-alam ang binata sa panibagong bagay na ito. Tiyak na magugulat ito kung sakaling malaman nito ang kakaibang occurence sa loob mismo ng kaniyang Sea of Consciousness.

...

Sa Isang lugar na siyang matatagpuan sa loob ng lupaing sakop ng Tombstone Battlefield ay mayroong isang napakalaking tribong naninirahan na malayo sa pinamamahayan ng mga Martial Beasts ay nabulabog dahil sa pagkakaroon ng kakaiba ngunit bizarre na pangyayari sa loob ng napakasukal na kagubatan na matatagpuan sa pinakamalapit na looban o puso ng kagubatan. Masyadong naalarma ang mga ito sa sudden occurrence na iyon na masasabi nilang bibihira lamang mangyari.

Ang nasabing tribo ay mayroong malawak na teritoryo sa lugar na ito at mayroong napakataas na harang na halos yumakap na sa kaulapan kapag tiningnan mo sa malapitan. Nakakamangha ang pagkakabuo ng harang na ito na isa sa maituturing na pinakamatandang bagay sa lugar na ito.

Mayroong nakaupo sa malaking trono habang mayroong dalawang tao sa tabi nito. Ang lalaking ito ay nagkakaedad na ng limampong taon base na rin sa bone structure nito. Ngunit ang nasa gilid nito sa magkabilaan ay nagkakaedad na ng isangdaan at anim na pong taong gulang ang mga ito.

Ngunit kapansin-pansin rin ang sampong kataong balot na balot ang katawan nila ng kulay berdeng kasuotan na halos magkasing kulay lamang ng luntiang kapaligiran.

More Chapters