Ficool

Chapter 253 - Chapter 82

Nakakabahala ang ganitong pangyayari ngunit para sa binatang si Van Grego ay isa na naman itong malaking pagsubok sa kaniya. Isa pa ay ito ang tanging naiisip niyang paraan upang magpalakas pa lalo. Kung malakas lamang ang level ng Cultivation niya sa Body Transformation System ay siguradong makakaya niyang makipagsabayan at makipaglaban sa alinmang mga kalebel niya at kaedaran niya. Ngunit ano pa lamang ba ang lebel na nakakamit ni Van Grego sa Body Transformation System?! Maituturing lamang siyang may Diamond Vajra Body ngunit isa lamang siyang Diamond Rank kung tutuusin sa Body Transformation System. Sa oras na ito ay higit na mas malakas ang pisikal na atake ng mga halimaw na naririto at naibabalewala nila ang Cultivation Level ng mga malalakas na nilalang sa kanila na ang focus ay sa Essence Transformation System (Martial Knight Realm Expert pataas) na siyang masasabi niyang isang downside ng mga Cultivators na pumupunta rito o aksidenteng napunta rito kagaya niya. Karamihan sa mababang lebel ng Cultivation Levels ay napakaliit ang tsansa nilang mabuhay sa mundong ito. Maging ang pagpractice o pag-ensayo ng concept of Thunder ay nangangailangan ng napakatigas na katawan o ang katawan na kayang mag-withstand ng bayolenteng elemento ng kidlat na maituturing na isang outside forces. Ang tanging maging matagumpay na martial artist o nilalang ay ang mayroong Thuder Attribute Physique o alinmang kakayahang makakayang may kinalaman sa elemento ng Kidlat. Ang mga sumubok na pag-aralan ang misteryosong elemento ng kidlat lalo na ang konsepto ng kidlat mismo ay nangabigo lamang at naging crippled o ang malala ay nangamatay. Kaya nga ingat na ingat ang binatang si Van Grego sa elementong ito maging sa elemento ng darkness o dark elements.

Nagulat na lamang si Van Grego at napabalik sa reyalidad ng may naramdaman siyang panganib sa atake ng kidlat.

BANGGGG!!!!

*crack... crack... cracck... Crraacckkkk...!*

Nanlalaki ang mata ni Van Grego nang mapansin ang unti-unting paglitaw ng mga crack. Halos lampas anim na minuto pa lamang ang pag-atake ng Heavenly Dao Tribulation upang subukang puksain ang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill gamit ang mga bayolenteng mga kidlat na ipanadala nito sa kalupaan ngunit ang pambihirang Ancient Talisman na tinatawag na Ancient Thunder Absorbing Shield ay mistulang masisira ata sa loob ng anim na minuto lamang.

"Hindi ko aakalaing napakalakas ng Heavenly Dao Tribulation nito. Dahil sa dalawang pambihirang Ancient Pill ang nadetect nito at hindi lamang basta-basta palalampasin ng kalangitan ang ganitong senaryo." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang hindi nito mapigilang makaramdam ng inis sa kaniyang sarili. Ngunit ano ang magagawa niya dahil isa lamang siyang mahinang nilalang sa kasalukuyan. Pasalamat siya ay lumayo o nagtago ang mga Martial Beasts sa kaniyang pwesto. Kahit sinong nilalang lalo na ng anumang uri ng mga Martial Beasts o ng mga Martial Artists ay hindi gugustuhing mapalapit o madamay sa galit ng Heavenly Dao Tribulation dahil baka sila pa ang pagtuunan ng pansin at galit na siyang isang bad move para sa sinuman. Isa itong kabobohan o kamangmangan dahil sino ba ang gugustuhing harapin ang galit ng galit ng nilalang habang galit ka rin. Natural lamang na mas malala ang sitwasyon niyo pero mayroong katangian ang kalangitan kapag nag-trigger ito sa pakikialam ng sinuman dahil lalakas pa ito. Mistulang may mata itong tumitingin sa iyo at walang alinlangan ka nitong papaslangin. Depende sa nialalng kung gusto niya talagang magpakamatay o gusto lang inisin ang kalangitan ngunit siguradong magsisisi ang pakialamerong ito sapagkat hindi siya titigilan nito upang puksain.

