Ficool

Chapter 201 - Chapter 31

Mabilis na lumipas ang oras at nag-uumaga na kung saan makikita ang napakagandang papasikat na araw sa silanganang bahagi. Nasa loob pa rin ng sinasakyan ng malaking barko sina Kai, Jinron, ang anim na mga kawal at ang hindi pa nagigising na si Van Grego na animo'y mahimbing lamang itong natutulog ngunit kapag titingnang maigi ay mas lumalala ng lumalala ang kondisyon nito at ang temperatura nito ay tumataas na siyang nakakaalarma para sa lahat.

Hindi lamang si Van Grego ang mukhang maysakit kundi ang isang lalaking mayroong malalaking pasa sa mukha nito.

"Ano ba naman kayo... Paano na ko haharap sa syota ko nito huhu?!" Sambit ni Jon na mahihimigan ng pagmamaktol at pagkahiya.

Natahimik naman ang siyam na kawal na siyang nagsisilbing kasa-kasama nito.

Yumukot naman bigla ang mukha ni Leah at makikita ang kakaibang ngisi nito.

"Sabihin mo na lamang na pinagtripan ka ng mga tusong matsing na mahilig mambugbog. Sigurado namang maniniwala yang syota mo." Sambit naman ni Leah habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito. Pinandilatan niya ng mata si Jon.

Napatalon naman bigla si Jon dahil sino ba naman ang maniniwala na binugbog siya ng dalawang babaeng kapwa-kawal niya na kasa-kasama sa paglalakbay na ito upang hanapin ang suwail na si Jinron.

"Tingin mo ba maniniwala ang syota ko sa sasabihin kong yun. At kung sasabihin ko yun ay sigurado naman akong nakakahiya iyon!" Sambit ni Jon habang makikita ang hindi nito maipintang pagmumukha.

Crkkk! Crrk! Crrkk...!"

Tunog ng paglagutok ng mga buto ng kamao nina Ria at Leah habang nakatingin ang mga ito kay Jon.

"Sasabihin mo iyon o kami mismo ang magsasabi sa syota mo na kami ang bumugbog sa'yo?! O baka pwede rin naming bugbugin yung hilaw at maarte mong syota?! Hehehe...!" Sambit naman ni Ria habang makikita ang saya sa pagmumukha nito habang nag-iisip ng magandang gagawin.

Tiningnan naman ni Jon ang anim pa niyang kasamahan na tumulong din sa pagbugbog sa kaniya ngunit hindi naman gaano kabrutal katulad ng ginawa nang dalawang babaeng mga amasona na ito.

Ngunit halos mangiyak-ngiyak siya dahil nagpipigil lamang ang mga ito sa kakatawa.

"O-oo na nga ... Ako ng bahala huhu...!" Sambit ni Jon at mabilis na pumasok sa kanilang silid.

"Mabuti at marunong kang alamin ang lugar mo ungas!" Pahabol na sigaw ni Leah rito.

"BOOGSSSSHH!"

Isang malakas na pagsara ng pintuan ang kanilang narinig.

"Hahahahaha... Kung di ba naman ungas iyon edi sana naka-beauty sleep pa ako hmmp?" Sambit ni Leah habang animo'y nagsusuplada ito.

"Kaya nga eh... Sarap din matulog paminsan-minsan noh." Sambit ni Ria habang makikita ang ngiti sa mukha nito. Siya lang naman kasi ang nangbugbog sarado kay Jon pero aangal pa ba ang lalaking yun? Kapag umaangal ito ay dinadagdagan ni Ria ang mga pasa nito na siya namang ikinadagdag ng pasa ng kaawa-awang si Jon.

"Hahahahahahahaha!!!!"

Tumawa na rin ang iba pang mga kawal na siyang animo'y natatawa sila sa mga nangyari.

Ngunit nawala ang tawa at ngiti nila sa mga labi nang may nagsalita ilang metro lamang ang layo nila rito.

"Ang saya naman... Kung hindi lang ako nakagapos ngayon ay gusto ko kayong paslangin isa-isa maging ang mga kamag-anak niyo at inyong pamilya. Nakakatuwang isipin kung paano kayo magmamakaawa at kitilan ng buhay ng aking sariling kamay hahahahaha!!!" Malademonyong sambit ni Jinron habang makikita ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa labi nito kahit natatabunan ito ng itim na tela.

Biglang naglaho si Jason at Ria ngunit mabilis silang lumitaw sa harap ni Jinron habang nakangiti pa ito.