"pissz... pissz... pissz...!"

Agad na lumitaw ginamit ni Van Grego ang kaniyang natitirang enerhiya sa katawan. Wala na siyang pagpipilian kundi ang gawin ang huling alam niya at iyon ay ang tulungang irepair ang Ancient Thunder Absorbing Shield sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman sa pagrepair ng mga damages nito. Sa pamamagitan nito ay hindi mawawasak ng tuluyan ang nasabing panangga at hindi mapuksa ang kaniyang sariling gawang Ancient Martial Pill na Olfactory Pill o Wolf Pill. Sa oras na ito ay walang pagpipilian si Van Grego kundi gawin ang mga bagay na alam niyang huling resort niya para makaligtas sa lugar na ito.

"Kahit sa huling hininga ko ay pipilitin ko pa ring lumaban. Ano naman kung isa lamang akong hamak na mababang nilalang sa ngayon atleast lumaban ako para mabuhay." Sambit ni Van Grego while he gritted his teeth. He feel so helpless after this never ending that is happening in his life here inside the Tombstone Battlefield. He feel like kind of determine yet he think himself like a life of a tiny where everyone think his so fragile that could bitten and squeeze easily.

Agad na dumaloy at lumabas sa katawan ng binatang si Van Grego ang napakasaganang enerhiya gamit ang kaniyang dalawang kamay na itinaas pa nito. Ang pinagsama-samang enerhiya sa kaniyang katawan ay mistulang napakatingkad at purong enerhiya ang mga ito habang lumalabas sa dalawang kamay nito. Nakita ni Van Grego ang kaniyang sariling inaayos ang mga pinsala natamo ng Ancient Thunder Absorbing Shield.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!

Hindi mabilang na paghagupit ng bolta-boltaheng kuryente sa direksyon ni Van Grego na siyang sinasalo ng panangga ngunit hindi rin maiiwasang maapektuhan at mapinsala mismo ang katawan ng binatang si Van Grego. Iisipin mo lamang na sa bawat limang beses na pagtama ng kidlat ay isa o dalawang boltahe ng kuryente ang dadaplis at dadaloy sa enerhiya na inilalabas ng nasabing binata habang dadaloy ang boltaheng nag-cocompose ng violent energy ng elemento ng kidlat.

Napapaigik na lamang si Van Grego ng tahimik habang tinitiis ang pasakit ng bayolenteng elemento na isang foreign energy na pumapasok direkta sa kaniyang katawan. Sa bawat pagtama ng kidlat sa kaniyang katawan ay mistulang napupuksa nito ang ibang mga enerhiyang meron siya. Daplis lang kung tutuusin ang nakukuhan iya dulot ng mga cracks at halos nasasangga ito ng Ancient Talisman na pangga ngunit napakasakit pa rin ng bayolenteng elemento ng kidlat kapag dumaloy ito sa kaniyang katawan.

Pagkalipas ng dalawang minuto...

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!

Mas dumoble ang bilis at lakas ng mga atake ng Heavenly Dao Tribulation sa anyo ng kidlat. Mistulang dumoble rin ang sakit at pasakit na pinapasan ng binatang si Van Grego. Kung kanina ay napapaigik siya ngayon naman ay parang wala na siyang lakas upang magsalita pa. Ang kasalukuyan niya itsura ngayon ay halos hindi na makikilala pa. Butas-butas na ang iba't-ibang parte ng roba nito. Naliligo na rin ito sa sariling dugo nito dahil sa mistulang mga pagkatulap ng mga balad nito at mga sariwang sugat nito na hindi rin tumitigil sa pagdugo. Ang mahabang kulay puting buhok nito ay nagbubuhaghag na at tila nakaalsa pa ang mga hibla-hibla nitong mga buhok. Kahit ang pagtikab lamang ng bibig nito ay hindi na nito magawang maibuka pa.

"Malapit na, konting tiis nalang..." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang matinding hirap at sakit na nararamdaman nito. Ngunit patuloy lamang siya sa pagsasaayos ng nasirang bahagi ng Ancient Thunder Absorbing Shield. Sa bawat pinsala at pag-crack ay siya namang pag-ayos ni Van Grego rito. Mistulang nakakaawa ang kalagayan nito. Kung sino man ang makikita sa kalagayan nito ay mistulang aakalaing mamatay na ang binatang ito.

"Scanning... Analyzing.... Preparing results... Completed... Based on your current condition you are mostly running out of energies in your body. You are mostly exhausted yourself from your training. You can rest now." Sambit ng Book Artifact mataposnitong i-scan ang kondisyon ng binata.

Nagulat naman ang binatang si Van Grego sa sinabing ito ng Book Artifact.

"Ano'ng pinagsasabi nitong training. Mukha bang training ang Heavenly Dao Tribulation na ito?! Kailangan kong magpahinga?! Gustuhin ko man ay alam kong hindi ko na iyon magagawa pa." Malungkot na saad ng binatang si Van Grego habang nakatuon pa rin ang atensyon nito sa pag-ayos ng mga pinsala ng Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield. Napatawa lamang siya ng pagak sa kaniyang isipan lamang habang iniisip ang sinasabi ng Book Artifact. Gustuhin niya mang magsalita kahit ilang salita lamang ngunit mistulang naparalisa na ang katawan nito at alam niyang nagtamo siya ng iba't ibang pinsala sa kaniyang katawan.

Maya-maya pa ay bigla na lamang tumigil ang paghagupit ng mapaminsalang kidlat.

"Hayst, mabuti naman at tumigil na ang pagkidlat." Sambit ni Van Grego habang makikita ang pagkalma nito.

Ngunit nagulat na lamang ang binatang si Van Grego nang isang dambuhalang boltahe ng kidlat ang biglang tumama sa Ancient Thunder Absorbing Shield.

BANGGGGGGGGGGGG!!!!!!!

"AHHHHHHHH!!!!!!!"

Kasabay nito ang pamimilipit sa sakit ng binatang si Van Grego habang hindi nito mapigilang sumigaw ng malakas lalo pa't dumaloy ang napakalakas na kuryente sa kaniyang dalawang kamay kung saan ay mistulang sagad sa buto ang bayolenteng elemento ng kidlat na ito. Hindi man lang niya inaasahang tatama ito habang hindi siya nakapukos. Talagang na off-guard siya doon.

"Buwiset, hindi ko alam kung kailan ito matatapos o kung makakaya ko pang makaligtas sa huli. Wala akong pagpipilian kundi tanggapin ang mga atake nito pwwwaaahhhh!." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang napasuka pa siya ng sariwa at malapot na dugo sa huli.

Agad na inayos ni Van Grego ang kaniyang sarili at inihanda ang kaniyang sarili sa hindi inaasahang pangyayari. Medyo nakaramdam na din siya ng panghihilo at sobrang kapaguran ngunit alam niyang kapag hindi man lang siya gagawa ng paraan ay siguradong mapapaaga ang pagkakapaslang sa kaniya. Gamit ang kaniyang divine sense ni Van Grego ay nakita nito na walang pinsalang natamo ang kaniyang sariling gawang Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill. Nakalutang lamang ito sa ere at walang sign ng pagkakaroon ng consciousness. Alam niyang magkakaroon ito sapagkat 97% road to Perfection ito kung kayat hindi maipagkakailang malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng sariling consciousness. Sa oras na iyon ay baka tumakas ito.

Agad na iwinala ni Van Grego ang mga bagay na ito at ibinigay ang kaniyang buong atensyon sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap niya.

BAAAANNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!

Isang malakas na pagtama ng kidlat muli ang biglang tumama sa panangga ni Van Grego ngunit agad inaasahan niya naman ito kung kaya't naihanda niya ang kaniyang sarili. Magkagayon man ay nakaramdam pa rin ang binatang si Van Grego ng ibang sakit. Mas masakit ang pagtama ng kidlat at napakalakas nito. Hindi man itong direktang tumatama sa kaniya ay alam niyang 20% lamang ito ng kabuuang lakas ng mapaminsalang Kidlat na ipinadala ng kalangitan.

More Chapters