"BOOGSHHHH!"

Mabilis na tumalsik sa malayo sina Jason at Ria matapos silang makaramdam ng kakaibang enerhiya mula sa pamilyar na tao.

"Ria!"

"Jason!"

Sambit ng walong kawal habang hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Namimilog ang mata nang makita ang kanilang Boss na si Kai sa kanilang harapan.

"Anong ginagawa niyong dalawa?! Balak niyo bang paslangin si Jinron?! Gusto niyo bang mahatulan ng mabigat na parusa!" Galit na galit na pagkakasabi ni Kai habang makikita ang sobrang galit nito sa sampong kawal na naging alalay niya sa paghahanap sa suwail na anak na si Jinron.

"Hmmp! Bakit mo siya kinakampihan boss ha?! Grabeng pagbabanta ang ginawa niya. Paano na ang pamilya namin ha?!" Sambit ni Jason. Isa siyang pamilyadong tao at hindi niya maaatim ang pagsasabi ng iba na kitlan ng buhay ang kaniyang mahal sa buhay ay napakasakit isipin.

"Oo nga, tama ang sinabi ni Jason. Hindi mo ba alam boss na mamamatay-tao iyan. Marami ng pinatay ang taong iyan. Tingin mo ay kmnay karapatan pa iyang mabuhay ha?!" Sambit ni Ria habang makikita ang sibrang hinanakit nito. Pakiramdam niya ay pinoprotektahan nito ang kriminal.

"Pwedeng manahimik kayo ha! Ano'ng ikinakabahala niyo ha?! Nasa proteksyon kayo ng White Raven Tribe at tingin niyo ay

pababayaan kayo ng tribo?! Isa pa ay isa lamang itong bata at masyadong mataas ang antas niyo ng dalawang beses kumpara sa suwail na si Jinron. Tingin niyo ay makakaya niya ang sabay niyong atake ha?!" Panenermon ni Kai sa sampong kawal lalo na sa dalawang kawal na umatake na sina Ria at Jason.

Napayuko naman ang lahat ng kawal dahil sa kanilang pagkakamali ngunit andun pa rin ang inis nila kay Jinron. Dito lang kasi nawala sa isip nila ang kanilang tungkulin. Hindi nila aakalain na magiging ganito katuso ang anak ng opisyales na nagpahanap rito.

"Pasensya na po Boss, bigla naming pinairal ang aming galit. Muntik pa kaming makagawa ng ikasasama namin." Sambit ni Ria habang napaluha na lamang ito. Hindi nila aakalaing ililigtas sila ng kanilang boss sa muntik nilang magawang mabigat na kasalanan. Hindi siya makapaniwala na ilagay niya sa sarili niyang kamay ang batas.

"Humihingi rin ako ng pasensya sa inyo lalo na iyo Boss Kai. Hindi ko aakalaing sukdulan na ang kasamaan ng binatang iyan. Hindi ko alam kung ano ang kakahantungan ng pamilya ko kung sakaling nakagawa ako ng karumal-dumal na krimen. Salamat po ng marami Boss!" Maluha-luha ring sambit ni Jason. Talagang makikita rito na lubos niyang pinagsisihan ang kaniyang padalos-dalos na desisyon na ito.

"Hmmp! Ang dadrama niyo. Kung hindi nalang kayo sumama sa mga payasong nagdadrama sa kalye ng mapakinabangan niyo naman yang acting skills niyo. Napaka-OA masyado. At ikaw naman Kai na feeling hero ay sana'y hindi ka nakialam para naman makita ko kung paano malugmok sa putikan ang mga alalay mong mga pesteng kawal na to habang hinahatulan sila ng kamatayan hahahaha!!!!!"malademonyong sambit ni Jinron habang nakangisi pa ito na animo'y natutuwa sa kaniyang nakikita. Para sa kaniya ay ang OA masyado ng dramahang nangyayari.

Biglang nagsagawa si Kai ng isang auxiliary skill.

"Auxiliary Skill: Sound Bouncing Force Bubble!"

Maya-maya ay mayroong namuong isang napakakapal na Barrier na siyang pumalibot sa kanila ni Jinron habang ang nasa labas ay nawalan ng koneksyon o komunikasyon kay Jinron at Kai.

"Pakkkkk!!!!"

Isang malutong na sampal ng mabigat na kamay ni Kai ang binigay nito sa pisngi ng ngumingising si Jinron.

More Chapters